Kabanata 49

Muntik na akong matumba nang palabas ako ng elevator. Mabuti na lamang at napakapit ako sa pintuan bago magsara.
"'Hindi na talaga ako mag-iinom..." Bulong ko habang hinuhubad ang sandals ko. Pakiramdam ko, madudulas ako kaya nag-yapak na lamang ako at dinala ang sandals ko ng magkabila kong kamay.
Huminga muna ako ng malalimlim bago naglakad. Umiikot ang paningin ko. Humahawak ako sa pader sa bawat paghakbang ko para hindi ako matumba.
"Ano nga pala 'yong number nag kwarto namin ni Mikee?" Pilit kong inalala kung anong numero iyon habang naglakakad. "408?"
Tumigil ako sa tapat ng isang pinto at tiningnan ang numero harapan ko. "402 ba 'to?" Inilapit ko pang mabuti ang aking mukha para mabasa ang numero. Ang tingin ko kasi ay gumagalaw ang mga ito. "402 nga! Okay, okay. D'on pa, Lara."
Ilang hakbang pa ang ginawa ko para makarating sa susunod na pinto. "408? Ito na agad?" Tumawa pa ako. "Ang bills kong maglakad!" Isinandal ko muna ang noo ko sa pinto dahil mas nahihilo na ako ngayon. "Mikee! Wala akong susi! Buksan mo 'tong pinto!" Pinihit ko ang doorknob. Bumukas ang pinto. "Mikee! 'Di ka nag-la-lock ng pinto!" Pinilit kong pumasok sa kwarto, kahit hilong-hilo na. "Pero okay lang na 'di mo ini-lock. Nakapasok ako! Tulog ka na ba!?"
Inihagis ko ang sandals ko sa sofa at naupo doon. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at pumikit. Wala na akong planong pumasok sa kwarto para doon matulog. "Mikee! Dito na ako matutulog, a! Inaantok na ako!"
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.
"Gising ka pa-" Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang iminulat ko ang aking mga mata. Nakatayo doon si Ben. May hawak siyang cellphone na nakatapat sa kanyang tenga, na ibinaba rin niya agad at inilagay sa bulsa ng short niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Iyon agad ang nasabi ko.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong niya sa akin. Isinarado niya ang pinto ng kwarto.
"Amin 'to ni Mikee, kaya ako nandito." Sagot ko.
Ngumiti siya at nag-lakad palapit sa akin. Tumigil siya sa harap ko. " Sa pagkakaalam ko. Kwarto ko 'to."
"Ano?" Pa'no mo naging  kwarto 'to, eh. Kwarto namin 'to ni Mikee." Pinilit kong tumayo kahit hilong-hilo na. Nilampasan ko siya at nagpunta sa kwarto. Binuksan ko ang pintuan. Tanging kama lamang ang nandoon, wala si Mikee. "Nasa'n si Mikee?"
"Nasa kwarto n'yo na. Inihatid ni Aldritz. Katatawag lang niya. Pupuntahan ko sana kayo at nagpapatulong siya. Bumalik lang ako dito, naiwan ko 'yung susi nitong kwarto. Paalis na sana ulit ako..." Sabi ni Ben mula sa likuran ko. "Nagkamali ka ng kwarto ng pinuntahan."
Ang  huling sinabi niya lang ang pinansin ko. "Ako, nagkamali?" Humarap ako sa kanya. "Okay. Sorry." Nilampasan ko siya at nag-lakad papunta sa pintuan.
"Baka naman sinadya mong pumunta dito."
Tumigil ako sa paglalakad at sumandal sa pader. "Sinadya ko?" Natawa ako sa sinabi niya. "Patawa ka, a!"
"Sinadya mo dahil alam mong kwarto ko 'to." Naka-ngisi na siya ngayon.
"Excuse me? Kung alam ko lang na kwarto mo 'to, hinding-hindi ako pupunta. Anong palagay mo sa'ken? Naghahabol sayo?"
Nagkibit-balikat siya, na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Malay ko ba na may gusto ka pa rin sa'ken. Tingin ka nga nang tingin sa'ken kanina sa bar."
Umiling ako. Masa lalo akong nahilo kaya humawak ako sa pader. "Feeling ka, a! Mamaya nandito 'yong girlfriend mo, maniwala sa mga sinasabi mo!"
"Tayong dalawa lang ang tao rito."
"A, talaga?" Umayos na ako nang tayo at humarap sa pinto. "D'yan ka na! Feelingero!"
"May naiwan ka!" Pahabol niya.
Tamad akong lumingon. "Ano 'yon?"
Itinuro niya ang sandals kong nasa sofa. Iisa Lang ang nandoon. "Na sa'n 'yong kabaak n'yan?"
"Nahulog." Tipid niyang sagot.
"Ano ba 'yan!?" Sumandal ako sa pader. "Ayoko nang maglakad! Nahihilo na ako!" Tiningnan ko siya, akala ko mag-ma-magandang-loob siya para kunin ang sandals ko, pero hindi.
Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya at pinapanood lang ako.
"Ay! Grabe ka! Panonoorin mo lang ba ako? Nahihilo na ako. Paabot ng sandals ko!" Hindi na ako nakaramdam ng hiya ng utusan ko siya. Isinuklay ko ang kamay ko sa buhok kong humaharang sa mukha ko. "Parang 'di mo ako minahal noon, a." Pumikit ako dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako. "Sabagay may iba ka ng mahal ngayon. Sino nga ba ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko at tiningnan siya. "Ex-girlfriend mo na lang ako."
Saka lang siya gumalaw at kinuha ang sandals ko. "Gaano ba karami ang ininom n'yo?" May himig na galit ang boses niya.
"Konti lang..." Pinanood ko siyang palapit sa akin.
"Konti lang pero lasing na lasing ka. Isuot mo 'na 'to." Akmang luluhod na siya para isuot sa akin ang sandals ko nang pigilan ko siya.
"'Wag na. Akin na 'yan." Kinuha ko sa kanya ang sandals. "Salamat." Ngumiti pa ako sa kanya. Natigilan ako dahil ang seryoso ng mukha niya. "Ay, bakit ang seryoso mo naman?"
Seryoso pa rin ang mukha niya kahit. Nginitian ko siya.
"Masaya ka ba ngayon sa girlfriend mo?" Wala sa sarili na itinanong ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit itinanong ko iyon.
"Ihahatid na kita sa kwarto n'yo." Iyon ang sinabi niya imbes na sagutin ang tanong ko.
"'Wag na! Kaya ko! Ayaw mo ata akong ka-kwentuhan, e! Ngayon lang ulit tayo nagkita, a!"
"Hindi-"
"Hindi mo ba ako na miss?"
"Lara-"
"Ay, hindi?" Bumuntong-hininga ako. "Ako na-miss kita." Halos pabulong na sabi ko.
Halos magkalapit lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko. Nanatiling seryoso ang mukha niya.
Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Tumama ang noo ko sa dibdib niya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Parang gusto ko nang matulog.
"Inaantok na ako." Nabitawan ko ang sandals ko. "S-sorry." Tumunghay ako at tumingin sa mukha niya. Nakatitig siya sa akin.
Tumitig din ako sa kanya. Walang nagbago sa itsura ang gwapo pa rin. Ang mga mata niyang nakatigtig sa akin. Ang matangos na ilong. Ang mga labi niyang parang ang sarap halikan.
Wala sa sariling tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi.
Nagulat siya sa ginawa ko. Napa-atras siya mula sa akin.
Tinakpan ko ng kamay ko ang mga labi ko. Hindi agad ako nakapagsalita. Kahit ako nagulat sa ginawa ko.
"Lara-" Umiwas ako nang akmang hahawakan niya ako.
"S-sorry! Hindi ko gustong halikan ka! Nagulat din ako sa ginawa ko!" Pakiramdam ko ay nawala ang pagkalasing ko ng dahil sa ginawa ko. "Di ko sinasadya 'yon!" Yumuko ako at sising-sisi sa ginawa. Parang gusto ko nang mawala ng mga oras na iyon.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    QueenofHearts

    I Love the Title, interesting to read, keep writing🥰😍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    DianaRoberta

    mganda ung story sana may story dn ung mga kaibigan nina Ben at Lara

    15/05/2025

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story

    18/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata