Homepage/14 Days of Journey/
Day 9
[COLEEN’S POINT OF VIEW]
Napabalikwas ako sa masarap kong pagkakahiga nang mag-alarm ang aking phone. Bumangon ako at nag-inat pa ako nang kaunti bago silipin kung anong oras na ba. Pasado alas siete pa lang ng umaga kaya inis akong nahiga ulit. Napabalikwas pa ako nang may biglang tumawag.
“Bwisit. Sino ba ‘to?” Walang pag-iisip kong sabi pagkatapos kong sagutin ang tawag. Humikab pa ako at naghintay na sumagot ang panirang caller sa kabilang linya. Kung pwede nga akong lumusot sa screen ay baka tinamaan na sa akin ang caller.
[Good morning.]
“Good morning mo mukha mo! Panggulo k—”
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga. Ngayon lamang nag-sink in sa akin ang boses sa kabilang linya. Inialis ko sa tainga ko ang phone ko at chineck ang caller. Nanlalaki ang mga matang pinatay ko ang tawag at nagpaikot-ikot sa kama. Pucha! Ganoonin ko ba naman ang crush ko! Wala talaga akong kwenta!
Nanlumo pa ako at muntik ng umiyak sa sobrang hiya. Nang tumawag ulit si Cios ay halos ipagdasal ko na sa lahat ng Santo na sana’y kuhanin na nila ako o hindi kaya ay kainin na lamang ako ng lupa. “Joke lang naman na tatamaan sa akin ang tumawag huhu. Ang ibig kong sabihin ay tatamaan ng kiss sa forehead…” paliwanag ko sa sarili ko habang nagdadasal. Pilit ginagawan ng lusot ang kahihiyang nagawa ko.
Huminga muna ako nang pagkalalim-lalim bago tuluyang sagutin ang tawag. “C-Cios? Ah.. Hello. Good morning…” nahihiya kong bati. Napapikit pa ako nang marinig ang bahagya niyang pagtawa sa kabilang linya.
[I have a review this seven am. Ayos lang ba kung around nine na kita masundo for our session today?]
Kumunot nang bahagya ang noo ko. Tuluyan na akong bumangon sa kama at nagtungo sa banyo. “Bakit mo pa ako susunduin? Kaya ko namang mag-commute, Cios. Aalis ako rito ng eksaktong nine. Sa condo mo na lang tayo magkita.”
[Hindi pwede. Susunduin kita.]
Napangiti ako. Naghanda na ako ng aking damit at mga dadalhin bago ako sumagot. “H’wag na nga. Kulit mo. Babyahe na lang ako. Para na rin mas mabilis tayo,” paliwanag ko. I heard him sigh kaya mas lalo akong napangiti. “Kaya ko na talaga, Cios. Salamat sa initiative.”
[Are you sure? Mas makakampante kasi ako kung susunduin kita. I mean… What if something happens to you while you’re on your way to my condo? Hindi ko papayagan ‘yon.]
“Walang mangyayari sa magandang tulad ko, Cios.” Sagot ko. Patawa-tawa pa. “Sige na. Okay lang naman ako. Mag-iingat ako. Promise.”
[Fine. I’ll book you a grab na lang. In that way, alam ko ang plate number at name ng maghahatid sa ‘yo. Ibababa ko na?]
Napangiti ako sa sobrang kilig. Maarteng iniipit ko ang kaunting hibla ng aking buhok sa kanang tainga ko. “Sige. Ikaw ang bahala,” sagot ko.
[Okay. Bye. Mag-iingat ka, Coleen. Ibababa ko na.]
Nang um-oo ako ay saka niya lamang ibinaba ang tawag. Hindi magkamayaw ang aking ngiti habang naliligo. Sobrang kinikilig kasi ako kay Cios. Ewan ko na kung ano ang nangyayari dito sa puso ko at napakalakas ng tibok.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagpalipas lang ako ng oras. The moment the clock hits nine, agaran akong lumabas ng bahay at hinintay ang grab driver na ini-book ni Cios. Saktong dumating din naman ito pagkababa ko. Masaya akong sumakay at nagpahatid sa condo unit ng crush kong sobrang pogi at sobrang sungit.
Nang makarating kami sa condo ay iniabot ko na ang bayad. Pero tumanggi ang rider at sinabing bayad na raw ang ride ko na iyon. Napangiti ako at buong-pusong nagpasalamat sa rider. Sa isip-isip ko… Ano ba naman itong si Cios? Pinrovide na niyang lahat!
Pumasok na ako sa lobby at naghintay sa couch. Wala pang ilang minuto ay lumapit na sa akin ang nakatao sa lobby. “Ma’am, kayo po ba ‘yung girl friend ni Sir Cios Montereal?” Panimula nh babae. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi na siyang ikinangiti ng babae. “Mukhang kayo nga po. Heto po ang spare key. Ibinilin po sa amin ni Sir Cios na ibigay sa girl friend niya.”
Kumurap-kurap ako ng ilang beses. Hindi talaga makapaniwala sa mga sinasabi ng babae. Hindi ko rin alam ang isasagot kaya awkward ko siyang nginitian. “S-Salamat,” ang tanging naisagot ko. Nakangiting umalis ang babae kaya nakahinga ako nang maluwag. Namumula ang pisnging naglakad ako papunta sa unit ni Cios.
Umikot kaagad ang aking mga mata sa pamilyar na itsura ng unit ni Cios. Binuksan ko kaagad ang mga bintana at hinawi ang mga kurtina. Nahihiya pa akong naupo sa isa sa mga silya sa dining table. Napakalinis talaga ng taong iyon. Ni walang dumi ang buong unit niya. Kahit kainting hibla ng buhok o gabok ay wala kang makikita. Maganda at simple rin ang pagkaka-arrange ng mga furnitures. Ilang beses pa lamang ako rito pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras para magmasid-masid sa buong unit niya.
Natigil lamang ang pagmamasid ko nang bumukas ang pinto. Napatayo kaagad ako upang ihanda ang sarili sa kung sino man ang papasok. Nang iniluwa ng pinto ang pogi kong crush ay nahugot ko ang aking hininga at nanliwanag ang aking mga mata. “Ikaw na pala ‘yan. Good morning,” malaki ang ngiti kong bati.
“Good morning,” tipid ngunit nakangiting sagot ni Cios. Ibinaba niya ang bag niya sa couch at nagsimulang magtanggal ng sapatos. “Magbibihis lang ako, Coleen. May mga pagkain sa ref.”
Tumango ako at pinanood si Cios na pumasok sa kaniyang kwarto. Naglakad ako papunta sa kitchen at binuksan ang refrigerator. Kumuha ako ng yogurt at nagsimulang lantakan iyon. Nang lumabas si Cios sa kaniyang kwarto ay nakasuot na siya ng less formal outfit kompara sa suot niya kanina. Nakaitim siyang shorts at grey na shirt. Nakasuot din siya ng reading glasses niya at bahagyang magulo ang buhok.
“May poses ka bang naiisip or magf-free style ka as usual?” Bungad na tanong ni Cios. Kumuha siya ng yogurt at nagsimula na ring kumain.
“Free style?” Pag-uulit ko. Natatawa pa ako sa ginamit niyang termino. “Yes, free style. May review ka pa ring gagawin, ‘di ba? Hindi ako mangungulit. Promise.”
Bahagyang sumilay sa mga labi ni Cios ang isang maliit na ngiti. Umiling-iling pa siya habang sinasaid ang yogurt na hawak niya. “I’ll review on my desk. Sa kama ko ikaw tumigil. Hihiramin mo ba ang phone ko or not?”
“Itong akin na lang. Salamat,” pagtanggi ko.
Sinuklian lang ako ni Cios ng isang tango at nagsimula na siyang maglakad papunta sa kwarto niya. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto at pinaunang pumasok bago siya sumunod. Napangiti naman ako sa mga ginagawa niya. Kagaya ng napagkasunduan, nagsimula na sa pagr-review si Cios. Ako naman ay sa kama niya tumigil. Paikot-ikot lamang hanggang sa may makita akong magandang angle. Saka ko lamang siya kinukuhanan ng litrato sa oras na may makita akong maayos at magandang angle. Ibig-sabihin, segu-segundo at minu-minuto kong ninanakawan ng sulyap si Cios. At kung krimen man ang ginagawa kong ito… Handa akong makulong.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so excited
30/03/2025
0please robux
26/11/2024
0awesome
15/11/2024
0Tingnan Lahat