Homepage/Maybe [Not Meant To Be]/
27 | What's happening?
27 | What's happening?
...
[Anne's POV]
Napabalikwas ako ng bangon at agad na napatingin sa alarm clock sa bedside table.
Anong oras na ba?
"Late na ako nang gising," saad ko.
Agad akong tumayo at nagtungo sa bathroom para maghilamos, pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto.
7 AM na at dapat ay 6 AM pa lang ay gising na ako para magluto ng almusal namin ni Trevor.
Palagi ko kasi siyang pinaghahanda ng almusal bago siya pumasok sa school at—
Napatingin ako sa nakahiga at nakatalukbong ng kumot sa sofa.
Tumingin naman akong muli sa wall clock sa sala.
Si Trevor, dapat nasa school na siya, pero tulog pa rin siya.
Oo nga pala, simula nang dumating ako sa condo niya ay hinayaan niya na akong matulog sa kuwarto niya at sa sala na siya natulog mula noon.
Syempre, nang mga unang araw ay talagang nahihiya ako at nakikipagpilitan pa sa kanya na matulog siya sa kuwarto at ako naman ay sa sofa,
Pero habang tumatagal lalong kumakapal ang mukha ko.
Kaya sa sala na talaga siya natulog.
Nang lumapit ako kay Trevor ay bahagya ko namang inalis ang kumot sa mukha niya, mahimbing ang tulog niya at hindi niya man lang naramdaman ang paghila ko sa kumot na nasa mukha niya at nakaipit pa sa braso niya at sinasandalan naman ng ulo niya.
Sa ilang linggo kong pagtira sa condo ni Trevor ay ngayon ko lang siya nakita nang tulog, lalo ko tuloy napagmasdan ang pilikmata niyang nang-aakit at nagsasabing titigan mo lang siya, joke lang.
Bahagya ko namang tinapik ang braso niya para magising siya.
"Trevor, gising. May pasok ka diba?" Malumanay na saad ko.
Unti-unti niya namang idinilat ang mata niya at saka ako tiningnan.
"Hmm, anong oras na ba?" Mahinahong niyang tanong.
"7 am na..."
"Ha?" Saka naman siya napa-upo at napatingin sa relo niya.
"Late na ako," dismayadong saad niya at saka napasandal sa sofa.
"Puwede ka pa namang humabol." nakangiting sambit ko.
"Hindi na puwede."
"Bakit hindi? Malapit lang naman ang school mo rito, kaya pa 'yan." Pagkatapos ay umupo naman ako sa katabing sofa na kina-uupuan niya.
"Galit kasi sa late ang professor sa first subject namin kaya... huwag na lang."
"Eh 'di pumasok ka na lang sa second subject." Sambit ko.
"Puwede naman, kaya lang tinatamad na rin ako." Saka naman siya muling humiga.
Hindi ko alam na marunong rin pala siyang tamarin.
"Oy! Bawal ang tamad!" Saad ko.
"Pag sinabing bawal ang tamad, bawal ang tamad!" Pagdiriin ko.
"Tsk, ngayon lang naman, mas gusto ko muna rito sa condo, o kung gusto mong lumabas, pwede naman tayong lumabas." nakangiting sambit niya.
"Hindi naman bawal lumabas diba?" Sabi niya naman habang nakangisi.
"Bahala ka riyan." Saka naman ako tumayo at muling nagtungo sa kuwarto.
Hindi naman ako nagfi-feeling nanay, kapatid o kung sinuman sa buhay ni Trevor, kung ayaw niya pumasok, eh 'di huwag!
Pagpasok ko sa kuwarto ay binuksan ko naman ang cabinet para kumuha ng damit ko at saka ako nagtungo sa bathroom para maligo,
Akala mo talaga, kuwarto ko ang kuwarto ni Trevor eh, haha.
Hindi ko pa rin mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari nang sabado.
Hindi naman ako kinikilig.
Siguro,
Medyo,
Konti,
Ah basta!
Nalaman ko lang kasi na may gaganapin na mini concert ang isang sikat na banda malapit dito sa condo noong sabado.
At dahil sikat ang banda na iyon at malapit lang dito sa condo, syempre ayoko namang palampasin ang pagkakataon na hindi sila mapanood ng libre.
Kaya pinilit ko si Trevor. Gabi naman iyon at tapos na rin ang klase niya kaya kahit ayaw niya nang una, napilit ko rin siya, hehe.
[LAST SATURDAY]
"Saan daw ba kasi gaganapin?" Tanong ni Trevor habang naghahanap ng pagpaparkingan ng kotse.
"Dito lang iyon, pag may nakita kang nagkukumpulang mga tao, iyon na 'yon." Sambit ko habang nakasilip sa bintana at hinahanap ang stage kung saan gaganapin ang concert ng isang sikat na banda.
Hanggang sa nakita na namin ang lugar kung saan maraming tao at mga sasakyang naghahanapan ng pagpaparkingan, buti na lang at may nakita si Trevor na mapagpaparkingan ng kotse niya.
Agad naman kaming nagtungo sa concert, hindi ko inaasahan ang ganito karaming tao, outdoor concert kasi iyon at dahil libre, siguro ay marami talagang gustong manuod, lalo na at sikat sila.
"Anne, sandali." Dinig kong saad ni Trevor.
Ako naman ay abala sa paghanap ng puwesto at sa pakikipagsiksikan para sana mas makalapit sa stage.
Hindi ko na muna inisip si Trevor dahil alam ko namang nakasunod lang siya sa akin.
Hindi naman sa ito ang unang beses na naka-attend ako ng isang concert, pero parang ganun na rin dahil iba ang excitement ko kumpara sa mga concert at pa-banda na madalas ganapin sa school namin noon,
Syempre iba 'yung sikat, diba? Hehe.
Hangang sa nagulat ako sa isang malakas na tunog at boses na mula sa napakalaking speaker,
Sa dami ng puwede kong malapitan na bahagi ng stage ay natapat pa ako mismo sa napakalaking speaker, hindi naman ako nabingi.
Ilang sandali lang ay hiyawan at tilian ng mga taong nasa paligid ko ang siyang naging dahilan para bigla akong mapatakip ng tenga ko.
Pero dahil napatingin sa akin ang babaeng nasa tabi ko at mukhang inirapan pa ako dahil sa ginawa kong pagtakip ng tenga ko ay agad ko ring inalis ang kamay ko rito.
Ngumiti na lang ako at tumili na rin para hindi niya na lang ako pansinin.
Nagsimula na ring kumanta ang banda at halos lahat ay nakikisabay sa pagkanta habang isinasayaw ang mga kamay nila sa itaas.
Syempre nakigaya na lang rin ako sa kanila.
"Hindi ko naman makita." saad ko sabay tingin sa paligid ko.
Teka, nasaan si Trevor?
Tumingin ako sa bawat sulok sa paligid ko pero kahit isang Trevor ay hindi nakita ng mata ko.
Agad akong naglakad palayo sa stage habang tumitingin-tingin sa paligid.
Sa sobrang ingay at gulo ng paligid ay hindi ko na napansin na wala pala si Trevor sa tabi ko.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Paano pag hindi na kami nagkita?
Hindi ko pa rin kabisado ang lugar at hindi ko rin alam ang address at kahit pangalan ng condo kung saan nakatira si Trevor,
Paano ako babalik nang ako lang?
Halos ipilit ko ang sarili ko na makadaan sa kakarampot na space mula sa mga nagsisiksikan at naghihiyawan na mga tao at pilit na gustong lumapit sa stage, abala pa rin ang mata ko na hanapin si Trevor kahit alam kong medyo imposible dahil na rin sa dami ng tao.
Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko ay nawawala akong bata na gusto nang umiyak dahil hindi ko mahanap ang tatay ko.
Sabihin niyo nang parang bata ako pero pakiramdam ko ay natutuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba at sa takot na baka—
"Kanina pa kita tinatawag wala ka bang naririnig?" Sambit niya nang biglang hablutin ang kamay ko. Umiling ako habang tulala na nakatingin sa kanya.
"Sinabi ko na kasi sa 'yong maraming tao ang pupunta rito, kung gusto mo makita ang banda na 'yan pwede naman tayo pumunta sa ibang concert nila..."
"'Yung hindi libre, para hindi ganito karami ang tao..."
"Muntik pa tayong maghiwala—" bigla ko siyang niyakap.
"Trevor, akala ko hindi na kita makikita... sorry." Kinakabahan na saad ko.
Hindi ko alam bakit ganito yung pakiramdam ko nang biglang nawala si Trevor sa tabi ko, at hindi ko rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang gumaan ang loob ko at nakita ko siya.
"...kaya nga hinanap kita kasi alam kong hindi mo ako makikita nang basta lang..." Mahinahong saad niya.
Sa bawat araw na naririnig ko ang boses ni Trevor, ito lang yung unang beses na parang may kakaiba sa boses niya, hindi ko maipaliwanag pero gusto ko lang pakinggan at ulit-ulitin sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya.
"...ang liit mo kasi, paano mo ako mahahanap kung sa lahat ng nandito ay ikaw na ata ang pinaka maliit."
Napadilat ako nang mata mula sa pagkakapikit ko dahil nga sa feel na feel ko 'yung pagyakap ko sa kanya at 'yung salitang sinabi niya, pero mukhang maiinis lang ako sa huling sinabi niya.
Agad ko namang inalis ang yakap ko sa kanya at saka siya tiningnan habang naka-irap ang mga mata ko, nakangiti naman siya sa akin.
Bumuntong hininga ako, "Oo nga, lumapit pa ako sa stage kasi akala ko makikita ko 'yung mga mukha nang kumakanta at nag-gigitara, pero mas higante pa pala ang mga taong nandoon, nabingi lang ako speaker nilang pagka-laki-laki." Natawa naman si Trevor habang ako naman ay nakasimangot pa rin.
Okay na 'yung scene, pero sinira niya mood ko, hay.
"Kaya tara na, at least nakapunta ka ng concert kahit hindi mo sila nakita." saad niya sabay hawak sa kamay ko.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak habang naglalakad kami patungo sa parking area,
May ibig-sabihin ba ito?
Tiningnan ko si Trevor, meron siyang sinasabi pero hindi ko pinapansin dahil iniisip ko kung bakit naglalakad kami habang magkahawak ang kamay,
Napansin ko naman ang ilang mga nagdaraan at kasabayan naming naglalakad na nakatingin kay Trevor, sa tingin ko ay kilala nila si Trevor.
Karamihan sa kanila ay babae at ang ilan pa ay masama ang tingin sa akin.
"...at huwag kang parang iiyak kung hindi mo man ako makita, hahanapin naman kita kaya hindi ka dapat mag-alala" saad niya.
Tiningnan ko naman si Trevor at nakita kong nakangiti siya matapos niyang sabihin iyon. Muli naman akong napatingin sa kamay naming magkahawak at bahagya ko iyong hinigpitan at naramdaman naman ito ni Trevor kaya tumingin naman siya sa akin,
"Ah, sorry," saad niya nang biglang bitawan ang kamay ko sabay akbay naman sa balikat ko.
Inalis niya naman din agad ang kamay niya sa balikat ko at inilagay niya na lang ito sa bulsa ng pantalon niya at saka ako ulit bahagyang nginitian.
Inilayo ko namam ang tingin ko at napabuntong hininga na lang. Pareho kaming na-awkward at sa ilang linggo na naming magkakilala ay ngayon ko lang naramdaman na ma-ilang ng ganito kay Trevor.
Pero sa kabilang banda, hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang pakiramdam ng yakap at hawak ng kamay niya...
...
[PRESENT TIME]
Natauhan ako sa iniisip ko nang marinig ko ang katok sa pinto mula sa bathroom.
"Anne, tapos ka na ba maligo?" Dinig kong tanong ni Trevor.
Nataranta naman ako at agad na binuksan ang shower para magbanlaw ng buhok at katawan ko.
Bakit kasi naisip ko na naman ang mga nangyari nang sabado?
Pagkatapos kong maligo ay dali-dali naman akong nagbihis at saka ko binuksan ang pinto ng bathroom.
Bumungad naman sa akin si Trevor na walang suot na pang-itaas at tanging tuwalya lang na nakasampay sa balikat niya ang tumatakip sa matipunong katawan niya.
Hindi ko talaga maintindihan pero pakiramdam ko ay bumagal ang oras nang mapatingin ako sa katawan niya at sa abs niyang nagtatago sa tuwalyang nakasampay balikat niya.
Natauhan na lang akong muli nang maramdaman ko ang pag-hawi ni Trevor sa balikat ko para patabihin mula sa gitna ng pinto.
"Tagal mo naman maligo," dinig kong sambit niya. Pagkatapos ay isinira niya na ang pinto.
Napabuntong hininga na lang ako habang wala sa sariling napaupo sa kama.
Ano ba nangyayari sa akin?
Bakit parang iba na yung tingin ko kay Trevor?
Bakit parang nabibingi ako sa bilis ng tibok at lakas ng tunog ng puso ko?
Hindi ako sigurado...
...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (24)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love it
27/10/2024
0😍😍😍
21/06/2024
0very nice
12/06/2024
0Tingnan Lahat