logo text

15 | Secret revealed

15 | Secret revealed
...
[Anne's POV]
Hindi niyo na kailangang alamin kung nasaan ako. Wala naman akong ibang pupuntahan at lagi lang akong nandito sa condo, hay.
Si Trevor? Umalis, hindi ko alam kung saan pumunta.
Hindi pa rin ako makapaniwala na totoong maliit ang mundo. Si Izzy na Ex-girlfriend ni Trevor, pinsan ko pala.
Oo, pinsan ko nga.
Sa dami ng lugar na pwede kong mapuntahan, dito pa kung saan pwede kong makita si Izzy.
Sa dami ng tao na pwede kong makilala, si Trevor pa na Ex-boyfriend ni Izzy.
Napapabuntong hininga na lang ako sa tuwing maiisip ko iyon. Syempre hindi ko sinabi kay Trevor na pinsan ko ang Ex niya.
At nadagdagan na naman ang kasalanan ko kay Trevor.
Buti na lang at hindi ako nakita ni Izzy at naging maayos naman ang pag-alis niya sa condo nang hindi ako nakikita, hindi nga lang ako nakatulog ng maayos nang gabing yun pero okay lang.
Gusto ko sanang makausap si Izzy, gusto kong sabihin sa kanya kung anong nangyari sa akin at bakit ako nasa condo ng Ex niya pero,
Kapag ginawa ko yun ay malalaman ni Trevor na hindi totoong wala akong maalala, na ginagamit ko lang siya para malampasan ang gutom at lamig na pwede kong maranasan kung hindi ko siya nakilala.
Ayokong mangyari yun.
Syempre sa part ni Trevor, ayaw niyang makita ako ni Izzy, ayaw niyang may makaalam na may nakatirang babae sa condo niya.
Naiintindihan kong nag-iingat lang siya, at nag-iingat din ako na hindi malaman ni Trevor na niloloko ko siya.
Kaya kahit minsan ay hindi ko na alam ang gagawin dito sa condo para lang kahit papaano ay mawala ang pagka-bored ko, tinitiis ko na lang kahit minsan gusto ko nang lumabas mag-isa, natatakot kasi ako na baka makita ako ni Izzy.
Sabi kasi ni Trevor malapit lang dito ang bahay nila Izzy, hindi na lang ako gaanong nagtanong pa tungkol kay Izzy dahil baka magtaka siya sa dami ng tanong ko tungkol sa Ex niya.
At kung tatanungin niyo kung anong pinagkakaabalahan ko ngayon dito sa condo, wala naman. Nasa sala lang ako habang nakabukas ang tv, nanonood ako kasabay ng pag-browse ko sa phone ng kung anu-ano.
Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa condo, si Trevor na siguro yun. Agad naman akong nagtungo sa pintuan para sana salubungin siya pero hindi si Trevor ang bumungad sa akin.
Nagkatinginan kaming dalawa at parehong napahinto sa kinatatayuan. Tumingin siya sa nakaukit na numero sa pinto at muling binalik ang tingin sa akin.
"Ahm, hi." Nai-ilang na bati ko sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala o kung anong gagawin ko,
Kailangan ko bang magtago? Kailangan ko bang magsinungaling? Anong alibi ang pwede kong sabihin para hindi siya mag-isip ng mali tungkol sa amin ni Trevor?
"Pwedeng makahingi ng tubig?" Saad niya saka dumiretso sa sala at umupo sa sofa.
"Ah, sige." Sambit ko saka ako nagtungo sa kusina.
Siguro ay isa siya sa kaibigan ni Trevor. Hindi ko siya kilala at kahit isa sa kaibigan ni Trevor ay wala akong kilala. Si Izzy lang ang kilala ko.
Pero kung titingnan, pareho sila ng uniform ni Trevor, sigurado naman akong magkakilala sila ni Trevor at hindi lang siya basta na lang pumasok dito sa condo.
Matapos kong makakuha ng tubig ay agad din naman akong nagtungo sa kanya. Inilagay ko naman yung baso sa coffee table at agad niya rin naman itong kinuha at uminom.
Saka naman ako umupo sa katabing sofa kung saan siya naka-upo.
Matapos niyang uminom ng tubig ay tiningnan niya naman ako habang ibinababa ang baso sa coffee table.
Nginitian ko na lang siya, baka sakaling maidaan pa sa ngiti ko ang kung anumang katanungan ang nasa isipan niya ngayon.
"Sino ka?" Seryosong tanong niya.
"Ha? Ako? Ano... ano ako... ahm..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Maid! Maid ako rito, oo maid ako!" Saka ako ngumiti ng bahagya.
Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa. "Bakit hindi ka nakauniform?" Tanong niya.
Oo nga, napatingin ako sa sarili kong suot, naka-pantulog pa pala ako, sapat na para magmukha akong nakatira dito sa condo, hay.
"Ah, kasi--"
Nang marinig ko ang muling pagbukas ng pinto sa condo ay pareho kaming napatingin doon.
Si Trevor, natigil rin siya sa kinatatayuan niya nang makita niya ako at ang lalakeng hindi ko alam kung sino.
"Waigne? Anong... bakit nandito ka?" Nakangiti at natarantang saad ni Trevor.
Napatayo naman ako at parang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ko si Trevor,
"Sino 'to?" Diretsong tanong niya kay Trevor, napatingin naman ako sa kanya.
Hindi ko gusto ang mukha niya, oo gwapo siya pero yung kilos niya? Parang laging may galit sa mundo! Ang sungit niya tingnan, nakakastress!
"Girlfriend mo?" Muli niyang saad.
"Ah, haha hindi!" Saad ni Trevor habang i-ginagalaw ang kamay.

"So sino nga?" Muli niyang tanong.
Eh sino rin ba siya? Kung makatanong naman ay daig pa ang girlfriend na nahuling may ibang babae ang boyfriend niya!
"Teka, ano, si Anne! Siya si Anne!"
Tiningnan naman ako ni Trevor, tapos tiningnan din ako ng kaibigan niya. Ngumiti lang naman ako.
"Anne? Yung artista?" Saad niya.
"Ha?" Saad ko.
"Ano kasi..." saad ni Trevor.
Lumapit siya sa kaibigan niya at saka ito inakbayan, hindi naman sila lumayo sa akin kaya naririnig ko rin ang sinasabi ni Trevor kahit patalikod pa silang mag-usap mula sa akin.
"Walang maalala?"
"Ganun na nga, kaya siya nandito kasi sa tingin ko ay ako lang ang magmamagandang-loob na tulungan siya." Trevor
"Bakit hindi mo dalhin sa pulis? O sa ospital?"
"Naisip ko na iyon kaya lang baka ako pa mapasama eh kaya hinayaan ko na lang siya dito sa condo."
At pinag-usapan nila ako sa mismong harapan ko.
"Tsk, kawawa ka naman." Saad ng kaibigan ni Trevor sa akin.
Yung sinabi niyang kawawa ako pero hindi ko alam kung sarcastic siya o talagang naawa siya sa akin, wala akong nagawa kung hindi ngumiti na lang,
"Baka pwedeng sa atin muna ang tungkol dito Waigne, alam mo naman medyo kilala tayo sa campus, baka mapag-usapan eh." saad ni Trevor. Tumango naman si Waigne.
"Ayun! Salamat, kaya kaibigan kita eh!" Masayang saad ni Trevor.
"Bakit ka nga pala napapunta rito?" Trevor
"Makikitulog sana ako."
Seryoso ba siya?
Bakit lahat sila gustong matulog sa condo ni Trevor?
"Ah, ganun ba, sige matulog ka lang dyan, sweet dreams." Saad ni Trevor habang tinatapik sa balikat si Waigne.
Kinausap naman ako ni Trevor at sinabing hayaan ko lang daw muna si Waigne, huwag din daw akong matakot dahil mabait naman si Waigne. Pagkatapos ay umalis na si Trevor
...
Makalipas ang isang oras, nagising na rin si Waigne. Matapos niyang magpaka-sleeping beauty ay nagising na rin siya.
Umupo siya sa sofa at saka binuksan yung tv. At dahil hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil parang may malaking pader sa pagitan ko at sa lalakeng 'to, umupo na lang ako sa sofa malayo sa kinauupuan niya.
Pero dahil hindi ko matiis ang katahimikan ng paligid kahit bukas pa ang tv, sinubukan kong makipag-usap sa kanya.
"Hi, Waigne diba? Ako si Anne, nice to meet you," nakangiting saad ko habang ini-aabot ang kamay ko.

Ilang segundo rin akong nakangiti habang ini-aabot ang kamay sa kanya para sana makipag-shakehands pero isang tingin lang ang sinukli niya sa akin at walang kibong tiningnan ang kamay ko.
Napabuntong hininga na lang ako at binawi ang pakikipag-shakehands sa kanya.
Sa bait at approachable ni Trevor, 'di ko akalaing magkakaroon siya ng kaibigan na kabaliktaran niya.
Tumayo siya at nagtungo naman sa kusina. Sinundan ko naman siya.
"Kumain ka na ba? Gusto mo ba nang makakakain?" Nakangiting tanong ko.
Binuksan niya lang ang ref at saka kumuha ng maiinom.
Hindi niya man lang ba ako papansinin? Suplado!
Umupo naman siya sa dining habang hawak ang baso at saka niya ibinaba sa lamesa yung tumbler na kinuha niya sa ref. Saka naman ako umupo sa tapat niya.
"Hi... hello... pwede mo akong kausapin, kung gusto mo lang." Mahinang sambit ko at saka bahagyang ngumiti.
Tiningnan niya naman ako, "Kailan ka pa rito?" Tanong niya.
"Siguro mga dalawang linggo na rin." Sagot ko. Tumango-tango naman siya.
"Kilala mo ba kung sino si Trevor?" Muli niyang tanong.
Kilala? Paanong kilala? May lihim bang pagkatao si Trevor?
"Anong..."
"Kapag may nakaalam tungkol sayo na nakatira rito sa condo niya, lagot ka." Seryosong saad niya.
Bakit bigla naman akong natakot?
Napatingin na lang ako sa tumbler na nasa lamesa habang iniisip kung anong ibig niyang sabihin.
"Hindi mo naman siguro sasabihin sa iba diba?" Mahinahong tanong ko.
"Kanino ba ako malalagot?" Muli kong tanong.
Kilala ko si Izzy, hindi naman nananakit ng babae yun kahit ano pang rason, imposible namang magalit sa akin si Izzy dahil lang sa nakatira ako sa condo ng Ex niya.
"Yung mga babaeng patay na patay sa kanya?" Saka siya ulit uminom ng tubig.
Ha? Seryoso ba sya? Jinojoke lang ata ako ng Waigne na ito eh,
"Sinabihan ka naman ni Trevor tungkol sa akin, siguro naman mapagkakatiwalaan ka niya diba?"
"Tsk."
Okay.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong niya.
"Malayo, hindi ko alam kung gaano kalayo rito basta malayo,"
"Aah, bakit napadpad ka rito?"
"Lumayas ako sa amin kasi---
"Naalala mo naman pala eh,"
"Ha?"
Bakit ko nasabi yun? Lagot nga ako.
"Isa ka rin siguro sa may gusto kay Trevor kaya nagpanggap kang walang maalala para makasama mo siya sa condo niya!" Seryosong saad niya at parang sigurado pa siya sa sinasabi niya.
"Ha? Ah hehe, hindi! Hindi ganun!" Saad ko.
"Sino ka nga? Bakit ka nandito? Anong kailangan mo kay Trevor?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Isa-isa lang pwede?" Saka ako ngumiti.
Pagkatapos ay sinabi ko sa kanya ang buong kwento, wala na akong lusot kaya aamin na lang ako.
...
"Tsk, 'di na uso ang fix marriage."
"Ganyan din ang sinabi ko sa parents ko! Pero ayaw nilang makinig, kaya lumayas na lang ako." Malungkot na saad ko.
"Bakit hindi mo sinabi kay Trevor?"
"Ha? Ah, kasi hindi naman talaga ako dapat mapapadpad sa condo ni Trevor at hindi ko naman dapat makikilala si Trevor..."
"... minalas lang ako pagdating ko rito tapos muntikan niya pa akong masagasaan kaya nahimatay ako..." paliwanag ko.
"...choice niya namang dalhin ako sa condo niya at hindi sa ospital o sa police station eh, kailangan ko lang talaga ng makakatulong sa akin, pasensya na kung ginamit ko kaibigan mo." Malungkot na saad ko.
Seryoso naman ako sa pagpapasensya ko, hindi ko naman talaga intensyong manloko ng kahit na sino,
"Huwag ka sa akin magpasensya," saad niya at saka tumayo at muling binalik sa ref ang tumbler na kinuha niya.
"Alam ko, sasabihin ko rin kay Trevor, hindi nga lang sa ngayon pero aamin din ako." Sagot ko habang nakasunod sa bawat galaw niya.
Bigla siyang huminto kaya nasubsob yung mukha ko sa likuran niya.
Magkaibigan nga sila ni Trevor.
"Sabihin mo na habang tinatamad pa akong sabihin sa kanya." Saad niya nang humarap sa akin.
Pagkatapos ay lumabas na siya ng condo. Napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niya.
Nakakainis yun ah! Sarap batuhin ng tsinelas!
...

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    magharimae

    I love it

    27/10/2024

      0
  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06/2024

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    12/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata