24 | Like or not

24 | Like or not
...
[Waigne's POV]
Matutulog na muna ako, wala pa naman silang balak umuwi kaya dito na lang ako matutulog.
Dapat kasi ay nasa bahay ako at natutulog sa mga oras na ito, pero pinilit nila ako mag-picnic kaya hindi ako nakatulog.
"Waigne." Samara, tiningnan ko naman siya.
"Sa kakalapit ko ata sa 'yo pati ako nagiging antukin na, nakakahawa ka." saad niya saka siya humikab at sumandal sa balikat ko.
Inalis ko naman yung ulo niya sa pagkakasandal sa balikat ko.
"Grabe ka, gusto ko lang rin namang matulog,"
"Bakit kasi hindi ka nagdala ng unan?" Sambit ko habang nakasandal sa puno at nakapikit habang suot ang earpod sa isa sa tenga ko.
"Gusto ko kasing sumandal sa balikat mo kapag inantok ako, hehe" saka naman sya muling sumandal sa balikat ko at saka inilagay ang kamay nito sa braso ko.
Hinayaan ko na lang, mapapagod lang ako kapag sinaway ko pa siya.
"Ay, ang sweet naman nila."
"Gusto ko rin ng gan'yang sandalan kapag natulog ako."
"Ako rin."
Dinig kong sambit ng mga tao sa paligid, tsk. Nasaan na ba sila Trevor?
Ilang sandali lang ay nakita ko si Anne na papalapit sa amin, siya lang mag-isa.
"Nasan si Trevor?" Tanong ko nang makalapit na siya.
"May iche-check lang raw siya sa kotse." Saad ni Anne saka umupo.
"Tulog ba si Sam?" Tanong niya.
"Mukha bang hindi?" Sumimangot naman bigla ang mukha niya.
"Nagtatanong ng maayos sasagot ka ng bastos, ang hirap mo kausap!" Inis na saad niya.
"Tsk."
Sandali naman kaming natahamik. Si Samara naman ay mukhang mahimbing na ang tulog, ako dapat yung matutulog hindi siya, tsk.
"Hindi mo pa ba sasabihin kay Trevor?" Tanong ko kay Anne, tiningnan niya naman ako.
"Hindi pa, hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya," seryosong sagot niya.
"Ako na lang—"
"Alam mo Waigne, alam kong mabuti kang kaibigan at hindi ko alam kung bakit kailangan mong mainis sa akin para mainis rin ako sa 'yo," saad niya.
"Sasabihin ko rin naman kay Trevor, hindi ko naman kagustuhang magsinungaling sa kanya at aaminin ko sa 'yo, habang tumatagal lalo akong naguiguilty sa mga nangyari o nagawa ko kaya sana naman hayaan mo na lang ako." Seryosong sambit ni Anne na parang nalungkot pa.
"Gusto mo na siya, kaya naguguilty ka na?" Tanong ko.
"Oo—ha?" Gulat na saad niya.
"Si Trevor, kung may gusto ka na sa kanya?" Mahinang saad ko.
"Ah, bakit mo gustong malaman? Huwag mo sabihing pati feelings ko uunahan mo na rin akong sabihin sa kanya?"
"Eh 'di gusto mo na nga si Trevor?"
"May sinabi ba ako? Wala naman akong sinabi," umiwas naman siya ng tingin sa akin.
Napangisi na lang ako sa kilos ni Anne, kahit i-deny niya pa, sa tingin ko ay nagkakagusto na nga siya kay Trevor, tsk.
Ilang sandali lang ay dumating na rin si Trevor,
"Oh, tulog si Sam?" Tanong ni Trevor.
"Mukha bang hindi?" Sagot ni Anne.
"Sorry naman," Trevor
Bigla namang nagising si Samara at napatingin ng oras sa phone niya.
"Nako, tanghali na pala, kailang ko na umuwi," nag-aalalang saad niya.
"Bakit?" Tanong ni Anne.
"Ah, wala kasing tao sa bahay at saka susunduin ko pa sa klase yung kapatid ko mamaya." Samara.
"Gano'n ba, sige tara na umuwi na tayo." sambit ni Trevor.
Niligpit naman nila Samara yung mga kalat namin.
"Malapit lang ba bahay ni'yo sa condo ni Trevor Anne?" Samara.
"Ah, oo. Doon din ako umuuwi." Anne
"Sa condo ni Trevor?" Samara
Nagkatiningnan naman kaming tatlo nina Trevor.
"Ah, ang ibig sabihin ni Anne, same lang kami ng condo building na inuuwian, hehe." Paliwanag ni Trevor, saka niya naman tiningnan si Anne.
"Oo, doon din sa unit--condo building nila Trevor ako umuuwi," nakangiting saad ni Anne.
"Sila Trevor may-ari ng condo building na iyon?" Gulat na saad ni Samara.
"Hindi, sa ate niya--"
"Asawa ng ate ko." at ngumiti naman si Trevor.
Kahit kailan itong si Samara, andaming tanong, kaya siya nagmumukhang parrot eh.
"Ingat kayo Waigne, hatid mo na rin si Sam." Saad ni Trevor sabay kindat, tsk. May gusto na namang ipahiwatig ang loko.
Nauna na akong naglakad papunta sa kotse ko at narinig ko naman ang boses ni Samara nang tinawag ako at patakbong lumapit sa akin.
"Oy, sabi ni Trevor ihatid mo raw ako." Saad niya
"Si Trevor lang nagsabi no'n." sagot ko.
"Kahit na, pinagkatiwala ako sa 'yo ng kaibigan mo kaya dapat ihatid mo ako."
"Wala namang pake sa 'yo si Trevor."
"Grabe ka talaga Waigne, napakasama mo, mag-alala ka naman sa akin kahit papaano..."
"Ilang linggo na akong palaging sumusunod sa 'yo at hinahanap-hanap ka, palagi kitang kinakausap tapos ganyan ka pa rin sa akin?" Malungkot na saad ni Samara.
Ilang linggo na rin akong puyat dahil sa walang tigil niyang kakasunod, kakahanap at kakadaldal sa tuwing makikita ako, tsk.
"Sana naman kahit papaano magkaroon na ako ng halaga sa 'yo, friends tayo diba?" Nakangiting sambit nito habang nakatingin sa akin.
"Bahala ka." sagot ko.
"Pero thank you pa rin, masaya ako at naka-idlip ako sa balikat mo ngayong araw," nahihiyang saad niya kasabay ng paghawi niya sa buhok malapit sa tenga niya.
Tsk, para siyang ewan kung kiligin.
Kinuha ko naman ang susi ng kotse sa bulsa ko at saka binuksan ang pinto nito.
Tumingin naman ako kay Samara na huminto pala sa paglalakad at nasa sampung talampakan ang layo sa akin na parang naghihintay ng kung ano mula sa akin habang nakangiti at payuko-yuko pa.
"Halika na." Sambit ko. Bigla naman siyang tumakbo at agad na pumasok sa kotse ko sa harapang upuan nito.
Sumakay na rin naman ako at nagsimula nang magmaneho.
"Kahit sa bus stop mo na lang ako ihatid, okay lang." Saad niya.
"Sabihin mo na lang kung saan ang address niyo, gano'n din naman."
"Talaga? Ihahatid mo ako sa amin? Okay sige," at masaya na naman siya. Hindi na lang ako umimik.
Makalipas ang ilang minuto ay naihatid ko na rin siya sa bahay nila.
Bumaba naman ako saglit at tiningnan ko ang paligid ng bahay, napatingin na lang ulit ako kay Samara na nasa kotse pa at hindi pa rin bumababa.
"Anong hinihintay mo? Hindi ba rito ang bahay niyo?" Tanong ko.
"Ha? Ah, akala ko kasi pagbubuksan mo ako ng pinto hehe." saad niya nang lumabas na siya ng kotse.
Tsk, bakit ko naman gagawin yun?
"Gusto mo ba munang pumasok sa loob? Puwede kitang ipagtimpla ng juice, chocolate, o kaya kape. Puwede ring tea kung gusto mo." masayang saad niya.
"Hindi na," saka naman ako muling naglakad at sumakay na sa kotse ko.
"Okay, bye Waigne, salamat ulit." dinig kong saad niya, tumingin naman ako sa kanya at nakita ko mula sa bintana na nakangiti siya at kumakaway sa akin, tinanguan ko na lamang sya.
Nang makaalis na ako ay muli ko naman siyang sinulyapan gamit ang side mirror ng kotse, kumakaway pa rin siya hababg nakangiti at hindi pa rin pumapasok sa loob ng bahay nila.
Masayahin si Samara, hindi ko naman ipagkakaila na masaya rin siyang kasama,
Pero mas gusto kong matulog kaya mas gusto ko lang mag-isa,
Pero hindi ko rin alam dahil kapag wala siya ay pakiramdan ko, kulang at hindi buo ang araw ko.
...

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    magharimae

    I love it

    27/10/2024

      0
  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06/2024

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    12/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata