Kabanata 48

Malakas na tugtog agad ang bumungad sa amin pag-kapasok namin ni Mikee ng bar. Kay Maddie itong bar.
Kanina pa nauna sa amin si Ayeen kasama sila Brylle, Aldritz, Franco at Kian.
Pagkatapos kasi naming maghapunan ay umidlip kami Mikee.
"Mikee!Dito!" Sigaw ni Aldritz. May katabi itong babae, bago sigurong kakilala.
Agad naagaw ng pansin ko si Iris, katabi noong babae. Bakante ang katabi nitong upuan.
Lumapit agad kami. Tumabi si Mikee kay Ayeen.
"Lara, dito ka na umupo." Sabi ni Brylle. Itinuro nito ang bakanteng upuan sa pagitan niya at ni Aldritz.
"Binabakudan mo naman ang kapatid mo, 'tol. Pa'no mag-ka-ka-boyfriend 'yan." Sabi ni Kian.
"Alam mo, Kian. Kahit 'di bakudan ni Brylle si Lara. 'Di 'yan mag-bo-boyfriend. May hinihintay 'yan." Sabi naman ni Aldritz.
Tinampal ko nang mahina ang pisngi ni Aldritz, pagdaan ko sa tapat niya bago ako umupo sa tabi ni Brylle. "Dami mong alam."
"Syempre naman! Gusto n'yo bang malaman kung sino ang hinihintay ni Lara?" Dagdag pa ni Aldritz.
"Manahimik ka nga d'yan!" Kinurot ko ang braso niya para tumahimik. Alam ko kung sino na naman ang sasabihin niya.
"Aray... Nasasanay ka nang saktan ako, a.
"Manahimik ka kasi." Binitiwan ko ang braso ni Aldritz.
"D'yan nag-sisimula 'yan." Biro ni Franco.
"Papayag ka ba, 'tol?" Tanong ni Kian Kay Brylle.
"Dumagdag pa kayo, a!" Tumingin ako sa bagong dating. Si Ben. Tumabi ito kay Iris. Agad kong binawi ang tingin ko sa kanya at tumingin sa kapatid ko.
Iniabot ni Brylle sa akin ang isang baso ng ladies drink. Inamoy ko muna bago tikman.
"First time mo bang uminom n'yan?" Bulong ni Aldritz sa gilid ko. Halos dumiit na labi niya sa tenga ko. Para marinig ko siguro dahil mas lumakas ang tugtog dito sa loob ng bar.
Sinamaan ko siya nang tingin nang nilingon ko siya. Inilayo ko nang konti ang aking mukha bago ko siya kinurot sa pisngi. "'Di ba may ka-date ka. Nakakahiya sa kanya. Siya ang kausapin mo."
"Ka-date? Sino?" Lumingon siya sa babaeng katabi niya pasimpleng itinuro bago tumingin ulit sa akin."'Di ko ka-date 'yan. Kakilala ni Iris."
"Tsk! Anong pinag-uusapan nito d'yan?!" Tanong ni Kian sa aming dalawa ni Aldritz.
"Wala, sekretong malupet!" Sabi ni Aldritz.
"Brylle! Bantayan mo 'yang kapatid mo! Pinopormahan na ni Aldritz." Sabi ni Kian.
"Langya, 'tol! Parang kapatid ko na 'tong si Lara." Inakbayan ako ni Aldritz.
"'Sino nga pala 'yong nanliligaw sayo sa ospital?" Tanong ni Kian sa akin.
Tiningnan ko ng masama si Aldritz bago sinagot si Kian. "Si Carl 'yon."
Inalis ko ang pag-kaka-akbay ni Aldritz sa akin at sinamaan nang tingin. Tiyak na siya ang nag-sabi ng tungkol kay Carl. Sinamahan kasi ni Aldritz ang mama niyang mag-check-up sa ospital. Sakto at pauwi na kami noon ni Carl, pagkatapos ng night shift. Nagpakilala naman itong si Carl na nanliligaw sa akin.
"Pasyente sa ospital?" Tanong ni Brylle.
Tumawa si Kian at Franco.
Si Aldritz ang sumagot. "Mukha siyang pasyente do'n 'tol. Pero nurse din s'ya do'n."
Hinampas ko si Aldritz sa braso na agad din namang umilag. "Grabe ka!"
"Bakit!? Mukha naman talaga siyang pasyente, a!" Medyo lumayo ng konti sa akin si Aldritz. "Ipinagtatanggol... Mahal na niya..."
"Ewan ko sayo." Uminom ako ng juice. Nanuyo bigla ang lalamunan ko.
"Ano bang itsura nong Carl?" Tanong ni Mikee.
"Tsk! Hin-"
Inunahan ko na agad si Aldritz sa pag-sasalita. "Cute siya."
"Cute lang?" Sabi ng kapatid kong lasing na ata. Nakaka-apat na bote na siya ng beer.
"Pati ba naman ikaw aasarin ako." Sabi ko at niyakap ang braso niya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya.
"Hindi naman. Kahit sino." Tumingin muna si Brylle kay Aldritz bago magsalita. "'Wag lang si Al."
"'Tol, ba't napasali ako." Natatawang sabi ni Aldritz.
"So, pwede kami ni Franco?" Tanong ni Kian.
"'Di rin kayo pwede!" Si Aldritz ang sumagot.
Nag-asaran na sila. Tumingin ako sa Mikee. May isinisenyas siya sa akin na hindi ko maintindihan. Umayos ako ng upo. "Ano?"
"Mamaya na lang!" Sagot niya sa akin at tumingin sa kay Ben at Iris na seryosong nag-uusap. Wala na pala ang babaeng kakilala ni Iris. Hindi ko napansin na umalis siya.
"Isa na lang, pagkatapos ayoko na." Sabi ko kay Mikee at Ayeen bago inumin ang alak na isinalin ni Ayeen sa baso ko.
"May balak ba kayong mag-pahatid sa aking tatlo? Hindi ko kayo kaya, a!" Sabi ni Aldritz na halatang lasing na.
"Si Mikee at Lara ang ihahatid mo. Kaya ko pa!" Sabi ni Ayeen. Marami na siyang nainom na alak, pero hindi halata sa kanya na lasing na siya.
Si Mikee na halos gawing tubig ang alak ay nakasandal na upuan at mukhang inaantok na.
Hinatid nila Kian at Franco, si Brylle kanina dahil nauna itong nalasing. Hindi na nakabalik ang dalawa siguro mga nakatulog na din.
Wala na din sila Ben at Iris. Hindi ko sila napansin na umalis.
Wala akong balak uminom ng alak. Pinilit Lang ako nila Ayeen at Mikee ng umalis na sila Brylle. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bawat tagay na ibinibigay nila. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing mapapatingin ako kay Ben, parang gusto kong umiyak. Pinipigilan ko lang. Ang sakit pala na makitang sa ibang babae na siya tumitingin. Kanina, wala maalaala na tiningnan niya ako. Puro kay Iris lang ang atensyon niya.Bumuntong-hininga ako.
Nagsalin ulit si Ayeen sa baso ko ng alak. " Wala ng laman, o!"
"Sabi ko last na 'yung kanina!" Reklamo ko, pero ininom ko pa rin ang alak at inubos.
"Ininom mo din naman!" Sabi ni Aldritz. Nakasandal na siya sa upuan. Pinapanood kaming tatlo na mag-inom.
"Bakit si Aldritz, di mo tinatagayan?" Sabi ko Ayeen.
"Walang aakay dito." Sabay turo kay Mikee na tulog nakasubsob sa lamesa.
"Mikee, gising! Ang daya mo!" Niyugyog ko ang balikat niya.
"Hmm...." Iyon lang ang nasabi ni Mikee.
"Lara, last na talaga 'to." Isinalin ni Ayeen ang natitirang alak sa baso naming dalawa.
"Ang dami naman!" Halos mapuno ang baso ko. "Last na inom ko na 'to. Hindi na ako mag-iinom."
"Last na para ngayon? Bukas ulit?" Pang-aasar ni Aldritz.
"Ewan ko sayo. Madaya!" Sabi ko kay Aldritz bago ininom ng diretso ang alak sa baso.
Pumalakpak si Ayeen. "Whoaaa! Bukas ulit, Lara!"
"Ayoko na! 'Di naman masarap 'yang alak na 'yan." Itinuro ko pa ang bote ng alak na ngayon ko lang pinagkaabalahan na tingnan kung anong pangalan. "Teka, ano ba 'yan!? 'Di ko na mabasa!"
"Lasing ka na!" Tumayo na si Aldritz. "Kaya niyo pa ba?"
"Oo naman!" Sagot ni Ayeen na medyo na off-balance nang tumayo siya. Humawak siya sa upuan. " Kaya pa. Kaya ko pa." Natatawa pa siya.
"Mikee, gising na. Balik na tayo sa hotel." Ginising ni Aldritz si Mikee.
Naka-pikit na tumunghay si Mikee. "Alak pa... Kailangan nating mag-lasing para makalimot..."
"Mamaya 'pag gising mo, alak agad ipapainom ko sayo." Sabi ni Ayeen bago nag-simulang maglakad palabas ng bar.
"Tumayo ka na d'yan." Inalalayan ni Aldritz ni Mikee na makatayo.
Dahan-dahang tumayo si Mikee bago nagmulat ng mata. "O! Jethro! Anong ginagawa mo ditong walanghiya ka!" Itinutulak nitong palayo si Aldritz.
"Ano ba! Si Aldritz 'to!" Hinawakan ni Aldritz si Mikee ng mahigpit sa bewang dahil muntik na itong matumba.
"Aldritz?" Inilapit ni Mikee ang mukha niya kay Aldritz. "Al! Langya. Ikaw pala." Niyakap pa nito si Aldritz na parang ngayon lang sila nagkita.
"Lara kaya mo pa ba?" Tanong ni Aldritz.
"Oo naman!" Tumayo ako kahit nahihilo na ako. "Mauna na kayo ni Mikee. Pupunta lang ako sa restroom."
"Sigurado ka?"
"Oo, susunod na lang ako sa hotel." Tumalikod na ko para pumunta sa restroom.
"Susunod ka na, ha!" Pahabol pa ni Aldritz.
"Oo! Susunod ako!"

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    QueenofHearts

    I Love the Title, interesting to read, keep writing🥰😍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    DianaRoberta

    mganda ung story sana may story dn ung mga kaibigan nina Ben at Lara

    15/05/2025

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story

    18/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata