Homepage/FORCED MARRIAGE TO LALAINE/
CHAPTER 86
“Carlos, so tuloy na ba ang plano? Balita ko ano daw..." nang matiklop ang bibig nito at hindi nakapag salita dahil sa nakita nito ang bumukas na pinto. Similip si Lalaine dala ang isang tray may laman na makakain ng mga bisita ni Carlos.
Wala pa din sila ngayon makasama sa bahay. Umalis kasi ang kasama ni Lalaine sa bahay ng umuwi muna ito pansamantala sa kanilang probinsya. “Kumain muna kayo," inalok ni Lalaine ang dala niyang hinanda para sa limang kaibigan ni Carlos. “Pagpasensyahan niyo na muna ito. Umorder naman na ako online. Maya-maya parating na din iyon." nagpaliwanag pa si Lalaine bago ito tumalikod. Mabilis si Carlos ng ipasok ang kamay sa may pagitan ng bewang ni Lalaine. Hinapit ni Carlos ang asawa saka inilapit sa kanya. Nagkatawanan at tuksuhan ang mga kasama nilang maiingay sa kwarto.
Nasa maliit na office si Carlos kasama ang kanyang mga kaibigan. Nakaramdam ng hiya si Lalaine sa ginawa ni Carlos. Ilan sa mga kaibigan ni Carlos na wala pang asawa naiinis at naiinggit sa kanilang matamis na paglalambingan.
Naging mas malambot si Carlos ngayon. Mas naging sweet ito at maalaga na asawa sa kanyang asawa at anak. Isang nakakatuwa pa dito. Malaki ang ipinagbago ni Carlos matapos ang halos isang taon na hindi nila pagkikita ni Lalaine.
Marami narealize si Carlos sa kanyang sarili. Lahat ng pagkukulang niya bilang asawa. Maging ang pagkakamali niya sa lahat ng ginawa niya sa asawa. Ipinangako niyang ituwid niya lahat at baguhin. Kung takot noon ang madalas makita sa mga mata ni Lalaine. Ngayon puno ng pagmamahal ang nakikita niya dito.
Mas naging masaya ang pagsasama nila. Ilang buwan na din si Beverly. Makulit at malikot na din ito. Nakakausap at nakipagkwentuhan na nga din sa kanila sa tuwing nilalaro nila ang nag-iisa nilang anak. Plano naman nila sundan. Pero nasa plano nila na ipagpaliban muna. Ayaw nila muna ngayon maliit pa si Beverly at nahihirapan si Lalaine sa pag-aasikaso sa anak nila at maging sa kanya.
“Lalabas muna ako, baka magising si Beverly. Iiyak iyon." turan ni Lalaine sa malagkit na mga pagtingin sa kanya ni Carlos. Malakas pa din tumunog ang tila bell sa kanyang puso sa tuwing nasa ganito siyang sitwasyon. Napagtanto niyang nakakahiya pala kala niya masarap sa pakiramdam ang maipakita sa lahat kung gaano nila kamahal ang isa't -isa.
Nahihirapan man siya alisin ang mahigpit na pagkakayakap ni Carlos. Unti-unti din iyon lumuwag hanggang bitiwan siya ni Carlos na may mapaglaro na ngiti ng ngumuso ito saka niwika. “Mamaya nalang pag solo na kita at wala na itong mga ulupong."
Kumunot lahat ng mga noo ng kaibigan ni Carlos. “Baliw" sabay-sabay nitong mga wika. Binato si Carlos ng tubig mula sa mga bottled water na hawak nila. Malamig pa naman ito kaya't bahagya na napapitlag si Carlos sa lamig ng kumapit ang malamig na tubig sa kanyang balat.
Mabilis na nakaabot ng tissue si Lalaine. Inabot sa kanyang asawa. “Punasan mo" Alok niya saka siya kumuha pa ng isa na kanyang naipasok sa dibdib ni Carlos. Nagkaroon ng mas ligalig sa mga kaibigan ni Carlos. Nagkatuksuhan at nagkabanggaan pa habang kinikilig sa mga nakikita ng kanilang mata.
Nang uuyam si Carlos. May malagkit na ngiti ito na mas kinalakas ng tawanan ng lima niyang mga kaibigan. “Ito pala ang bagong Carlos ngayon?"
“Iba na..."
“Syempe, ang bad boy noon siya na ngayon good boy at sweet husband na ngayon. Anong malay natin masundan agad si Beverly mamayang gabi." tukso ng isa sa makulit at maputak nilang tropa.
Sa tuwa ng lima nagkatulakan ang mga ito. Bumagsak sa sahig ang isa sa mga kaibigan nila. Imbes masaktan natawa nalang ito sa bahagya na sakit ng bumagsak siya sa upuan.
“Ang tanga! Nalaglag ka pa?"
“Baliw! Ikaw itong nanulak kaya nalaglag ako. Bwisit kayo ang lalandi niyong apat." biro lang naman nito na nagagalit siya. Joke lang din ang pagalit n'yang salita sa apat na kaibigan na nanulak sa kanya kaya't nahulog siya.
“Umuwi na nga kayo. Istorbo lang kayo sa amin ni Misis..." pakiramdam ni Lalaine para na siyang napapahiya ng husto sa ginagawa ni Carlos na paghalik sa braso niya. Tinampal niya ito. “Makalabas na nga muna."
Nailing si Lalaine ng lumalakad siya palabas ng kwarto. Ang tingin ng mga kaibigan ni Carlos para siyang pinapaso.
“Yung asawa ni Carlo namula ang mukha ahh! Mukhang tinamaan sa mga biro mo."
“Hindi ako," apila ng isa sabay itinuro si Carlos. “Siya ang may kasalanan. Hindi makapaghintay. Wala pa nga raw yung inorder ni Misis niya nais na tayo dispatch sa bahay niya at gusto makatikim ng ulam na basa." tawanan ang lahat.
Malalakas na tawa ang bumuo para masakot ang buong kwarto. Masaya din sila mga nagkakwentuhan. Hindi na rin kasi madalas sumama sa mga lakad si Carlos. Parang isang beses lang nangyari ng sumama ito para lang pumunta sa bahay ng isa nilang tropa.
Ilang minutes pa ang lumipas dumating na ang food nila. Napagkasunduan na din nila mabuti ang lahat ng preparations sa gagawin nila para sa isang surprised party. Party para sa mga magulang ni Carlos. Gusto niya magpasalamat sa mga ito sa walang sawang pagtulong sa kanya sa lahat ng mga pag-intindi sa kanya sa mga panahon pakiramdam niya tila talaga nakalimutan na niya ang pagiging anak sa mga magulang. Gusto niya lang makabawi sa lahat hindi lang sa asawa niya maging sa kanyang dalawang magulang. Gagawin niya ito hanggang sa dulo ng kanyang buhay. Ipinapangako niya.
“Pre, uuwi na kami. So lahat ng napagkasunduan gagawin natin. Ready naman na yung iba. Plantado na lahat kaya wala kang dapat ipag-alala. Bukas pala may reunion ang batch natin. Pero wala kaming balak pumunta para matapos na itong..." hindi naituloy. Bumukas ang pinto at si Lalaine na naman iyon.
Umalis na nga ng tuluyan ang mga kaibigan niya hindi na nila nasabi ang mga pahuling salita nila. Sa group chat nalang raw nila mga pag-usapan ng sa ganon. Maayos nila magagawa ang lahat ng walang makaalam. Kahit kay Lalaine hindi pwedeng sabihin ito o banggitin. May multa ang sino man kumanta sa mga napag-usapan nila.
“Ano bang pinag-uusapan niyo?" napatingin pa sa likod si Lalaine. Nakalabas na lahat ng mga kaibigan ni Carlos nagulat si Lalaine ng lumanding sa mga balikat niya ang kamay ni Carlos. Tinulak siya nito pabagsak sa malambot nitong sofa sa kwarto.
“Wala na sila... Si Beverly tulog pa ba?" mabiro ang kanyang pagtatanong. Kumindat siya sa asawa niya saka niya ito siniil ng isang puno ng pagmamahal na halik. “I love you, baka pwede muna..." tinulak siya ni Lalaine dahilan ng pagkabagsak ni Carlos sa sahig.
“Maliit pa anak mo, paalala ko sayo. Bawal muna ang nasa isip mo." bumangon si Lalaine. “Bumaba ka doon sa baba ng makapaghugas ka ng pinagkainan. Matuto kang magtrabaho habang wala ka pang trabaho at pagbumalik ka na sa office. Pababayaan kita na wag magtrabaho dito sa bahay. Pero ngayon... Magsipag ka muna ng matuwa ako sayo." tumayo si Lalaine. Pagtalikod niya ngingiti-ngiti lang ito na lumakad papunta sa pinto ng kwarto.
Iniwanan niyang bukas ng bahagya ang pinto ng lumabas siya upang silipin saglit si Carlos kung tatayo ito. Tumayo naman si Carlos at tulad ng utos niya nagtrabaho si Carlos ng mga gawain sa bahay pagkaalis ng kanyang mga kaibigan. Nagkatawanan nalang sila after matapos ni Carlos sa mga minando ni Lalaine sa kanya na gagawin niya at pagkatapos noon. Napagbigyan din siya nito sa pangako ng asawa niya matapos niyang gawin lahat ng gawaing bahay.
Nakatulog nalang sila ng kapwa pagod sa kanilang pagsasanib. Si Beverly tulog din ito tulad ng kanyang mga magulang. Nakisabay din sa pagod na ramdam ng dalawang magulang. Nagising nalang sila sa malakas na iyak ng kanilang anak ng magutom na ito after magising. Nagkatitigan sila mag-asawa at si Carlos ang tumayo at kumuha sa anak nila para ilapit kay Lalaine upang mag br*astfeeding.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍
19/05/2022
0nice novel it give inspiration
04/12/2024
0nice story I love it 🤩
13/11/2024
0Tingnan Lahat