“Okay na ba lahat?" “Oo maayos na, okay na din para mamaya sa party. Wag kang mawawala ahh, it's welcoming party ito para sa baby ni Lalaine. Siguro naman ay ready na din lahat diba sa part mo?" “Oo, ready na ang lahat." tugon ng kausap. “Sige, naayos na din namin ang sa amin. Ang need nalang ay madala siya sa tunay na event mamaya after natin magtungo sa bahay niya. Sa bahay muna niya tayo magstart and then, later saka tayo pupunta sa main party. Basta ikaw na bahala na mag-asikaso sa sinabi ko sayo ahh. Wag mong kalimutan ang pinagagawa ko sayo. Baka mabulilyaso tayo masira ang lahat." “Oo naman, wag kang mag-alala. Ayos na lahat sa part ko. Dadalhin ko mamaya sa bahay niya, mali. Ipapadeliver ko nalang pala para hindi masyado mahalata ang plans natin. Basta if kami ang mauna sa pagpunta sa bahay niya, bili ka nalang ng cake ahh. Para sure na hindi mapulyado ang plano. Kailangan natin palabasin na for baby Beverly talaga ito at hindi siya kasama. And then, pagconvice na natin siya, dun natin ipasok ang pagyayaya sa kanya na sumama. Para hindi niya halata" “Well, mukhang tama ka nga, okay sige, bibili ako ng magandang cake later. Sure ko sayo na hindi siya magdududa." confident nitong wika. “Ako na din bahala incase lang na tila maiba ang ihip ni Lalaine, hanggang ngayon kasi nag-aalala talaga ako sa kanya na parang bigat na bigat pa din siya sa nangyari nuon kay Carlos. But, now. I make sure, we make sure na makikita na natin ang sigla sa dating Lalaine. Basta focus nalang later." “Worry lang naman ako," “Ano na naman ipinag-aalala mo?" tanung niya sa kausap. “Worry lang ako, sana maging happy na siya." “Ako bahala," confident pa ring wika niya kausap. “Anong ikaw bahala? Asides sa napag-usapan natin, may iba pa bang mangyayari mamaya?" tanong nito. “Hindi ba ang plano, ilan pa sa mga kamag-anak ni Carlos at ang mga bata sa bahay ampunan, maging si Mother Superior ang invited sa party?" “Oo, pero may dadating din mamaya." “Sino?" Tanong nito. “Secret muna, pero alam kong magiging masaya ito mamaya." he make sure na mangyayari lahat ng plano at nasaisip niya. ”Wala kang dapat ipag-alala. Dahil lahat magiging maayos at mapapasaya natin siya tiyak panigurado." “Sana nga," wika ulit ng nasa kabilang linya. Natapos ang usapan ng dalawa ng unang magbaba ang nasa kabilang linya. ***** Kasalukuyan naman na dumadating ang mga kaibigan at ilang kasamahan sa ospital ni Lalaine sa kanyang bahay. Mabigat na sinalubong agad si Lalaine ang mga ito habang hindi mapinta ang kanyang mukha. Kangina pa kasi humihilab ang tiyan niya. Pero tingin niya ay wala pa iyon. Pawala-wala kasi ang hilab at sakit. Saka sumasabay lang ang mga kakaibang nararamdaman niya sa tuwing maglilikot ang baby niya sa kanyang tummy. “Hi," humalik sa kanya si Trisha. Kasunod pa nito ang ilang mga kaibigan nila sila Carla kasama ang iba. “Ang hirap kumbinsihin ng mga iyan, sakit sa ulo." reklamo ni Trisha. “Busy kasi sa work. Tapos itong isang kaibigan natin busy sa anak niya, alam mo naman mag 2 years na din anak niya at sobrang likot. Dinagdagan pa!" may pang-aasar na wika nito sa Isa nilang kaibigan na may asawa at anak na. “Speaking of anak. Kamusta na ang inaanak namin?" ngumiti si Trisha sabay hawak sa kanyang tummy. Napangiwi si Lalaine ng biglang nagresponse si Beverly. Natawa sila Trisha. “Makulit din pala itong si Beverly. Mukhang may pagmamanahan. Wag lang sa ama. Abay sumasagot pagkinakausap." biro ni Carla. “Matagal na yon, wag niyo na pag-usapan o mabanggit pa," sagot ni Trisha. “Pero speaking of Carlos, anong balita ba sa kanya?" mas lumungkot ang mukha ni Lalaine. “Sabi ko na nga ba," wika ni Carla. Pero ang mata nito tila nababalutan ng kakaiba. Mula sa mga tingin nito kay Trisha at sa ibang mga kaibigan. Parang may tila mga tinatago. “Lalaine, para sa'yo pala," lumapit ang isa sa mga kasamahan ni Lalaine sa hospital. Napalingon sila Trisha. ”Bakit sila may gift? May okasyon ba?" umakto si Trisha na wala siyang alam sa kung anong meron at bakit may gift ang kasamahan sa hospital ni Lalaine at sila walang kamalay-malay na walang alam sa bagay na dapat pala nagdala din sila. Palihim nagkatitigan ang magkakaibigan habang napatawa si Trisha ng magtanong si Carla na pinigilan ang mapatawa. “Wala ka bang dala?" tanong ni Carla, umiling si Trisha saka pinatulis ang nguso. “Hindi mo naman sinabi" singhal ni Trisha, pagkukunwari. “Bakit ako sinisi?" tumaas ang kilay, wika ni Carla. “Ikaw nga itong nagyaya sa amin di ba?" “Ako ba?" drama na nagtatalo sila. “Oo ikaw," pumaling ng tingin sa mga kaibigan. “Di ba?" nagsitanguan. “Ang korni niyo," wika ni Lalaine. Sinita ang maiingay niyang kaibigan. Habang sinisita ni Lalaine ang mga maiingay na kaibigan. May nag doorbell sa labas. “Tumutunog ang doorbell." sigaw ni Carla. “Baka may bisita pa?" “Si Dok Ethan nalang naman ang wala." sagot ni Lalaine, sinundan ng katrabaho niya na lumakad na sa pinto para ito ay silipin at pagbuksan. “May lalaki sa labas, delivery boy raw siya. May dala, regalo ata." “Sino nagpadala?" tumatawa si Trisha, tanong nito, nagsiiling ang mga kaibigan. “Sige, paki pasok mo nalang dito." utos ni Angie ang kasama ni Lalaine sa ospital na siyang sumilip at nagpapasok ngayon sa delivery boy. Isang mahaba at malaking box ang dala ng lalaking delivery boy. ”Para po kay Miss Lalaine po." sabi nito, pumasok sa loob. “Mukhang alam ko na laman niyan." sabi ni Trisha. “Kangino galing?" tanong ni Carla, napangiti. “Kay Miss Trisha po," nagkatinginan sila kay Trisha. “Sure ka ba?" Tumango ang lalaki. “Trisha po ang nakalagay dito." iniabot pa ng delivery boy ang maliit na papel kung saan nakalagay nga ang pangalan ni Trisha at ang halaga ng pinadala ni Trisha. Nakita ni Lalaine ang apelyido sa maliit na papel na iniabot ng lalaking delivery boy. Napalingon siya kay Trisha. Nakasimangot. “Bakit?" tawa-tawa itong pinuna ang nakasimangot na mukha ni Lalaine. “Hindi alam, pinagkakaisahan niyo na naman ako ano?" singhal niya sa mga kaibigan. “Hindi ahh," palusot nito, matapos itanggi. “Si Carla talaga," itinuro si Carla na panay ang tawa. “Sorry, Lalaine. Gusto lang namin ang ngumiti at tumawa ka. Masyado ka kasing stress ngayon. Makakasama sa baby mo iyan, sa inaanak namin." nagpapaliwanag si Carla. “Oo nga," nakisali na sabi ng nananahimik nilang kaibigan. Nagpapasuso ito ng anak. “Sukat mo nalang, mukhang babagay naman ito sa'yo, Lalaine, ito na ang isuot mo. Halika, suot natin sayo ng maisukat mo na." Hila sa kanya ni Trisha. Nawala na ang tila inis sa mga kaibigan ng magpaglaruan na naman siya. “Ayan, sukat mo na, aayusan ka din namin ni Carla." wika ni Trisha, inilihis na ang kangina pagbibiro kay Lalaine. Habang hawak ni Trisha si Lalaine, si Carla naman ang isa-isa na nag-alis ng pagkaka-tape ng box at pagkakabalot. “Mukhang maganda." wika din ni Trisha, parang hindi pa nakita bago ito pinadeliver sa tindahan kung saan ay binili at pinasadya niya ng tahi. Minadali nga niya ang mananahe, rush talaga. Nag add lang siya ng bayad pakunswelo niya lang sa mananahe dahil sa request niyang magawa agad as sooner ang damit na para kay Lalaine. Namangha si Trisha ng maiangat ng tuluyan ni Carla ang damit ng makuha sa loob ng box. “In fairness ahh, maganda siya," si Carla. Nung nakaraan week pa nabanggit ni Ethan ang plano para sa party na ihahanda nito para sa kaibigan. Kaya't after mabanggit ni Ethan ang tungkol sa gagawin na party. Napagkasunduan nila na siya ang magpapagawa ng damit ni Lalaine para sa party. Agad naman na nagpatahi si Trisha ng puting dress para sa kaibigan niya. Gusto niya maging maganda at masaya ang araw ng occasion at gaganapin na party hanggang gabi. Special na araw ito para sa kanilang kaibigan. Kaya naman special din ito sa kanila dahil alam niyang ito na ang tamang araw at occasion na makapagpapasaya sa kanyang kaibigan. Hindi lang sila ang invited. Kundi may mga taong malalapit kay Lalaine ang pupunta sa party. Kasama na doon ang mga bata sa bahay ampunan na hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin ng kanilang kaibigan. Pinapasok nila si Lalaine sa banyo at pinahubad ang suot nito saka pinasuot ang binili niyang dress. Sumunod naman si Lalaine na hanggang ngayon ay hindi pa makuha kung anong meron at bakit ang kanyang mga kaibigan. Parang excited pa siyang makita ng nakasuot ng dress na binili. Maganda ang dress. Nagustuhan ni Lalaine ang pagkakayari. Sakto lang ito sa kanya, kahit sobrang laki na ng kanyang tiyan. Parang may konti pa nga siyang nararamdaman na luwag habang nakasuot sa kanya ang dress na binili ng mga kanyang kaibigan. Mukhang bagay na bagay nga sa kanya. Kaya naman agad siyang tumungo sa may salamin at duon ay nakita niya ang ganda nito. Daig niya nga lang ang ikakasal sa suot na dress. Nalungkot siya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍
19/05/2022
0nice novel it give inspiration
04/12/2024
0nice story I love it 🤩
13/11/2024
0Tingnan Lahat