Kabanata 51

"Aray..." Hinawakan ko ang ulo kong kumikirot. Hinila ko ang kumot na nasa bandang taas ng dibdib ko. "Ang lamig naman." Doon ko lang napansin na hubo't hubad ako. Tiningnan ko pa ang aking hubad na katawan bago tingnan ang kwarto kung nasaan ako.
Hindi ito ang kwarto namin ni Mikee!
Natigilan ako ng makarinig ako nang ingay mula sa c.r. may tao doon.
Agad akong bumangon at kinuha ang mga damit kong nasa may bandang ibaba ng kama. "Huwag muna sana siyang lumabas... Kung sino man siya..." Dali-dali akong nagbihis.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Dumagdag pa ang pagkirot ng ulo ko.
Hanggang sa natapos akong magbihis ay walang lumalabas sa c.r. Halos takbuhin ko na ang pintuan ng kwarto para makalabas.
Nasa may sofa ang sandals ko. Agad ko iyong dinampot at hindi na nag-abalang isuot pa. Nakayapak akong lumabas sa hindi ko alam kung kaninong kwarto ba iyon.
Kahit kumikirot ang ulo ko ay nagmamadali pa rin akong pumunta sa kwrto namin ni Mikee. Agad kong kinuha ang susi sa short ko at nagmamadaling pumasok nang nabuksan ko.
Tulog na tulog pa rin si Mikee ng maabutan ko siya sa kwarto.
Pumunta ako sa c.r. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha naman akong okay pero may nararamdaman ako na konting sakit sa pagkababae ko.
May naka-one-nightstand ako!
Pilit kong inalala kung sino pero wala akong maalala.  Nasobrahan at ako sa alak. Gusto kong sumigaw at isumpa ang letseng alak na iyon.
Paano kung makasalubong ko ang lalakeng iyon at maalala niya ang ginawa namin kagabi?
Nakakahiya!
Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto. Dinalhan na lang ako ni Mikee ng pagkain.
Niyaya niya akong pumunta ulit sa bar. Pero tumanggi ako sinabi ko na masama ang pakiramdam ko.
Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga. Maghapon na akong ganito at pinipilit kong alalahanin ang nangyari kagabi.
Lalakeng humahalik lang sa akin ang naaalala ko. Pero iyong mukha ay hindi ko matandaan.
Dumagdag pa ang cellphone ko. Hindi ko alam kung nasaan. Nahulog ata kagabi kung saan. Kailangan ko tuloy bumili ng bago pag-uwi namin.
"Lara, hinahanap ka ni Brylle kanina." Iyon agad ang sinabi ni Mikee pag-kapasok niya sa kwarto namin. "Sinabi ko na may hangover ka." Naupo siya sa gilid ng kama.
Bumangon ako mula sa kama at naupo. "Anong oras na ba?"
Tiningnan niya ang cellphone niya. "Lagpas 5:00 pm na. Sumama ka na lang sa restaurant ni Maddie mamaya. 'Di pa ako naghahapunan. Sabay na tayo."
"Sige." Gusto kong itanong sa kanya kung kilala ba niya ang lalakeng kasama ko kagabi. Pero hindi ko na itinuloy. Kung alam niyang may kasama akong lalake kagabi, tiyak na itatanong niya sa akin kung sino iyon.
"Sakit pa rin ng ulo ko." Nahiga siya sa kama. "'Di mo pa rin nakikita ang cellphone mo?" Tanong niya sa akin na hindi tumitingin. Sa cellphone niya siya nakatutok.
"Hindi. Bibili na lang ako ng bago pag-uwi natin." Sagot ko.
"Sa'n kaya 'yon nahulog. Sabi ni Aldritz inilagay mo daw 'yon sa bulsa mo, bago ka pumunta ng restroom kagabi."
"'Di ko na matandaan. Grabe ang tama sa akin ng alak, wala akong maalala kagabi."
"Langya, ako rin. Buti pa si Ayeen, 'di man lang ata nalasing 'yon."
"Di na ulit ako iinom!" Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama.
"Nagyayaya si Ayeen ulit. Inom ulit daw tayo mamaya, tara!"
"Ayoko nang mag-inom! Kayo na lang!"
Tinawanan ako ni Mikee. "Ano ka ba?! Konti na Lang inumin mo."
"Ayoko na ng alak!"
Kasabay naming kumain ni Mikee sila Brylle, Kian at Aldritz, dito sa restaurant ni Mikee.
"Tama na, madami na." Pigil ko kay Brylle ng lalagyan niya pa ng inihaw na isda ang pinggan ko.
"Konti pa nga 'yan, e." Sa pinggan na lang ni Aldritz inilagay ni Brylle ang inihaw na isda.
"Thanks, 'tol. Mahal mo talaga ako." Sabi ni Aldritz.
Ang lakas din kumain ni Aldritz. Naka-ilang pinggan na siya ng pagkain, pero hindi at nabubusog.
"O, 'tol kain na!" Sabi ni Kian. Sa may likuran ko siya nakatingin kaya hindi ko alam kung sino iyon.
Mula sa likuran ko ay may nagpatong ng cellphone sa lamesa, malapit sa pinggan ko. Ang cellphone ko!
Napainom ako ng tubing ng wala sa oras. Nilingon ko kung sino ang nagpatong ng cellphone sa lamesa.
Si Ben! Hindi siya tumingin sa akin at naupo sa tabi ni Kian.
"Ay, buti naman 'di na bibili si Lara." Sabi ni Mikee. "Sa'n mo nakuha 'yong cellphone ni Lara, Ben?"
"Naiwan niya." Sagot ni Ben.
Naiwan ko?
Sa sinabi ni Ben ay may naalala ako tungkol kagabi. Tumingin ako sa kanya. Naka-tingin din siya sa akin.
Siya ang lalakeng kasama ko kagabi! Parang gusto kong matunaw sa hiya nang maalala kong hinalikan ko siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad tumayo.
"Di ka pa tapos kumain." Sabi ni Brylle sa akin.
"A-ayoko na. Mauna na ako." Hindi ko na siya hinintay magsalita at umalis na ako. Lumabas ako ng restaurant at mabilis na naglakad papuntang hotel na malapit lang sa restaurant ni Maddie.
Halos tumakbo na ako sa pagmamadali. Sa elevator agad ako pumunta. Muntik ko pang makabangga ang babaeng palabas doon, si Iris. Mukhang galit siya, nakasimagot ang mukhang nakatingin sa akin.
Tumabi ako daan at hinintay siyang makalampas sa akin bago ako pumasok sa elevator. Pinindot ko ang pang 4th floor.
Nahagip ng mga mata ko si Ben habang papasara ang pinto ng elevator. Nakatingin siya sa akin habang hawak siya ni Iris sa braso.
Iniwas ko ang tingin ko at sumandal nang sumara ang elevator. Pumikit ako ng mariin.
Ang tanga-tanga ko talaga! Si Ben pa talaga 'yong lalake kagabi! Shit! Shit! Shit!
Nagmulat lang ako ng mata nang tumigil ang elevator. Nagmamadali ako lumabas doon at nagpunta sa kwarto namin ni Mikee.
Binuksan ko agad ang cellphone ko pag-kapasok ng kwarto. Buti hindi pa lowbat.
Agad kong tinawagan si Maddie. Siya ang makakatulong para makauwi agad ako. Hindi siya sumasagot. Tinawagan ko ulit siya. Sa wakas sinagot na niya.
"O, Lara? Na sa'n ka? Kumakain kami rito." Sabi ni Maddie mula sa kabilang linya.
"Sorry sa istorbo Maddie-"
"Okay lang! Balik ka raw dito sabi ng kuya mo. 'Di ka pa raw tapos kumain-"
"Tapos na ako! Maddie, pwede bang humingi ng favor sayo?"
"Favor? Sige, ano ba 'yon?"
"Kailangan ko ng umuwi."
"Uuwi ka agad?" Narinig ko pa ang boses ni Brylle at Mikee mula sa kabilang linya. "Bakit ka raw uuwi?"
"Basta! Saka ko na sasabihin sayo! Please!"
"Ayoko, ngayon na!"
"Ang hirap i-kwento sa cellphone." Iyon na lamang ang nasabi ko. Parang hindi niya ako matutlungan.
"Pupunta ako d'yan mamaya, sabihin mo sa akin, okay?"
"Sige! Sige!" Nasapo ko ang noo. Tinapos ko na ang tawag.
Kailangan ko nang umalis. Pero kailangan ko pang ikwento sa kanya ang nangyari.
Naupo ako sa sofa at parang not na sumandal Doon.
"Ano ba 'yong ginawa ko kagabi?" Napailing na Lang ako.
Sa dinami-dami ng lalake. Bakit si Ben pa?! Nakakahiya ang ginawa ko!

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    QueenofHearts

    I Love the Title, interesting to read, keep writing🥰😍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    DianaRoberta

    mganda ung story sana may story dn ung mga kaibigan nina Ben at Lara

    15/05/2025

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story

    18/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata