Kabanata 19

"Kayo na ba talaga ni Ben, Lara?" Nakangiting tanong ni Jeannie sa akin.
"Nako, hindi! Pinagtitripan lang ako non!" Tanggi ko.
"Ayaw mo ba sa kanya? Mukha namang may gusto talaga sayo si Ben." Sabi naman ni Ayeen.
"Hi-hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Tingin ko kasi sa kanya, nangtitrip lang." Sagot ko.
"Hinde, ano ka ba!? Hindi ko pa nakikitang ganyan 'yan sa babae. Kahit nga kay Cathy na naging girlfriend daw ni Ben. Itinatanggi niya pa 'yung Cathy na 'yun, a! E, ikaw. Sabi mo 'di kayo pero pinagkakalat na niya na girlfriend ka niya!" Sabi ni Ayeen. Umakbay pa siya sa akin.
"Oo nga, Lara. Tingin ko seryoso si Ben." Sagot ni Pia.
"Iniintay lang siguro ni Lara na manligaw si Ben." Sabi naman ni Jeannie. "Pero 'di ata marunong manligaw 'yun, siya kasi ang nililigawan ng babae."
"Yeah, tama ka dun. Tingnan mo 'yung si Cathy. Grabe! Dun pa talaga natutulog sa bahay nila Ben dati." Sabi ni Ayeen. "Di na nahiya, tapos pinagkakalat pa dati sa school na may nangyari na sa kanila ni Ben. Kadiri!"
"A, si Cathy pala 'yun? Naikwento ni Tiya Charito na may babaeng natutulog sa kanila dati. Pinagsabihan lang niya kaya 'di na bumalik." Sabi ko sa kanila.
"Buti nga sa kanya. Kababae niyang tao,e!" Sagot ni Pia.
Natigil kami sa pagkukwentuhan ng may marinig kaming tilian ng mga babae sa gawing likudan namin. Halos sabay-sabay kaming apat na lumingon.
"Speaking of the devil, the devil is here!" Sabi ni Ayeen.
"O? Bakit kasama nila Franco ang mga babaeng 'yan?" Tanong ni Pia.
"Isinama siguro ni Kian si Mira. Ang alam ko e, sila ng dalawa." Sagot ni Ayeen.
"Ha? Kelan pa?" Si Jeannie naman ang nagtanong.
"Noog isang araw lang ata." Sagot ni Ayeen.
Kompleto ang barkada nila Ben. Kasama nila 'yung dalawang babae na nakilala ko noon sa court. Si Mira at July. Kasama din nila si Cathy na kung makakapit kay Ben,  akala mo ay mananakaw.
"Bakit nandito sila? Kainis naman!" Sabi ni Maddie. Umupo silang dalawa ni Mikee sa tabi namin dito sa malaking bato.
"Hayaan na lang natin sila. Magsaya na lang tayo." Sabi ni Jeannie.
"Oo nga girls!" Sang-ayon ni Pia.
"Sandali kunin ko lang 'yung cellphone ko, mag-picture tayo." Sabi ni Mikee. Naglangoy siya papunta sa gilid ng ilog kung saan nakalagay ang mga gamit namin at pagkain. Sumunod sa kanya sila Ayeen at Maddie.
Naligo na sila Ben, Franco, Jared, Jet, Aldritz, at Raiden. Medyo malayo ang nilalanguyan nila.
Sila Brylle, Kian, Mira at July naman ay nakaupo lang sa may bato, sa gilid ng ilog.
"Kanina pa ba kayo dito?" Lumangoy papunta sa amin si Cathy. Walang sumagot sa kanya. "Hi, Lara!" Bati niya sa akin. Naupo siya sa tabi ko.
Nginitian ko lang siya.
"Ang ganda ng profile picture mo sa facebook, a." Nawala ang ngiti ko. "Ang gwapo pala." Seryoso ang mukha ni Cathy. "Siguro ikaw din ang nagpalit ng profile ni Ben."
"Hindi si Lara ang nagpalit non, si Ben." Sabi Pia. Hinigit niya ako palapit sa kanya. "Wala siyang alam don."
"O? Talaga? Iba ang sinabi sa akin ni Ben." Mataray na sabi ni Cathy.
"Halika ka na Lara. 'Wag na mo nang patulan 'yang babaeng 'yan. Aksaya sa oras." Sabi ni Jeannie. Nauna na siyang lumusong sa tubig. Inintay niya kami ni Pia na makababa sa tubig.
"Wait lang, Lara. Ako muna ang lulusong, a." Sabi sa akin ni Pia. Lumusong na siya sa tubig. "O, halika na. Humawak ka sa balikat ko."
"O? Ano mga duwag?" Sabi ni Cathy. Tumayo siya sa ibabaw ng bato. Bigla niya akong hinila patayo.
"Ano ba, bitiwan mo nga ako!" Muntik pa akong madulas sa lakas ng pagkakahila niya sa akin.
"Di pa ako tapos sayo." Bumabaon ang mga kuko niya sa braso ko.  Dinuduro pa niya ako. "Alam mo bang, maganda ka lang. Naaawa lang pati sayo si Ben."
"Bitiwan mo nga si Lara." Galit na sabi ni Pia. Nakaahon na sila ni Jeannie sa tubig. "Ben! Pagsabihan mo nga 'tong desperada mong girlfriend!"
"Ako? Desperada?" Binitawan ako ni Cathy. Tinulak niya sa tubig si Pia. Pagkatapos ay si Jeannie ang binalingan niya. Tinulak niya ito. Tanumba si Jeannie sa bato. Ininda niya ang nasaktan niyang likod. "O, ano?"
"Cathy! Ano 'yan, a!" Sigaw ni July. "Sinasabi ko na nga bang mangyayari 'to, e." Narinig ko pang sinabi niya.
"Hoy! Babaeng may sayad! Pag ako nakalapit sayo humanda ka sa'ken!" Sigaw ni Mikee mula sa gilid ng ilog.
Tutulungan ko na sanang makatayo si Jeannie ng hilahin ako ni Cathy sa buhok. "Malandi kang babae ka!"
"Aray! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko kay Cathy.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Cathy! Bitiwan mo si Lara!" Sigaw ni Ben.
Binitawan ako ni Cathy. Akala ko ay titigil na siya. Pero bigla niya akong tinulak sa tubig.
"Oh! My God! Hindi marunong lumangoy si Lara!" Narinig kong sigaw ni Pia.
Naghanap ako nang makakapitan pero wala akong mahawakan kundi tubig. Nakainom na din ako ng tubig. Pinipilit kong umangat pero lumulubog pa rin ako.
May humawak sa aking braso at hinila ako. Mabilis akong yumakap sa leeg ng taong nagligtas sa akin. Nanginginig ang katawan ko. Hindi sa lamig kundi sa takot ko kanina.
"Ano bang problema mo!" Sigaw ng taong yakap-yakap ko. Bahagya kong inilayo ang katawan ko  para makita kung sino siya. Si Brylle!
"Yang babaeng 'yan ang problema ko. Malandi!" Galit na sabi ni Cathy. "Tingnan mo, o! Brylle! Ikaw naman ang nilalandi niya ngayon. Kung makakapit sayo!"
"Hindi mo siya kilala para pag-salitaan mo ng ganyan!" Sigaw ni Brylle.
"Tumigil ka na! Dapat 'di ka na namin sinama dito, e!" Galit na hinila ni Ben si Cathy. "Umuwi ka na nga!"
"Kinakampihan mo pa 'yang babaeng 'yan! Mas nauna mo akong nakilala kaysa sa kanya, a! At tingnan mo!" Itinuro niya pa kami ni Brylle. "Si Brylle naman ang nilalandi niya ngayon!"
Tumingin lang sa aming dalawa ni Brylle si Ben pagkatapos ay napasuklay na lang siya ng buhok niya. Parang nauubusan na siya ng pasensya.
Dinala na ako ni Brylle sa may gilid ng ilog.
"Ok ka lang ba, Lara?" Sinalubong ako ni Ayeen. Nilagyan ako ni Maddie ng tuwalya sa likod.
"Ok lang, salamat." Sagot ko.
Naagaw ng pansin namin ang nag-aaway na sila Mikee at Cathy.
Inaawat ni Jet si Mikee. Si Ben naman ay hinihila na paalis si Cathy doon sa ibabaw ng bato.
Inalalayan ako ni Brylle na makaupo sa bato.
"Bakit ba kasi isinama niyo pa 'yong Cathy na 'yon?" Tanong ni Ayeen kay Brylle.
"Nakita niya kami kanina sa bayan, nung iniintay namin sila Mira at July. Nagpumilit lang sumama." Sagot ni Brylle.
Tiningnan ko ang paalis na si Ben at Cathy. Nag-uusap silang dalawa. Hindi man lang lumingon si Ben amin o kahit na sa akin.
Bakit ganon? Parang may kumikirot sa dibdib ko.
"Ang sarap naman nito! Sinong nagluto?" Tanong ni Aldritz.
"Si Lara ang nag-luto nyan kanina. Nambola ka pa dyan! Alam na naming masarap." Sabi ni Mikee.
"Ang sarap ng adobo mo Lara. Pwede ka ng mag-asawa!" Sabi ni Aldritz.
"Sus! Kumain ka na nga lang dyan!" Sabi Mikee. "Babalik pa kaya si Ben?"
Isang oras na ang nakakalipas simula nung umalis si Ben at si Cathy dito sa ilog. Hindi pa din bumabalik si Ben. Nauna pa sa kanyang bumalik dito sa ilog si Kian, inihatid niya pauwi kanina sila Mira at July.
"Baka napikot na ni Cathy." Sabi ni Raiden.
"Tol, 'wag kang magbiro ng ganyan. Baka maniwala si Lara." Tiningnan ko ng masama si Aldritz. "O, tingnan mo. Ang sama ng tingin ni Lara sa akin o! Naniniwala na 'yan sa sinabi mo, Rai!"
"Hindi no!" Sabi ko kay Aldritz. 'Wala akong pakialam kahit hindi na bumalik si Ben'. Gusto ko pang idagdag, kaso parang iba ang dating non. Bigyan pa nila ng kahulugan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    QueenofHearts

    I Love the Title, interesting to read, keep writing🥰😍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    DianaRoberta

    mganda ung story sana may story dn ung mga kaibigan nina Ben at Lara

    15/05/2025

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story

    18/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata