logo text

10 | Waigne met his girl

10 | Waigne met his girl
...
[Waigne's POV]
"Pansinin mo naman, gusto lang naman makipagkaibigan, pagbigyan mo na." Sambit ni Trevor.
Tiningnan ko naman yung babaeng kanina pa nakasunod sa akin at pilit gustong magpakilala na ngayon ay nasa harapan ko.
"Hi, Waigne" nakangiting sambit niya.
"Tsk." Kunot-noo ko siyang tiningnan.
"Mag-usap muna kayo." Sambit ni Trevor pagkatapos ay umalis na siya.
Etong babaeng 'to, hindi ko alam kung may sira ba siya sa utak o ano, kanina pa ako sinusundan, akala mo naman mawawala.
Kung na-aalala niyo, siya yung babaeng bigla na lang humarang sa daan ko nang isang araw.
Hindi ko alam kung anong problema niya at ayaw niya akong tantanan mula nang makita niya ako kanina.
Naiinis na ako dahil kanina pa sana ako tulog kung wala lang ang babaeng 'to na panay ang sunod.
"Ano ba kasing gusto mo?" Kunot-noo kong saad.
"Ikaw... gusto kita." Mahina at nakayukong saad niya, marunong pala mahiya.
"Hindi kita gusto." Sagot ko.
"Mapanakit ka naman agad!" Saad niya at saka siya umupo sa tabi ko.
"Sige na, umalis ka na at matutulog pa ako." Saka naman ako sumandal sa kinauupuan ko at saka muling sinuot yung earpod na tinanggal sa akin kanina ni Trevor.
"Hindi pwede, hindi mo pa nga alam ang pangalan ko eh, at saka mag-sorry ka naman! Pinagmukha mo akong kawawa nang isang araw eh!" Nakasimangot na saad niya.
"Sinabi ko bang humarang ka sa daanan ko?"

Inalis niya naman ang earpod sa kaliwang tenga ko.
"Makinig ka muna sa akin! Palagi na lang kanta pinakikinggan mo, araw-araw pwede mo balikan yan pero yung sasabihin ko isang beses ko lang sasabihin sayo!" Inis na saad niya.
"Sinabi mo na kanina, hindi ko lang narinig." Saka ko kinuha ang earpod ko sa kanya.
"Hindi mo naman narinig so hindi counted yun!" Sabay hablot sa earpod ko mula sa akin.
"Okay! Magsalita ka na!"
Yung masungit na mukha niya ay napalitan naman ng ngiti, cute din naman.
"Makikinig ka na?"
"Kung ayaw mo--"
"Oo na! Ehem! Hi! Ako si Samara, Sam ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko pero pwede mo rin akong tawaging Mara o kaya naman ay Ara--"
"Okay na, makakaalis ka na." Muli kong inilagay sa tenga ko ang earpod ko.
Nawala naman ang ngiti sa mukha niya.
"Alam mo, nakakainis ka! Pero hindi ko magawang mainis sayo kasi gusto talaga kita! Gusto ko lang din namang makipagkaibigan, alam ko namang hindi mo ako magugustuhan agad-agad dahil hindi naman ako maganda gaya ng iba! Pero sana kahit bilang kaibigan lang..."
Napatingin naman ako sa kanya.
"...kahit bilang kaibigan, makikilala mo lang ako." nakayukong saad niya.
"Diyan ka na!" At saka naman siya umalis
Ano ba kasing meron sa akin para gustuhin niya? Tsk.
Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad ng mabagal palayo sa akin at palabas ng school gym.
Hindi ko kita ang mukha niya pero di ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nakasimangot siya.
Hindi ko gawain 'to pero sige,
Tumayo ako at inalis ang earpod sa tenga ko habang naglalakad palapit sa kanya.
Nang makalapit ako sa kanya ay diretso lang ang tingin ko na para bang hindi ko siya kasabay maglakad.
Hindi ko siya tiningnan pero alam kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
"Magkaibigan na ba tayo?" Dinig kong saad niya.
"Malapit na mag start ang klase ko." sambit ko.
"Ah... kaya pala." malungkot na naman siya, tsk.
Kung iisipin, lahat naman ng babae sa campus may gusto sa akin, kung hindi nila ako gusto ay malamang si Trevor ang gusto nila, at kung hindi si Trevor eh baka mga taken na sila.
Pero sa lahat ng babaeng may gusto sa akin, lahat sila isang beses lang sumubok,
Pero etong babaeng 'to na may tama sa utak at tama sa akin... mukhang hindi alam ang salitang "suko".
"Gusto mo akong maging kaibigan?" Tanong ko.
"Oo, gusto ko." Masayang saad niya.
"Bakit ako?"
Naglalakad kami papunta sa classroom, hindi kami magkaklase at hindi ko rin alam ang classroom niya, pero gaya kanina, nakabuntot pa rin siya sa akin.
Pero ngayon ay sabay na kaming naglalakad.
"Kasi nga gusto kita, pero dahil hindi mo naman ako magugustuhan nang hindi mo pa ako nakikilala, kailangan maging magkaibigan muna tayo para makilala mo ako at magustuhan mo din ako sa huli diba?" Malaking ngiti ang pinakawalan niya matapos niyang sabihin iyon.
"So gagamitin mo lang pala ako?"
"Oy hindi ah! Gusto talaga kita!"
"Hindi mo ako gustong maging kaibigan, gagamitin mo lang ako." Mahinahong saad ko.
"Hindi nga sabi!"
"Katulad ka lang rin nila."
"Hala! Sino?" Gulat na saad niya.
Hindi ko alam pero pilit kong pinipigilan ang tawa ko, may tama nga sa utak ang babaeng 'to.
Nawala ang ngiti ko nang mapansin ko ang mga tao o mga babae sa paligid na nakatingin kay Sam habang nagbubulungan.
"Wala namang mawawala sa akin kahit ano pang sabihin nila at pagbulungan nila, hindi naman ako sikat at wala naman silang mauungkat sa buhay ko na ikasisira ko." saad niya, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ako pa kasi ang nagustuhan mo." Mahinang sambit ko.
"Hindi ko rin alam bakit ikaw, High school pa lang gusto na kita, matagal na kitang gusto at hindi ko na kayang itago yun."
Napatingin naman siya sa akin nang ma-realize niya kung anong nasabi niya.
"Hindi mo dapat malaman yun, hehe." Pilit naman niya akong nginitian.
High school?
"Hindi mo ako kilala, huwag mo na isipin kung nakita mo na ako o hindi noong high school tayo." Saad niya.
Hindi na lang ako nag-isip, aantukin lang ako.
Hanggang sa tahimik na lang kaming naglalakad, hindi ko alam kung hanggang saan niya ako susundan pero hinayaan ko na lang siya.
"Ah Waigne, dun pala sa kabilang building yung classroom ko, hehe hindi ko napansin, alis na ako." saad niya.
"Basta magkaibigan na tayo ah?"
Bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilapit ang hinliliit kong daliri sa hinliliit niya. Tiningnan ko lang naman ang gagawin niya.
"Promise?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Tsk, pinky promise pala.
Hinila ko naman ang kamay ko at saka siya tiningnan, "Alis na!" Saad ko habang itinataboy siya gamit ang kamay ko.
"Bukas ulit." masayang saad niya.
Para siyang bata...
Ano nga ulit pangalan niya? Hindi ko maalala.
Matapos iyon ay pumasok na ako sa classroom, pag-upo ko naman ay humarap agad sa akin si Trevor, nakangiti ang loko.
"Kumusta?" Tanong niya.
"Kumusta saan?"
"Ey! Si Samara! O Sam, Mara o Ara? Kumusta kayo?
Lahat ba yun ay pangalan niya? Tsk.
"Huwag mo sabihing hindi mo siya pinakinggan?" Dismayadong tanong ni Trevor.
"Tsk! Waigne naman! Maganda naman si Sam ah? Sungaban mo na! I mean, ligawan mo na hehe."
"Inaantok ako." saad ko.
"Palagi naman Waigne, okay lang yan..." saad niya sabay himas sa likod ko.
Maganda naman si Sam...
Maganda...
Oo maganda nga...
...

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    magharimae

    I love it

    27/10/2024

      0
  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06/2024

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    12/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata