PINAPUNTA ang lahat ng estudyante sa gymnasium para iwelcome ang mga bagong estudyante kaya naman nandito kami ngayon sa gym. Ang dalawang bruhang kaibigan ko ay naghahanap ng mga guwapong lalaki kaya naman panay ang irit nila sa kilig sa tuwing may makikitang guwapo. Masisira na ang eardrums ko dahil sa kanila. “Taena! Mag hunos dili nga kayong dalawa, parang pagat na pagat kayo sa saging! Nakakahiya kayo!” napairap ako. Napapatingin na rin sa amin ang ilang estudyante. “Potaena ka Ara! Ang bibig mo talaga!” Irie. “Bibig ko masarap.” “Gagi ka! Lalong napatingin ang lahat sa atin dahil sa sinabi mo,” nag takip ng mukha si Astrid sa sobrang pagkapahiya. “Baka sabihin ng mga fafa sa paligid na hindi tayo dalagang pilipina.” “Wala silang pakialam, sasabihin ko ang gusto kong sabihin.” “Ano ka ba?! Paano na kami magkakajowa?” histerikal naman ni Irie. “Jowa? Potaenang 'yan, sakit lang sa ulo 'yan! Mas best choice ang maging single!” “Manahimik ka nga, Ara. Umagang umaga pinapakain mo kami ng ampalaya mo,” ani Astrid. Sumama ang mukha ko at 'di na lang sumagot. “Oo nga. Bitter mo talaga,” napanguso ako sa panggagatong naman ni Irie. Natigil lang kami sa pag uusap nang may lalaking umakyat sa stage at magsimulang mag sigawan ang lahat, napatakip ako sa tainga ko. “KYAAAHHH! STOORRMM!” “MY KINNGGG! I CAN BE YOUR QUEEN!” “UWAAAHHH! ANG GUWAPO MO!” “UWAAHHH!” Kumunot ang noo ko. Sino ba kasi ang putragis na umakyat sa stage at gano'n na lang mag sigawan ang lahat? Pati straight na lalaki nagsisigawan eh. “UWAH! KYAAHHH! GUWAPO SYET!” nakisigaw na rin si Irie at Astrid kaya lalo pang kumunot ang noo ko. Hindi ko masyado makita 'yong lalaki dahil sa mga estudyanteng nag tayuan. Dahil sa curiousity ko ay tumayo na ako sa kinauupuan ko kaya naman ang mga estudyanteng nasa likuran ko ay nagsipagangalan. “Potaena!” “WHAT THE HELL?!” “OI! BABAE, BUMABA KA NGA DYAN SA UPUAN MO!” “OO NGA! HINDI NAMIN MAKITA!” Sa inis ko ay masama ang tingin na nilingon ko ang mga estudyante sa aking likuran, pitong lalaki na parang sisiw dahil iba't iba ang kulay ng kanilang buhok. “May angal kayo? Sabihin niyo lang, mukhang may death wish na kayo eh,” Namutla silang lahat sa takot. “W-Wala po.” “T-Tayo ka lang po boss.” “Sorry po boss, huhu.” Tinaasan ko lang sila ng isang kilay at binalik na ang paningin sa harapan. Natigilan ako at nanlaki ang mata ko sa perpektong lalaki na nasa stage, may bias yata ang Diyos dahil sa dami ng nilalang niya ay isang lalaki lang ang ginawa niyang perpekto. Tuloy ay hindi ko masisi ang lahat na mag sigawan at mabaliw sa lalaki, sa sobrang hot at guwapo nito ay siguradong lahat ng babae at mga bakla ay malalaglag ang panty. “Good morning everyone. My name is Storm Lawrence, the top ranked in school.” Tumahimik ang lahat nang mag salita na ito at halos mahimatay ang ilan nang ngumiti pa siya, natulala ako sa mukha niya. “Vacation is over, the first day of school is full of change. I know some of you are nervous but I want you all to always remember that someone believes and supports you all, our journey in this university will be tough but it will be fun. Everyone will struggle at some point with a task, a concept or a subject in school but you don't have to be the best at everything, you just need to try your best for your studies.” His height is 6'4" tall, he has an athletic type of body, his hair is dark, his eyes are the color of emerald, pointed nose, red kissable lips, and a perfect jawline. I think he is already 17 years old, hindi ko mapigilan na hangaan siya. Hindi lang siya guwapo at hot, matalino rin siya at mukhang mabait. My gahd! Complete package siya. “KYAAAHHH!” “THANK YOU SA MOTIVATION STORM!” “WE LOVE YOU!” Rinig ng lahat ang pag tawa sa microphone ng binata dahilan para mas lalo pang kiligin ang lahat, nakaramdam rin ako ng butterfly in my stomach nang marinig at makita siyang tumawa. Sa oras na iyon parang siya lang ang nakikita ko, parang tumigil ang pag takbo ng aking mundo habang pinagmamasdan siya. “Some of us will make mistakes but it's alright, every mistake is a lesson. That's one of the reasons why we're here at school, to learn and to correct our mistakes. Don't worry, we have our teachers here to guide us.” Kumaway ang mga lecturer sa mga estudyante matapos banggitin iyon ng binata. “Tha–” natigil siya sa pagsasalita at huminto ang paningin sa akin. Parang pinako ang paa ko mula sa aking kinatatayuan dahil sa tingin niya. “The student over there….” kumabog ang puso ko nang tinuro niya ang direksyon ko dahilan para mag sitinginan sa akin ang lahat. “P-Potangena, a-ako ba ang t-tinuturo niya?” bulong ko sa aking sarili. “Yes, you. Can you get down from your chair? You might fall where you stand. Be careful,” bumilis ang pag tibok ng puso ko sa litanya niya. “A-Ara! Bumaba ka diyan!” mahinang tinawag ako ni Astrid at hinila pababa sa upuan. “Putragis ka Ara, nakakahiya ka!” mahinang sambit ni Irie nang makaupo na ako. “There. Very good,” parang napana ako sa puso nang ngumiti siya sa akin. “That's all, goodluck to all of us.” Natigilan ako at nanlaki ang mata ko nang mag lakad na siya paalis sa stage, nakita ko ang thread na nakatali sa pinky finger niya at konektado ang iyon sa akin. “Shit! totoo ba 'yon?” kinuskos ko ang aking mata at nang imulat ko iyon ay nakaupo na sa pinaka unahan ang lalaki kaya hindi ko na siya makita. “Oh? bakit sobrang pula ng mukha mo?” nagtataka na tanong ni Irie. “H-Huh? W-Wala lang.” “Teka! 'Wag mong sabihin crush mo si Storm?!” nagulat ako sa sinabi ni Astrid. “Hindi ka naman namumula kanina pero simula noong mapansin ka nita ay bigla ka na lang namula diyan!” hindi siya makapaniwala na nakatingin sa akin, maging si Irie. “H-Hindi 'no! Kilala niyo naman ako, imposibleng may magustuhan ako!” mariin na pag tanggi ko. “Oo nga,” pagsang-ayon naman ni Irie. “Gano'n ba?” Astrid. “N-Nahihiya lang ako, ikaw ba naman tignan ng lahat!” “Sira kasi ulo mo! Tumayo ka ba naman sa upuan, kung hindi ka ba naman magi-stand out.” “Hindi ko makita eh!” “Pandak ka kasi,” sumama ang mukha ko sa pasmadong bibig ni Irie. Nag salita ang pandak rin. Akala ko namalikmata lang ako noon kaya pinagsawalang bahala ko lang ang nakita ko pero doon ako nagkamali. NAGLALAKAD kami papunta sa cafeteria. “Eh ikaw ba Ara? Anong pangarap mo?” tanong ni Irie. Pinag uusapan kasi sa classroom namin kung ano ang mga pangarap namin. “Pangarap ko maging basurero!” sagot ni Grumpy Carter. “Pangarap ko maging pusa at magkaroon ng mayamang amo!” Sleepy Elsher. “Pangarap ko ang ibigin ka…at sa habang panahon…ikaw ay makasama….” kanta naman ni Dopey Adler. “Pangarap ko maging dahon,” Sneezy Lavine. “P-Pangarap ko mapag isa sa mundo,” Bashful Solace. “Pangarap ko maging chef para makakain ako ng masasarap na pagkain,” Doc Hansley. “Pangarap ko ang pangarap niyo,” masayang sambit naman ni Happy Raven. Iyan ang pangalan ng mga classmate ko sa Section E, ang tawag ko sa kanila ay The Seven Tukmol. “Pangarap ko maging holdaper,” nanlaki ang mata nilang dalawa sa sagot ko. “Ang laki naman ng pangarap mo prend,” sabay silang dalawa na tumawa. “Syempre naman, mangangarap ka na nga lang hindi mo pa tataasan? Hehe,” proud kong tugon. “Tanga talaga,” bulong ni Astrid na narinig ko. “Sino?” tanong ko sa kaniya. “'Yong pader,” sagot niya. “Luh! Payag ka no'n Irie? Tinatanga ka ni Astrid,” masama talaga si Astrid. Kailangan ko maging matatag para mapigilan ko na maging friendship over sila, kailangan ko pumagitna sa kanila. “Pakyu ka, Ara!” nag salubong ang kilay ko sa pagmumura sa akin ni Irie. “Gago ka ah! Sinabihan na nga kita na tinatanga ka niya eh!” hagalpak ang tawa ni Astrid. Tignan mo ito, pinagaaway pa yata kaming dalawa ni Irie. “HINDI AKO! 'YONG PADER!” “Kaya nga! Eh hindi ba, pader ka?” “PAKYU KA, MILLION TIMES!” “PAKYU KA RIN!” “Tama na kayong dalawa,” saway sa amin ni Astrid. “Gago ka kasi Astrid, alam mo namang slow itong kaibigan natin eh!” iritang sambit ni Irie na tinawanan lang ni Astrid. Na'ko! 'Dili na lang ako mag talk dahil alam ko naman sa sarili ko na slow ako. Kasama ko ang dalawang best friend ko na nag transfer dito sa school kaya hindi ako kinakabahan. Ang pangalan nila ay Irie Silva and Astrid Kane, bestfriend ko sila at nagkakilala kami dahil magkakapit bahay lang naman kami. Anak ni Tita Helen si Irie at anak naman ni Tita Sannah si Astrid. Magkaibigan ang mga Nanay namin kaya kami nagkakilala, pamilya na ang turing namin sa isa't isa. Irie Silva is 17 years old. She has long golden wavy hair and black eyes, pointed nose, and small lips. Her height is the same as mine, and she has a curvy body. Astrid Kane is 17 years old. Her hair is dyed with light violet, she's a morena girl, her height is like a model, sexy and hot. Kumakain na kami ngayon sa cafeteria nang mapansin ako na may kulang sa akin. “Nakita niyo ba ang ballpen ko?” kinapa ko ang bulsa ko pero wala doon. “May boyfriend ka ba?” Astrid. “Tarantado! Ballpen, hindi boyfriend!” “Wala sa akin,” Irie. “Wala rin sa akin,” Astrid. “Hindi ko tinanong kung nasa inyo. Ang tanong ko ay kung nakita niyo, mga stupidang hampas lupa!” “Hindi namin nakikita,” Astrid. “Burara ka kasi,” Irie. Hmm...saan ko kaya nalagay ang boypren–este ang ballpen ko? Augh! Kapag ganitong nawawala ang iyon ay sumasama ang aking mood. ”Nakasagap na ako ng chismis tungkol sa unibersidad na ito,” pagiiba ng usapan ni Irie habang kumakain kami, mukhang napansin niya ang pagkawala ko sa mood. “Iyan ang gusto ko sa'yo. So, anong chismis?” ngiting tanong Astrid. “Kilala ang Yomiyama North University sa buong mundo, ang nerd ang mga sikat dito at mas nakaaangat. Samantalang ang mga lowest section naman ay binabasura at minamaliit,” tumango-tango ako. “Sikat rin dito sa university ang The Big Three, sila ang mga stock- holders. Isaac Grayson, Isaiah Phoenix, and Storm Lawrence. Kilala si Isaac at Isaiah bilang casanova at womanizer. Habang si Storm naman ay kilala bilang genius, siya ang top ranker dito sa school.” Ayaw ko talaga sa mga playboy buti na lang hindi playboy si Stor---teka! Eh, ano naman kung playboy siya o hindi? Ahh…syempre marami na ngang playboy sa mundo dadagdag pa siya, hmp. “Owemji! The big three is here!” “KYAAAHHHH!” “UWAAHHH!” “Uwah, ayan na sila!” kinikilig na sumigaw rin si Irie. “Woah! Ang guwapo ni Isaiah kaso playboy.” Kumunot ang noo ko nang makita kung kanino konektado ang red string ni Irie, soulmate niya si Isaiah. Nilipat ko naman ang aking paningin kay Storm, ang gentle ng mga ngiti niya kaya naman halos lahat ng mga estudyanteng nadadaanan niya ay nahihimatay sa kilig. Natigilan ako nang bumaba ang aking paningin sa kamay niya at parang gumunaw ang mundo ko habang sinusundan siya ng aking paningin, ang red string niya ay konektado sa akin. I-Ibig sabihin ay hindi ako namamalikmata?! Totoo ang nakita ng mata ko no'ng umaga sa gym. Hindi ito puwede! Kailangan ko siyang iwasan kahit na anong mangyari, hindi dapat magkasalubong ang landas namin. Ayoko mag mahal at mas lalo nang ayoko na masaktan, gagawin ko ang lahat para protektahan ang aking puso. Pakyu ka, fate! Hindi mo magagawa sa akin ang gusto mo, hindi mo ako puwede kontrolin at hindi ko hahayaan na paglaruan mo ang buhay ko. “Hey, Ara! Nakikinig ka ba sa amin?! Pinagpapawisan ka ng malamig!” histerikal na si Irie, nagpapanic silang dalawa pero hindi matutumbasan ang takot at kaba sa aking dibdib. “A-Ayos lang ako.” “Sigurado ka? May clinic naman dito, puwede tayo doon pumunta,” ani Astrid. “Hindi! Ayoko!” nagulat silang dalawa sa biglaang pag sigaw ko, natigilan ako. “P-Pasensya na. Wala lang talaga ako sa mood,” napabuntong hininga ako. “About pa rin ba sa ballpen mo? 'Wag ka masyado magalala, baka naiiwan mo lang sa classroom,” ngiting pag-comfort sa akin ni Irie. “O-Oo nga.” Mabilis ko na tinapos ang pagkain ko para makaalis na sa cafeteria, habang tumatagal na kasama ko siya sa iisang lugar ay sumisikip lang ang aking dibdib. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis kami sa cafeteria. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat