CHAPTER 68

“Ano ba ang nangyayari talaga sa anak mo? Kay Lalaine? Bakit nagpalakasing na naman ng sobra si Carlos? Why he looks tired and sad? Sa anong dahilan? Nag away kaya sila ni Lalaine?" nag uusap ang mag-asawa sa kusina habang nag gawa ng hangover soup si Carl habang si Imy naman nagreay rin ng makakain ni Carlos. Mula kasi ng dumating si Carlos pansin nila na tila may problema ito kung bakit ito uminom ng marami at sobrang magpakalasing. Nagtataka sila kaya naman ang naisip nila ay kausapin ito pagkagising maging si Lalaine after duty nito sa hospital.
Hindi pa man nila ito tinatawagan. Pero naisip nila na later bago ito lumabas sa hospital at matapos ang working hours ay tatawagan nila ito upang kamustahin, kausapin at tanungin sa mga nangyayari na hindi nila alam. “Tanungin nalang natin mamaya pag gising. Hayaan mo muna makatulog. Mukhang grabe ang paglalasing ni Carlos ngayon. Asked him after he wake-up." Lumakas si Carl papunta sa niluluto niya. Mainit na at mag-start na rin kumulo ang kanyang niluluto. Nilagyan niya ng knorr cubes para mas sumarap pa ang kanyang niluluto na hangover soup. “Oh, siya malapit na rin ito maluto. Ikaw ba? Kung tapos ka na, try to wake up him. Gisingin mo muna si Carlos habang mainit pa ito. Later hindi na ganun kasarap ito after lumamig at initin. Sige na, lakad na gisingin mo na siya." utos ni Carl sa kanyang asawa. Lumakad naman ito ng tumayo sa upuan niya at para gisingin sana si Carlos. Pero napasinghap siya ng biglang napatigil sa paglalakad. Nasa likod pala niya si Carl nagulat din ng ka-muntikan na sila magkabanggaan.
“Bakit huminto ka?" tanong ni Carl na nagtataka.
“Look at him. Gising na siya" sagot ni Imy.
“Aba, gising na nga. Hindi ka na mahirapan. Sige, lapitan mo na at kukunin ko na sa kusina ang hangover soup at ang ni-ready mong food para sa kanya. Mainam naman habang mainit makakain niya. Teka lang, dito ka muna. Mali, lapitan mo na pala." natataranta na pahayag ni Carl sa asawa niya. Nag tatakbo ito bumalik ng kusina to get some food na inihanda nila para sa anak.
Nagising si Carlos actually hindi dahil sa nagugutom, naiinitan o dahil sa biglang naalala niya ang nangyari sa kanya kagabi. Ang totoo nagising siya because... “Carlos, gising ka na rin. Thanks God pinag-alala mo kami ng dad mo. Ano bang nangyari? Bakit lasing na lasing ka na naman? May problema ba?" tanong ng mommy niya ng maupo ito at lumapit sa kanya. Hinipo nito ang noo ni Carlos to check if may fever ba si Carlos. Para siyang bata na kinakamusta ng Ina habang gumagalaw din ang mga kamay nito at tinitingnan kung may lagnat ba siya, okay lang siya, pinagpawisan ba siya sa pagkakatulog o di kaya ay may nakagulo sa kanya kaya siya biglang bangon.
Actually nagkaroon talaga siya ng isang hindi magandang nightmare. Okay na sana nung una. He already says it. Nasabi na niya kay Lalaine ang nararamdaman niya for her at ipinapakita na niya ito kay Lalaine tulad ng gusto niya. Super caring and sweet ni Carlos sa panaginip niya kay Lalaine. Lovable na siyang asawa na inaasikaso at inaalagaan niya si Lalaine tulad ng kanyang daddy sa mommy niya. He totally change sa panaginip niya malayo sa Carlos sa ngayon. But naisip niya panaginip lang pala talaga ito. Ang masama pa— tumulo ang luha ni Carlos sa mata niya napansin ni Imy agad itong pinunasan ng likod ng isang kamay. Wala pala siya dalang tissue naisip niya.
Sinenyasan niya si Carl na bumalik upang kumuha ng tissue. Nag alala na naman si Imy ng makitang umiiyak si Carlos while he sat on. “Carlos, may problema ba?" tanong ni Imy.
“Mom, do you really think Mahal niya din ako? Na mamahalin na rin ako sa kabila ng mga nagawa ko? Mamahalin din kaya niya ako?" Pahayag ng mahina na sinabayan ng pagbagsak ng luha. Tuluyan na umiyak si Carlos habang nagsasalita at nagtatanong sa kanyang mommy. “Mom, mahal niya rin kaya ako? You knows everything mom, na hindi ako naging mabuti sa kanya from the start. But I really felt na baka hindi niya ako mahalin o matutunan mahalin sa kabila ng mga nagawa ko at pinakita sa kanya. I know, kung maging ganun man. Pero, bakit ngayon nakakaramdam ako ng pagsisisi sa sarili ko? I really don't know if saan nanggaling pero hindi pa naman huli ang lahat sa 'min right? Pwede ko pang maayos, namin? Pwede pa namin pag-usapan kung ano man ang mga bagay na nangyari noon and mag start kami as new beginning at kalimutan na lang yung nakaraan. Just focus nalang sa nararamdaman namin sa isa't-isa? But, may doubt ako. Baka hindi niya magugustuhan kung sasabihin ko sa kanya ang nasa isip ko. Kung aaminin ko sa kanya na mahal ko siya, at gusto ko na mag start kami as new couple. Pero baka ayaw niya. Nasasaktan ako mom, nasasaktan ako isipin na baka hindi siya pumayag at hindi niya ako mapatawad." magulo masyado ang isip ni Carlos at kung ano-ano ang mga lumalabas na sa isip niya na nagtaka din at naaawa si Imy sa kanyang anak. Na patayo ng diretso si Carl sa harapan ng mag-ina niya habang bitbit niya ang tray ng pagkain habang nakikinig at nanunuod lang ang kanyang mag-ina na nag-uusap. While Carlos confess his feelings para sa asawa nito.
“mom" iyak si Carlos na tila sanggol na napahagulhol.
*****
“Lalaine, matatapos na duty natin. Gusto mo mag-almusal muna tayo before umuwi?" cute na pagkakaalok kabado dahil mabilis ang tibok ng puso at malakas ang kaba na baka hindi pumayag si Lalaine sa alok niya. Nagbabakasakali lang si Ethan na pumayag si Lalaine sa kanyang alok. Huminga ito ng malalim. Maalis lang ang mga bad spirit na nagsasabi na hindi ito papayag at tanga siya na inalok ang babaeng napupusuan. “I am sorry, oo nga pala. Kailangan mong umuwi agad." sagot din ni Ethan sa kanyang alok.
Busy si Lalaine sa pag sasalansan at pagbabalik ng mga gamit nila. Siya ang napakiusapan ng kasama niya na mag-ayos muna nito dahil sa kailangan nito ang tumungo sa tawag ng isa sa mga doktor na may emergency patient na kailangan puntahan. Habang nag-ayos siya ng mga magulong kagamitan sa station nila. Biglang sumulpot naman itong si Ethan. Inaalok siya mag-agahan.
Start ng marinig ni Lalaine ang tsismis sa narinig niya sa feeling's ni Ethan para sa kanya. Umiwas siya dito sa buong duty niya. Kung tawagin siya ay pupunta. Kung hindi naman ay babalik siya sa nurse station para don na magtambay. Naninibago naman si Ethan sa buong duty na pag iwas niya. Naiilang din siya sa hindi pag kausap sa kanya ni Lalaine. Naninibago siya sa pag-iwas ni Lalaine. Naisip ni Ethan kung ano ba ang nagawa niya dito kung bakit siya iniiwasan ni Lalaine sakali sa last duty nila masaya pa sila ni Lalaine na magkasama at nagkakausap habang nag rounds sila sa mga patients. But now tila siya isang multo na lang na hindi pinapansin ni Lalaine habang sila mga nagtatrabaho. “Lalaine, may problema ba?" tanong ni Ethan sa busy pero ang totoo kangina pa ito hindi matapos sa ginagawa niya. Nagugulo ulit ito sa tuwing natataranta siya sa ginagawa na pangungulit ni Ethan.
Hindi rin siya mapakali habang nasasanggi muli ng kamay niya ang mga bottles ng mga dextrose na inayos niya saka masasangga ng kanyang kamay. “Lalaine, please kausapin mo naman ako. Bakit ba parang ang weird mo kangina pa ng hindi mo man lang ako kinakausap at sinasagot ang mga tanong ko? Worried na ako sayo. May nagawa ba ako? Mali ba na kinakausap kita? Kinukulit? Sabihin mo kung may mali ba ako o may problema ba tayo. Okay naman tayo last night but today the whole night sobrang stress. Hindi na ikaw yung Lalaine na madalas ko ka-team sa magdamag na pagtatrabaho ko." pahayag ni Ethan. Habang gumilid ito habang nagsasalita si Lalaine hindi makafocus sa kanyang ginagawa. Gustuhin man muna paalisin si Ethan alam niya na hindi ito aalis kung sakali man kanyang iutos dito. Panigurado na hindi ito susunod dahil kilala na ang ugali ni Ethan makulit, magulo at higit sa lahat minsan hindi ito nakikinig. Matigas ang ulo parang si Carlos.
Naalala ni Lalaine si Carlos. Kangina pa sa buong duty niya si Carlos lang naman ang laman ng utak n'ya. Hindi siya makapagtrabaho sa kakaisip dito kangina pa. Iniisip niya kung ano kaya ang ginagawa nito. Kung dumaan kaya ito sa mga parents niya tulad ng sinabi nito sa kanya kahapon ng umaga bago ito tumungo sa opisina nito at iwan siya sa bahay nila.
“Dok, tinatawag ka po kangina pa sa ER. Nandito ka lang pala. May patient po kailangan ka raw don."
“Sige, pupunta na ako." lingon at sagot ni Ethan sa nurse na tumawag sa kanya.
“Okay sumunod na po kayo." sabi nito bago umalis.
“Lalaine, dito ka muna iwan kita." huminga si Ethan bago ito umalis sa nurse station. Nakahinga din ng maluwag si Lalaine ng umalis si Ethan sa kanyang tabi. Nakagalaw na rin siya ng maayos at natapos niya ang kanyang ginagawa. Pero ang utak niya pa rin inaalala si Carlos.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Younglady

    keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍

    19/05/2022

      0
  • avatar
    fajardogiramy

    nice novel it give inspiration

    04/12/2024

      0
  • avatar
    Heleesu

    nice story I love it 🤩

    13/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata