logo text

Ikalawang Pamilya

[COLEEN’S POINT OF VIEW]
“Napa’no?” kunot ang noo na tanong ni Kuya Vero.
Umiling ako at nanatiling tulala. “Hindi ko po alam,” sagot ko. Nanatili kaming nakatingin sa kalsadang dinaanan ni Cios. Hindi man lang siya nagpaalam nang maayos sa amin, at bigla na lang niyang pinaharurot ang kotse niya. Paano na lang kapag napahamak siya? Hay nako! Iba rin talaga ang Cios na iyon!
Ngunit sa kabila ng isiping iyon ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Iba ang pakiramdam ko kanina habang tumutugtog si Cios, isama mo pa sa impormasyong iyon na ako ang tinutugtugan niya. Tuloy ay gusto ko na ulit siyang makita na para bang hindi kami nagkasama kanina. Nanghihinayang din ako na hindi siya tumuloy nang yayain siya ni Kuya Vero papasok sa bahay nila. Pero okay lang din naman, baka kasi may kailangan pa siyang gawin. At saka isa pa, pihadong may review session na naman iyon. Hindi kaya napapagod ang isip niya?
“Hm, napapansin ko na madalas na kayong magkasama ni Cios, ha? Ano ba kayo, Leen?” tanong ni Kuya Vero habang inaalalayan akong makapasok sa bahay nila. “Kayo na ba? I mean, crush mo si Cios mula pa noon. Kailan nga ulit nagsimula? Noong Grade 8 ka ba or Grade 9?” dugtong pa niya.
Inirapan ko si Kuya Vero nang buksan niya ang pinto ng guest room upang makapasok ako nang madali. “E, ikaw ba, Kuya Vero? Hindi ba’t napapadalas na rin ang friendly date echos niyo ni Camila? Kayo na rin ba?” balik kong tanong sa kaniya na ikinatawa niya.
“No comment,” ang tanging sagot ni Kuya Vero bago siya lumabas at isinarado na ang pinto. Tumawa na lang ako dahil halatang iwas na iwas siya kapag si Camila na ang pinag-uusapan. Narinig ko rin kasi kaninang umaga na inaasar siya ng Mommy niya tungkol kay Camila, kaya nakisali ako at ininis pa lalo si Kuya Vero.
Nagpasiya akong magbihis na muna bago kainin ang pagkaing in-order ni Cios para sa akin. Bahagya pa akong napamura nang maalalang hindi ko.pa binubuksan ang cellphone ko mula pa kahapon, nakigamit lang kasi ako kanina kay Kuya Vero ng cellphone. Ini-charge ko ito at hinayaan na munang mapuno, saka ako nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay nilapitan ko na ang cellphone kong naka-charge at in-open ito. Naalala ko rin kasi na ang cellphone ni Cios ang ginamit ko kanina pang-picture sa kaniya. Pag-open ko ng aking cellphone ay bumungad sa akin ang napakadaming messages mula pa kagabi.
From: Nanay. (6:39 pm)
Kolelay, anak? Sa’n ka? Uwi ka na rito, pagpasensiyahan mo na ang tatay mo. Alam mo naman na madalas ay sumusobra na iyon. Pinagsabihan ko na rin siya, ‘nak.
From: Nanay. (6:58 pm)
Coleen? Uwi na, anak. Gabi na, baka mapaano ka pa diyan sa daan.
From: Tito-Sir kong mas matapang pa sa kapeng barako. (7:02 pm)
Where are you, Fabian? Hindi ka pa ba magpapasa ng portfolio mo? I am so disappointed!
From: Tito-Sir kong mas matapang pa sa kapeng barako. (7:10 pm)
Ano itong nabalitaan kong hindi ka pa raw umuuwi? Umuwi ka na. Nag-aalala na ang nanay mo.
From: Tito-Sir kong mas matapang pa sa kapeng barako. (7:30 pm)
Umuwi ka na, Coleen. Saan ka ba tumigil na bata ka? Baka mapahamak ka pa. Forget about the portfolio. Just go home.
From: Tatay. (8:09 pm)
Xori , nak. San k b? Sunduin kita, nagwawla na nanay m d2. Usap tau pagbalik mo h?
Bahagya akong natawa sa mga messages sa akin, kasabay ng pagtawa ko ay ang sayang nararamdamam ko. Nakakatuwa na hinahanap nila ako, maging ang Tito kong napakatapang at kaya kang ipaglaban, charot. Agad akong nag-reply sa kanila at sinabing ayos lamang ako at nandito ako tumigil kina Kuya Vero. Ang sumunod kong ini-message ay si Cios.
To: crush kong masungit.
haii. Pwede pa-send na lang sa messenger no’ng mga pictures na nakunan ko sa cellphone mo? Thx pala sa pagkain hehe, sarap no’n kahit hindi mountain dew ‘yong drink. Reply ka, ha? ‘Wag mo akong iinbox!!
Muntik ko pang maibato ang cellphone ko nang biglang may kumatok sa pinto, at kasumod mito ay ang pagbukas ng pinto na siyang nagluwa kay Kuya Vero na may dalang snacks papasok.
“’Wag ka namang nanggugulat, Kuya Vero!” sigaw ko. Tinawanan niya lang ako at umupo katabi ko sa malamig na sahig.
“Sorry. Kagabi pa kasi ako naba-bother, e. What really happened ba, Leen? You never told me kasi mula no’ng dumating ka rito kagabi. Hindi na rin naman kita tinanong kasi baka hindi mo naman gustong pag-usapan, pero nag-aalala talaga ako sa ‘yo ngayon. Pumunta raw dito si Tita Alucia kanina at hinahanap ka, kinakamusta ka rin. Hindi mo raw kasi nire-reply-an ang messages nila. Care to share?”
Itinigil ko ang pagkain ko at naisip na tama lang naman siguro na magkwento ako kay Kuya Vero ng mga nangyari dahil mabuting magkaibigan naman kami. At isa pa, dumating ako rito kagabi nang walang pasabi pero pinapasok padin nila ako ng Mommy niya. Nakakahiya naman kung hindi ako magpapaliwanag kahit na kaunting detalye lang.
Huminga ako nang malalim at mas lumapit naman sa akin si Kuya Vero. “Medyo nagkagulo kasi kami kahapon sa bahay, Kuya. Marami rin namang hindi pagkakaintindihan ang pamilya namin. Simula’t sapul ay alam naman nating lahat iyon, ‘di ba? Ayan nga, hindi na ako nakatiis at nasabihan ko si Tatay ng masasakit na salita. Pero hindi naman sobrang sakit, ha? Hinding-hindi ko naman gagawin iyon kay Tatay. Medyo napagsabihan ko.lang gano’n. Hindi rin kasi maganda na hindi kami vocal sa mga nararamdaman namin,” mahabang paliwanag ko.
Tumango-tango si Kuya Vero at iniabot sa akin ang tubig. “Hm, ganoon pala ang nangyari. Tungkol iyan sa pagsayaw mo, ‘di ba? Paniguradong isa ‘yan sa napag-awayan niyo kahapon. Always remember na palaging bukas ang bahay namin para sa ‘yo, Coleen, ‘kay? Maluwang naman dito, kahit nga magsama-sama pa kayong buong pamilya ay pupuwede. Buong puso ka naming tatanggapin dito. At isa pa, magsasabi ka lagi sa akim kapag may problema ka, okay? Hindi ako.manghuhula,” litanya ni Kuya Vero.
Ako naman ang tumango sa kaniya. Marahan niya akong hinigit upang yakapin, tumalima naman agad ako. “Thank you so much po sa inyo ni Tita sa laging pagtanggap sa akin sa tuwing tumatakas ako sa bahay kasi hindi ko na sila ma-take,” sambit ko habang yakap pa rin si Kuya Vero.
“Wala ‘yon, ano ka ba?” nakangiti niyang turan. Sobrang gumaan ang loob ko dahil palagi ko talagang natatakbuhan si Kuya Vero tuwing may problema ako. Palagi rin namang bukas ang bahay nila para sa akin katulad na lang ng nabanggit niya kanina. Maganda rin pala talaga kapag may ikalawa kang pamilya.

Komento sa Aklat (93)

  • avatar
    AcuñaJilwin

    so excited

    30/03/2025

      0
  • avatar
    Francis Almer Bool Fortu

    please robux

    26/11/2024

      0
  • avatar
    kyglaze

    awesome

    15/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata