Kasalukuyan na natapos na rin maligo si Lalaine. Suot niya muna ang isang manipis na pambahay lang. Gandang-ganda naman ang dalaga sa kanya dahil sa angking ganda ng hubog ng kanyang katawan. Basa pa ang buhok niya na pinupunasan niya ng towel na dry. Basa na kasi ang isa ng gamitin niya noong matapos sya maligo. Napabuga siya, giniginaw. “Ate, ang ganda mo talaga, morena tapos ang kind pa ng kutis mo. Sana ako din." wika nito. “Maganda ka rin naman. Saka makinis din ang balat mo." tugon niya sa dalagang babae. Umismid ito. “Hindi ahh, kala mo lang marami akong peklat. Nakuha ko nung bata pa ako. Sabi ni Itay at Inay kakatakbo ko raw makulit raw kasi ako non. Kaya ayun, hindi na nawala hanggang sa paglaki ko. Hindi tuloy ako makasali sa mga pageant dahil dito sa peklat ko." lupaypay ang balikat na wikang pahayag nito. Dismayado. Napangiti na wika ni Lalaine. “Pwede naman, takpan lang ng make up. Di ba, ganun ang ginagawa ng iba? Tinatakpan lang nila para hindi makatawag pansin at makaabala sa kanila. Saka, bakit hindi pwede? Maganda ka naman. Saka ayos lang bakit hindi mo kaya subukan? Malay mo. Di ba? One of this day matupad ang gusto ko." suhestiyon ni Lalaine. Ngumiti siya sa dalaga habang punas pa rin niya ang kanyang basang buhok. Nang matapos. Ibinaba niya at nagtanong saan maari niya iyon maisampay. Itinuro naman ng dalaga. “Ate, may jowa ka ba?" tanong nito nagulat siya nasa likuran pala ito nakasunod. Natawa. “Wala!" “Si Kuya Carlos ang first mo?" tanong nito. “Hindi!" “Huh?" gulat. “Hindi ko siya boyfriend." pantatama niya. “Ganun!" parang dismaya pa sa sagot ni Lalaine. “Pero— Bakit ikakasal kayo? Bakit ikakasal ka sa kanya ng hindi mo naman Mahal?" maraming tanong ito. Naguguluhan tuloy siya if sasagutin niya ba ito. Baka magkamali siya ng sagot. Kagat labi. Hindi naman siya makakaiwas. Kasi bawat hakbang ng paa niya nakasunod lang yung dalaga. Napa hugot siya ng malalim habang kanya naman sinuklay ng dala niyang hair brush ang basa niyang buhok. Naupo muna siya sa nakita niyang bangko. Sa labas ng bahay. Sa labas ng bahay siya habang nakaupo sila nag-uusap sila ng dalaga. “Ate, alam mo may jowa ako. Kaya lang nakabuntis." malungkot nito na pagbubukas ng kwento. “Kala ko mahal niya ako. Pero, kumapit-bahay sa iba. Tumikim kahit alam naman niya na siya lang yung lalaki na nakagalaw sa akin. Pero di nakontento at tumikim sa iba at binuntis pa ng siraulong— boyfriend ko." malata nito na sabi. Napabuntong hininga rin ito habang yumukod ang katawan na nakaupo na nakayuko. Naglalaro ang mga paa nito sa ibaba. Alam ni Lalaine na kabado at mabigat masyado ang dala nitong problema. Naisip ni Lalaine na baka walang mapagsabihan ito dahil sa nag-iisa itong anak. Mahirap nga rin naman sa magulang nito umpisahan ang pagsasabi sa mga ganun kapribado niyang kwento. Napalingon si Lalaine. Kala niya may tao. Pero sa may kalayuan natanawan niya si Carlos. Nakabihis na ito. Colored ang suot. “Oh, nakabihis na agad si Kuya Carlos. Ang bilis naman n'ya maligo?" gulat na nakatingin ang dalaga sa gawing direksyon ni Carlos mula sa kanilang inuupuan. Maging si Lalaine ay hindi maalis ang tingin dito. Na susulyapan niya ito mula sa malayo. Seryoso ang mukha ni Carlos habang malalim ang iniisip. Habang inilabas nito ang cellphone niya at may tinawagan. May kausap na ngayon si Carlos sa kanyang cellphone. “Magbihis muna ako. Ituloy natin ang ibinahagi mo mamaya, pag-uwi. Ikaw? Hindi ka ba kasama? Parang sila Mama at Papa mo kasama sa lakad raw ngayon? Bakit hindi ka muna maligo at mamaya ipagpatuloy natin ang kwento mo." Ngumiti lang ito. “Sige ate, magbihis ka na muna. Mukhang paalis na din kayo. Dito nalang ako, nahihiya ako. Saka ayaw ko muna lumabas ng bahay eh. Siguro magpapa-iwan nalang muna ako dito." sabi pa nito, nakatingin pa rin kay Carlos. Naglalakad si Carlos habang kausap ang kung sino man ang tinawagan nito. Seryoso at may time napalakas din ang salita nito sa kausap. Nagulat si Lalaine. Para kasi ito galit. Bago pa man siya lumakad papasok sa likod. Sumulyap ulit siya kay Carlos saka niya binuksan ang pinto. Malapit na siya sa kwarto. Hindi niya nakita ang mga mommy at daddy ni Carlos maging ang mag-asawa na matanda. Lakad lang siya. Binuksan ang pinto at pumasok siya. Yung itinabi niyang damit. Niready na niya para kanya naman suotin. Tumalikod siya sa pinto. Alam naman niya ay isinarado niya yon at nilock pa nga. Kaya mabilis niyang hinubad ang damit niyang suot. Upang ipatong na sa kanyang katawan ang bestida na puti na sinabi sa kanya ng mommy ni Carlos. Maganda yung bestida. Gusto nga niya itong isuot sana nung pupunta sila sana ulit sa bar kung bakit naisipan sila na papuntahin nang Cebu ng mga umampon sa kanya. Nagulat! Pero, umoo naman siya. Na isuot na niya. Yung zipper nalang sa likod hindi niya ma-abot-abot nahihirapan siya dahil maiksi ang kanyang braso. Pilit niya na inaabot yon. Kung bakit nasaktan siya na napangiwi ang mukha niya sa pamimilit na maabot ang zipper upang maisarado mula sa likod. Masikip at fitted din ang suot niya na dress at bakat ang napakaganda niyang hubog. Sexy si Lalaine at maikukumpara din ito sa mga sexy na babae na nadidikit kay Carlos. Sa secretary nito na madalas na mapabalita na karelasyon ni Carlos. Alam ni Lalaine ito. Narakariting na rin sa kanya dahil sa may mga empleyado sa office nila Carlos ang kalapit niya at kaclose. Mga tsismosa din at mahilig sa tsismis ang mga ito. Tatawag or text sila sa tuwing may masasagab na balita tungkol sa mga bali-balita kay Carlos. Ang lalim ng iniisip ni Lalaine. Hindi niya napansin ang pagbubukas ng pinto. Hindi pala niya naisarado yon. Isang bulto ngayon ang nakatayo sa likuran niya nakatingin habang pilit ni Lalaine na hinahatak ang zipper sa likod niya. Napangisi ang bulto na yon. Nakatitig sa maputi at makinis na likod ni Lalaine. Tumaas ang kilay. Nagbago ang mukha nito. Habang maging ang mata niya napagawi sa may makinis at maputing leeg ni Lalaine. Napalunok siya na parang uhaw na nais niya halikan at amuyin iyon. Mukhang mabango. Natural ay dahil bagong ligo si Lalaine. Tiyak na ang halimuyak nuon ay sobrang bango at nakaka-nuot hanggang kanyang kaibuturan ay napapagalaw. Kumibot nga. Naramdaman niya yon na napahawak pa siya at napahimas sa gumalaw niyang sandata. Muli siya na napalunok. Humugot ng malalim. Ini-wilig ang kanyang ulo. Isang malalim ulit na hininga at paghugot. Hindi maalis ang mga tingin at pagkatitig niya ng mapatigil siya at mapa-tayo nalang sa bukas na pinto na yon. Isinarado niya yon. Yung sandata niya nagwawala at nais sunggaban ang nakikita at nang aakit sa kanyang mata. Now niya lang nakita ang kaseksihan ni Lalaine ng mas malapitan at malinaw. Naglalaway tuloy ang pakiramdam niya at ang bulto ng kuryente ngayon na nag uunahan sa kanyang katawan. Nagdadala ng maraming init. Hindi init lang. Nag-aapoy yon na mas nagdadala sa utak niya na tikman si Lalaine. Malas nga lang niya! Nagulat siya ng biglang harap ni Lalaine at sumigaw. Binato niya ito ng unan. Nakaganti siya ng batuhin din siya ng unan ni Carlos kagabi. Nagulat si Carlos hindi makagalaw at napabusangot ang kanyang mukha na nakatingin pa rin sa nagtakip ng katawan na babae sa kanyang harapan. Malapit na sana. Naunsyami pa. Sayang!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
keep it up ate!! nice work! good job!❤️👍
19/05/2022
0nice novel it give inspiration
04/12/2024
0nice story I love it 🤩
13/11/2024
0Tingnan Lahat