Chapter 41

I am starting to hate myself, lagi ako pinapaiyak ni Bagyo pero hindi pa rin tumitigil ang puso ko na tumibok para sa kaniya.
“Hindi lang kita masagot dahil….”
“Dahil?”
Ano na naman kaya ang excuse niya? Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi sinipa ko na siya palabas ng bahay ko at hinayaan siya na mabasa ng ulan para magkasakit.
“Because I don't want you to ask me. Ang gusto ko ay ako ang magtatanong sa'yo in the most romantic way. Gusto ko susurpresahin kita sa school, gusto ko maiinggit lahat ng babae sa'yo kasi Storm Lawrence ang nanliligaw sa'yo.”
Kaya yata may bagyo at malakas ang hangin ngayon dahil sa kaniya, pero ano daw ang sabi niya? Gusto niya daw ay siya ang magtatanong sa akin in the most romantic way.
“Hindi naman most romantic 'yon, ang cliché kaya. 'Tsaka isa pa ay hindi na surpresa iyon dahil sinabi mo na sa akin.”
Mahihimatay na yata ako dahil sa conversation namin dalawa.
Totoo bang nangyayari ito? Hindi ba ito panaginip? Hindi ko lang ba ilusyon ito? O baka may kakambal siya at siya ngayon ang nasa harapan ko? Nagkaroon ba siya ng sakit dahil naulanan kami kaya kung ano-anong mga pinagsasabi niya?
Sana totoo ito dahil kung hindi ay baka mapatay ko na ang nagsusulat ng story namin ng Bagyo ko.
“I can't help it, seeing you cry because of me. Should I ask you now?” pinigilan ko ang mapangiti at tumango ng maraming beses, muntik pa tuloy ako mahilo.
Umayos siya ng tayo at hinawakan ang dalawang kamay ko, pagkatapos ay hinalikan ang likod no'n. Kinilig tuloy ang tumbong ko.
“I may not be a perfect man or a perfect boyfriend, I may not deserve you, and I can't promise that I won't hurt you. But I promise you that I will do my best to deserve you, to be a perfect boyfriend, and to love you.”
Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko, naramdaman ko na naman ang pag uulap ng mata ko pero hindi na dahil sa sakit kun'di dahil na sa saya.
“Amara dzej Finley, can I court you?”
natigilan ako, nag salubong ang kilay ko, at nawala ang aking ngiti dahilan para mag alala siya. “Bakit ganiyan ang reaction mo?” kunot na ang noo niya at halos mag pantay na ang perpekto niyang kilay.
“Court me?”
“Yes.”
“Ligaw ang tagalog no'n, hindi ba?” muling tanong ko at tumango siya. “B-Bakit manliligaw ka pa? H-Hindi ba puwedeng tayo na?” hindi ko napigilan ang pagkadismaya ko.
“Pffft!” namula ako nang marinig ang impit niyang pag tawa, binitawan niya ang kamay ko at tinakpan ang kaniyang bibig pagkatapos ay tumalikod sa akin.
“H-Hoy! Huwag mo ako tawanan,” ramdam ko na ang pamumula ng aking mukha dahil sa kahihiyan, kahit nakatalikod siya ay alam ko na tinatawanan niya ako.
“Kailangan ko pa ba mag pabebe? Don't get me wrong, hindi rin naman ako easy-to-get, 'no! Marami kaya nag confess sa akin pero lahat sila ni-reject ko, s-sa'yo lang naman ako easy-to-get.”
Nang humarap siya sa akin ay sobrang tamis na ng kaniyang ngiti, ang mata niya ay sobrang saya at tila may spark doon habang nakatingin sa akin.
“Then let me replace my question,” hindi ko na rin napigilan ang mapangiti. “Amara dzej Finley, can you be my girlfriend?” nakagat ko ang ibabang labi ko sa pag pigil ng kilig, kailangan ko pakalmahin ang aking sarili.
“Puwedeng pag isipan ko muna?” tanong ko.
“Sure,” natatawa niyang sagot.
“Okay na. Napag-isipan ko na,” tumaas ang isang kilay niya pero hindi pa rin nawawala ang kaniyang ngiti.
“So ano ang sagot mo?”
“Oo at yes!” malakas kong sagot, ang ngiti ko ay abot hanggang tainga at walang pagsidlan ang aking saya.
Bakas rin sa kaniyang mukha ang labis na kasiyahan nang sagutin ko siya, niyakap niya ako ng mahigpit.
“Finally,” bumuga siya ng malalim na hininga habang yakap-yakap ako ng mahigpit. “I can finally hold and hug you without hesitating, without thinking about anything.”
“Amara?!” natigilan kami nang may tumawag sa akin, nang tumingin kami sa direksyon nila ay agad na napahiwalay kaming dalawa.
Nandito sila Tita at sila Irie, nanlalaki ang mata nila na nakatingin sa amin.
“Ano ang nangyayari dito?! Sino ang lalaki na iyan?! At bakit ka nag dala sa bahay mo ng lalaki?!” galit na galit si Tita Sannah at sobrang sama ng tingin niya sa amin dalawa dahilan para mariin na napalunok ako.
“K-Kasi….” hindi ko magawang makapagsalita, nakakatakot kasi talaga magalit si Tita Sannah.
“Good evening, madam. My name is Storm Lawrence po and I am her boyfriend, pleased to meet you po.”
“A-Ano? B-Boyfriend?! Paano? Kailan pa?”
“T-Tita Helen, kumalma lang po kayo. Magpapaliwanag po ako,” kinakabahan na sumingit ako at hinila sila Tita papunta sa salas para doon kami mag usap, nakasunod naman sa amin si Bagyo.
“Mag usap lang kayo. Kami nang bahala sa kakainin natin,” nag salita si Astrid at nanatili silang dalawa ni Irie sa kusina para asikasuhin ang pinapainit ko na ulam.
“You better explain this to us Ara,” may babala sa boses ni Tita Sannah.
“G-Ganito po kasi iyan, boyfriend ko na po siya at ngayon ko lang po siya sinagot.”
“A-Ano?! Bakit ang bilis naman yata ng mga nangyayari?” nagugulan na sambit ni Tita Helen.
Kahit rin ako hindi makapaniwala sa mga nangyayari, parang nasa cloud nine ako at lutang kaya naman nahihirapan ako sa kanila ngayon mag paliwanag.
“Mahal ko po siya,” ito na lang ang nasabi ko.
Nakagat ko ang aking ibabang labi, natigilan ako nang maramdaman ang pag hawak ni Bagyo sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
“I love her po, I hope you can give us your blessing. I am hoping for your permission and approval po before I date her,” namula ang mukha ko at sumisigaw na sa sobrang kilig ang internal cells ko.
Feeling ko tuloy ay sobrang haba ng hair ko.
“No, I won't allow you to date her. Makakasama ka lang sa kaniya.”
Natigilan ako sa tugon ni Tita Sannah, madiin ang kaniyang salita na parang final na iyon.
“T-Tita–”
“You know your condition, Ara! You can't love him, makakasama lang siya sa'yo!” galit nang sigaw niya.
Hindi ako nakaimik pero ang buong katawan ko ay umaangal sa pag kontra niya sa amin dalawa.
“Madam, I don't know why you're already saying na makakasama ako sa kaniya and I can't promise that I won't hurt her but I promise to love her with all my heart. Please, madam.”
Naguguluhan man ay determinado na nag salita si Bagyo, ang salita niya ay puno ng despirasyon na makuha ang approval nila Tita.
“So you didn't tell him?” masama ang tingin sa akin ni Tita Sannah.
Alam ko ang tinutukoy niya, alam ko na nag aalala lang siya dahil sa kondisyon ko. Nag aalala siya dahil sa sakit sa puso ko, maaaring literal na makaapekto si Bagyo sa puso ko pero gustong-gusto ko siya.
“Please Tita,” I begged her.
I don't want to let him know about my condition.
“You're unbelievable! You keep doing things on your way! Bakit hindi mo rin kami intindihin?!”
“Pero ito ang ikasisiya ko, Tita,” naiiyak nang sagot ko.
“Iyan rin ang ikamamatay mo!” sobrang lakas ng boses niya, kinakabahan ako dahil baka mag hinala na si Bagyo sa mga naririnig niyang usapan namin.
“Kaya ko na po ang sarili ko,” umiwas ako ng tingin sa kanila.
“You little–”
“Sannah,” naputol ang salita ni Tita Sannah nang tawagin siya ni Tita Helen na kanina pa tahimik at ngayon lang umimik. “Bakit hindi natin hayaan ulit sa desisyon niya si Ara? Buhay niya 'yan, let her experience love.”
Napangiti na ako sa sinabi ni Tita Helen, nakangiti na rin siya. Matagal bago nakasagot si Tita Sannah na tila tinatansya pa kaming dalawa bago malakas na napabuga ng hangin, tila suko na sa tigas ng ulo ko.
“Ara, I want to talk with you alone first,” sambit niya.
Salubong na ang kilay ni Bagyo at hindi masundan ang pag-uusap namin pero sa huli ay napilitan pa rin siya na tumayo, bago siya umalis ay naramdaman ko ang pag pisil ng pagkakahawak ng kaniyang kamay sa akin pagkatapos ay ngumiti at pumunta na sa kusina kung nasaan sila Astrid.
“Do you know what you're doing, Ara?” pagsisimula nito.
“Alam ko na po ang ginagawa k–”
“No, you don't. You know you have a weak heart and any moment maaari kang bumagsak ngayon dito sa sahig at mahimatay, ano mang oras ay baka tanggalan ka ng buhay ng Diyos at kunin sa amin.”
“Alam ko po iyo–”
“Bakit mo pa ito ginagawa kung alam mo na iyon? You're smart but sometimes you're stupid, think about it. Masakit man aminin pero maaari kang tanggalan ng buhay dahil sa hina ng puso mo, kapag nangyari iyon ay maiiwan siya at higit na masasaktan. Maaari rin na mag dulot sa puso mo ang pagmamahal niya sa'yo, kapag nasaktan ka niya ay baka atakihin ka sa puso at siya pa ang maging dahilan ng pagkawala mo dito.”
To be continued!

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Hanz Cabarliza

    hhhhhhhhxhjcify

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Carla May Balondo

    so good momen

    23/09/2024

      0
  • avatar
    Precious Mare Benedicto

    nice

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata