logo text

New Game Unlocked: Find your Karapatan

[COLEEN’S POINT OF VIEW]
Nang makarating kami sa condo ni Cios ay hindi kami magkaintindihan sa sobrang lakas ng ulan. Nagmukha na rin akong basang sisiw. Hindi nga lang kasing basa ni Cios dahil mukha talaga siyang nag-swimming sa baha. Patawa-tawa pa kami habang umaakyat ng hagdanan dahil hindi na kami pinayagang gamitin ang elevator sa sobrang basa namin.
“Maligo ka na kaagad. Baka magkalagnat ka,” ang sabi ni Cios pagkabukas na pagkabukas niya sa pintuan ng kaniyang unit. Ibinaba niya kaagad ang mga basang grocery bag sa lamesa.
Sasagot pa sana ako pero nagdere-deretso na kasi si Cios sa kwarto niya. Tumagal siya ng ilang minuto bago lumabas. May navy blue na tuwalya ang nakapatong sa kaniyang ulo. May hawak naman siyang kulay pink na tuwalya, iniaaro na niya ito sa akin. Tinanggap ko ito kaagad. Siguro’y ito ang tuwalyang ginagamit ni Camila sa tuwing bumibisita siya sa condo unit ni Cios.
“You go first.”
Agad akong umiling. Nagsimula na ako sa aking pagpupunas. “Ikaw na lang. Ikaw ang mas basa sa ating dalawa.”
Umiling din si Cios. “Hindi na. Ikaw na ang mauna. Baka lagnatin ka pa.”
“Ikaw na nga. Ayos lang naman ako. Mas possible na ikaw ang magkalagnat kasi palong-palo ang pagkabasa mo.”
Natawa si Cios nang bahagya sa sinabi ko. Tiningnan niya ako nang seryoso. Sinuklian ko naman ito ng seryoso ring tingin. Pagkakuwan ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Tumango siya at tumungo na sa banyo. “Magpunas ka na muna riyan. Bibilisan ko na lang,” ang sabi ni Cios bago siya tuluyang lamunin ng malinis niyang banyo kasabay ng pagsisimula ng paglagaslas ng tubig galing sa loob.
Sa kabilang banda, nagsimula na akong magpunas ng aking sarili. Naghanap na rin ako ng floor mop o basahan na maaari kong gamitin upang tuyuin ang sahig na nilakaran namin. Nang makakita ako ay sinimulan ko na ang paglilinis. Sinigurado ko na walang natirang kahit isang tulo ng tubig dahil nakakahiya naman kung si Cios pa ang mag-aasikaso nito. Kinuha ko na rin ang grocery bag at sinimulang ilagay sa pantry ni Cios ang mga pinamili namin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay iniluwa na ng banyo ang bagong ligong si Cios. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang walang hiya-hiya siyang lumabas ng banyo na ang tanging saplot ay ang navy blue na tuwalyang nakatapis sa kaniyang bewang. Agad akong tumalikod at napapikit. Nag-iinit ang pisngi ko sa sobrang hiya kahit na hindi naman dapat ako ang nahihiya sa sitwasyong ito.
Gusto kong batuhin ng tsinelas si Cios nang marinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Walang sali-salitang naglakad siya at nilagpasan lamang ako. Tahimik lang siya pero kitang-kita ko ang nakakalokong tawa at ngisi niya habang pumapasok siya sa kaniyang kwarto. Napakamot na lamang ako sa ulo ko dahil sa aking nakita. Tinungo ko na ang banyo at nagsimula nang maghubad at maligo.
“Kumpleto ang gamit,” komento ko. Iniikot ko ang aking mga mata sa buong banyo. Malinis talaga ito at simple lamang ang pagkakaayos. Ineksamina ko pa ang mga body wash, shampoo, conditioner, sabon, tooth paste, at mga tooth brush. Dalawang klase ang lahat. Isang pambabae at isang panlalaki. Marahil ay kay Camila itong pambabae.
Napapangiti kong kinuha ang body wash na sa tingin ko’y kay Cios. Naglagay ako nang kaunti sa aking kamay at inamoy ito. Mas lalo akong napangiti nang makumpirmang ito nga ang kay Cios. Ganitong-ganito kasi ang amoy niya. Hinugasan ko ang kamay ko at ginamit ko na ang kay Camila. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo.
Ang hindi ko lamang inaasahan ay ang isang problemang lilitaw nang matapos na akong maligo at tinutuyo ko na ang aking sarili gamit ang pink na towel. Wala akong pamalit na damit. Lahat ng hinubad ko kanina ay basang-basa. Hindi tuloy ako magkaintindihan ngayon kung paano lalabas. Hindi naman kasi puwedeng lumabas ako nang nakatuwalya lang. Sobrang nakakahiya naman ‘yon.
Lumipas pa ang ilang minuto na palakad-lakad lang ako sa banyo. Halos naikot ko na yata ang kada-sulok nito. Kulang na lang ay magpakatiyanak ako at pati sa dingding at kisame ay maglalakad ako. Napapitlag lamang ako nang biglang may kumatok. Agad kong inilapag ang tuwalya sa sink bago dali-daling lumapit sa pinto. Binuksan ko ito nang maliit. Sakto lamang ang awang upang maisilip ko ang aking mukha.
“Good thing you’re still alive,” ang sabi ni Cios. Huminga rin siya nang malalim at ngumit. Nakabihis na siya. Simpleng itim na sando at white shorts. Magulo pa ang buhok niya dahil tinutuyo pa niya ito gamit ang kaniyang tuwalya. “Bakit ang tagal mo? Akin na ang damit mo at isasampay ko.”
“Iyon nga ang problema, Cios. Uh… Wala kasi akong pamalit. Baka naman puwede mo akong pahiramin,” maliit ang boses kong sabi. Iniiwas ko pa ang aking mga mata dahil nasilayan ko ang simple niyang pagngiti.
Inilahad niya ang kamay niya na siyang ikinatunganga ko. Iniangat ko ang tingin ko. Kumunot pa ang aking noo sa pagtataka. Ano siya? Naniningil na ba siya ng utang ko kanina? Or may ipinapaabot siya? Ano ba’ng mayroon? Wala sa sariling ipinatong ko ang aking kamay sa nakalahad niyang kamay Sumilay ang bahagya kong pagnguso nang tumawa siya.
“I’m asking for your wet clothes, Coleen. Not for your hand.”
Parang tinakasan ng kulay ang mukha ko. Agad kong isinara ang pinto at nagmadaling kinuha ang mga basa kong damit. Taranta pa akong nagpakalma sa aking sarili. Pagkatapos ay binuksan ko ulit nang bahagya ang pinto at inilagay ang mga basa kong damit sa kanina pa niyang naghihintay na kamay. Pilit kong iniiwas ang aking mga mata.
Patawa-tawa namang tumango si Cios. “Stay here. I’ll get you some clothes to wear,” sambit niya bago nawala sa aking paningin.
Nakahinga naman ako nang malalim pagkapasok niya sa kaniyang kwarto. Agad kong isinara ulit ang pinto. Para akong naghihisterya dahil sa pagkahiya at sa lamig. Maya-maya lang ay kumatok na ulit si Cios. Sa sobrang pagkataranta ko ay agad ko itong binuksan.
Kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata. “Shit! Sorry.” Agad siyang tumalikod at napakamot sa batok. “W-Where the hell is… is the towel that I gave you earlier? Use it for P-Pete’s sake, Coleen.”
Napamaang naman akong tumingin sa aking sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala pala akong kahit anong saplot. Agad kong hinanap ang pink na tuwalyang ibinigay ni Cios sa akin kanina. Lihim ko pang minura ang aking sarili dahil ganito pala ako katanga para makalimutang hubo’t hubad ako ngayon. Agad kong ibinalot sa aking katawan ang tuwalya. Pagkatapos ay binuksan kong muli ang pinto. Mas maliit na ang awang ngayon kumpara sa kanina.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakatalikod pa rin si Cios. Inilusot ko ang kamay ko sa puwang at lakas-loob na nagsalita. “A-Akin na.”
Bahagya pa siyang napapitlag nang magsalita ako. Dahan-dahan at maingat niyang iniabot ang damit sa akin habang nakatalikod. Pero dahil nga nakatalikod siya, nagtatalo kami ng ginagawa. Hinahanap niya ang kamay ko habang nakatalikod at ako naman ay hinahabol ang kamay niya. Nang sandaling magdampi ang mga kamay namin ay ang siyang pagbitaw niya sa damit upang masalo ko. Ang kaso’y parang may kuryenteng naglandas mula sa kamay niya papunta sa akin na ikinagulat ko. Nabawi ko ang kamay ko kaya nalaglag ang damit sa sahig.
Out of reflex, agad siyang humarap at lumuhod upang pulutin ang damit. Ganoon din naman ang ginawa ko. Nahirapan pa ako dahil muntik na naman niyang makita ang kabuuan ko sa kadahilanang ang tuwalya ay dumausdos hanggang sa aking bewang. Marahil ay nataranta rin si Cios kaya pagkakuha niya ng damit ay bigla rin niyang inabot ang tuwalyang dumausdos na hanggang sa aking bewang. Mabilis niya itong naagapan at naitaas hanggang sa matakpan ang aking dibdib.
Nanlalaki ang mga matang nagkatitigan kaming dalawa. Lumipas ang ilang segundo bago magrehistro sa amin kung gaano kami kalapit sa isa’t-isa at kung ano ang sitwasyong kinalalagyan naming dalawa. Para kaming nabuhusan nang invisible na tubig sa naging reaksiyon namin. Agaran kaming tumayo at tumalikod sa isa’t-isa. Inayos ko ang tuwalya ko at niyakap ang damit na ibinigay niya. Siya naman ay napapaubo habang nakatalikod.
“M-Magbibihis na ako, C-Cios. Salamat dito…” ang tanging nasabi ko bago ko isinara ang pinto. Hindi ko na hinintay ang reaksiyon niya o kung ano ang sasabihin niya. Sapat na ang mga nangyari ilang segundo lang ang nakakalipas.
Isang marahas na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Bahagya pa akong sumandal sa pintuan para ikalma ang aking sarili dahil para akong aatakihin ng aking hika ano mang oras mula ngayon. Sinilip ko ang damit na ibinigay ni Cios. Ito ay isang white shirt at isang black boxer. Nagbihis na ako kaagad dahil kanina pa ako nilalamig. Hindi ko na inalintana na wala akong suot na kahit anong panloob dahil sa lamig at sa sitwasyon. Hindi rin naman kasi posible na humiram pa ako at gamitin iyong kay Camila dahil personal na gamit niya ito. Walang akong choice kundi gamitin kung ano lang ang iniabot ni Cios sa akin.
Dali-dali na akong nagbihis. Sinilip ko muna ang sarili ko sa salamin. Napag-alaman kong kay Cios ang damit na ito dahil nagmukha akong sampayan sa sobrang laki. Umabot ang laylayan ng isa’t kalahating dangkal mula sa aking tuhod. Kumpleto nitong natakpan ang boxer na suot ko. Medyo maluwag din sa aking bewang ang boxer kaya ginamit ko ang pamuyod ko at itinali ang gilid.
Nang satisfied na ako sa aking itsura ay nakayuko akong lumabas ng banyo. Nakaupo si Cios sa couch at kasalukuyang ginagamitan ng blower ang kaniyang buhok. Puno ng kuryosidad akong lumapit at tumayo sa harap niya. Ikinukuskos ko pa ang tuwalyang gamit ko sa aking buhok.
Iniangat ni Cios ang mga mata niya. Hinagod ng dalawang bolang ito ang aking kabuuan. Pagkatapos ay tiningnan niya ulit ako sa aking mga mata. “What.. are you wearing? Hindi ba’t inabutan kita ng boxers ko? Nasaan? Bakit wala kang pambaba?”
Agad kong tiningnan ang aking sarili. Pagkatapos ay walang hesitasyon kong iniangat ang laylayan ng suot kong damit. “Ano’ng wala? Ito oh! Sinuot ko naman ang boxers mo,” sambit ko. Ipinapakita sa kaniya na suot ko nga ito.
“Coleen!” Sigaw niya. Mabilis na tumayo si Cios. Tumalikod siya at napamasahe sa kaniyang sentido. “Hindi mo dapat tinataas basta-basta ang damit mo lalo’t babae ka at ang kasama mo pa ay lalaki!”
Tumilis ang aking noo. Ibinaba ko ang aking damit at napakamot sa aking ulo. “Okay, okay. Sorry na,” sabi ko habang umuupo sa couch, sa bandang kinauupuan niya kanina.
Kinuha ko ang blower na ginagamit niya kanina at ineksamina ito. Sinubukan kong alalahanin kung paano niya ito ginamit kanina pero wala talagang matandaan ang gapiranggut kong utak. Kulang na lang ay ipagdasal ko na sana ay may magdilang anghel na magsabi sa akin kung paano ito gagamitin. O ‘di kaya ay may magical manual na lumitaw.
Tila dininig naman ako ng langit nang biglaang dumungaw si Cios sa aking balikat mula sa likod. Imabot niya ang blower na nasa kamay ko at may kung anong pinindot kaya nag-start ito. Tinanggal niya nang marahan ang towel sa ulo ko at buong pag-iingat na sinuklay muna ang aking buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Laking pasalamat ko na lamang na nakapag-conditioner ako at hindi malagkit o buhol-buhol ang aking buhok.
“Hey… Can I tell you something?”
Bahagya akong lumingon. “Hm? Ano ‘yon?”
Bumuntong-hininga si Cios. Ipinagpatuloy niya ang pagsusuklay at pagb-blower sa aking buhok. “You know Seah is my cousin, right?” Panimula niya. “She attended our family dinner kagabi. Medyo… kinausap niya ako.”
“Talaga? About saan? Kumusta ang family dinner?”
“Well… She told me na hindi naman daw kailan man naging rival ang tingin niya sa akin,” pagkukuwento ni Cios. “Magpinsan daw kami kaya wala siyang dahilan para makita ako bilang kaaway o kaagaw niya. Nagbigay rin siya ng advice. It just… It doesn’t sit well with me kasi hindi ako sigurado kung mayroon ba siyang dahilan kung bakit niya pinagsasabi sa akin ang mga bagay na iyon.”
Napalingon na ako. Puno ng kuryosidad ang aking mga mata. “Bakit naman? Sa tingin ko’y maganda naman ang mga sinabi niya sa ‘yo. Ang bait kaya ni Seah!”
“I’m not sure of that. We never really talk. At isa pa… Feeling ko kasi ay naaawa siya sa akin kahit na sinabi niyang hinahangaan niya ako. Hindi ko gusto na kinaaawaan. Wala naman sigurong tao na gusto ng ganoon. Saka kahit ano ang ipaliwanag niya, palagi pa rin kaming nag-aagawan. Kaya hindi ko alam kung paano ko siya paniniwalaan sa mga sinabi niya,” mahabang litanya ni Cios. Sa isang tingin ay napansin ko ang pagdaan ng kaguluhan at bahagyang hindi pagkakaalam sa kung ano ang tamang gawin, sa mga mata ni Cios.
Lumambot ang mukha ko. Umikot ako upang harapin siya. “Cios, hindi dahil kalaban mo siya palagi sa mga patalinuhang kompetisyon ay kalaban mo na rin siya sa tunay na buhay. Matutunan mo sanang paghiwalayin ang buhay mo sa loob ng paaralan at ang buhay mo sa labas nito. Hindi maganda na naii-stuck ka riyan sa mundong iyan. Ayos lang maging competitive pero sa tingin ko… hindi mo nakikita ‘yung genuine things sa harapan mo dahil sa sobrang pagka-competitive mo.”
Kumunot ang noo ni Cios. Umiwas siya ng tingin at umiling. “Hindi… ko alam. Ayos lang naman ang lahat, sa palagay ko.” Tinalikuran ako ni Cios at ibinaba ang blower. Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng pitsel ng tubig sa ref. “Kumain ka na muna. Magr-review ako pagkatapos mo. You can continue taking pictures as many as you want.”
Tinitigan ko nang matagal si Cios. Napabuntong-hininga na lamang ako. Halatang-halata ang pagtatalo ng kung ano sa kaniyang isipan. Mga bagay na hindi ko dapat pakialaman dahil sarili niya itong laban. Pero hindi ko yata kayang hayaan na kainin siya ng sarili niyang mundo. Dahil sa pagkakaintindi ko, walang kalaban-labang nilalamon siya nito. Ano nga ba ang magagawa ng isang katulad ko? E sino ba naman ako sa buhay niya? Muntik ko nang paluin ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko. Heto na naman tayo, Coleen Fabian. Hanapan na naman ng posisyon sa buhay niya. Ang hindi ko nga lang maikakaila… Ay na wala naman talaga akong lugar sa buhay niya.

Komento sa Aklat (93)

  • avatar
    AcuñaJilwin

    so excited

    30/03/2025

      0
  • avatar
    Francis Almer Bool Fortu

    please robux

    26/11/2024

      0
  • avatar
    kyglaze

    awesome

    15/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata