“Nagustuhan nyo ba ang regalo namin sa inyo?" tanong ni Imy. “Maganda di ba? Napili namin ni Daddy niyo na dito nalang kayo ikuha ng bahay. Kaya nga lang medyo malayo ito sa bahay natin. Pero ayos lang madali lang naman ang bumiyahe at pumunta dito pag gusto namin kayo makita ng daddy niyo. kinompleto na rin namin ang lahat ng gamit dito ng hindi na kayo mahirapan pang mag-asawa. Wala na kayo iisipin o intindihin pa na bilhin dahil kompleto na. If meron man nasa na inyo if gusto niyo baguhin ang mga decorations na pinaglalagay namin. Natuwa lang ako. Kaya iyan ang napili ko." proud na pagkakabigkas pa na sabi ni Imy. Para siya pa ang titira at excited tumira sa bagong bahay na nakuha nila para sa bagong mag-asawa. “Carlos" nakangiti na tawag sa anak. Inaantok. “What do you think? Maganda di ba?" tahimik. Hindi sumagot si Carlos. “Bastos talaga 'tong bata na 'to." bulong ni Imy pumaling ang tingin ni Carlos. Inilibot din niya ang mata sa paligid ng bahay. “Kailan niyo pa nabili ang bahay na 'to?" tanong ni Carlos ng magsalita. “Mukhang napaghandaan niyo talaga ni Dad. Nakakatawa." baritono ang boses na pagkakabigkas. “Sabagay ano pa bang ipagtataka ko— nagawa niyo na nga maipakasal kami ng ampon niyo. But don't worry aalis din ako dito. Hindi ako magtatagal sa bahay na 'to na kasama ang..." hindi nito naituloy ang sasabihin ng tingnan siya ng masasamang tingin ng kanyang Mommy. Natikom ang bibig niya at naupo nalang patungo sa malaking sofa sa Sala. Tahimik siyang umupo don. Pinanunuod nalang niya ang masasayang pagbibida ng mommy niya sa bahay na nabili nila para sa kanila ni Lalaine. “Lalaile, may groceries na rin dito sa kusina. Pinuno na namin ito. Nakita mo. Lahat ng cabinet may laman. Puno ng mga kakailanganin niyo mag-asawa. Pati yung refrigerator puno na din iyan. Incase na may kailangan pa kayo o ikaw. Iutos mo nalang kay Carlos para bilhin niya sa supermarket. Baka kasi may nakalimutan pa kaming bilihin ng daddy mo. Alam mo na, medyo matatanda na kami at baka mamaya may mga bagay na nalimutan kami." “Sapat na po lahat. Wag po kayo mag-alala." pahayag ni Lalaine. “If ever may kailangan kayo. Tumawag ka nalang." “Hindi na po. Kami na po ang bahala don. wag na po kayo mag-alala pa. Bukas po pala aalis muna ako saglit. Magreport lang po ako sa hospital. Tinawagan po kasi ako. Sayang po if hindi ko itutuloy. Nanghinayang po talaga ako buti tinawagan ulit ako." pahayag na pagbabalita ni Lalaine sa mag-asawa. “Sabagay naisip ko rin... Tama ka. Sige! Puntahan mo na, sayang. Bayaan mo si Carlos. Dapat niya lang naman maunawaan na kailangan mo rin ang magtrabaho. Pero syempre, dapat hindi mo pa rin makaligtaan ang responsibility mo sa asawa mo ahh! Wag puro trabaho. Inunahin mo pa rin 'ang sa inyo. Para mabilis kayo makabuo ng aming mga magiging apo." tumawa si Imy habang pahayag. “Nakakahiya po" sambit niya. Huminga si Lalaine. “Magreport pa lang naman po ako. Pero sana nga po makapag umpisa na rin ako sa pagtatrabaho ko. Gusto ko po talaga ang makapag trabaho sa hospital. Alam niyo naman pong pangarap ko talaga iyon." malalim na napabuntong hininga siya. Ilang minuto pa ang lumipas. Nagpaalam na rin ang mag-asawa. Gabi na rin at malalim na ang gabi mula sa labas makikita. Napatingin si Lalaine sa langit matapos umalis ng sasakyan ng mga parents ni Carlos. Napakaliwanag ng sikat ng buwan. Half moon. Nakikita ng mga mata niya ang mga ilang layo-layong bituin sa langit. Sana bukas maging maayos ang pagpunta ko sa hospital. bulong niya habang nakatingala. “Hoy, hindi ka pa ba papasok?" tanong ng sumigaw si Carlos. Napabaling ang tingin niya dito. Hindi siya sumagot. Tumingin ulit siya muna sa langit bago nagbaba ng tingin at lumakad papasok ng bahay. “Talaga naman!" pumapaling ang labi habang bulong. Nakakatawa g Carlos. Dinaanan lang siya ni Lalaine. Hindi siya pinansin. “Aba't ang babaeng 'yon." gigil na inis niyang sambit. “Hoy, iakyat mo yung gamit ko sa taas." utos niya sumisigaw. Subalit gamit lang ni Lalaine ang kinuha nito. Hindi kinuha ang gamit ni Carlos. Aba't talagang matigas 'tong isa na 'to. nagngingitngit na wika. “Bumalik ka rito ahh! Balikan mo 'tong gamit ko." anito na buntong hininga niyang sigaw. Pero hindi lumingon si Lalaine. Ilang minuto na rin ang lumipas. Pero walang Lalaine ang bumabalik. Naiinis si Carlos. Tinadyakan ang silya. Mali ang mahabang sofa sa sala ang siyang napagbutunan niya ng inis. Tinadyakan niya iyon ulit sa pangalawang pagkakataon. Ngunit nasaktan siya at namilipit sa sakit ang paa niya sa ginawa. Napamura siya ng malakas. Napangiwi ang kanyang mukha habang inalis ang suot niyang sapatos. Napalakas kasi ng kanyang pagkakatandyak. Kaya ang paa niya napuruhan. Malas! Ang sakit. Bwisit kasing babae na 'yon. Asar! Nakakainis. Tatadyak pa sana niya ng makita ang namamaga niyang paa. Hindi na niya naituloy pa. Buntong hininga na naibaba niya nalang ang paa. Badtrip talaga! bulong niya na napasandal sa sofa. Ano bang klase na bahay 'to? Ang laki nga wala naman kwenta ang titira... hindi natuloy. Naputol ang sasabihin sana niya. Nakita niya ang pagbaba ni Lalaine sa hagdan. May dala mga plastic na laman ay basura. Pinipilit ni Carlos ang tumayo. Nakatayo nga siya ng sa paglakad niya. Paghakbang pa lang niya nabuwal agad siya bagsak sa sahig. Tumama ang baba. Hindi agad niya naitukod ang mga kamay. Nagulat kasi siya. Sisigawan sana niya si Lalaine. Pero mabilis ang karma. Inunahan agad siya nito ng pabagsak siyang tumama sa sementadong sahig ng bagong bahay nila. P****.... nagmura si Carlos. Pero ang lakad ni Lalaine dire-diretso. Hindi nilingon si Carlos. Hinayaan niya lang... Mali! Dahil sa hindi naman niya nakita ang pagbagsak ni Carlos sa sahig. Hindi kasi siya nakatingin dito. Basta naglalakad siya ng diretso ng hindi pinapansin ang sofa kung saan nakaupo at bumubulong si Carlos. Nasigaw pala. Tinatawag siya. Pero wala siya naririnig. Kasi nga ay nakasuot siya ng headset sa magkabila niyang tenga. Kaya kahit magmura o magsisigaw si Carlos wala siyang marinig. Naisip ni Lalaine makinig nalang ng mga OPM music. Kanta nila Gary V. Favorite niya ang ilang magandang awitin nito. Kakanta-kanta pa nga siya na bumababa ng hagdan. Hindi lang napansin ni Carlos ng mga pagbuka ng bibig ni Lalaine habang ito ay kumakanta. Ang mata ni Lalaine sa baba lang ng sahig nakatingin habang humahakbang ang paa sa mga baitang ng hagdan. Nang makababa naman ito. Hindi pa rin siya nakita. Kasi ay nagplay ito ng iba pang music sa kanyang phone. Sa cellphone nakatingin ito habang tumatawag si Carlos. Napapangiti pa si Lalaine. Nakita ni Carlos iyon kaya mas nagmura pa ng ilang sunod. Kaya nga tumayo si Carlos at malas niya lang dahil bumagsak siya sa sahig ng pilitin niyang tumayo at hahabulin sana niya si Lalaine para sitahin sa pagtawa-tawa ng mukha nito habang nilagpasan siya sa kanyang inuupuan sa sala. Ang sakit naman! daing na bulong ni Carlos. Pakiramdam niya naipitan siya ng ugat sa ginawa niyang pagkakatadyak sa sofa. Ang sakit... buntong hininga na hinihilot niya ang binti na masakit. Hindi niya mahawakan ang paa niyang namamaga. Labis ang kirot na nararamdaman niya ng hawakan niya iyon. Kaya dahan-dahan lang muna niya ito hinihilot.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍
19/05/2022
0nice novel it give inspiration
04/12/2024
0nice story I love it 🤩
13/11/2024
0Tingnan Lahat