Homepage/FORCED MARRIAGE TO LALAINE/
CHAPTER 84
Sh was standing sa isang napakalaking lugar at napakaganda. Kala niya sa panaginip niya lang but na realize niyang totoo pala. Gulat na gulat siya sa pagmulat ng mga mata niya ito ang makikita niya. It almost the same sa panaginip niya bago siya magising ng kaharap ang mga kaibigan. Parehas na parehas talaga but ang pinagkaiba lang nasa tabi niya ang mga kaibigan niyang hanggang ngayon nababagabag pa rin siya sa mga binabalak ng mga ito sa kanya.
Until now sa tuwing mapapansin niyang nakatingin ang mga ito at titingin aiya sa mga ito. Parang punong-puno ng supresa ang mga mata ng mga ito. Nababalutan ng madaming ibig sabihin pero malabong mahulaan niya dahil sa madalas na pag-iwas ng mga ito sa mga mata niyang nakataas ang kilay at kunot ang mukha.
Teka nga, ano kayang plans nila at dinala ako sa lugar na 'to?
Nahuli niya ang mga ito na makulit na nagbubulungan.
“Halika na, we are here na talaga dapat simulan na natin ang party. Naghihintay na si Prince Ethan sa loob. And handa na din talaga ang tunay na pasabog. Este, ang aming final surprise." kamuntikan na sana madulas si Carla pero napigilan ito agad ni Trisha sa pagbuka ng bibig nito.
Napansin niya din ang ilang mga dumadating na bisita na ngayon niya lang din mga nakita. Sa mga klase ng mga pananamit ng mga ito. Mukhang mayayaman at hindi bababa sa middle class ang antas ng mga pamumuhay. Magaganda at gwapo ang mga ito maliban sa mga mapopormang suot.
“Okay, pasok na tayo sa loob. Mukhang madami na din mga bisita ang ngayon naghihintay sa loob. Excited na much ako." inartihan ni Carla ang pagsasalita. Ang dalawa pa nilang kaibigan nagpatiuna na sa pagpasok sa nasabing venue raw ng party na hinanda para sa kanya.
Walang idea si Lalaine na sumusunod sa mga kaibigan. Kahit naiinis siya hindi rin naman niya makulit na sabihin sa kanya kung ano ang nangyayari sa loob. Prince Ethan? tumaas ang kilay niya habang kumibot ang labi niya sa natatawang tawag ng kaibigan sa kaibigan niyang doctor.
Ka-pansin-pansin din ang mga bulaklak ng Rosas sa paligid. Hindi naman siya namalikmata dahil sa totoo ang kanyang nakikita. Nang umabot na sila sa isang pinto. Saka niya nakita ang pulang Red Carpet na lalakaran niya papasok sa loob. Nanulo muli ang luha niya sa mga mata. Hindi maipaliwanag pero talaga iisa ang nakikita niya mula sa naging panaginip niya.
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa loob. May isa siyang hinahanap. Pero hindi niya makita sa dami ng bisita.
Hindi niya kilala ang mga bisita. Pero pansin niya ang iba't-ibang makikita na kasiyahan sa mga mukha ng mga ito. Ilan nahihiwagaan sa kanyang pagpasok. Pero marami ang masaya na nagsasabi napakaswerte niyang tao dahil sa occasion ngayon. Matutupad ang kanyang matagal ng kahilingan. Wish granted.
“Lumakad ka na, naghihintay si Prince Ethan oh, dali na Lalaine..." tulak sa kanya ng mga kanyang kaibigan. “Nakakahiya pinagtitinginan na tayo. Lakad na!" utos muli ng kaibigan niya. Patulak ng bahagya ang ginawa ng mga ito sa kanya. Na may masasayang ngiti sa mga mukha at kakaibang galak na makitang magiging masaya na ang nalulungkot nilang kaibigan.
Puno ng palakpakan ang buong lugar. Ka-pansin-pansin ang mga nakangiti na mga nagkaharapan at nag-usap. Pero ang ngiti sa mukha ng mga ito hindi nawawala.
Sa dulo ng mga upuan naiyak si Lalaine ng makita si Mother Superior na nilingon siya at nakangiti ng buong saya para sa kanya.
Marahan lang ang bawat hakbang ni Lalaine. Pansin niya sa bawat hakbang ng kanyang paa may kaakibat na supresa.
Sumunod na nakita niya ang mga bata sa bahay ampunan. Hindi din maitatanggi na napakasaya ng mga ito para sa kanya. Hindi nga lang niya magawang lapitan dahil nasa sumunod pa ito ng upuan ni Mother Superior.
Lakad ulit si Lalaine. Hindi siya maaari tumakbo dahil sa nagbabadya na panganganak. Napakalaki ng kanyang tiyan. Humihilab pa iyon ng may ilang beses mula kanginang umaga.
May ilang araw pa siya bago ang due date niya pero ka-pansin-pansin niya ang malikot at parang nagnanais na lumabas niyang anak.
Konti nalang nalalapit na siya kay Ethan. Nasa gilid nga ito ng pinakadulo ng red carpet. Nakangiti na naghihintay sa paglapit niya.
“Finally," Sabi ni Ethan sa kanya ng lapitan siya ng malapit na malapit na siya sa dulo.
Inilahad nito ang kamay para kunin ang kamay ni Lalaine para kanyang alalayan sa pinakadulo ng carpet na nilakaran ni Lalaine.
“Anong kalokohan ito? Ethan?" ngiti ang sagot nito.
“Hindi mo ba nagustuhan? This is yours... Lahat ng tao dito gusto masaksihan ang dream come true ng aking pinakamabait at magandang kaibigan. So..." putol na wika ni Ethan, ngumiti ito ng punasan ang luha sa mga mata ni Lalaine.
“Alam mo bang kangina pa kami naghihintay sayo?" sabi pa nito, nang mapunasan ang luha ni Lalaine. Pero hindi matapos-tapos dahil sa panibago na tumutulong luha sa mata nito.
“Tumigil ka na nga sa pag-iyak. Maging ako tutulo na din ang sa akin. Sige ka!" banta nito may pananakot. “Punasan ko na iyan. Tama na pagtulo." nginitian siya ng manipis.
“Salamat," napuputol-putol niyang wika. Habang magkausap sila ni Ethan. Dalawang tao ang lumapit sa kanila. Nang mag-angat ng mukha sila Lalaine at Ethan. Si Lalaine ang mas nagulat.
Hindi napigilan ni Lalaine ang bumalong ang nakaparaming kuha sa kanyang mata. Nang makita ang dalawang tao na matagal ng hindi nagparamdam sa kanya at hindi niya nakikita.
“M-mom"
“D-dad" bumitaw si Ethan sa pagkakahawak niya kay Lalaine. Nagbigay daan siya sa mag-asawa para magkausap nang mga ito si Lalaine.
Ilang buwan na ang nakalilipas ng hindi sila mga nagkita-kita ng dalhin nila si Carlos palipad ng ibang bansa. May nais mamutawi sa bibig ni Lalaine. Pero bago pa man niya maibuka ang bibig. Nakita na niya ang taong kinasasabikan niyang makita. Si Carlos.
Seryoso pa din ang pagmumukha nito na nakatitig sa kanya habang kayakap ang mga magulang.
Nang makabitaw sa mga yakap ng mag-asawa. Nagbigay daan din ang dalawa para makalapit siya kay Carlos.
Lumakad si Lalaine. Mabibigat ang mga binti at paa hindi niya mabuhat ng magaan. Parang ayaw nuon lumakad at mapahinto nalang. Hindi siya makapaniwalang sa nakikita ng dalawa niyang mata. Si Carlos nakatayo ito naghihintay sa paglapit niya.
Lumakad si Carlos ng may seryoso pa din itsura. Nagseselos. Kasi naman ay nakita niya kung gaano kahigpit ang yakap ni Ethan at Lalaine sa kanyang harapan.
Nakita niya kung gaano ito naging close sa pagkawala niya sa loob ng maraming buwan.
Ito ang araw na kinahihintay niya ng magmulat ang mga mata niya at magising matapos ang ilang buwan na pagkakaratay sa hospital.
Subalit sa pagmulat ng mata niya isang mabigat na pasanin ang hindi niya maigalaw ang buong katawan.
Labis ito na kinatatakutan ni Carlos. Pero dahil sa tulong ni Ethan at ilang mga kakilalang doctor nito. Natulungan si Carlos na makarecover sa lahat ng mga pinagdaanan niya ng ma-aksidente siya.
Tuluyan siya gumaling dahil sa mga doctor na tumulong sa kanya hanggang sa buong recovery niya ng tuluyan na din niya mailakad ang mga paa niya na buong akala niya hindi na niya pa maitayo at mailakad.
Nalaman din ni Carlos sa mga magulang niya na si Ethan ang siyang tumulong sa kanya nung mga panahon na naaksidente siya. Ito ang nagligtas ng buhay niya ng panahon na sumuko na ang katawan niya at tuluyan na nawalan ng buhay. Pero ginawa ni Ethan ang lahat marevived lang siya at mabuhay. Pinagtagumpayan ito ni Ethan dahil kahit isang segundo ay hindi ito sumuko o sinukuan siya sa pag-aalala nito kay Lalaine oras na may mangyari sa kanya.
Napag-usapan na nila ni Ethan lahat at ikinuwento nito lahat ng nangyari ng gabing iyon ng ma-aksidente siya. Hanggang sa ma-coma siya at i-suggest ni Ethan na dalhin ang katawan niya sa ibang bansa sa mga kakilala nitong mga magagaling na doctor sa america.
Abot ang pasasalamat din niya kay Ethan. Sa pagsagip nito sa kanyang buhay. Sa determinations nito na mailigtas siya at sa tuluyan siyang makabawi at gumaling.
Pero bakit nang makita niya ang dalawa na magkayakap nagselos agad ang puso niya kahit alam niyang anak niya ang dinadala ni Lalaine ngayon na nakikita niyang may malaking tiyan at anumang oras ay maipanganak na nito ang anak nila.
Titig na titig ang mata niyang punong-puno ng pananabik sa asawa niya.
Ang puso niya na ayaw tumigil sa pagtibok.
Ang mga mata niyang hindi maitatago ang kasiyahan niyang makita si Lalaine at ang lobo nitong tiyan.
Bumuntong hininga si Carlos habang lumalakad ng dahan-dahan. Medyo hirap pa siya sa paglalakad. Pero sinabi ng mga doctor niya na anytime mailakad na niya ito ng maayos ng hindi siya nahihirapan.
Napalunok siya. Nakatayo si Lalaine ng mapahinto ito sa paglalakad niya. Inaantay niyang si Carlos ang lumapit sa kanya. Naramdaman niya ang paghilab ng kanyang tiyan.
Saglit siyang napahinto sa pag-iisip ng may maramdaman siya sa kanyang katawan. May umaagos.
May umagos mula sa kanyang panty. Tumagos.
Napangiwi si Lalaine sa sakit ng kanyang tiyan. Agaw moment naman ang naisipan niya ng konti nalang mayayakap na sana niya si Carlos at matatanong saka kakamustahin. Kaya nga lang si Beverly agaw eksena ng gustuhin na din lumabas sa araw pa ng masayang oras ng kanyang Ina.
“Manganganak na ako," sigaw ni Lalaine nagkagulo ang lahat. Si Carlos nasira ang moment din. Napatakbo ng iika-ika ang paa palapit sa minamahal niyang asawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍
19/05/2022
0nice novel it give inspiration
04/12/2024
0nice story I love it 🤩
13/11/2024
0Tingnan Lahat