Homepage/FORCED MARRIAGE TO LALAINE/
CHAPTER 85
Walang hanggang ang ngiti ni Lalaine habang tinitingnan ang mukha ni Beverly. Nakapanganak na siya matapos ang halos buong araw na paglalabor. Hindi naman siya agad nanganak ng madala siya sa ospital. Ilang oras. Halos isang buong araw siyang naglabor at kinabukasan nga ay nanganak na din siya sakto sa ikalima ng hapon. Bago mag alasais ng gabi.
Hinihimas ni Lalaine ng marahan at dahan-dahan ang braso at kamay ng kanyang anak. Nasa labas si Carlos ng kwarto nila may kausap lang ng dumating ang ilan sa mga barkada nito na excited din makita siya. Maging ang anak nila matapos marinig ang balita tungkol sa panganganak ng kanyang asawa.
Masayang-maya lahat. Umuwi lang muna ang mga kaibigan ni Lalaine dahil sa may kanya-kanyang din itong mga trabaho. Si Ethan naman nasa isang operation after noon ay dadaan daw ito kay Lalaine para kamustahin.
Ang mga magulang ni Carlos naman saglit na umuwi muna din para makapag pahinga sa tagal ng paghihintay nila at walang tulog. Nais muna daw nila umidlip at kinabukasan na sila babalik. Si Carlos lang ang naiwan na bantay ni Lalaine.
“Pre, congrats. Naks, hindi ko akalain matapos mong ma-aksidente babalik ka dito manganganak na pala asawa mo. Wala kaming balita sa kanya. Kababalik lang din namin gaya mo. But not expected talaga ito." napaakbay ito saka masayang niyakap si Carlos. Halata naman sa mga mukha nila na masaya sila para sa kaibigan nila. Lalo na't malaki nga ang ipinagbago ni Carlos after the incident. Sila man din walang naging balita kay Carlos ginulat din sila sa muli na pagbabalik.
“Ako alam ko na buntis nga si Lalaine. But, nanatili lang akong tikom. Hindi ko kasi alam after the incident yung doctor na ang madalas na nasa tabi niya. Anong malay ko kung sino talaga ang ama!" napadaing ito. Malakas na batok ang tumira sa ulo nito. Malapad na palad ang bumagsak sa kanyang matigas na ulo na ikinatawa ng buo nilang grupo.
“Napakasakit noon ahh!" singhal niyang bulalas ng hawak nito ang ulong tinamaan. Tiimbagang itong tumingin ng masama sa kaibigan.
Natatawa naman itong nagsalita. “Sorry na! Mamaya kasi marinig ka ni Lalaine na nasa loob. Kung ano-ano pang sinasabi mo diyan. Malinaw naman na wala silang naging relasyon. Hihintayin ba ni Lalaine ang paggaling ni Carlos kung si Dok na ang bagong lalaki nito? Gamitin mo din minsan ang common sense mo. Mukhang nakain ka na ng madalas mong pag akyat sa bundok. Wala kasing babae doon." Panunuya. Hindi natuwa ang kausap na inaasar niyang kaibigan.
Nagsalita na din si Carlos. Natutuwa na siyang makita muli ang mga makulit niyang mga kaibigan. Pero mas gusto niya sana na mas masolo at makasama ng matagal ang kanyang asawa at anak. Kangina pa niya nais ipagtabuyan ang ilan sa mga kaibigan. Hindi pa kasi mga umaalis ang mga ito. Si Lalaine ang inaalala niya kadadala lang ng anak nila sa kwarto after ng ilang oras na makapanganak at mailipat sa designated room. Kaya lang ang anak nila ay naiwan muna after maipanganak. For observation muna ang sabi ng doctor na nagpaanak.
“Sige na mga pare, papasok muna ako sa loob." naiinip siyang nagpaalam. Naintindihan naman siya ng mga kaibigan. Kaya umalis na din ito at nagpaalam para mabigyan ng oras ang mag-asawa kasama ang bago nilang member ng pamilya.
“Sige na nang masolo mo na mag-ina mo. Aalis na kami ng magkaroon naman kayo ng time ng makapagkamustahan kayo. But, kamustahan lang ahh! Walang t*rahan at k*inan." pabiro na nausal ng tatalikod niyang kaibigan. Mabiro itong kumaway sa kay Carlos saka tuluyan na umalis after sumagot ni Carlos. Pahabol.
Pumasok na si Carlos sa loob ng kwarto ni Lalaine. Napansin niyang karga ni Lalaine ang anak nila habang masaya nitong kinakausap. Napangiti si Carlos. Hindi naman siya agad napansin ni Lalaine ng pumasok siya. Dinahan-hahan niya kasi ang pagbukas at pagsarado ng pinto upang hindi makagawa ng ingay.
Saglit lang siya tumayo sa may pinto habang pinagmamasdan si Lalaine. Namiss niya ng sobra si Lalaine. Sa dami ng mga pinagdaanan nila. Nangako si Carlos na pagkamamahalin niya ang kanyang asawa habang buhay. Kasama ng kanilang anak.
“Nakauwi na ba sila?" napansin na siya ni Lalaine ng maglakad si Carlos papalapit. Binilisan niya ang paglalakad. Kahit hila-hila niya pa din ang mga binti at paa sa paglalakad. Hindi iyon balakid sa kanya upang hindi malapitan ang kanyang mag-ina.
Hindi pa ganun kagaling ang mga binti ni Carlos. May ilan pa siyang natitirang session. Para tuluyan gumaling ang mga binti niya at bumalik sa dati ang paglalakad niya. “Oo" humalik siya kay Lalaine. Sa noo.
“Buti nga umalis na sila. Nang masolo ko naman kayo ni Beverly." mapilyo na sagot ni Carlos. Napasinghap. Ngumiti siya at saka hinawakan ang anak sa kamay. “Sino kamukha?" tumaas ang mukha niya saka tumingin kay Lalaine na may malagkit na tingin. “Mukhang walang nakuha sayo"
“Hindi ahh, sa akin nga raw lahat nakuha ni Beverly. Sayo wala."
“Sa akin kaya ang ilong at bibig." pangungontra ni Carlos.
“Parang hindi naman." tinitingnan ni Lalaine si Carlos sa mukha at pinagmamasdan. Lumabi siya at pinatulis ang nguso. “Mukhang wala sayo nakuha. Ang pangit mo raw kasi" nagkimpit ng mga balikat at tumawa ng marahan. Bahagya niya na tiklop ang bibig ng mapalakas ang pagtawa sa panunukso niya. Nakasimangot na si Carlos nagbabadya na galit ito at napipikon.
“Joke lang" bawi ni Lalaine. Namiss niya lang asarin si Carlos. Noon naalala niya kung paano siya makipag kulitan dito bago ito naaksidente. Bago nangyari na kamuntikan silang iwan ng maaga ni Beverly.
Masaya siya na pinagmamasdan si Carlos. Yumakap ito sa kanya ng bahagya umusod ng upo si Lalaine upang makaupo sa tabi niya si Carlos at saka niya ibinigay dito ang anak nila. Masayang masaya ang itsura ni Carlos. Bakas ang saya nito at kaligayahan ng mahawakan ang anak. Sumulyap pa ito muna kay Lalaine. Saka muli siya pumaling sa anak. Parang bata niyang kinakausap ang baby nila. Tumatawa namam si Lalaine ng marinig ang bawat sinasabi ni Carlos sa kanilang anak. Pero napaluha din siya ng marinig ang binanggit ni Carlos sa huli. “Baby, Mahal na mahal kayo ni Papa. Mamahalin ko kayo ni Mama at aalagaan hanggang sa tumanda ako at mawala sa mundo. Babawi ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa Mama mo. At ipakikita ko sa kanya kung gaano ako kasaya na makita kayo ulit at masabi ko na mahal ko kayo. I love you, baby." sambit niya sa madamdaming boses saka niya tiningnan ang umiiyak na si Lalaine. “Mahal na mahal kita" tagos sa puso. Yumakap si Lalaine kay Carlos saka sinalubong ang labi nito. Ilang minuto din ang tinagal ng halik na yon saka tumugon si Lalaine. “Mahal na mahal din kita."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍
19/05/2022
0nice novel it give inspiration
04/12/2024
0nice story I love it 🤩
13/11/2024
0Tingnan Lahat