Homepage/14 Days of Journey/
Day 11 (Part 1)
[CIOS' POINT OF VIEW]
Maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Agad akong bumangon. Napakaimportante kasi sa akin ng araw na ito. Bago ako pumasok sa banyo upang maligo ay sinulyapan ko muna ang aking phone. Nagpasiya muna akong magbukas ng data at magtingin ng mga messages.
Marami ito. Ang iba'y mga kaklase ko na bumabati sa akin at nagg-good luck para sa laban ko sa quiz bee mamaya. Ang iba naman ay paunang announcement regarding sa rules and prices. I kept scrolling until I found Coleen and I's conversation. Wala pa rin siyang reply. At sa mga nagm-message tungkol sa quiz bee, walang Coleen na nandoon.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala. Nakakapagtaka na wala siyang message o kung ano man lang. Usually kasi ay may message siya every morning. Kung hindi mismong text message ay sticker naman. Ngunit ngayon ay wala kahit ano.
Napatipa tuloy ako sa aking keyboard. "Good morning. Saan ka nagpunta kahapon? Nawala ka kaagad kahit sinabihan na kita na maghintay roon. May laban ako ngayon. Finals na. Pupunta ka ba? Kain tayo after." Saka ko pinindot ang send button. Naghintay pa ako ng ilang minuto. Nagbabaka-sakaling sasagot siya o is-seen man lang. Pero wala talaga.
May buntong-hiningang tumayo na ako mula sa kama at tinungo ang banyo, dala ang aking tuwalya. Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay inayos ko na ang dadalhin kong bag at nagsapatos. Sinulyapan kong muli ang aking phone pero wala pa rin. Hindi pa rin siya sumasagot.
Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit tila may boses na bumubulong at nagtutulak sa akin na puntahan siya sa kanila. O 'di kaya ay tawagan siya. Pero kung ako ang tatanungin, parang hindi ko gustong gawin iyon. Baka kasi ayaw niya pa akong kausapin dahil sa nangyari kahapon. Baka hindi pa siya ready na harapin ako. And as much as I want to know how she's been doing, nirerespeto ko ang personal space niya. Kaya kahit parang may batong nakadagan sa aking dibdib ay kinuha ko na ang susi ng sasakyan at lumabas na ng aking condo unit.
Bago dumeretso sa school ay dumaan muna ako sa Jollibee. "One piece chicken at one spaghetti. Sa drinks naman, may mountain... I mean, iced tea na lang. Dine in, Miss."
Nang makuha ko na ang aking order ay saka ko lang na-realized na for two pala ang na-order ko. Napakamot ako sa aking ulo. Wala nga pala si Coleen. Hindi ko nga pala siya kasama.
I suddenly had a thought. Dinukot ko ang aking phone mula sa aking bulsa. I started taking pictures of my food. Pagkatapos ay ini-send ko ang mga ito kay Coleen. "Kumain ka na ba? Kain na."
Ilang minuto pa akong nanatiling nakatitig sa aking phone. Hinihintay na mag-seen si Coleen. Ngunit wala akong napala. Hindi siya online. Nagtipa tuloy ulit ako ng isa pang mensahe. "Dadalhan kita riyan sa school. Magkita tayo before ng laban ko sa quiz bee. See you, Coleen."
Itinaas ko ang aking kamay. Agad namang lumapit ang isa sa mga crew ng Jollibee. Tipid ko siyang nginitian. "Pakibalot nitong chicken and rice for take out. Pati na rin itong isang iced tea. If it's fine with you, hihingi na rin sana ako ng dagdag na gravy. Salamat."
Ngumiti at tumango sa akin ang crew. Kinuha niya ang chicken and rice, saka ang iced tea, at dinala sa counter. Hindi ko na pinanood ang ginawa niyang pagpapake. Nagsimula na akong kumain ng spaghetti na ini-order ko para sa aking sarili.
Wala pang limang minuto ay bumalik na ang crew. Dala niya ang order ko na naka-take out box at ang drink na nasa paper cup na. Agad kong chineck kung kumpleto ba at kung naglagay ba siya ng dagdag na gravy. Nang makumpirma ko ay nginitian ko siya. Saka ko inabutan ng tip. Malaki ang ngiting nagpasalamat siya sa akin bago umalis. Ako naman ay tinapos ko na ang aking pagkain saka nag-drive papuntang school.
Nang makarating sa school ay sinalubong ako ng ilang mga estudyante upang batiin at mag-good luck sa laban ko. Nginitian ko lang sila habang ang mata ko ay naglalaro saan mang sulok mapatingin. Una kong tinungo ang room nina Coleen upang hanapin siya roon. Pero wala. Takang lumapit si Camila sa akin. Nakatitig siya sa dala kong take out from Jollibee.
"Are those for me, Kuya? Pampalubag loob ba iyan?"
"Alam mo naman ang password ng account ko, 'di ba? Mag-order ka na lang ng sa 'yo," ang sabi ko. Inikot pa ulit ng aking mga mata ang buong classroom pero wala talaga si Coleen.
"Tsk. Akala ko naman sa akin na," naiinis na turan ni Camila. Inikot niya rin ang mga mata niya sa sarili niyang classroom. "Are you looking for someone, Kuya? Si Cola ba? Wala siya rito. Busy raw siya at nasa malayo."
Kumunot ang noo ko. Agad kong nilingon si Camila. "Nag-reply sa 'yo? Kailan niya sinabi? Nasaan daw siya?"
"Calm down, Kuya. Sasagutin ko naman ang mga tanong mo," sagot ni Camila. She rolled her eyes at me. "Yes, nag-reply siya sa akin, Kuya. Why wouldn't she? Kung kailan, you ask? Kaninang four in the morning. Regarding your question naman kung nasaan, wala akong balita. Ang sabi niya lang ay busy siya ngayon at nasa malayo raw siya."
Napaiwas ako ng tingin sa sobrang inis na nararamdaman ko. Bakit nakapag-reply si Coleen kay Camila pero sa akin ay hindi? Galit ba siya dahil sa naging sagutan namin kahapon? Ano ang nangyayari? Iniiwasan niya ba ako?
"Kuya? Is there a problem? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Camila. Nakakunot na ang noo niya at nangj-judge na ang kaniyang mga mata. "Hello? Bato ba ang kausap ko? Kuya?"
Walang sali-salita akong naglakad palayo. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako kinakausap ni Coleen. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ako lang ang iniiwasan niya. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit inis na inis ako.
Tinungo ko na ang aming room at ibinigay na lamang kay Sho ang take out order ko, na dapat ay para kay Coleen. Wala rin naman kasing kakain dahil wala naman ang dapat na pagbibigyan ko. Busog na rin naman ako dahil kumain ako kanina. Hindi ko naman gugustuhing sayangin at itapon na lamang kung maaari ko namang ipamigay. Tinanggap naman ni Sho iyon at ibinigay kay Red. Walang imik din akong naupo sa aking upuan at naghintay ng announcement sa mga speaker tungkol sa quiz bee.
Ilang minuto pa nga ang lumipas at nagsimula ng maglabasan ang mga estudyante papunta sa stage. "Mauuna na kami roon sa stage, Kyo. Baka wala kaming maupuan mamaya e," wika ni Sho na nakalapit na pala sa akin nang hindi ko napapansin.
Tumango ako. Kinuha ko na ang aking bag at isinakbit ito. "Sige. Doon kayo pumwesto sa hindi mainit."
"Good luck, bro. Kayang-kaya mo 'yon. Sa harapan kami tatayo," sagot ni Sho. Tinapik niya ang aking balikat saka umalis. Si Red naman ay tinapunan lamang ako ng tingin bago umalis. Hindi pa rin kasi kami nag-uusap mula noong insidente sa aking unit. Wala rin naman akong sasabihin sa kaniya kaya tingin ko ay walang problema kung ganito.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ang announcement sa speaker. "Good morning, our dearest students! This is your host for today's quiz bee. Allow me to call the participants of our event for today. To Ms. Seah Enriquez, Mr. Mike Comet, Mr. Johannes Cruz, Mr. Amiel Palma, and to Mr. Cios Montereal; Please go to HUMSS building, room 306 for the first round of the quiz bee. Thank you very much."
Agad akong tumayo at nagtungo na sa building na sinabi ng announcer. Nang makarating ako roon ay puro class adviser na lang naming lima ang nasa loob. Ang Head Teacher ay nasa gitna. Dumating na rin ang mga kasamahan kong makikipag-compete rin.
"Good morning, students. Ready na ba kayo?" Malaki ang ngiting tanong ng host.
"Yes, Ma'am." Sabay-sabay naman naming sagot.
"Alright. Let me introduce our participants first," panimula ng host. Binuklat niya ang printed program na hawak niya. "Representing the Technical, Vocational, and Livelihood track: Mr. Johannes Cruz!"
Ngumiti at nag-pose nang formal sa camera ang tinawag. Kasama rin ang adviser niya. Pagkatapos ay saka siya naupo.
"Representing the Accountancy, Business, and Management strand: Mr. Mike Comet!"
Kagaya ng nauna, nag-pose rin sa camera, kasama ang adviser niya, ang lalaki. Pagkatapos ay saka siya naupo.
"Representing the General Academic Strand: Mr. Amiel Palma!"
Nag-pose na ang tinawag sa camera. Katabi ang kaniyang adviser. Matapos siyang ihatid sa upuan nito ay umalis na ang adviser at sumama sa kapwa niya adviser na tatayo lamang at maghihintay sa likod.
"Representing the Science, Technology, Engineering, and Mathematics strand: Mr. Cios Montereal!"
Mabibigat ang hakbang na tumungo ako sa gitna kasama ang aking adviser. Bahagya akong nag-pose sa camera, pero hindi ako ngumiti. Nag-bow pa kami nang kaunti bago ako naupo sa designated seat ko.
"And last, but definitely not the least, the only woman competing in this event; Representing the Humanities and Social Sciences strand, the one and only: Ms. Seah Enriquez!"
Nagpalakpakan ang lahat ng living organisms sa loob ng silid na kinalalagyan namin ngayon. Hindi ako pumalakpak. Hindi ito dahil sa bitter ako. Alam ko kasi na humahanga sila kay Seah dahil siya lang ang nag-iisang babae na lalaban. Apat kaming lalaki at iisa siya. Hindi ko naman nakikita iyon as an unexpected event. Women can compete. Whatever field it may be, if the opportunity comes, palagi silang maaaring makasama. Kaya hindi ito nakakagulat para sa akin.
"We'll get straight to the point, participants. You'll be answering three sets of questionnaire. The sets are Mathematics, English, and Filipino. All questionnaires contains thirty items. Every correct answer will give you a point. The accumulated points will be added to your scores in the finals. The Top 2 students who will get the highest score in these three sets will be the two students competing in the finals. The finals will take place on the stage, in front of everyone. So, please, take your seats. We shall begin."
Nang maupo na ang lahat ay isinarado na ang pinto. Bukas naman ang air conditioner ng silid kaya hindi uncomfortable ang init. Nagsimula ng mag-distribute ng dalawang pirasong long bond paper ang presidente ng student council. Naglabas naman kami ng isang lapis upang magamit sa pagsasagot.
"Here me out, everyone. I will only say the rules once," panimula ng host. "You'll be given thirty minutes to answer the first set, which is Mathematics. Ang unang papel na ibinigay sa inyo ay ang questionnaire. You may write your answers on the box provided below every item. Ang pangalawang paper naman is for your solving or solution. You may start answering once the bell rings."
Pinasadahan ko ng tingin ang buong questionnaire. At nang mag-ring ang bell ay nagsimula kaagad ako sa pagsasagot. Maingat kong sinolve ang bawat mathematical problems. Sinigurado ko rin na may solution ako sa bawat tanong. Mabuti na lang at walang identification dito at puro equations or word problems. Laking pasasalamat ko na lang din dahil ang mga items na nasa questionnaire ay pamilyar at napag-aralan ko na.
Nang matapos ko na ang aking sinasagutan ay nag-angat na ako ng aking ulo. Tiningnan ko ang timer na naka-flash sa TV screen. May natitira pang five minutes. Sandali kong nilingon ang mga kasama ko. Hindi pa sila tapos, maliban sa isa. Si Seah. Nakangiti na siya sa akin nang magtama ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin at pinasadahan ng matatalas na mata ang mga sagot ko. Gusto kong siguraduhin na wala akong mali sa set na ito. Kailangan kong manalo.
Matapos ang limang minuto ay tumunog na ang bell. "Pen's down, participants." May ngiti sa labing turan ng host. "Advisers, kindly take their papers and bring them to the assigned checkers in the faculty."
Agarang lumapit ang mga adviser namin upang kolektahin ang mga papel. Isa-isa na rin silang lumabas at nagtungo sa faculty.
"Now, we'll distribute the second set, which is English. You only have thirty minutes to answer the thirty-item questionnaire. You may start answering when the bell rings."
Ang namigay naman ng questionnaire ngayon ay ang bise-presidente ng student council. Tahimik naman namin itong tinanggap. Nang maayos na at nakatanggap na ang lahat ng kani-kanilang questionnaire, pinatunog na ng host ang bell.
Agad akong yumuko at nagsimulang magsagot. Pamilyar din naman ang mga tanong kaya nasagutan ko rin itong kaagad. Nawala lamang ang pokus ko nang bumukas ang pinto. Pumasok at nakabalik na pala ang mga adviser namin na nagdala ng aming mga sinagutan kanina. Bago pa ako tuluyang maubusan ng oras ay nakabalik kaagad ako sa pagsasagot. Bago pa man mag-ring ang bell ay natapos na ako.
"Pen's down, dear students. Just like what we did earlier, paki-collect na ng mga papers, advisers. Kindly bring the papers to the faculty room again."
Tumalima kaagad ang mga adviser namin. Kinolekta na nila ang aming mga sinagutang papel at sabay-sabay na muling lumabas ng silid at nagtungo sa faculty room.
"And for the last set, we'll be distributing the Filipino questionnaire. Thirty items pa rin ito at thirty minutes lamang ang oras ng pagsasagot, mga anak. Read the questions carefully. You may start when the bell rings."
This time, ang namigay naman ng questionnaire for the last set ay ang secretary ng student council. Nang masigurado niyang natanggap na ng lahat ang sagutang papel ay saka lamang pinatunog ng host ang bell. Agad akong nagsimula sa pagsasagot.
Aaminin ko. Hindi ako ganoon kagaling sa subject na Filipino. Ilang beses akong napakurap-kurap habang nagbabasa ng tanong. Ilang beses akong napakamot sa aking noo habang nagsasagot. At ilang beses kong nakagat ang aking pang-ibabang labi dahil hindi ko maintindihan ang ibang mga salita. Masiyado na kasing malalim ang iba. Hindi ko talaga maintindihan. Dagdag pa ang pressure na nararamdaman ko dahil limited lamang ang oras namin. Hindi naman nakatulong na ang hahaba pa ng babasahin. At mas lalong hindi nakatulong na kalahati sa mga items ay kailangan naming bigyan kahulugan ang mga salitang may salungguhit.
Hindi pa man ako nakakatapos sa ika-dalawampu't tatlong tanong ay nag-ring na ang bell. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang binibigay sa adviser ko ang aking papel. Nilingon kong agad si Seah at nakitang buhay pa rin ang sigla sa mga mata at mukha niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ba talaga nakakaranas ng hirap ang babaeng ito?
"Alright, participants! I'm congratulating each of you for successfully finishing all three sets. Nahirapan ba kayo? Kaya pa ba? Let's take a break and wait for your advisers to come back. The moment they arrive, we'll be announcing the top two students who scored amazingly in those three sets. For now, let us stay calm and do not forget to drink your water!"
Kagaya ng announcement ng host ay dinukot ko na ang aking water tumbler mula sa aking bag. Uminom na muna ako nang maraming tubig para maikalma ang aking sarili. Ganoon din naman ang ginawa ng iba pang estudyante na naririto sa silid kasama ko.
Matapos ang halos kalahating oras na paghihintay ay bumukas na ang pinto at iniluwa no'n ang class adviser naming lima. Kasama na nila ang Head Teacher ng aming paaralan. Agad kaming nagsitayuan upang bumati sa kanila.
"Good morning to our Head Teacher, Ms. Angelica Martinez!" Malakas na bati ng host. Sinenyasan niya kaming lima na manatiling nakatayo. "For announcing the Top 2 students, I will let Ms. Martinez do it. Ms. Martinez, kindly give these students a short speech before proceeding to the announcement."
Binigyan kami ni Ms. Martinez ng isang tipid na ngiti nang maiabot at mahawakan na niya ang maliit na mikropono. "Magandang umaga sa inyong lahat! Unang-una, gusto kong magpasalamat sa inyong pagdalo. Sa mga class advisers na walang sawa ang suporta sa mga anak-anakan nila. Sa mga faculty members na nagsuri, nang buong katalinuhan at walang kinikilingan, ng mga papers ng ating mga estudyante. At sa mga estudyanteng ito mismo," panimula ng Head Teacher. Nginitian niya kami isa-isa. "I just want you all to know that you will, and always will be, a proud student of this school. Whatever the result may be, be a good sport and accept it with all your heart. After all, the end does not justify the means. No one is born smart or perfect. I firmly believe that. Everything we achieved is a product of our hard work, and not because we are smart. I hope my message gets to your heart as deep as it could. Because this moment will surely stay on everyone's memories. So, aim high and fail. Congratulations to all of you!"
Hindi ko na naiwasang mapangiti. Nakaramdam ako ng init sa aking puso. Nagpalakpakan kami at nagpalitan ng ngiti. Ang totoo, ito ang unang beses na nginitian ko ang mga kalaban ko sa quiz bee. Hindi ko ito ginagawa dati dahil sa isip-isip ko ay hindi naman kinakailangan. Pero ngayong nagawa ko na ay hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko ito maipaliwanag ngunit isa lamang ang masasabi ko, hindi ito ang magiging huling beses na gagawin ko ito.
"Okay, so, paano? Mag-aannounce na ako, mga anak." Bahagyang iwinagayway ni Ms. Martinez ang isang papel. Marahil ay doon nakasulat ang mga detalye kung sino ang nanalo. Binuklat niya ang papel at napangiti siya sa nabasa.
Parang may tali tuloy akong nararamdaman sa aking dibdib. Para itong humihigpit sa bawat segundong lumilipas. Huminga ako nang malalim. Gusto ko mang itatak sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Ms. Martinez, ay siyang hindi ko naman magawa. Dahil sa bawat kataga niya, may bulong na paulit-ulit ang pag-awit sa aking tainga.
"You should win the quiz bee, Cios. I won't accept any other result."
Nawala ang mainit na haplos na bumalot sa aking puso kanina. Napalitan ito ng tila kabayong kaba. Mabilis ang tibok ng aking puso. Napatungo na lamang ako.
"I want to commend these two students who topped the first round of this quiz bee. Congratulations..." Ms. Martinez trailed off. Her eyes scanning the whole room. "HUMSS and STEM representatives, Seah Enriquez and Cios Montereal!"
Naiangat ko ang aking ulo, kasabay ng mga palakpakan. Hindi ko na naiwasang mapangiti. Tila ba naalis ang isang sakong bigat na nakadagan sa aking dibdib. Sinundo na kami ng aming mga advisers at dinala sa unahan.
"Congratulations, Cios," ani Ms. Martinez. Inilahad niya ang isang certificate, at isang papel, kung saan nakalagay ang mga scores na nakuha ko for the first round.
Pagkatapos ay inilahad niya ang kaniyang kamay. Na siya namang buong-puso kong tinanggap. "Thank you so much po."
Ganoon din ang ginawa niya kay Seah. Inabutan niya ito ng certificate at ng papel na naglalaman ng scores niya. Matapos niyang kamayan si Seah ay humarap na kaming tatlo sa unahan, kasama ang dalawang adviser namin, upang makuhanan kami ng litrato.
"Alright! What a good competition for everyone of us," ang komento ng host. "Thank you so much for every student representing their strands. Each of you have done your best, and we deeply appreciate that. Again, congratulations to Ms. Seah Enriquez and Mr. Cios Montereal. Both of you are allowed to take your break. We'll meet you at the stage after thirty minutes."
Matapos ang announcement ay nakipagkamay na sa akin ang iba ko pang kalaban. Kinamayan ko rin naman sila bago ako namaalam at nauna na sa paglabas. Agad kong pinasadahan ng tingin ang scores na nakuha ko. Thirty sa Mathematics. Thirty sa English. At bahagya akong nanlumo. Hindi naman nakakapagtaka pero mataas ang ekspektasyon ko sa aking sarili.
"Cios!"
Mas mabilis pa sa kabayong naitago ko sa aking likuran ang hawak kong certificate at papel na naglalaman ang aking mga scores. Sinalubong ko ang mga mata ni Seah na hanggang ngayon ay kumikinang pa rin sa saya.
"What now?" Tanong ko. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kaniya. Patuloy pa rin ang paglalakad.
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. "Napaka-cold naman ng response mo," komento ni Seah. "Congrats sa ating dalawa! Saan ka tatambay sa loob ng thirty minutes mo? Kain tayo. My treat."
Kumunot ang noo ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap na siya. "What do you plan to achieve after we eat? Para saan at gusto mo akong makasama? May binabalak ka, 'no? Are you planning to sabotage me?"
Napakurap-kurap si Seah sa magkakasunod-sunod kong mga tanong. Maya maya lang ay natawa siya. "Cios naman, oh. Parang hindi magpinsan," nakangiting saad ni Seah. "Hindi kita sasabotahehin, okay? As if naman capable ako na gawin iyon? Duh? Grabe ka sa akin!"
Iniiwas ko ang aking tingin. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Fine. I'm sorry if my words came out like I was accusing you. Pero I don't see anything wrong about being cautious."
"You don't have to explain," ganti ni Seah. "I completely understand. Anyway, dahil medyo na-offend ako, at nag-sorry ka na rin naman, you have to pay me back. Kumain na tayo, please, pinsan?"
"No way," mabilis kong sagot. Agad na akong nagsimula sa paglalakad. Ramdam ko ang pagsunod niya at ang paghawak niya sa bag ko upang makahabol. Kumunot kaagad ang noo ko. "Ano ba, Seah? Ang kulit mo."
Ibinuka ni Seah ang bibig niya upang magsalita. Ngunit natigilan kaming pareho nang lumapit na sina Sho, Red, Camilla, at Jonas. Kunot ang noo nila habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Seah.
"What is the meaning of this? Kuya? Ate Seah?" Naiintrigang tanong ni Camilla. Nanlilisik din ang mata niya nang bumagsak ito sa kamay ni Seah na nakahawak sa aking bag. "Bati na kayo? Or...?"
"Oh my God. It's not what you're thinking," agad na sabi ni Seah. Tinanggal niya ang kamay niya sa aking bag at halos manlaki ang mata kay Camila. "Magpipinsan tayo, uy! Grabe naman ang pag-iisip mo."
Napangiwi ako. "Ni hindi sumagi sa isip ko 'yan, Camila. Ano ka ba naman?" Naiinis kong tanong.
Napanguso naman si Camila. Kinamot niya ang kaniyang batok at bahagyang ngumiti. "So? Bakit nga ba kayo magkasama?" Tanong ni Camila.
"Binigyan kasi kami ng thirty minutes before mag-start and final round ng quiz bee. We won, guys," halos pabulong na anunsiyo ni Seah.
Malaki naman ang ngiting tiningnan ako nina Sho at Camila. Bahagyang umaliwalas din ang mukha ni Red, ngunit hindi pa rin bumubuka ang bibig niya para magsalita sa harap ko. Iniisip ko tuloy ngayon kung amoy panis na laway na ba ang bibig niya sa sobra niyang pagpipigil na huwag akong imikan.
"Niyayaya ko siyang kumain with me. Libre ko na nga't lahat pero ayaw niya."
"Talaga? Oh, tara na lang. Sumabay ka na sa amin. Huwag mo ng pansinin iyang si Kuya," sabat ni Camila. Nilingon pa niya si Sho at Red. Tumango silang kaagad. Pinapakita ang pagsang-ayon. Kaya naman kinuha na ni Camila ang kamay ni Seah at nagsimula na itong hilahin papunta sa canteen. Sumunkd na rin si Sho at Red.
Nagtama naman ang mga mata namin ni Jonas. Awkward siyang ngumiti sa akin at sumunod na. Agad akong naglakad at tumapat sa kaniya. "Where is she? Hindi ba pumasok?" Mahina kong tanong.
Napalingon namang agad si Jonas sa akin. Kalaunan ay nag-iwas din kaagad ng tingin. "Wala... Hindi ko sure, pare."
Kumunot ang noo ko. He's lying. It's too obvious. Gusto ko mang bombahin pa siya ng maraming tanong, ay pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Hindi ko naman gugustuhing mawirduhan si Jonas sa akin. At mas lalong ayaw ko na magkakaroon siya ng assumptions, katulad na lang ni Camila kanina. Kaya labag man sa loob ko na manahimik na lamang sa sitwasyong ito, tinanggap ko na lang.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so excited
30/03/2025
0please robux
26/11/2024
0awesome
15/11/2024
0Tingnan Lahat