CHAPTER 67

Kararating lang ni Lalaine sa hospital. Mabigat ang kanyang katawan habang buhat niya ito kasama sa paglalakad. Nang magising siya kangina pakiramdam niya nais humiwalay ng kaluluwa niya sa sarili ayaw sumama at nais ang matulog lang, magpaiwan sa bahay. Wala siya sa sarili niya napapansin niya ito. Pero binabaliwa niya lang dahil sa gusto niya ang pumasok at wag na mag-isip pa muna ng mga kung ano-ano. Ang gusto niya magtrabaho. “Hi, Lalaine. Maaga ka today ah!" sambit na bati sa kanya pagdaan pa lang niya sa nurse station. Nakangiti ang ilan sa mga napatingin ng batiin siya ng isa sa mga nakatayo at lumingon ng mag-angat ng mukha at makita siya.
“Maaga pa ba? Parang pakiramdam ko late na ako." sagot niya, naabutan ng paghikab. “Si Dok, nandyan na ba?" tanong niya.
“Oo, maaga talaga pumapasok yon para mag rounds sa mga patients. Kangina pa nga nagtatanong. Bakit wala ka pa raw? Eh, parang hindi nasanay last two minutes ka naman dumating madalas ngayon nga lang naging maaga. Bakit? Nag away na naman ba kayo ng husband mong barumbado? Este, bakla pala. Bakla lang naman ang kilala ko papatol sa babae na tulad natin mapag asikaso at mapagmahal na asawa sa mga Gago nating mister." pahayag na dinaanan sa biro ng isa sa mga close niyang nurse. May alam ito sa sitwasyon niya dahil sa minsan nakwento na rin niya dito ang tungkol sa kanyang sitwasyon sa pagitan nila ni Carlos.
“Hindi naman, naninibago lang ako. Pero minsan naman parang hindi rin. Nababaliw na ata ako o dala lang ito ng puyat at pagod?" hindi siya sure pero tumawa ang nurse na kausap niya. Naglalakad sila sabay papunta sa locker room. Kararating lang nito kung tutuusin. Nagtambay lang ito muna sa nurse station habang inaantay nito si Lalaine. Sila ang madalas na magkasama at tropa talaga habang umiiwas sa ilang nurse na inggit at antribida. Napagtsi-tsismisan na rin kasi si Lalaine sa napapabalita na pagiging malapit niya sa poging doctor na pinaglalawayan ng maraming nurse.
Si Ethan masyado kasi ang pagiging malapit nito sa mga kasama sa hospital. Magiliw ito makiharap, makitungo, makisama at makipag usap sa lahat. Kaya ang ilan naman sa mga nurse na pinapangarap ang poging doctor. Iniisip nila agad na gusto sila.
Maliban sa gwapo si Ethan. Ang ganda ng katawan nito. Perfect sa mga mata ng makakakita lalo na kung pawis-pawis pa sa pagba-basketball sa likod ng hospital.
Mahilig si Dok Ethan ang magbasketball sa likod. Nakikipaglaro siya sa ilang nurse na lalaki at doctor na mga bagong residency ng hospital. Dahil siya ay kilala at may katagalan na rin sa hospital. Sa pagiging mahusay nito at magaling sa trabaho. Lahat talaga hahanga at mapapanganga nalang. Cute pa ito ngumiti parang nawawala ang mata habang kitang-kita na nangingibabaw ang pagka-cuteness nito. “Alam mo ba, balita ko may gusto sayo si Dok" accidentally napalingon si Lalaine. Lumunok siya. May naramdaman siya na iba sa kanya ng marinig ang sinabi ng nurse na kasama.
“Wag kang magbiro ng ganyan." pahayag ni Lalaine. Ayaw niya lang may makarinig at pagpiyestahan siya ng maraming nurse na pantasya si Dok.
“Totoo ang sinabi ko. Narinig ko minsan ang pakikipag usap ni Dok sa ilang kaibigan niya ng tanungin siya ng mga ito at biruin." pahayag nito, she admits na tama lang talaga ang sinasabi niya at binanggit kay Lalaine. “Nagkabiruan pa nga sila bakit hindi ka pormahan at ligawan. After aminin ni Dok na gusto ka niya sa harap ng ilang kaibigan." pahayag muli nito, pabulong lang.
Nagbubulungan sila na nag-uusap. Hindi sila maaari na magsalita ng malakas lalo na marami sila nakakasalubong na ibang mga kasamahan na nurse. Saka baka may makarinig lagot sila. Maaari mapagalitan ang nurse na nagkwento kay Lalaine sa pakikinig nito sa mga usapan ng iba. “Tingin ko, if ligawan ka man ni Dok. Okay lang di ba? Kasi baliw at Gago ang asawa mo. Mano na magmahal ka ng tao na magbibigay sayo ng hindi kaya ibigay ng asawa mo? Bakit? Dahil mahal mo ang siraulo na yon? Gosh! Lalaine, magising ka naman. Kung may tao na higit pa sa kanya ang kaya ang ibalik ang pagmamahal diyan sa puso mo. Why not? Ako nga if ever na may gaya ni Dok na magkagusto sa akin. Bakit hindi? Napakaraming couple sa mundo pag hindi magkasundo naghihiwalay at hahanap ng iba na magbubuo sa kanila." sabi ng lumingon sa kanya.
Huminto na sila sa paglalakad.
“Ikaw swerte mo. Bagong kasal ka lang. Wala pang anak at wala pang nangyayari sa inyo di ba?" pahayag na pagtatanong. Paniniguro lang at question sa nasasaisip niya. “Kaylan lang naman kayo kinasal. Kung ready ka naman. Pwede kang kumuha ng attorney para harangin ang pagpaparegister ng kasal niyo sa NSO. Nasa municipal pa lang naman iyan. Sabi ng kakilala ko non. Kaya pang habulin kung gusto ko. Nasa sitwasyon mo rin ako non nung mapagsisihan ko na magpakasal sa siraulo kong asawa. Kung nalaman ko lang matagal na pala niya ako niloloko at nag-anak pa sa iba. Napakinggan ko sana ang sinasabi ng kaibigan ko. Kaya lang mas pinili ko ang wag nalang makinig at tiisin nalang lalo ng malaman ko buntis ako sa panganay namin." pahayag ng pagkukwento ng nurse.
Binuksan nito ang pinto ng nasa harapan na sila ng locker room. “Pakinggan mo ang nasa puso mo Lalaine. Kung mahal mo siya at hindi ka naman masaya. Bakit ka pa susugal kung nakikita mo naman mas magiging impyerno ang buhay mo sa tuwing kasama mo ang asawa mong Gago. Habang maaga pag-isipan mo muna. Hindi sa nilalason o inuudyukan kita sa mga mali. Pero naawa lang ako sayo at ayaw ko lang mapagdaanan mo ang napagdadaanan ko sa ngayon sa pagtitiis ko sa asawa kong Gago din ng gaya sa asawa mo."
Naupo muna sila saglit habang nag aayos si Lalaine ng kanyang sarili. Alam naman niya ang ibig nitong sabihin. Dinukot niya sa bulsa ng bag niya ang lipstick. Pinahiran niya ang kanyang labi ng manipis lang upang hindi ito masyado makapal tingnan at masagwa tingnan sa mata. Madalas siyang mapuna ng mga kasama niya na sumosobra raw ang paglalagay niya ng lipstick sa labi. Ayos na raw ang bahagya lang or baka sinasadya niya lang dahil may gusto siya pagpapansinan.
“Ayos lang?" Tumango ang katabi niya na nurse. Nag aayos na rin ito ng sarili nito.
“Sa atin lang iyong sinabi mo." paalala ni Lalaine napabaling ang nurse sa kanya.
“Wala naman akong pinagsasabihan na iba. Bakit ko gagawin? Eh, nakita ko naman na okay kayo ni Dok sa tuwing magkasama. Kung sakali man manligaw at accept mo siya to enter dyan sa buhay mo. Nasa sayo na yon. Pero ito ang sasabihin ko sayo. Pag isipan mong mabuti ang gagawin mo sa asawa mo. Masaya ako kung makikita kitang masaya sa desisyon na gagawin mo. Paalala lang ang sa akin at payo ng isang nakatatandang kaibigan. Pero ang finale ng mangyayari sayo, ang pipiliin mo. Ikaw ang siyang gagawa non. Hindi ako. Tandaan mo iyan." tumayo na rin ito matapos ang huling sinabi. “Halika na, bumalik na tayo." pahayag nito ng yayain niya si Lalaine.
*****
“Marco, lasing ka" Sabi ng mommy niya ng gewang-gewang siya na umuwi ng bahay.
“mom" wika n'ya ng tawagin ang mommy niya papalapit pa lang ito ng pinto. “Mom, miss ko na kayo ni Dad. Kumusta po" kahit madalas na dumadaan siya sa bahay ng magulang sinabi niya. “Mom, papasukin niyo muna po ako, namiss ko lang talaga kayo ni Dad kaya ako dito na muna tumuloy." napipikit ang mata ni Carlos pero sige pa rin siya sa pagsasalita.
“Bakit ka ba nagpakalasing?" tanong ng mommy ni Carlos. Hinawakan siya nito sa paypay. Inalalayan habang hila ang katawan ni Carlos na lango sa alak.
Sumigaw si Imy, tinawag nito si Carl na nasa kusina pa. “honey"
Malakas ang pagkakasigaw ni Imy kaya naman narinig agad ito ni Carl. Sumilip ito sa may pinto ng kusina. Nakita niya ang nahihirapan niyang asawa habang bitbit ang lasing nilang anak. Hinugasan ni Carl muna ang kanyang mga kamay bago tumakbo papalapit sa mag-ina. “dad" Wala sa sarili na tawag niya sa ama. “Dad, I miss you" pahayag ni Carlos, naiangat niya ang kamay at turo nito ang amang nagmamadali sa paglapit sa kanila ng mommy niya.
“Ano ba ang nangyari?"
“Malay ko" sagot ni Imy sa tanong ni Carl. “Ganyan na siya pagkakita ko pa lang ng binuksan niya nag pinto. Nagulat pa nga ako. Kala ko magnanakaw ng mabuwal siya sa labas ng pinto at pinipilit niya ang tumayo after mabuwal ng napaupo din." pagkukwento ni Imy.
Tinulungan siya ni Carl na maiupo muna si Carlos sa sofa. Ngunit humiga si Carlos sa kalasingan nito. “Carlos, maupo ka lang muna. Magpapagawa ako ng black coffee sa dad mo. Carlo, gising wag mo muna ipikit ang mata mo." tinapik ni Imy sa mukha si Carlos. Ngunit pumikit na ang mata ni Carlos. Hindi nila alam pa ang nangyari kung bakit nagpakalasing na naman ng higit ito after makita nila nitong mga huling daan sa bahay nila ang pagiging new nito. Napansin nila ang pagbabago ni Carlos ng dumadaan ito sa bahay nila at nanibago sila sa kung paano sila kausapin at pakitunguhan.
Naisip ng mag-asawa na may malaki na itong pagbabago simula ng ibukod nila ang dalawang bata nilang alaga. Pero ngayon kinakabahan muli sila kay Carlos sa nakikita ng mga ito sa paglalasing ni Carlos ng hindi nila alam kung ano ang dahilan. “Si Lalaine?"
“Nasa hospital yon ngayon. Baka busy hayaan mo nalang si Carlos muna dito. Paggising niya saka natin tanungin kung bakit siya naglasing at kung ano ang nangyari na nagpakalasing na naman siya." pahayag ni Imy, pinunasan niya ang mukha ng anak ng basang bimpo sa maligamgam na tubig niya ito binasa. Nakatitig siya sa mga mata ni Marco, sa mukha hanggang buo nitong katawan ay tiningnan ni Imy. Si Carl nagbalik sa kusina para tapusin muna ang kanyang ginagawa.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Younglady

    keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍

    19/05/2022

      0
  • avatar
    fajardogiramy

    nice novel it give inspiration

    04/12/2024

      0
  • avatar
    Heleesu

    nice story I love it 🤩

    13/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata