Homepage/14 Days of Journey/
Convenience Store
[COLEEN’S POINT OF VIEW]
Kasalukuyan pa rin akong nagpapaikot-ikot sa kama ni Cios. Sa tingin ko’y nakatulog pa ako nang kaunti habang hinihintay siyang matapos sa pagr-review niya. Ngunit nang magising ako ay nakita ko siyang nakaupo at nakayuko. Nag-aaral pa rin. Nag-unat ako nang kaunti bago bumangon. Binuksan ko kaagad ang aking phone at chineck ang mga pictures na naipon ko ngayong araw. Naghikab pa ako bago tiningnan si Cios.
“Hindi ka pa rin ba tapos?”
Medyo nagulat siya nang magsalita ako. Lumingon siya sa akin bago uminom ng tubig. “Patapos na. 15 minutes ka ring nakatulog. Matulog ka pa.”
I shooked my head and slipped out of his bed. Nag-stretch ako ng aking bewang bago siya nilapitan. “Ginugutom ako.”
“May pagkain pa naman sa fridge,” ang sabi ni Cios bago nagpatuloy sa pagbabasa at pagsusulat.
“Sige. Titingnan ko lang,” sagot ko. Nagsimula na akong maglakad palabas ng kaniyang kwarto upang tumungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at naghanap ng makakakain. Ang daming gulay at prutas. May mga energy drinks at juice rin. Pero wala akong nagustuhang kainin.
Matamlay akong pumasok ulit sa kwarto ni Cios. Nilapitan ko siya at isinara ang kaniyang librong binabasa. “Ayaw ko ng mga pagkain sa fridge mo. Bili na lang tayo sa labas.”
Tiningala ako ni Cios at bahagyang umiling. “Huwag na. Mag-oorder na lang ako. Ito oh, mamili ka na.” Iniaro niya sa akin ang phone niya.
My lips curled into a pout. I shooked my head. “Sa labas na lang. Tayo na anh bumili. Ano ba? Ako naman ang magbabayad,” medyo naiinip kong sabi.
“Fine.” Natawa naman siya. Tumayo siya at nagbuntong-hininga. Tinanggal niya ang reading glasses niya bago kinuha ang kaniyang phone. “I’ll just get my keys. Mauna ka na sa pagbaba. Pakihintay na lang ako sa harap.”
“Hindi na. Lakarin na lang natin,” yaya ko sabay lakad na palabas ng kwarto.
“What?”
Nilingon ko siya habang ina-unlock na ang front door. “Oo. Lakarin na lang natin. Malapit lang naman. Nakita ko na may 7/11 diyan. Nadadaanan natin. Tara na!”
Nauna na akong lumabas. Wala namang nagawa si Cios kundi ang sumunod sa akin. Binilisan ko ang paglalakad palabas ng condo complex at papunta sa 7/11. Tahimik lamang siyang naglalakad sa likod ko. Nakangiti naman akong nagmadali habang minamasdan pa rin ang paligid. Maya-maya lang ay nasa tabi ko na si Cios. Masiyado akong nasisikipan sa distansiya namin kaya gumilid ako nang kaunti sa side walk. Sinulyapan ko si Cios at napansing may pagkaalerto ang itsura niya. Padampi-dampi rin ang kamay niya sa siko ko na para bang iginigiya niya ako sa gilid.
Nang makarating kami sa 7/11 ay nanguna-nguna pa akong pumasok. Agad akong pumunta sa chips area at nanguha ng limang balot ng chips. Niyakap ko na lamang ito bago nagtungo sa sweets area. Hirap na hirap kong inabot ang isang balot ng kisses. Natigil lamang ang pagdurusa ko nang biglang sumulpot sa likod ko si Cios at iniaro sa akin ang shopping basket. Napangiti ako kaagad.
“Salamat,” ang tangi kong nasambit bago ko inilagay ang mga yakap kong chips sa shopping basket. Hindi na ako nag-abala na kuhanin kay Cios ang basket dahil halatang mahigpit ang hawak niya rito at ayaw niyang bitawan. Sa isip-isip ko’y wala naman akong magagawa kung gusto niyang asawahin ang shopping basket.
Tinalikuran ko na lang siya at naghanap ng drinks. Nang makakuha ako ay inilagay ko ito sa shopping basket na hawak niya. Naghikab pa ako nang kaunti bago ay naglakad na ako papunta sa counter.
“Ito na ba lahat? Okay ka na?” Cios asked.
Napangiti ako. Masaya akong tumango at magkasama na naming tinungo ang counter. Magkatulong naming inilagay sa counter ang mga bibilhin namin. Nang matatapos na ay hinayaan ko na si Cios na maglagay nito. Dumukot ako sa aking bulsa at napamaang nang wala akong madukot. Kumunot ang aking noo at medyo tarantang sumubok muli sa pagdukot. Sinubukan ko rin ang kabilang bulsa pero wala talaga.
“What is it? May problema ba?”
Muntik pa akong mapatlon sa gulat nang magsalita si Cios. Pinakitaan ko siya ng isang pilit na ngiti bago ko nilingon ang kahera na nakaabang na sa akin. Nginitian ko rin siya bago lumapit kay Cios. Humawak ako sa laylayan ng suot niyang shirt at tumingkayad upang bumulong sa kaniyang tainga. “C-Cios, ano kasi… Uh… May.. May pera ka ba riyan? Naiwan ko pala ‘yung wallet ko,” mahina kong bulong.
Bahagya pa akong napasinghap nang biglang ibaling ni Cios ang mukha niya. Kasabay ng sandaling pagtama ng aming mga ilong namin ay ang pagbuhos ng ulan sa labas. Mabilis ko namang nabigyan ng reaksiyon ang nangyari. Agad akong lumayo at umubo. Nagkunwari akong tumitingin sa labas. He also cleared his throat.
“T-Take my card,” malalim ang boses na sabi ni Cios.
Iniangat ko ang mga mata ko upang tingnan siya. Nakaharap na siya sa cashier at kasalukuyang inaabot ang kaniyang card dito. Nilingon ko rin ang kahera at nakita ko ang malaki at makahulugang tingin na iginagawad niya sa aming dalawa ni Cios. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi kaya napayuko na lamang ako.
Mas nawala lamang ako sa pokus nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang kamay sa aking siko. “Umuulan na. Go buy an umbrella roon sa labas. Heto ang pera,” marahang utos ni Cios. Inilahad niya sa akin ang pera.
Madali ko itong tinanggap dahil hindi ko na kaya pang makipagtalo. Agad na akong lumabas ng store at lumapit sa umbrella vendor. Malalim ang pag-iisip kong tiningnan ang bawat design, pattern, at type ng payong na ibinebenta ni Manong Vendor. Napuna pa nga niya ako dahil napakaseryoso ko naman daw sa pagpili. Nginitian ko lamang siya at idinahilan ko na kailangan ko talagang mapili ang tingin ko’y pinakamabuti kasi dalawa kako kaming gagamit ng payong. Humiram pa ako ng salamin upang masilayan ang sarili at malaman ang lagay ng aking mukha. Bahagya akong napamura nang makitang pulang-pula ang pisngi ko.
Nagpasalamat ako sa tindero at nagbalik na sa 7/11. Napakalakas ng ulan. Tahimik na lamang akong naghintay sa labas dahil may mga upuan at table naman. Nang lumabas si Cios ay nakangiti ko siyang sinalubong. Akmang kukuhanin ko na ang isa sa mga grocery bag na dala niya nang sipatin niya ang dala kong payong.
“Say, Coleen,” panimula ni Cios. Seryoso ang mukha niya pero hindi naman na ako kinabahan dahil ganiyan naman talaga ang itsura ng isang ‘yan. “Binili mo ang payong na ‘yan nang hindi iniisip na dalawa tayong gagamit, ano? You forgot to consider the size dahil lang nagustuhan mo ang design. Am I right?”
Napalunok ako. Bahagyang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Kuhang-kuha niya. Pinupunto man niya nang harapan ang mga ginawa ko ay hindi ko magawang mainis o ma-offend man lang. “Cute kasi…” pagdadahilan ko.
Napahawak si Cios sa kaniyang sentido. “Hay, Coleen. What do I do with you?” Tanong niya. Inayos niya ang pagkakahawak sa mga grocery bag at hinarap akong muli. “Paano natin pagkakasiyahin ang mga sarili natin sa maliit na payong na iyan ngayon? Dapat talaga ay ipa-ban iyang ganiyang klaseng payong. Kinuha mo lang naman kasi Jollibee ang design.”
Hindi ko na napigilang matawa. Mukha kasi siyang punong-puno na sa akin pero pinipilit niya pa ring tiisin na huwag magalit. “Sorry naman. Papapalitan ko na lang,” sabi ko. Tumatawa-tawa pa.
“No. Okay na iyan. Kung… Kung iyan ang nagustuhan mo, ayos na iyan sa akin.”
I blinked multiple times. Taken aback from his words. Hindi pa ako makaimik. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
“You really do be quiet at times like this,” sabi ni Cios na malaki na ang ngiti habang nakatitig sa akin. “Tara na. Lumalakas na ang ulan.”
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Dalawang grocery bag man ang dala niya ay nagawa niya pa ring kuhanin ang payong mula sa kamay ko. Binuksan niya ito at siya na ang naghawak. Nakangiti pa rin siya habang naglalakad kami. At alam niyo ba? Gusto kong ipalo ang sarili ko sa dingding. Gusto ko ring magpalunod sa baha. Basang-basa kami ni Cios dahil sa liit ng payong na binili ko. Ilang beses akong humingi ng pasensiya pero nginingitian niya lamang ako at umiiling. Basang-basa ang braso niya dahil masiyado niyang itinututok sa akin ang payong. Hindi ko maiwasang mapakagat-labi sa sobrang pagka-gentleman ng lalaking ito. Kung hindi sobrang lakas ng hangin at ulan, marahil ay siya lamang ang basang-basa dahil kulang na lang ay idikit na niya sa noo ko ang payong para lamang hindi ako mabasa. Diyos ko. Napapahawak na lamang ako sa dibdib ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so excited
30/03/2025
0please robux
26/11/2024
0awesome
15/11/2024
0Tingnan Lahat