23 | Suitors list ... [Izzy's POV] "Look, here are my list of handsome guys na sure akong magugustuhan mo," masayang bungad sa akin ni Mika. Nandito kami sa bahay, sa kwarto ko to be exact. Pinuntahan niya talaga ako para lang ibigay sa akin ang folder kung saan nakalagay ang pictures at background ng "handsome guys" na sinasabi niya. Tiningnan ko naman isa-isa ang bawat page nito, I don't know what to feel pero I feel like someone who's checking a resume or a CV of a person looking for a job, yeah. At seryoso ko namang tiningnan ang mga mukha ng bawat isa sa "handsome guys" list ni Mika, hindi naman lahat guwapo, char. "Kailangan ko ba talaga ito?" I sarcastically asked while holding the folder up. "For me, yes. Para may idea ka naman sa mga kilalang mukha sa campus, not just Trevor." She smiled. Ayoko na lang sabihin na ang ilan sa mga nakita kong picture sa list nya ay nabusted ko na, yeah. Didn't expect Mika will do this. I mean, its not even necessary and hindi naman ako seryoso when I told them I need suitor. Medyo emotional lang rin ako that time dahil nadadamay pa rin ako sa mga chismis na hindi naman connected sa akin, si Trevor lang na naging Boyfriend ko ang pilit nilang kino-connect para patuloy pa rin akong i-link sa mga issues ni Trevor alone. "So, nakapili ka na?" Binigay ko ulit sa kanya yung folder then I shook my head. "Nevermind" I said. "Huh? Why? Wala ka bang nagustuhan?" Tanong ni Mika. I shook my head. "Sure akong hindi nila ako magugustuhan," "And why?" Kasi nga most of them sinubukan na akong ligawan, susubok pa ba sila? "Wala naman, feeling ko lang." I just said. "Okay... how about my list of handsome guys from other campus?" Masayang sambit niya. Oh, so may list pa pala from other campus? Grabe naman pala itong si Mika, masyadong nangongolekta ng handsome guys, char. "To be honest Mika, I don't feel looking at some list, choosing from pictures and knowing all those guys' background at all," "Bakit naman? It's the easiest way to find a guy that suits you." "Yeah, but it makes me feel like an entitled woman na basta na lang magtuturo ng gusto at makukuha rin agad..." I said, "Well, it's fun naman diba?" She said. "Mika, love doesn't work that way, just because I like someone, he will then automatically likes me back, hindi gano'n iyon. I may like some of those guys on your list pero we're not sure if they will like me," "And isa pa, yung list mo is nakabase lang sa itsura ng bawat isa, yes they are all handsome..." pero hindi ko gusto. "...but I need to know them personally because I don't base my affection with just a face." I said. "Nag-effort pa naman ako magcompile and mag-print ng mga iyan, hindi mo rin naman pala magugustuhan." She said sadly. Well, hindi ko naman sinabing gawin niya iyon. "Sorry Mika pero kalimutan niyo na lang na nasabi kong I need suitor, stress lang talaga ako dahil sa mga chismis sa paligid ko." Seryosong saad ko. "I know and gusto ko lang naman ding makatulong, we're friends at kung kaya ko lang patigilin yung mga nagkakalat ng rumors about you, I will. Unforunately, I cant." "Really, we're friends?" I asked looking at her. "Oo naman! We're best friends!" Masayang sambit niya. Okay... After that ay umalis na rin si Mika. I went to my bathroom to take a bath and oh, kagigising ko nga lang pala kanina nang dumating si Mika. After kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas ng kwarto ko, habang pababa naman ako ng hagdan ay biglang tumunog yung phone ko na hawak ko, it's Trevor. "Yes? Why?" "Good morning," masayang bati ni Trevor sa akin from the other line. "Bakit ka ba napatawag?" "Tatanungin ko sana kung gusto mong sumama," "Saan?" I said while looking around our house, hindi ko kasi alam kung mag-isa lang ako ngayon. But anyway palagi naman akong mag-isa pag wala akong pasok, char. "Magpipicnic kami nila Waigne." "Kayong dalawa lang ni Waigne?" "Kasama si Sam, si Sam nag-aya sumama lang ako para pumayag si Waigne, gusto mo sumama?" "Hmm, no. Maybe next time." Then I end the call. Pag sumama ako baka may makakita na naman sa akin na kasama si Trevor, then gagawa na naman sila ng kwento. Knowing na may rumored girlfriend si Trevor baka one day maging kabit na lang ako nang wala akong ka-alam-alam. Huwag na lang. Pagpunta ko sa dining area ay nakita ko sila mom na nagbi-breakfast na, hindi ko na maalala kung kailan yung huling beses na naabutan ko silang kumakain sa dining area, but this would be the first as I remember. "Good morning, Izzy, let's eat," mom said. "Tamang-tama ang gising mo, favorite mo itong breakfast na niluto ng mom mo," dad said. "Good morning ate," bati naman sa akin ni Jess, my sister. Then umupo ako sa tabi niya and started eating breakfast. "By the way Izzy, have you heard about your cousin, Leanne?" Tanong ni mom, umiling ako. "Why po?" I asked. "Nothing, tinatanong kasi ng tito mo, wala raw kasi si Leanne sa kanila and they're suspecting na baka dito raw pumunta si Leanne." Mom said. Ilang days na ba simula nang may nagtanong sa akin na mga mukhang sindikato about kay Leanne? I cant even remember. Nag-chat na rin ako sa kanya pero hindi niya naman pinansin ang chat ko but I did saw her online one time. If Leanne run away, I don't think na pupunta siya rito, she surely knows na pauuwiin rin siya sa kanila kapag dito siya pumunta sa bahay, And as far as I know, she didn't know where we live. I just hope she's doing okay. ...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
I love it
27/10/2024
0😍😍😍
21/06/2024
0very nice
12/06/2024
0Tingnan Lahat