Chapter 39

NATIGIL ako sa paglalakad nang napansin na may isa pang kuwarto, katabi lang ng kuwarto niya.
“What's this? Puwede ko ba ito buksan?” paalam ko sa kaniya, naka lock kasi ang pinto kaya baka bawal pumasok dito.
Natigil rin siya sa paglalakad at lumingon sa akin, pagkatapos ay tumingin sa kuwarto na tinutukoy ko.
“Oo naman,” ngiting sagot niya at binigay sa akin ang susi.
I smiled and unlocked the door, when I opened the door I was surprised at what's inside.
“W-What the hell?” gulat pa rin na sambit ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
“Pasok ka,” natatawang sambit niya kaya pumasok na ako.
Ang laman lang naman ng kuwarto na ito ay puno ng mga medal, mga trophies, mga picture niya kung saan siya nanalo, mga certificate ng napanalunan niya. Ang mga medal niya ay puro top honor at ang mga trophies niya ay puro 1st, ang ibang picture niya ay galing sa quiz bee.
"Is this all yours?"
"Oo," proud na sagot niya.
Sa sobrang dami ng mga reward na napanalunan niya ay parang babaha na dito sa kaniyang kuwarto, pero kahit na ganoon ay nakaorganize ang lahat at halatang nililinisan ng maigi.
“This is all yours?!” hindi pa rin makapaniwala na tanong ko, tumango lang siya habang tumitingin rin sa paligid.
“Woah!” hindi ko na napigilan ang sarili ko na mamangha.
“Noong nabubuhay pa si Mamay ay active ako sa school namin, sa tuwing hahakutin ko ang mga reward ay tuwang-tuwa siya kaya mas lalo ko pa na pinag igihan. Ito ang naging resulta. Sumasali rin ako sa lahat ng sports, sa lahat ng quiz bee, at ang mga medal naman ay mga award ko bilang top 1 sa school namin.”
Totoo ba ang mga naririnig ko? May mga trophies at medal rin naman ako pero hindi ganito karami!
“Noong nabubuhay pa si Mamay ay mahilig siya na linisin at iorganize ang lahat ng award ko,” ngiting kuwento niya.
Her mother must be proud of her so much pero akala ko hindi siya gano'n katalino kaya napunta siya sa Section E? At isa pa, kung matalino siya ay bakit naging lowest siya sa university? So much questions for just one day, napunta lang ako sa bahay niya ay mas dumami ang tanong ko sa kaniya at mas lalo ako nacurious sa kaniya.
“Kung gano'n ay bakit napunta ka sa Section E?” curious na tanong ko.
Nakaupo na siya sa single sofa.
“Noong namatay si Mamay ay nawalan ako ng ganang mag-aral, naisip ko na wala nang kuwenta para hakutin ko pa ang mga rewards dahil wala na ang taong pinasisikatan ko. Hilig ko kasi magpasikat sa kaniya at gustong-
gusto ko na ipinagmamalaki niya ako sa lahat,” nakababa ang kaniyang paningin sa lapag at bumakas ang lungkot sa kaniyang mata.
“Bumagsak ako at nilipat ako nila Tita sa Yomiyama North University para mag simula ulit, sa school natin ay wala doon ang bakas ni Mamay kaya pumayag ako at nangako sa kanila na pagbubutihan ko na ulit ang pag-aaral ko.”
Ang malungkot niyang mata ay napalitan ng saya nang iangat niya ang kaniyang paningin sa akin at kinagat ang ibabang labi na tila may magandang naalala.
“Saktong pagsisimula ko ng panibagong buhay ng wala si Mamay ay dumating ka, sa school natin kita nakilala.”
Nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan dahil sa huling litanya niya, It's cheesy but it isn't corny.
“Then why did you become the lowest student in the school?”
“Dahil sa'yo,” natatawa niyang sagot.
“S-Sa akin?” naguguluhan ko na tanong.
“Oo,” tumawa na naman siya. “You're always distracting me, you're making me feel happiness and pain at the same time. Lagi kayo PDA sa school ng ex-girlfriend mo kaya bumagsak ulit ako nang hindi ko namamalayan," natigilan ako sa litanya niya.
Gusto na niya ako noong mga panahong lunod ako sa pagmamahal para sa ex ko. How can she endure the pain while watching me with her? Nang maisip ko iyon ay sumikip ang dibdib ko, maisip ko lang na nasasaktan siya nang wala akong kaalam-alam ay nasasaktan na rin ako.
“But that was in the past, ang importante ay ang ngayon. Kasama na kita ngayon at nasa harapan kita, bakas sa mukha ang pagkasabik na malaman ang lahat ng tungkol sa akin.”
She knows how much I am interested in her, this is so embarrassing.
“When did you fall in love with me? When is the first time you see me? How did you fall for me when I didn't even know you at that time?” hindi ko na napigilan ang mag tanong.
“Siguro noong first day of school? Noong nagsasalita ka sa gym at sinabihan mo ako na bumaba ng upuan dahil baka mahulog ako,” natatawa niyang sagot.
Kumunot ang noo ko at inalala ang nangyari noong first day of school sa gym. Ang naaalala ko ay nag speech ako that day then at the end of my speech, there's a girl standing in the chair–
“Wait, that was you?!” I asked in shocked, she nodded.
Malayo ang distansya niya sa akin noon kaya hindi ko masyado naaninag ang kaniyang mukha. So that was her?! Hindi ako makapaniwala.
“After that I always see you around, It is almost like you're seeking my attention.”
Nag salubong ang kilay ko pero siya ay patuloy pa rin ang pag tawa.
“Ang pangalawang interaction natin ay noong pinapaligiran ka ng mga fangirl mo, nakaharang kayo sa hallway kaya hindi ako makadaan. Tuloy ay bumagsak ako sa sahig sa pagpu-pumilit na makadaan, nadali ko rin noon si Arah kaya parehas kaming dalawa na bumagsak.”
“Wait. That's the first day I met her,” sambit ko nang maalala iyon
I didn't know na bumagsak rin pala siya sa sahig bukod kay Arah kaya siya lang ang nasalo ko.
“After that bumalik ako sa hallway na 'yon dahil nahulog ang ballpen ko sa kung saan. Habang hinahanap ang ballpen ko ay lumapit ka sa akin, ikaw pala ang nakakita sa pen ko at binalik iyon sa akin.”
Kumunot ang noo ko at inalala ang pangyayaring iyon.
FLASHBACK
May nakita ako na babae na nakatalikod sa akin at tila may hinahanap kaya nilapitan ko siya.
“Uhm….excuse me.”
“Bakit?” hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin, patuloy pa rin siya sa paghahanap ng kung ano.
“Is this what you're looking for?” tanong ko sa kaniya at ipinakita ang ballpen.
Tumayo siya at humarap sa akin pero hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nanatili ang mukha niya na nakayuko.
“Miss? Is this yours?” pag uulit ko nang hindi siya sumagot, tumingin siya sa kamay ko na may hawak na ballpen.
“O-Oo,” utal na sagot niya.
Mabilis niyang kinuha ang ballpen sa akin, nagulat ako nang makaramdam ng kuryente nang hindi sinasadya na madali niya ang aking kamay.
What the?! What the hell happened? Tsk, whatever.
“Nakita ko 'yan na pakalat-kalat sa sahig,” sinubukan ko na aninagin ang kaniyang mukha pero tila umiiwas siya at pilit na tinatago ang kaniyang sarili mula sa akin.
“S-Salamat!”
“Wel...come….” pahina ng pahina ang boses ko dahil bigla na lang siya kumaripas na tumakbo paalis matapos ako pasalamatan.
Mabaho ba ako? Bakit feeling ko iniiwasan niya ako?
FLASHBACK END
“T-That was also you?!” natatawa siyang tumango. “But why do I feel that you're avoiding me that time?” pakiramdam ko tuloy noon ay may virus ako.
“Do you believe in soulmate? Red thread? Fate?” sunod-sunod niya na tanong.
“I don't know,” kumibit balikat ako. “How about you?” tanong ko sa kaniya.
“Naniniwala ako doon. You're my soulmate, your red string is connected to me, and fate brought you to me.”
How can she be so sure? She's so confident, hindi ko siya maintindihan.
“Pero natakot ako noong una. Natakot ako no'ng nalaman ko na soulmate kita, natakot ako sa nararamdaman ko.”
“Ano ang naramdaman mo?”
“Feeling in love, maybe I still don't know what I am feeling or I just didn't want to acknowledge what I feel for you because of my phobia."
I can feel her fear at that time.
“I avoided you to stop myself from falling for you.”
“But you still fall for me,” I force myself not to smile but I can't help it.
“Isang araw nawalan ng kulay ang mundo ko, naramdaman ko na iyon noong nawala si Mamay pero naramdaman ko ulit nang may dumating sa buhay ko from my painful past. I tried to kill myself but you stopped me and you said that I did well.”
I did that? When? I can't remember.
“I found out that you stopped me from jumping off the building but you didn't stop me from jumping and falling for you.”
Nang marinig ko na tumalon siya sa building ay 'tsaka ko lamang naalala ang mga nangyari.
Ibig sabihin ay siya rin iyon? What the hell?! It's like fate always brought us together but I am just too stubborn and looking for someone else.
“Pero no'ng nga panahon na iyon ay may girlfriend ka kaya pinili ko na manahimik na lang at panoodin ka na masaya.”
“Hindi ka napagod? Hindi ka nag mahal ng iba? Ilang taon rin iyon.”
“Syempre napagod ako!” tumawa na naman siya. “Dahil sa pagod ko ay naisipan ko na tumigil na lang, kalimutan ka, at mag move on.”
“What happened?”
“Kakaisip ko pa lang na mag move on ay bigla ka na naman sumulpot.”
I sighed in relief.
“Js prom noon at lumabas ako sa gym dahil ang sakit niyong dalawa sa mata, uuwi na sana ako pero napulot mo ang rosas na disenyo sa buhok ko.”
FLASHBACK
Sinayaw ni Isaac si Arah kaya lumabas muna ako para kumuha ng sariwang hangin.
Naglalakad-lakad ako nang may makita ako na magandang babae na nakaupo sa bench dahilan para matigil ako sa paglalakad.
Umihip ang hangin at sumayaw ang buhok niya sa hangin, kasabay ng paglaglag ng rosas sa kaniyang buhok. Akala ko ay pupulutin niya ang rosas dahil tumayo siya pero nag lakad siya paalis, tumakbo ako papunta sa bench para pulutin ang rosas pagkatapos ay tumakbo palapit sa magandang babae.
“Hey! Wait!” sigaw ko.
Tumigil siya sa paglalakad pero nanatili siya na nakatalikod sa akin.
Hindi ko man makita ang mukha niya ay sigurado ako na sobrang ganda niya.
“Your rose fell.”
"....."
“Can you hear me?” tanong ko dahil hindi niya kinuha ang rosas sa akin o sumagot man lang. “Whatever,” iritableng sambit ko at nilagay na lang ang rosas sa kaniyang buhok.
Napansin ko ang gulat niya sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin.
“S-Salamat," utal ang salita niya pero sobrang lambing ng kaniyang boses.
“You're welcome,” napangiti ako.
Hindi ko alam pero parang nakapako ang aking paa sa lupa dahil hindi ko magawang umalis sa aking kinatatayuan, na tila hinihintay ko siya na humarap sa akin.
“M-May kailangan ka pa ba?”
Halos hindi ko narinig ang sinabi niya dahil tutok ang aking attention sa kaniyang features, ang ganda ng suot niyang dress at bumagay ang rosas sa kaniya.
“The rose looks good on you,” hindi ko namalayan na nasambit ko pala ang nasa aking isipan.
“S-Salama–”
“What am I saying? Sorry, I'll go now.”
I walked away from her.
It's like she's enchanting me, maybe she's a witch? I should stay away from her. I feel guilty, am I cheating on Arah? I just praised another girl beside her.
FLASHBACK END
“Hindi ko nagawang mag move on dahil sa nangyari.”
Now, I am thanking my past self. Siguro kung hindi ko iyon ginawa at sinabi ay baka never ko siya nakilala.
"Hindi ko magawang sumuko, I know that you had a girlfriend at that time but I can't stop thinking and hoping that maybe there's a possibility that you will look at me."
To be continued!

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Hanz Cabarliza

    hhhhhhhhxhjcify

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Carla May Balondo

    so good momen

    23/09/2024

      0
  • avatar
    Precious Mare Benedicto

    nice

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata