CHAPTER 64

Umaga walang gana kumain si Lalaine. Naghanda lang siya ng almusal ni Carlos. Subalit hindi ito kumain. Umalis ito ng hindi man lang siya tinitingnan. Lumabas ito ng pinto palabas ng bahay. Nang hindi siya nilingon.
Hindi na rin siya magtataka. Ganito naman talaga sila umpisa pa lang. Hindi na rin siya maghahangad na magbabago ito ng pakikitungo sa kanya. Pero labis ang takot niya kagabi. Hindi niya inaasahan ang pangyayari na yon. Hindi siya pinatulog.
*****
“Good morning, Sir. Napaka aga niyo ata pumasok? Balita ko on leave pa raw kayo? Bakit pumasok na ka 'yo?" takang tanong ng isang staff. Wala pa ang kanyang sekretarya. Hindi niya nilingon ito. Lumakad lang siya patungo sa direksyon ng kanyang opisina.
Nakasunod pa rin na nagtataka ang staff. “Gusto niyo po ba ng coffee? Or, may gusto po kayong inumin? Pasensya na po" napahinto sa pagsasalita. Nakita niya kasi ng magawa siyang lingunin ni Carlos masama ang tingin nito.
“Mas mabuti kung ititikom mo nalang ang bibig mo." pa-singhal nainis talaga siya sa kadaldalan ng staff niya. “Pwede ka ng umalis. Leave my office." utos niya. Parang hinugot sa pagkakatayo ang staff. Nagmamadali itong lumabas ng office ni Carlos. Naupo ng mabigat ang katawan ni Carlos. Badtrip.
Hindi rin siya nakatulog. Tulad ni Lalaine sa ilang oras. Wala siyang itinulog. Hindi umakyat si Lalaine sa kwarto nila. Kaya naman nahirapan si Carlos patulugin ng kanyang konsensya. Nahihiya siya pakiramdam niya na hindi talaga tama ang kanyang ginawa ng— Haist! Asar naman. Kala ko makapagtatrabaho ako. Bwisit! Bumukas ang pinto. Ka-muntikan na tamaan ang kanyang sekretarya. Dumating na pala ito.
“Pumasok ka?" excited itong lumapit kay Carlos. Pero dahil hindi maganda ang timpla nito. Pinatabi siya. “Wag kang lalapit." sabi ni Carlos. Itinaboy ang kanyang sekretarya.
“Bakit naman? Namiss lang naman kita." sabi nito habang nakatayo sa harapan ni Carlos. Maliit lang ang distance na nakapaglalayo sa kanila.
“Nagpapatawa ka ba?" bulalas niyang singhal. Nagulat ang sekretarya. Hindi ito nakakibo sa sinabi ni Carlos. Nagtataka ito. Nakatayo pa rin at hindi umaalis sa tabi ni Carlos. Subalit hindi niya magawang lapitan si Carlos. Kahit ang mailapat niya ang kanyang mga kamay kay Carlos. Hindi niya magawa. Binantaan pa siya ni Carlos.
“Get out of my office." utos rin niya sa sekretarya. Wala talaga siya sa mood. Inis siya ng makita ang favorite niyang sekretarya.
“C-carlos? Are you okay? Bakit ganyan ka sa akin? Hindi mo na ba naalala kung anong meron tayong dalawa?" tanong nito kay Carlos. “You know how I really like you. Gusto kita at gusto mo rin naman ako di ba? Bakit? Dahil ba sa asawa mo kung bakit ka nagkakaganyan?" matapang na tanong nito. Matulis na tingin ang nakita niya sa mga mata ni Carlos ng tingnan siya nito.
“I am so sorry. Hindi ko sinasadya na ipaalala sayo. But—"
“Tumigil ka na! Lumabas ka nalang sa office ko at ayaw mo muna makarinig ng mga kung ano-ano mula sayo." utos ni Carlos. Naging mahinahon pa siya sa lagay na yon. Huminga siya. Lumabas na din ang kanyang sekretarya nang hindi na ito muli pa nagsalita.
Naiwan din siya mag-isa sa office tulad ng gusto niya.
*****
Nagmamadali na din si Lalaine. Halos takbuhin niya ang palabas ng bahay nila ng maalala niya may pasok pala siya sa ospital. Buti nalang nagising siya nalimutan niya talaga ng napasarap ang pagtulog niya gawa ng wala talaga siyang itinulog.
Nag iwan nalang siya ng note kay Carlos. Tinext din niya ito na hindi siya nakapag luto. Kaya sabi niya ay bumili nalang ito ng kanyang mahahapunan. Dahil wala itong maaabutan na makakain sa kanyang pag uwi.
Hindi naman nagreply si Carlos. Nagmamadali siya at nagtatakbo. Buti nalang may taxi agad. Pinara niya ito. “Manong paki bilisan po." utos niya sa driver. Binilisan naman nito ang pagmamaneho. Hindi na siya nakapag ayos sa bahay. Kaya sa sasakyan ay nag-ayos siya ng kanyang itsura.
Huminga siya ng matapos. Kasi naman ay wala nga siyang tulog. Kaya naman tuloy ayun. Ngarag siyang nagmamadali dahil sa pagkakaalala niya na papasok pa siya ngayon. First day pa talaga.
Buti nalang maluwang ang daan. Hindi gaano ka traffic.
“Salamat po" Sabi ni Lalaine.
Six to six ang kanyang pasok.
Twelve hours ang duty niya sa hospital. Wala naman siyang magagawa. Dahil ito ang ibinigay sa kanyang schedule ng hospital. Lakad takbo siya tumungo kung saan ang locker... Ang kwarto ng mga kagaya niya upang iwan ang kanyang mga kagamitan.
Hindi pa maganda ang gising niya. Kahit naman nung makauwi siya kahapon. Hindi rin maganda. “Lalaine" tawag sa kanya. Paglingon niya agad niya nakita si Dok Ethan.
“Ikaw pala, Dok Ethan. Ang aga mo?"
tanong niya nakita niyang maayos na maayos ang itsura nito.
“Oo naman, dapat lang maaga ang doctor di ba?"
“Sabagay!" sagot niya, ngumiti dito.
“Ikaw, parang muntikan ka pang ma-late?"
“Oo" sagot niya. Bakit pa siya magsisinungaling. Kita naman nito sa itsura niya.
Gumalaw ang kamay nito. May hinawi. May umusli pa lang buhok. Hindi niya napansin. “Sorry" tumawa ito.
“Okay lang, buti nga napansin mo." naiilang man siya. Umarte nalang siya na parang normal lang.
“Mag iikot ako sa mga patients. Gusto ko sana samahan mo ako. Pwede ba?" tanong ni Dok Ethan.
“Pero—" napaisip siya.
“Okay lang ba yon?" Duda niyang tanong. “Kasi bago pa lang ako. Baka mamaya mag-isip o pag isipan ka ng mga ilang nurse na mas matagal na sa akin dito. Saka bakit ako? Unang araw ko pa lang dito." nilakasan na niya ang kanyang loob. Hindi na siya nahiya pa na itanong dito.
“Ayos lang yon." sabi ni Dok Ethan. Isina nga siya nito sa pag iikot kasama pa ang ilang nurse at mga doctor na in-tern pa lang din sa hospital.
Nag-ikot sila. Sa buong magdamag para na rin siya nito na tour sa buong hospital. Sa pag-ikot nila sa mga patients. Nag enjoy din si Lalaine ng sobra. Isa na rin don ang napahanga siya sa ginagawang pag rounds ni Ethan sa mga pasyente. Hindi ito brutal magsalita. Pero totoo siya sa mga patients na mga ilang pasaway. Hindi kasi mga nakikinig. At madalas yung may mga edad pa ang mga pasaway.
Ini-ikot din siya nito sa mga wards na kung saan mayroon na mga patients na may malalalang sakit. Naawa si Lalaine. Subalit— napabuga nalang siya. Tumulong siya sa paglilinis ng mga sugat ng ilang pasyente.
“Nag enjoy ka?" natatawa na tanong ni Dok Ethan. Nagkakape na sila. Natapos na rin sila sa kanilang pag-ikot. Natapos din sila sa ER (Emergency Room) napakaraming pasyente na dumadating. Lahat sila busy sa pag asikaso. Lalo na may mga bata din pasyente sila na inasikaso.
“Nag enjoy? Hindi ba dapat ang itanong mo sa akin if napagod ako? Andami nating ginawa sa buong magdamag. Ganito pala dito? Hindi ko expect. Tapos iilan lang din ang mga doctor. Bakit ganun? Hindi kayo nagrereklamo lalo na sa gabi mas madami ang dating ng iba pang pasyente na bago. Yung mga case pa talaga na mas mahirap. Grabe!" buntong hininga si Lalaine. Naiisip niya yung may tama ng bakal sa katawan. Nalaglag raw iyon sa isang construction site. Accident na biglang nahulog matapos na mag-ikot. Guard yung patient. Kawawa!
Awang-awa talaga si Lalaine dahil sa itsura ng guard. Pakiramdam niya talagang mamamatay ito at hindi kakayanin sa dami ng dugo na nawala dito. Pero— tinitingnan niya si Ethan. Pinahahanga talaga siya nito. After an incident na nagkakilala sila sa bar ng ipagtanggol siya nito kay Carlos. Ngayon naman sa second incident na mag krus ang landas nila sa hospital. Pinahahanga pa rin siya nito. Tulad ng naramdaman niya non ng makita ito na bugbog sarado ni Carlos.
“Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Dok Ethan. Binalingan din siya nito. Umiinom kasi ito at may hawak na baso. Inihipan nito ang baso na may lamang kape.
“Wala lang" huminga si Lalaine. Naisip n'ya kung gaano pala kabait at kahusay si Ethan bilang doctor. Naisip niya na sana pwede rin siya maging kagaya nito.
Nang makilala niya si Ethan. Bigla muli nangarap si Lalaine. Ang nais naman niya ngayon ay maging isang doctor after niya siguro mapag isipan mabuti. Magulo pa sa isip niya pero sa nakita niya. Sa ipinakita sa kanya ni Ethan. Parang gustuhin na naman niya ang muli makapag aral at kumuha ng course para maging isang gaya ni Ethan.
Naisip na niya iyon non. If ever magkaroon siya ng chance. Gusto niya magpatuloy ng kanyang pag aaral at kumuha ng unit para maituloy ang kanyang kurso sa medicine course. Gusto niya pumasok sa medicine school non. Kaya lang ay nahihiya siyang magsabi sa mga umampon sa kanya at sabihin na pabago-bago siya ng kanyang pag-iisip.
Pero ngayon desidido na siya. Mag iipon lang siya ng pera. Pang tuition. Para maituloy niya ang kanyang pag aaral at maging isang doctor tulad ni Ethan.
Lumunok si Lalaine.
“Napaka seryoso mo. Bakit? May problema ba?"
“Wala naman. Gusto ko sana maging doctor. Salamat. Dahil sa mga pinakita mo sa akin kangina. Nabuo ko muli ang matagal kong plano. Pero siguro pag sahod ko. Mag iipon muna ako. Kailangan ko syempre ng budget kung sakali na itutuloy ko ang pag pasok sa med school." sagot niya kay Ethan.
Napabuntong hininga si Lalaine. Bumuga din siya. Ngumiti kay Ethan.
Finally! sabi niya sa isip.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Younglady

    keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍

    19/05/2022

      0
  • avatar
    fajardogiramy

    nice novel it give inspiration

    04/12/2024

      0
  • avatar
    Heleesu

    nice story I love it 🤩

    13/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata