Homepage/Maybe [Not Meant To Be]/
25 | Girlfriend
25 | Mystery girlfriend
...
[Trevor's POV]
"Bye Anne, bye Trevor. Salamat sa pagsama." Nakangiting sambit ni Sam saka tumakbo papunta kay Waigne habang tinatawag ang pangalan niya.
"Ingat ka kay Waigne," sabi naman ni Anne, natawa naman ako kay Anne.
"Hindi ba talaga kayo magkakasundong dalawa?" Tanong ko habang tinutulungan si Anne magligpit ng mga dinala namin.
"Hindi ko kasi gusto ang ugali ng kaibigan mo, siguro nga mabait siya at sadyang masungit lang talaga pero, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa kanya nang hindi ako maiinis sa mga sagot niya." Paliwanag niya. Nangiti na lang ako.
Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa kotse.
"Wala ka bang naiwan?" Tanong ko kay Anne.
"Hmm, wala naman, may naiwan ba ako?" Tanong niya naman sa akin.
"Ewan ko--"
"Ah! May naiwan ako!" Sambit niya saka mabilis na naglakad pabalik sa pwesto namin kanina.
Ano namang nakalimutan niya?
Agad ko namang inilagay sa kotse yung mga gamit namin at hinintay ko na lang si Anne sa labas ng kotse habang nakasandal sa hood nito.
"Hi, Trevor," tiningnan ko naman yung babaeng lumapit sa akin.
Hindi ko siya kilala pero sa itsura ng lace sa ID na suot niya ay sigurado akong pareho kami ng school na pinapasukan.
"Sorry, nakita ko lang kasi na may kasama kang girl..." sambit niya habang nakangiti.
May kasama rin pala siyang babae, dalawa silang nasa likuran niya.
"Girlfriend mo ba siya?" Tanong nang isa sa babaeng nasa likod niya.
Girlfriend?
Sino?
Si Anne?
Saka naman ako napatingin kay Anne na papalapit nang muli sa akin. Muli naman akong tumingin sa tatlong babaeng nakikichismis na naman sa pribadong buhay ko, tsk.
"Paano kung oo?" Tanong ko sa kanila.
"We just wanted to know, that's all." sabi nang babaeng nasa harap, leader ata nila.
"Girlfriend ko nga." Seryosong sagot ko.
Nang makalapit naman si Anne ay tiningnan niya rin yung tatlong bibe—babae pala.
Nginitian sila ni Anne habang bitbit yung tupperware na binalikan niya, ngumiti rin naman sila.
"Bye trevor," sambit nang isa pagkatapos ay umalis na sila.
Tiningnan naman ni Anne yung tatlo habang naglalakad palayo sa amin.
"Sino 'yung mga 'yon?" Tanong niya nang nakanguso doon sa tatlo, umiling naman ako.
"Hindi ko kilala." Saka ko pinagbuksan ng pinto sa kotse si Anne,
"Bakit kinakausap mo kung hindi mo naman pala kilala?" Tanong ni Anne at saka pumasok sa kotse.
Umikot naman ako at sumakay muna sa kotse bago sagutin ang tanong niya.
"May tinatanong lang sila."
"Ano naman 'yon?"
"Kung girlfriend daw kita."
"Girlriend? Ako?" Gulat na saad ni Anne,
Napangisi naman ako sa reaksyon ni Anne. Nagsimula na rin akong magmaneho.
"Seryoso ba?" Tanong niyang muli, tumango naman ako.
"Eh, anong sabi mo?" Mahinang tanong niya habang nakayuko.
"Ano bang dapat kong isagot?" Pang-aasar kong tanong.
Kita ko naman mula sa gilid ng paningin ko na nakatingin siya sa akin.
"Syempre hindi!" Saad niya.
"Eh kung hindi sila maniwala?"
"Bakit naman hindi? At saka, sino ba sila? masyado naman silang nangingialam sa buhay mo at kailangan pang tanungin kung sino ako sa 'yo, ang hirap mo naman maging kaibigan." nakasimangot na saad niya. Natawa na lang rin ako.
"Pero ano ngang sinagot mo?" Muli niyang tanong.
"Secret," pagkatapos ay tiningnan ko siya. Kumunot naman ang noo niya.
"Secret..." dinig kong bulong niya.
Hindi ko naman pinaglalaruan si Anne at nasabi kong girlfriend ko siya kahit hindi naman, gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang paniniwalaan nila at kung hanggang saan makakarating ang nasagap na chismis ng tatlong bibe na 'yon.
Habang nasa byahe naman ay biglang lumipat si Anne sa backseat, hindi ko alam kung anong hinahanap niya pero nang makita niya 'yung box nang pizza ay bigla naman siyang napangiti at muling lumipat sa passenger's seat.
"May isang slice pa ng pizza, nagugutom na kasi ako" mahiya-hiyang saad niya.
"Gusto mo?" Alok sa akin ni Anne
"Pakagat ako," sambit ko.
Kinuha niya naman yung pizza at saka ako sinubuan.
Nang maka-kagat na ako sa pizza ay natigil naman si Anne at tiningnan lang ako sabay tingin sa pizza na hawak niya.
"Bakit?" Pagtataka kong tanong.
"Isang kagat, kalahati agad?" Seryosong saad niya.
"Ay, sorry, gutom na rin ako," saka ako ngumiti at napakamot sa ulo.
"Ubusin mo na yan, order na lang ulit tayo ng pizza pagdating sa condo," saad ko.
Hindi naman sya umimik at kinain niya na lang yung pizza, nagalit ata. Malay ko bang makakalahati ko 'yung pizza sa isang kagat ko? Tsk.
...
"Mauna ka na sa condo, may pupuntahan lang ako." Sambit ko kay Anne nang makapag-park ako sa labas ng condo.
"Saan?"
"Basta, saglit lang ako."
"Okay, order ako ng pizza ah," nakangiting saad niya, tumango naman ako.
Pagkatapos ay bumaba na rin siya ng kotse. Agad naman akong nagmaneho patungo sa bahay nila Izzy.
Hindi niya naman ako pinapupunta sa bahay nila, gusto ko lang malaman kung bakit ayaw niyang sumama kanina.
Nang makapasok na ako sa village nila ay agad ko rin siyang tinext para sabihing papunta ako sa kanila.
Nang malapit naman na ako sa bahay nila ay nakita ko naman siyang nakatingin mula sa bintana ng kuwarto niya sa second floor, pagkatapos ay nakita niya na rin ang kotse ko sa tapat ng bahay nila.
Ilang sandali lang ay nakita ko na rin siyang palabas sa gate nila, saka naman din ako lumabas ng kotse at sumandal sa pinto nito.
"Diba sabi ko ayoko sumama?" Bungad niya sa akin
"Hindi naman kita sinusundo, tapos na kami mag-picnic."
"Oh, sorry nag-assume ako." Sarcastic na saad niya.
"So, bakit ka pumunta rito?" Tanong niya saka sumandal sa kotse ko.
"Para kasing may mali sa 'yo," sagot ko.
Pansin ko lang kasi na parang nitong mga nakaraang araw ay tahimik lang siya at palaging may iniisip, nag-aalangan naman akong tanungin sya dahil alam kong hindi rin siya magsasabi kung talaga mang may problema siya.
"Like what?"
"Di ko alam, magsabi ka na lang," saad ko at saka siya nginitian.
"Anong sasabihin ko? Don't worry, I'm okay." nakangiting saad niya, tumango naman ako.
"Mag-isa ka lang ba?" Tanong ko naman habang nakatingin sa bahay nila.
"No, my parents left a while ago, alam mo na, work, work, and work. Walang pasok si Jess so kami lang dalawa mag kasama ngayon." Muli naman akong tumango.
"Since nandito ka na rin naman..." tiningnan ko naman siya.
"May gusto sana akong itanong sa 'yo," dagdag niya.
"Ano 'yon?"
"What would you feel if may boyfriend na ako?" Seryosong tanong niya.
Tiningnan ko lang siya at napaisip sa tanong niya.
Ano bang dapat kong maramdaman?
"Wala? Kailangan ba may maramadaman ako?" Pagtataka ko. Inirapan niya naman ako.
Ano ba kasing dapat kong maramdaman?
"What I meant is, tingin mo ba if may boyfriend na ako kailangan may girlfriend ka na rin so that people wouldn't think na hindi ka pa naka-move on sa akin?"
Hindi namam ako agad nakasagot sa sinabi niya.
Alam kong may nakaraan kami ni Izzy, minsan ko siyang minahal at hindi ko naman ipagkakaila na may halaga pa rin siya sa akin ngayon lalo na at maayos naman kaming dalawa kahit hindi maayos yung paghihiwalay namin noon,
"Sino namang mag-iisip no'n?" Tanong ko, napabuntong hininga naman siya.
"Hayaan mo na nga" saad niya.
"Bakit? May boyfriend ka na ba? Bakit di ko alam?" Tanong ko naman.
Baka kaya siya tahimik kasi may tinatago siyang relasyon?
"Kailangan ba lahat sabihin ko sa 'yo? You're just my Ex, not may parents."
"Ang sakit naman pakinggan no'n Izzy, nagtatanong lang naman ako."
"Nevermind. Uwi ka na, baka pag may nakakita sa 'yo na nandito sa bahay namin ay sabihin pa nilang nagkabalikan tayo."
"Tsk, bye," muli naman akong pumasok sa kotse at nagsimulang magmaneho.
Ano ba kasing dapat kong maramdaman kung may boyfriend na nga na bago si Izzy?
...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (24)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love it
27/10/2024
0😍😍😍
21/06/2024
0very nice
12/06/2024
0Tingnan Lahat