20 | School visit

20 | School visit
...
[Waigne's POV]
THE OTHER DAY
Napadilat ako ng mata nang maalimpungatan ako, napatingin ako sa relo ko at nakita kong five minutes na lang ay mag-uumpisa na ang klase ko.
Agad naman akong lumabas ng kotse pagkatapos kong kunin ang bag ko.
Natulog muna kasi ako sa kotse matapos ang klase ko sa first subject.
Hindi ko kasi alam kung saan ako pwedeng tumambay dahil kahit saan ako pumunta ay nahahanap ako ng parrot.
Habang naglalakad ako patungo sa klase ko ay narinig ko ang boses ng isang babaeng tumawag sa akin, lumingon ako at nakita kong tumatakbo siya palapit sa akin.
Huminto naman ako at hinintay siyang makalapit sa akin.
"Waigne," hinihingal na saad niya habang nakangiti sa akin.
"Bakit na naman?" Saad ko at muling nag-umpisang maglakad.
"Kanina pa kita hinahanap, nalibot ko na ata buong campus, hindi kita makita." Sambit niya.
Napangiti naman ako, ngayon alam ko na kung saan siya pwedeng taguan.
"Sabi ko sa 'yo sabay tayo nang friday, iniwan mo naman ako," malungkot na saad niya.
"Iniwan?"
"Oo! Iniwan, ako! Sabi ko sa 'yo sasabay ako sa 'yo pauwi, hinintay pa naman kita, nakauwi ka na pala."
Wala akong maalala na nagsabi siya sa akin na sabay kami, baka naman tulog ako nun.
"Pumayag ba ako?"
"Ha?" Tumingin naman siya sa akin.
"Kung hindi ako pumayag bakit naghintay ka pa?"
"Hindi ka naman kasi marunong magsabi ng oo o hindi kaya malay ko ba," masungit na saad niya.
"Saan ka nga pala pumunta?" Nakangiti niya namang tanong.
"Bakit gusto mong malaman?"
"Syempre, gusto ko kasama kita pag vacant ko, ayaw mo ba?" Muli naman siyang ngumiti.
"Ayoko." Diretsong sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Okay lang, wala ka namang magagawa, mahahanap at mahahanap pa rin kita kahit saan mo pa ako taguan." Bigla naman siyang tumawa.
May sapi na rin ata siya, tsk.
Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya na ako at naglakad na sa kabilang direksyon. Napatingin naman ako sa kanya at napatigil sa paglalakad.
Nakita ko namang itinaas niya ang kamay niya na parang nagpapaalam habang nakatalikod sa akin at naglalakad palayo.
Napangisi na lang ako at muling naglakad patungo sa klase ko.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng classroom ay natigil naman ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone na hawak-hawak ko.
Hindi ko kilala kung sino ang tumatawag pero sinagot ko na lang.
"Hello?"
"Hello, Waigne? Tama? Ahm, nasa school ka ba?" Dinig kong boses sa kabilang linya.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Si Anne 'to, hehe hello."
"Tsk, paano mo nalaman number ko?"
"Saka mo na alamin, ano kasi... nandito ako sa labas ng school niyo."
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko at muli naman akong naglakad patungo naman sa gate ng campus.
"Mamaya ko na sasabihin, puntahan mo muna ako rito."
"Tsk, sino ba kasing nagsabing pumunta ka rito?"
"Ang sungit mo talaga, mamaya mo na ako sungitan!" Saad niya.
"Teka," saad ko at saka huminto sa paglalakad.
"Anong kailangan mo sa akin?"
"Ah, ayaw kasi akong papasukin ng guard."
"Dapat lang sa 'yo yan," saka ako naglakad pabalik sa classroom.
"Dali na Waigne! Wala ako pamasahe pauwi!" At muli akong naglakad patungo sa gate.
...
Nang malapit na ako sa gate ay nakita ko na si Anne sa tabi ng guard, agad niya akong kinawayan at parang may sinasabi siya sa guard habang tumuturo sa akin.
Ano ba kasing gagawin niya rito?
Kinuha ko naman muli ang phone ko habang naglalakad palapit kay Anne at saka ko naman tinawagan si Trevor.
"Oh, Waigne."
"..." napatingin ako kay Anne na nakangiti sa akin.
"Huy! Ano yun?" Saad ni Trevor sa kabilang linya.
"Wala," saka ko pinatay yung tawag.
"Ayun po kuya, kaibigan ko 'yan si Waigne sungit—si Waigne pala." Dinig kong sambit ni Anne sa guard, napatingin naman sa akin 'yung guard nang makalapit na ako sa kanila.
"Kilala mo ba ito?" Tanong nang guard sa akin. Tumango na lang ako.
"Sabi sa inyo kilala ako niyan eh." Masayang saad ni Anne.
"Ano bang kailangan mo iha?" Tanong nang guard kay Anne.
"Ahm, ano--"
"Mag-iinquire po siya." Saad ko.
"Ah gano'n ba, kanina mo pa sana sinabi na mag-iinquire ka, kanina pa sana kita pinapasok, sige na pasok na." Saad nang guard.
"Ah, ganun ba dapat, hehe." Sabi naman ni Anne saka lumapit sa akin.

Naglakad naman ako ulit pabalik sa classroom, nakasunod lang si Anne, medyo nasa likod ko siya at panay ang tingin niya sa paligid.
"Ano ba gagawin mo?" Tanong ko, lumapit naman siya sa akin.
"Ang laki pala ng school niyo, diba sila Trevor ang may-ari ng campus na ito?" Nakangiting saad niya. Tumango na lang ako.
Napansin ko naman ang ilang mga estudyante na nakatingin sa amin, o nakatingin kay Anne.
Issue na naman.
"May klase pa ako, bahala ka na kung saan mo gustong pumunta." Saad ko.
"Ha? Saan ako pupunta?" Tanong niya na parang may takot na maiwan mag-isa.
"Sa admin? O kaya sa registrar, hanap ka nang mag-aassist sa'yo para makapag-enroll ka." Saad ko.
"Hindi naman ako mag-eenroll." Sumimangot naman siya
"Nasaan ba si Trevor?" Tanong niya naman.
"Nasa klase."
"Saan."
"Hanapin mo."
"Pwede mo namang sabihin, pahihirapan mo pa ako."
Huminto naman ako sa paglalakad at saka tumuro sa building na natanaw ko. Tumingin naman siya sa tinuro ko.
"Nakikita mo iyon?" Tanong ko.
"Oo, bakit?"
"Hanapin mo siya roon." Saad ko at muling naglakad.
"One, two, three, four-- four-storey building... mga ilang room ang kailangan kong silipin para mahanap si Trevor?" Inis na sambit niya.
"Bahala ka."
"Hoy Waigne! Sabihin mo na kasi!"
"Hanapin mo sa first floor," saad ko.
"Salamat," dinig kong sambit niya.
Pagtingin ko ay naglalakad na siya patungo sa building na tinuro ko.
Bilis niya naman maniwala.
"Wait lang." Natigil naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin, pagkatapos ay lumapit ako sa kanya.
"Waigne!" Pareho kaming napatingin sa tumawag sa akin.
Nakakunot ang noo niya at mabilis na lumapit sa akin, tiningnan niya naman si Anne. Bahagya namang ngumiti si Anne.
"Sino siya?" Mahinang tanong ni Samara.
Tumingin naman sa akin si Anne at saka siya tumingin kay Samara, pagkatapos ay ngumiti siya at iniabot kay Samara ang kamay niya, tiningnan naman iyon ni Samara.
"Hi, I'm Anne." Saad niya.
"Samara..." nag-aalinlangang saad niya habang nakatingin sa akin.
"...pero Sam ang tawag sa akin ng friends ko, o Mara o kaya naman ay Ara." Saka naman siya ngumiti, ayan na naman kasi ang mga pangalan niya, tsk.
"Ah, hello." At nag-shakehands sila.
"Kaano-ano mo si Waigne?" Nakangiting tanong ni Samara.
Kailangan ba talaga na sa gitna ng corridor kami mag-usap?
Nagkatinginan naman kami ni Anne, muli ko namang tiningnan si Samara.
"Girlfriend ko." Seryosong saad ko.
"Girlfriend?" Sabay nilang nasambit.
"Totoo ba?" Malungkot na sambit ni Samara.
"Ah, haha hindi!" Nakangiting saad ni Anne.
"Break na kami diba Waigne?" At tiningnan naman ako ni Anne.
Bigla namang natawa si Samara.
"Jino-joke niyo ko eh, alam kong wala ka pang naging girlfriend Waigne," sabay tapik sa braso ko.
"...ako pa lang kung sakali." Dagdag niya habang nakangiti at nahihiyang hinawi ang buhok niya.
Napatingin na lang ako kay Anne nang lumingon siya sa akin.
"Nasaan nga ulit si Trevor, Waigne?" muling tanong ni Anne.
"Si Trevor?" Napatingin naman si Anne kay Samara.
"Oo, alam mo ba kung nasaan siya?"
"Baka nasa room niya," saad ni Samara.
"Saan yung room niya?" Tanong ni Anne.
Tumuro naman si Samara sa building na tinuro ko kanina.
"Nakikita mo ba yung building na 'yun," saad ni Samara.
"Oo, saan ba doon ang room niya?" Nakangiting tanong ni Anne.
"Wala doon yung room niya." Samara
"Ha?"
"Sa likod no'n, doon yung room ni Trevor, isa lang yun kaya makikita mo rin agad," Paliwanag ni Samara.
"Ah... sa likod pala," saka naman ako tiningnan ni Anne habang magkasalubong ang kilay niya, tsk. Di niya kasi muna ako patapusin bago siya naglakad kanina.
"Puntahan ko muna si Trevor ah, nice to meet you Sam." Sambit ni Anne at tuluyan nang naglakad papunta roon.
Hindi ko alam kung saan galing 'tong si Samara at bigla na namang sumulpot.
"Bakit niya hinahanap si Trevor?" Tanong niya.
"May utang ata si Trevor sa kanya," sagot ko.
"Di nga? Grabe naman si Trevor, di pala marunong magbayad ng utang," napailing naman si Sam, medyo natawa naman ako sa kanya.
Naglakad na ulit ako pabalik sa classroom, alam kong late na ako pero wala naman akong pake, tsk.
"Oo nga pala, Waigne. Pwede ba tayo mamasyal minsan? Kahit sa mall lang... 'yung tayong dalawa lang, parang ano..." mahiya-hiyang saad niya, tiningnan ko naman siya.
"'Yung ano... date, ganun, friendly date, hehe." saad niya.
"Ayoko." Sagot ko.
"Mas okay sana kung pag-iisipan ko muna ang sagot mo." Malungkot na saad niya.
"Ano bang gagawin mo?" Tanong ko naman.
"Gusto ko lang mamasyal kasama ka."
"Pag-iisipan ko..." saad ko, ngumiti naman siya.
"Okay sige, asahan ko 'yan ah." At umalis na siya.
Nang makarating naman ako sa classroom ay agad rin akong nagtungo sa upuan ko, mukhang wala kaming professor, may meeting siguro sila.
Wala rin si Trevor,
Ang totoo niyan ay nililigaw ko si Anne kaya doon ako tumuro sa sariling room ni Trevor sa campus, akala ko kasi nandito si Trevor.
Habang nakapikit naman ang mata ko at payapang nakaupo ay naririnig ko naman ang usapan nila Izzy na nasa bandang likuran ko.
"What do you think?"
"Hmm, what if magpost tayo na you're looking for suitor?" Ella
"Ella, trabaho lang ang hiring, hindi ako trabaho." Izzy
"May mga dating apps naman din if you like."
"Share niyo naman usapan niyo," Mika
"Si Izzy kasi, mukhang ready na ulit siya ma-fall, she's looking for suitor," Ella
"Really?" Mika
"I didn't say na ready ako,"
"Let me help you, I know a lot of men, I'm sure may magugustuhan ka" Mika
"Nevermind." Izzy
Bakit ba nakikinig ako?
...

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    magharimae

    I love it

    27/10/2024

      0
  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06/2024

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    12/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata