Amara's POV Ilang araw ang lumipas nang wala kaming communication ni Bagyo. Sa nagdaang araw ay nagpatingin ulit ako sa psychiatrist, gusto ko na gumaling ako sa philophobia ko para kay Bagyo kaya nakakuha ako ng lakas ng loob na magpatingin ulit. Anyway, it's my birthday. Kakausapin ko na si Bagyo pagkatapos ko gawin ang deal namin ni Aevrylle na maging waitress sa birthday niya. It's my birthday so I need to atleast give a gift to myself by talking to him, sobrang miss ko na rin si Bagyo. HINATID ako ni Astrid at Irie sa venue ng birthday party ni Aevrylle, sasakyan ni Tita Sannah ang ginamit namin papunta dito. The venue is at Hart's private luxury yacht. I can see at a distance all of the famous celebrities walking on the red carpet, while they are surrounded by bodyguards and reporters. There are also famous business men and women. Papasok na sana ako sa back entrance for staffs nang hawakan ni Astrid ang kamay ko para pigilan ako. "Are you sure about this?" nag aalala na tanong ni Astrid. "Oo, kailangan ko ito gawin para naman tigilan na kami ng demonyita." "Sigurado ka ba sa gagawin mo? Makikita mo doon ang gago mong ama," pag singit rin ni Irie. I completely forgot about him, malamang nandoon rin ang gago kong ama dahil birthday ng pinakamamahal niyang prinsesa. "Ayos lang. Sige na, kailangan ko na pumasok." Hindi pa rin nawala ang pag aalala sa kanilang mukha pero napilitan pa rin sila na umalis, pinanood ko ang sasakyan na humarurot paalis. Malakas na bumuntong hininga ako at nag lakad na papasok sa back entrance. Pumunta ako sa room for staff only at nag bihis ng uniform for waitress, pagkabihis ko ay sinimulan ko na ang aking trabaho at nag serve ng wine sa mga guest. Trenta minuto ang lumipas bago nag simula ang birthday party, pinangunahan ito ng isang emcee na kilalang celebrity rin. "Good evening everyone! I am Laramie Salvador and I will be the host of this party. Welcome you all to a 17'th birthday celebration, I assumed that everyone would settle down and be ready to welcome the birthday celebrant and the Hart's family." Tumahimik ang lahat nang mag salita na ang host at humina ang kaninang musika na ume-echo sa buong pasilyo. "I know you are all excited to see the birthday celebrant but let me first introduce the Hart's family." "Let me introduce Mr. Cloude Hart, he is the youngest businessman and is still studying but already helping their family business." Bumukas ang pinto at bumungad ang pinaka guwapong binata dito sa pasilyo, hindi man siya lagyan ng spotlight at nakakakuha pa rin ng attention ang sobrang kaguwapuhan nito dahilan para ang mga babae at maging ang mga lalaki ay kiligin nang makita ito. Umingay na naman sa paligid dahil sa ilang kababaihan na umiirit. "Mrs. Dorothy Hart!" Pumasok ang isang eleganteng babae, may mga alahas sa katawan nito, at may dark red na lipstick. Kahit na may katandaan ay makikita pa rin ang kaniyang kagandahan dahilan para hindi mapigilan ng ilan na mamangha, lalo na sa eleganteng pag kilos nito. "And the most popular businessman who led the biggest Conglomerate company into success, Mr. Mercury Hart!" Ang lahat ay natahimik nang dumating siya, mararamdaman mo ang awtoridad nito nang mag lakad siya sa pasilyo kasama ang kaniyang sekretarya. I was stunned because of the coldness on his eyes, hindi ko na siya makilala dahil sa malaking pagbabago mula palang sa kung paano niya tignan ang lahat na parang wala siyang interes sa kung sino man. "And finally! The world will finally know the princess of Hart. Let me introduce you to Miss Aevrylle Hart, the most famous influencer that we know." Aevrylle in her Cinderella-like gown walks in the stair like a princess, everybody is at awe because of her beauty especially when she walks elegantly. Habang pababa siya ng hagdan ay gumagala ang kaniyang paningin at tumigil iyon sa akin, napangisi siya nang makita ako na tila nagyayabang at nang iinggit. Walang epekto sa akin ang pang-aasar niya pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko sa babae ng hagdan si Bagyo na nakaabang sa kaniya, nilahad nito ang kaniyang kamay kay Aevrylle na tinanggap naman niya at doon na nag bulungan ang lahat. "That's Storm Lawrence, right?" "Don't tell me they are in a relationship?" "If they are, Lawrence clan and Hart's will be the most powerful in the world." All of the cameras flashed at the two of them because of the reporters and paparazzi, lahat ng attention nasa kanilang dalawa. Hindi ko maintindihan. Bakit siya nandito? Hindi ba't sinabihan ko siya na layuan na si Aevrylle? No, I have to calm down. Bago ako mag isip ng kung ano ay dapat makinig muna ako sa paliwanag niya. "Hey, you! Why are you just standing there?" nabalik ako sa reyalidad nang may isang maldita na babaeng artista ang sumita sa akin, she's looking down at me. "Do your fvcking job! Get me tequila!" iritable nitong utos. "Right away, ma'am." Nag lakad na ako paalis doon at pumunta sa kitchen, ang lahat ay busy kanikanilang gawain kaya hindi na ako nag paalam at kumuha na ako ng ilang bote ng tiquila pagkatapos ay nilagay iyon sa serving plate. Pagkalabas ko ay natigilan ako nang makita si Cloude na nakaabang sa akin, salubong ang kilay nito nang makita ako. "What are you doing here?" nagtataka nitong tanong. "Bakit? Bawal ba?" natatawa na tanong ko. "No, but I don't think na gugustuhin mo umattend dito and it is your birthday you should be celebrating it not working here. And why are you dressed as a waitress? Sana sinabihan mo ako na gusto mong umattend para binigyan kita ng invitation, it's bad for your heart to work like this." "Huwag ka mag alala, hindi ko papagurin ang sarili ko." "No, come with me. I have a dress for you, wear i–" "Hindi na kailangan, Ulap. Just let me do my work," wala nang pasensya na sambit ko. "Why are you doing this? Don't tell me Av made you do this?" "None of your business," sagot ko at bumuntong hininga. "Tumabi ka sa dadaanan ko, may ginagawa pa ako." "Wait, listen to m–" naputol ang salita niya nang dumating ang sekretarya ng gago naming ama. Natigilan ito at bumakas ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ako, tila may gusto itong sabihin sa akin pero sa huli ay bumaling siya kay Cloude dahil sa pagmamadali. "Young master, Lady Av is looking for you," binulong nito sa kaniya. "Alright," sagot nito pagkatapos ay tumingin sa akin. "Let's talk after this, don't exhaust yourself too much." Nagmamadali na silang dalawa umalis, tinapunan pa ako ng huling tigin ng sekretarya ng gago kong ama bago sila tuluyang nakaalis. Bumuga ako ng hininga at nag patuloy na sa aking ginagawa. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat