Homepage/14 Days of Journey/
Day 11 (Part 2)
[CIOS' POINT OF VIEW]
Dumeretso na kaming lahat sa canteen. Namili kami ng magandang spot. Iyong hindi mainit at malapit lang din sa entrance. Nagpresinta si Camila at si Seah na bumili kaya hinayaan ko na. Sumama naman sa kanila si Jonas. Nang kumakain na kami ay naging normal lamang ang mga naging usapan. Hindi rin naging ganoon kaingay dahil hindi naman masiyadong umiimik si Red. At dahil wala rin si Coleen.
Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos kong mainom ang mountain dew na nasa aking harapan. Ramdam ko ang paglingon sa akin ni Jonas at ni Camila. Sinamaan ko sila ng tingin bago ako tumayo at isinakbit na ang aking bag. "Mauna na ako."
Napalingon naman silang lahat at tiningala ako. Agad ding tumayo si Seah na nagpahabol pa ng isang subo ng spaghetti mula sa plato ni Red. "S-Sasabay na ako!" May pagmamadaling sabi ni Seah. Kinuha na niya ang kaniyang phone sa lamesa at dali-daling nagsakbit ng bag.
Nanguna na naman akong maglakad at lumabas ng canteen. Agad kong tinungo ang pathway papunta sa stage. Nakalatag na ang mga upuan doon at may mga nag-aayos na rin sa taas ng stage. Nilingon ko ang aking likuran upang i-check kung nakasunod pa ba si Seah. Naroon naman siya at kumakain pa nga ng cheese burger.
Isa sa mga naka-uniporme ng student council ang lumapit sa akin at kay Seah. "Kayo po si Cios Montereal at si Seah Enriquez, ano po? Pinapapunta na po kayo sa backstage," malumanay niyang sabi.
"Wait lang, sis. Ubusin ko lang 'to," sabat ni Seah. Nagmadali na siyang kumain.
Patawa-tawa naman ang babaeng nasa harap namin. Naghintay nga talaga siya para kay Seah. Ako naman ay nakahakbang na upang tumungo sa backstage nang maramdaman ko ang kamay ni Seah sa bag ko. Inis ko siyang nilingon. Gusto ko man siyang awayin at pagsabihan pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Wala akong magagawa liban sa talagang maghintay rin sa kaniya.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin si Seah sa pagkain niya. "Sorry hehe. Tara na," natatawa niyang anyaya.
Nauna na sa paglalakad ang student council member. Nakasunod lang kaming dalawa ni Seah sa kaniya. Nang marating namin ang backstage ay sinalubong na kami ng aming mga advisers. Bago pa man kami tuluyang maghiwalay ni Seah ay tinapik niya ang aking balikat. Then, she mouthed, "Good luck." Wala sa wisyo akong napatango bago siya tinalikuran.
Binigyan na kami ng instructions ng host at ng aming adviser. "Saka lang kayo papasok kapag tinawag ko na kayo, okay? Wait for my cue. Nagkakaintindihan ba?" Saad ng host, na siya naming tinanguan ni Seah.
Maya maya lamang ay narinig na namin ang dagundungang tugtog sa stage. Nagsimula na rin ang program. Bahagya akong sumilip mula sa backstage. Ang dami ng mga estudyante ang nag-uunahan sa pagkuha ng mauupuan. May mga mas pinili rin na magkumpol-kumpol na lamang sa likod at sa gilid gilid. Sinuyod ng mga mata ko ang lahat ng estudyanteng nasa stage, maging ang mga paparating pa lamang. Ngunit kahit isa sa mga iyon ay wala siya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi naman kalakihan ang paaralang ito pero hindi ko pa nasisilayan ang mukha ni Coleen. Saang lupalop ba nagsususuot ang babaeng iyon at bakit hindi ko siya makita-kita?
Napabuntong-hininga na lamang ako. Hinugot ko ang aking phone sa aking bulsa at sinilip ang mga messages. Nang wala akong makitang Coleen doon ay ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ko. Muli kong sinuyod nang maingat ang buong stage. Ngunit wala talaga. Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako lumayo sa pinagsisilipan ko.
Maya maya lamang ay narinig ko na ang host na ipinakikilala kami ni Seah. Naunang pumasok si Seah at ang adviser niya. Pagkatapos ay kami namang dalawa ng adviser ko ang umakyat sa stage. Masigabong palakpakan ang tinamo naming dalawa ni Seah galing sa mga kapwa estudyante namin. Hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil may pa-banner pa ang mga taga-STEM. Hindi ko man kilala ang lahat ay natutuwa pa rin ako na sinusuportahan nila ako.
"Napakalakas naman ng mga sigawan! Nakakatuwa ang mga estudyante rito. Talagang suportang-suporta sa mga manok nila," natatawang komento ng host. "Maraming salamat sa inyong lahat. Maaari na kayong maupo."
Pinanood kong magsiupuan ang mga estudyante. Muling sinuyod ng aking mga mata ang buong lugar. Kaso'y wala pa rin talagang Coleen na dumarating. Pilit kong kinalimutan ang inis na nararamdaman ko sa aking sistema, at nagpokus na lamang sa laban.
"Hindi ko na patatagalin pa. Students, hawak nang mahigpit sa inyo-inyong mga upuan, dahil ang huling round para sa Quiz Bee ngayong taon ay magsisimula na!"
Isang malakas na palakpakan ang ibinigay ng lahat matapos ang sinabi ng host. Pagkatapos ay nanahimik din silang kaagad nang patugtugin na ng nagm-manage ng sound system ang beat na pang-competition.
"Here's the rules for the final round. The faculty of each strands, together with the heads of our school, decided to have a unique final round for this year's quiz bee." Panimula ng host.
Nagkatinginan naman ang lahat. Maging ako ay naiintriga sa labang ito.
"We'll only have one set for the final round. Both participants will have thirty seconds to answer the five questions that will be read to them by their respective class advisers. Familiar ba?" Tanong ng host. "Tama kayo. Ang final round nating ito ay inspired sa final round ng Family Feud. Ang kaibahan lang, academic related ang questions. At isa pa, ascending ang order ng points. To be exact, first question will give the participant ten points if they manage to answer it. The second question will give them twenty points. The third question will give them thirty points. And so on. So, clear ba ang rules para sa ating lahat?"
Napatango-tango ako. Maganda ang concept na naisip nila. At mas lalong maganda ang labang ito dahil hindi talaga kami tuusang maghaharap ni Seah. Sarili namin ang magiging kalaban namin. At sa tingin ko'y wala ng mas gaganda pa sa paraang ito para malaman kung sino ang tatanghaling Quiz Bee Champ for this year's Sports Fest.
"Okay! Mag-start na tayo, everyone? We'll have Ms. Seah Enriquez first. At the mean time, Mr. Student Council President, kindly put the earphone on Mr. Cios Montereal."
Ginawa naman kaagad ng President ng student council ang instruction na ibinigay sa kaniya. Nang maisuot sa akin ang earphone ay wala na akong ibang narinig kung 'di ang malakas, pero hindi naman siguro nakakawasak ng tainga, na beat mula sa earphone.
Pinagmasdan ko ang host habang lumalapit siya kay Seah. Tila mayroon silang pinag-uusapan dahil nagpapalitan sila ng tawa at bumubuka ang bibig nila. Iniaabot din ng host kay Seah ang microphone pagkatapos niyang magsalita. Marahil ay isa itong small interview bago magsimula ang laban? Kung ano man iyon ay hindi ko na pinansin. Tumingin na ako sa harapan at pansamantalang inaliw ang aking sarili sa tugtog na nasa earphone na suot ko.
Hindi naman nagtagal ang pananahimik ko dahil thirty seconds lamang naman ang ibibigay sa aming dalawa ni Seah para makapagsagot. Maya maya lang ay tinanggal na ang aking earphone at nilapitan na ako ng host.
"How are you, Mr. Montereal? Masaya ba ang tugtog? Hindi ka ba na-disappoint sa choice of music ng ating DJ?" Tanong ng host.
"Hindi naman po."
"Mabuti naman. Well, before we start, let's have a mini interview." Ang sabi ng host. "So, Ms. Seah Enriquez accumulated 110 points. Hindi pa included diyan ang points na nakuha niyo kanina sa first round. Hm? Ano ang nararamdaman mo today? You think you can top it? Or calm ka lang?"
Napangiti ako sa tanong at sa tono ng pananalita ng host. Purong katanungan ito at walang halong mockery o pagkiling kay Seah. "110 points? Good for her. As for my feelings right now, I won't lie... kinakabahan talaga ako kanina. Pero I'm pretty confident ever since the result of the first round. Hence, kung ano man ang maging resulta ng round na ito, I'll see to it na wala akong ibang dapat sisihin maliban sa sarili ko."
"That's a really good point, Mr. Montereal," papuri sa akin ng host. Bahagya niya pang tinapik ang aking balikat. "Dahil diyan, magsimula na tayo nang magkaalaman na!"
Huminga ako nang malalim. Nanahimik na rin ang buong school. Ang tanging maririnig ay ang stable na beat ng sound system. Ibinuka ko nang malinaw ang aking mga mata at nagpokus.
"You have thirty seconds to answer these five questions, Mr. Montereal. The timer will start once I'm finished reading the question," panimula ng host. "For the first question... It is an instrument used to view very small specimen and distinguish their structural differences."
The timer started. I raised my chin a little. "Microscope."
"Who is the person who became the first to observe live cells?"
Kumunot ang aking noo. Tumungo ako at sandaling nag-isip. Nabasa ko ito somewhere pero hindi ko matandaan ang sagot. "Uh... Robert Hooke?"
"Third question: In the cell cycle, it is the stage which sell does not divide, and it merely grows."
"Interphase."
"It is a branch of philosophy that deal with an aspect of reality. More specifically, it explores the fundamental nature of reality itself."
"Phenomenology."
"And the last, but definitely not the least: 'The Death of Cleopatra', an 1881 oil painting on canvas, that is currently on display at a museum in Spain, is made by which Filipino painter?"
Napangiti ako. "Juan Luna."
Iniangat ng host ang kaniyang kanang kamay. Kasabay noon ay ang pagtunog ng timer. Nilingon ko ang screen sa aking likuran. May natitira pa akong sampung segundo. Nakahinga ako nang maluwag.
"Alright! That was fast, Mr. Montereal. Now, let us see the whole answer that we got from you. Please, flash it on the screen," saad ng host. Agad namang nai-flash sa malaking screen ang aking mga sagot. Sa kabilang side naman ay ang kay Seah. "Here's when the magic happens for the second time, students, let's flash them in!"
Walang halong paligoy-ligoy ang nangyari. Sunod sunod na lumabas ang aking mga scores. Nakakuha ako ng ten points sa first question. Mali naman ako sa pangalawang question. Nilingon ko ang sagot ni Seah. Hindi ko maiwasang humanga dahil tama ang sagot niya. Ang unang tao na nakapag-observe ng live cells ay si Anton Van Leeuwenhoek. Ang naisagot ko ay si Robert Hooke. I admit defeat though. Sa pangatlong question naman ay nakakuha ako ng thirty points. Sa pang-apat naman ay nakakuha ako ng forty points. At sa panglima ay nakakuha ako ng fifty points. Sa kabuuan, nakakuha ako ng 130 points.
"Kitang-kita naman ang laban, students! 110 points for Ms. Seah Enriquez, and 130 points for Mr. Montereal!" Maligayang announce ng host. "Apparently, nagkamali si Mr. Montereal sa second question. At sa fourth question naman nagkamali si Ms. Enriquez. Well, the fourth question is actually confusing. Phenomenology and metaphysics are two branches of philosophy, nakakalitong tukuyin ang mga definition nila. Phenomenology ang sagot ni Mr. Montereal, na siya raw tama, at metaphysics naman ang sagot ni Ms. Enriquez."
Nagkatinginan kami ni Seah. May parang tusok na naibato sa aking dibdib. Nakakainis din na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Seah. Nag-thumbs up pa siya sa akin. Isang hindi maintindihang ngiti ang ibinalik ko sa kaniya bago ako nag-iwas ng tingin.
"Again, the accumulated scores of the two participant for this round is 110 and 130. To announce the winner of this year's quiz bee, let us all know first what their score is on the first round." Dagdag ng host. Binuklat na niya ang isang card at ngumiti sa lahat. "Ms. Enriquez scored 90 over 90 on the first round! On the other hand, Mr. Montereal scored 70 over 90! Ilabas niyo na ang mga calculators niyo, or mag-mental math na lamang kayo dahil ito na ang pinakahihintay ninyong resulta!"
Kumunot ang noo ko. Naka-perfect si Seah sa unang round? Kung ia-add ang score niya from the first round and the second round, that would give her 200 points over 250. At kapag naman ini-add ang 70 points ko kanina at ang 130 points ko ngayon, then the result of this quiz bee is...
"It's a tie!"
Nagsitayuan ang lahat at nagpalakpakan. Nanlalaki ang mga mata ni Seah nang magtama ang paningin namin. Tie. Iyon ang resulta. Dapat ko ba itong tanggapin? Magkapantay lang kami. Walang mas matalino sa quiz bee na ito. Walang mas angat. Iyon ang resulta. Dapat ba akong maging masaya?
"Congratulations, Ms. Seah Enriquez and Mr. Cios Montereal!" Masayang sigaw ng host. "Both of your efforts are appreciated. You two are one of the most valuable students our school ever had. Hence, the faculty decided not to have another round and just accept the result of the final round. After all, things are fair naman. Kaya we really hope na if there are violent reactions, maaring lumapit lang po sa ating head at sa faculty members. We'll be transparent. Pwede niyong makita ang scores nila at ang mismong questions na inilatag sa kanila sa first round."
Tiningnan ko ang buong stage. Lahat naman ay nakangiti at pumapalakpak. Umakyat na ang Head Teacher na si Ms. Martinez, kasama ang adviser naming dalawa ni Seah.
"Kindly step forward, Ms. Enriquez and Mr. Montereal."
Tumalima kaagad kaming dalawa ni Seah. Pumagitna sa aming dalawa si Ms. Martinez. Iniabot niya sa akin ang award. Kay Seah naman napunta ang bulaklak. Nagsimula na kaming kuhanan ng mga litrato.
"Again, our Quiz Bee Champs! Ms. Seah Enriquez and Mr. Cios Montereal! Let us all give them another round of aplause!"
Nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat. Kasabay ng namutawing ingay ng buong covered court ay ang pagsuyod ng aking mga mata sa buong espasyo ng lugar. Hindi ko maiwasang mapatanong sa hangin. Ilang buntong-hininga pa ba ang ilalabas ko para makita kita, Coleen? Ilang beses ko pa bang kailangan suyurin ang buong lugar na ito para masilayan ang mukha mo? At bakit ko nga ba hinahanap ang presensiya mo? Bakit may mga boses sa utak ko na nagsasabing hanapin kita dahil sa tingin ko ay dapat nandito ka? Dapat nandito ka e. Dapat pinanonood mo ako.
Ngunit gaano ko man pakasuyurin ang buong lugar na ito, kahit maubos man ang buntong-hiningang mailalabas ko, wala ka pa rin. Walang Coleen na dumating.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
so excited
30/03/2025
0please robux
26/11/2024
0awesome
15/11/2024
0Tingnan Lahat