logo text

21 | Surprise visit

21 | Surprise visit
...
[Anne's POV]
Ayos 'yung Waigne sungit na 'yon ah! Papagurin pa ako maghanap sa buong first floor ng building, sa likod lang pala ng building na iyon yung room ni Trevor,
Napakabait niya talaga!
"Nandito kaya si Trevor?" Sabi ko sa sarili ko habang sumisilip sa bintana.
Nagtungo naman ako sa pinto at saka kumatok.
"Wala naman ata si Trevor dito eh,". Sambit ko saka humawak sa doorknob.
Paghawak ko sa doorknob ay sakto namang bumukas ito.
"Anne?" Sambit ni Trevor habang tumitingin sa paligid, saka naman ako hinila papasok sa loob.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Ha? Ah, surprise!" Masayang sambit ko habang nakataas ang dalawang kamay ko."
"Surprise?" Pagtataka ni Trevor.
"Wala, sabi ko naman sa 'yo gusto kong pumunta rito diba?" Nakangiting saad ko at saka umupo sa sofa.
Parang condo lang ni Trevor ang itsura ng room na ito, mas maliit lang. Nabanggit din kasi sa akin ni Trevor na may sarili siyang room sa school na ito kung saan nagpapalipas siya ng oras.
"Ano bang gagawin mo rito?" Sambit niya naman matapos niyang isara ang pinto.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Teka, paano ka nakapunta rito? Sino nagpapasok sa 'yo? Anong sinabi mo sa guard?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin at saka rin siya umupo sa tabi ko.
"Nakapulot ako ng 50 pesos,"
"Ha?"
Ngumiti ako. "Wala na ako pamasahe pabalik sa condo."
"Paano ka nga nakapasok?" Trevor
"Tinawagan ko si Waigne," saad ko habang nakatingin sa paligid.
Hindi talaga pwedeng mawala ang coffee maker kay Trevor, hehe.
"Kaya pala hiningi mo sa akin ang number niya." Saad niya, tumango naman ako.
"Papagurin pa ako ng kaibigan mo, sabi niya hanapin ko raw sa first floor ang room mo," saad ko
"Buti na lang dumating si Sam, kaibigan niya ata, ang sabi niya sa likod daw ng building ang room mo." Dagdag ko.
"Ah,"
"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko naman sa kanya.
"Wala, may meeting yung mga professor." Saad niya. Tumango naman ako.
"Teka pala, may mga nakakita ba sa'yo kanina habang kasama mo si Waigne?" Tanong pa niya.
"Ahm, hindi ko napansin eh, bakit?"
"Hinanap mo ba ako o nabanggit mo ang pangalan ko sa kung sinuman?" Muli niyang tanong.
Umiling naman ako. "Hindi rin," sagot ko.
"Eh bakit nga?" Saka ko naman siya tiningnan."
"Wala naman." Pagkatapos ay tumingin naman siya sa phone niya.
Bakit parang may kakaiba sa mga tanong ni Trevor. Hindi ko maintindihan. Nang isang araw na pumunta kami sa theme park ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano 'yung paninindigan niya.
"Bakit?" Tanong niya, nakatingin pala kasi ako sa kanya habang iniisip ang mga iyon. Umiling naman ako.
"Ang weird kasi ng mga tanong mo." Sagot ko.
"Paanong weird?"
"Para kasing may tinatago ka sa akin... meron ba?" Saad ko
Natawa naman siya "Anong itatago ko sa 'yo?"
"Malay ko, hindi ko alam sa 'yo." Saad ko.
"Ano nga kasing gagawin mo rito sa school?" Tanong niya naman.
"Wala, sinubukan ko lang lumabas mag-isa,"
"Wala ka pa namang klase, hatid mo muna ako pauwi." Saka ako ngumiti at naglakad palabas ng room niya.
"Bigyan na lang kita ng pamasahe, umuwi ka mag-isa" dinig kong sambit niya.
Humarap naman ulit ako sa kanya habang nakasimangot ang mukha.
"Seryoso ba?" Saad ko.
"Biro lang, tara na," at saka siya tumayo at naglakad na rin.
Paglabas namin nang room niya ay may mga nagdaraang mga estudyante na napansin kong nakatingin sa amin.
"Trevor," mahinang sambit ko.
"Oh"
"Alam ba nila na anak ka ng may-ari ng campus?" Sambit ko na tinutukoy yung mga estudyanteng nagdaraan.
"Oo, bakit?" Sagot niya naman.
Tumango naman ako. "Kaya pala." Saad ko.
Kaya siguro ayaw ni Trevor na magpunta ako rito sa School niya, dahil kapag nakita nilang kasama ako ni Trevor ay pag-uusapan ako.
Ano naman?
"Bakit gan'yan sila makatingin?" Mahinang sambit ko.
Napansin ko kasi 'yung mga estudyante na parang automatic na sumusunod ang mga mata sa bawat lakad namin ni Trevor palabas ng campus,
Mga anak ata ni Marites ang mga 'yon e,
Titingin sila tapos biglang may mangangalabit sa kasama nila or biglang bubulong tapos 'yung kinalabit or binulong titingin din sa amin.
Kahit minsan sa school ay hindi ako nakaranas ng ganito na pinagtitinginan ng mga estudyante, hindi naman ako sikat o anak ng may-ari ng campus, wala rin akong ipagmamalaki.
Basta ang alam ko nag-aaral lang ako para makapagtapos, walang hinahabol na grades o achievement, hindi rin ako nakikipagkumpetensya sa kahit na sino.
Basta ang goal ko grumaduate,
Pero mukhang hindi pa ako makakagraduate sa ngayon dahil sa paglalayas ko.
Ang totoo niyan medyo iniisip ko nitong mga nakaraang araw ang mga desisyong ginawa ko dahil sa kagustuhan ng magulang ko na labag sa kalooban ko,
Dapat kasi ay nag-aaral din ako ngayon kung hindi ako lumayas sa amin, kaya gusto ko rin pumunta rito sa school ni Trevor, medyo na-miss ko lang ang ambiance ng school.
"Kaya nga ayokong pumunta ka rito, pag-uusapan ka lang nila." Saad ni Trevor. Napatingin naman ako sa kanya.
Ibinaling ko namang muli ang tingin ko sa mga estudyanteng panay ang tingin sa amin.
"Bakit? Ano bang iisipin nila? Na girlfriend mo ako?" Saad ko.
"Pwede rin," mahinang saad niya.
"Girlfriend lang naman pala." Sambit ko.
"Tsk, okay lang sa 'yo?" Tanong ni Trevor.
"Madali lang namang sabihing hindi," saad ko.
"Sana nga ganun lang, pero sa tingin ko..." saka siya tumingin sa mga nakatingin sa amin habang naglalakad kami.
"Hindi madaling sabihing hindi."
Ano na naman ang ibig sabihin nito?
...
[Izzy's POV]
Dismissal.
Naglalakad ako papunta sa parking area. Mag-isa, alone, yeah.
Sinisipag ako mag-drive ngayon at hindi na ako gaanong sumasabay kay Trevor. Sa tingin ko kasi ay hindi na magandang tingnan na magkasama pa rin kami palagi knowing that we were once a couple.
I don't know if it's true pero there are some rumors that Trevor has a new girlfriend.
At hindi ko alam kung bakit nadadamay ang pangalan ko sa rumors na iyon,
People think na kawawa ako kasi si Trevor may bago at pinagpalit na raw sa akin, habang ako raw ay hindi pa rin maka-move on at makahanap ng ipapalit sa kanya,
Imagine kung gaano kalawak ang imahinasyon nila?
Pati feelings ko mas alam nila kesa sa akin.
Ayoko naman sanang magpa-apekto pero nakaka-stress sila. And yet, hindi ko pa rin sigurado kung sinong pilit nagpapakalat ng kung anu-ano tungkol sa akin. Maybe Mika, I don't know.
And because of that, nag-isip ako nang pwedeng maging solusyon, and here is what I thought,
Find a suitor and fall in love, again...
No, hindi ko naman kailangang maghanap since nandiyan lang naman sila, at hindi ko talaga kailangang maghanap dahil hindi ko rin naman kailangan, char.
Gusto ko lang matapos ang issue between me and Trevor being my past na ayaw akong tantanan.
Nang makarating ako sa parking area ay nakita ko si Sam na palapit sa akin. Sam is Waigne's friend or whatever.
"Izzy!"
"Hi Sam, pauwi ka na?" I asked habang hinahanap sa bag ko 'yung susi ng kotse ko.
"Oo sana..." she said smiling while looking around.
"Nakita mo ba si Waigne?" Tanong niya naman nang muli niya akong tingnan.
Umiling naman ako, "Hindi eh, pero nauna siya sa akin na lumabas ng classroom, why?" I asked.
"Sasabay kasi sana ako sa kanya?" She said.
"Oh, pwede kang sumabay sa akin kung gusto mo," saka ko naman siya nginitian.
I'm a lazy driver but kind enough to drive someone to their home,
"Ah, hindi. Okay lang nakakahiya naman, hehe. Sige una na ako, bye Izzy," she said saka siya umalis.
"Okay, take care," sagot ko.
Nang makaalis na siya ay pinagpatuloy ko naman ang paghahanap ng susi sa bag ko,
Okay, fine. Tamad at burara ako when it comes to my key, kahit susi sa bahay minsan ay hindi ko alam kung saan ko nailalagay.
Nagpunta ako sa harapan ng kotse ko at inilapag ko ang bag ko sa hood nito. Then inilabas ko lahat ng laman ng bag ko.
Where did I put my key?
"Saan ko naman ilalagay 'yon?" I told myself.
Hanggang sa napahawak ako sa bulsa ng damit ko, and I sighed. All this time, nasa bulsa ka lang pala 'yung susi.
Inayos ko na ulit yung bag ko at saka muling nagtungo sa pinto ng kotse ko.
"Izzy," napatingin ako at napatigil nang marinig ko ang pangalan ko, It's Waigne.
He was about to leave driving his car but he stopped in front of mine.
"Why?"
"Nakita mo ba si Samara?" He asked.
Samara who? Oh! Si Sam!
Hinahanap siya ni Sam, at hinahanap niya si Sam. So naghahanapan silang dalawa?
"Kanina pero I think umuwi na siya," I said.
"Umuwi?" Saad niya.
"Yeah, umuwi na nga, bakit ba?" I asked again.
"Naghintay pa ako, uuwi rin naman pala mag-isa, tsk." He murmured then drives away.
I don't know if anong meron sa kanilang dalawa, but I'm starting to think Waigne is already falling for Sam, or maybe feeling ko lang?
...

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    magharimae

    I love it

    27/10/2024

      0
  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06/2024

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    12/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata