SABAY kaming dalawa bumaba kaya naman halos lahat sila ay napatingin sa amin, taas ang kilay na sinalubong ako ni Irie. “So bati na kayong dalawa, gano'n? After niyo mag away at mag walked out ay nag bati rin kayo?” pagsusungit niyang tanong. “Huwag ka ngang bitter diyan,” asar kong sagot. “Woah! Samantalang dati ay mas bitter ka pa sa ampalaya. Anong nangyari?!” “Nilagyan ni Storm ng asukal ang ampalaya kaya umamis,” natatawang sumingit sa amin si Astrid dahilan para hindi ko rin napigilan ang matawa. “So ano? Kayo na ba?” mapanukso siya na ngumiti. “Hindi,” nag salubong ang kilay ni Irie. “Ano 'yon? Fling lang?!” Irie. “It's complicated.” Hindi na nila inungkat pa kung ano ang meron sa amin dalawa ni Bagyo. Sinabihan kami ni Mr. Collin na mag libot-libot sa isla dahil mamaya rin ay uuwi na kami, habang naglilibot kaming dalawa ay bumili na rin kami ng souvenir para kila Tita. “Kanina ko pa napapansin si Happy na umiiwas sa atin,” sambit ko. Nakatigin kami kay Happy, kasama niya ang mga tukmol. Sa tuwing makakasalubong namin sila ay namumula ang mukha ni Happy at iiwas ng tingin, pagkatapos ay mag iiba siya ng daan. “Baka nahihiya?” natatawang tugonni Astrid, bakas rin ang kilig sa mukha niya. “Pansin ko rin na sumisiple lagi ng tingin si Storm sa direksyon natin!” namula ako sa sinabi ni Irie. “Augh! Ang weird niyo ngayon!” halos tumirik ang kaniyang mata sa pag-irap. Ang saya ko ngayon dahil sa kinikilos ni Bagyo, kahit hindi ko sigurado kung ano ang rason sa kinikilos niya ay masaya pa rin ako. May parte sa akin na alam kung bakit gano'n ang kinikilos niya pero may parte rin sa akin na ayaw magpakasigurado. Lagi ko pinapaalala sa sarili ko na huwag mag expect, pero sa tuwing kaharap ko na siya ay nagiging iba ang pag iisip at kilos ko. Ano man itong nangyayari sa amin dalawa, wala man label, maaari na ako lang ang nagma- mahal, walang kasiguraduhan ang lahat, hindi ko man alam sa sarili ko kung hanggang kailan ako makukuntento sa kung anong meron sa aming dalawa. Tulad ng sinabi ko kagabi, ang importante ay ang ngayon. I don't care if it will end with deathly bleeding. This is like a suicide, I will jump and smile as I fall without any assurance if he will catch me. NATAPOS ang trip namin kaya back to school na naman kami, simula no'ng trip namin ay naging sweet na sa akin si Bagyo kahit na wala kaming label. Hindi na rin siya nakikipag landian sa mga babae niya kaya naman labis ang saya ko ngayong araw, lagi kami pumupunta sa rooftop sa tuwing breaktime para doon kumain. Magkasundo na rin kahit papaano ang section namin kaya naman abot langit ang ngiti ni Miss Florence sa tuwing papasok siya sa room namin, kaya lang ay hindi pa rin maiiwasan na mastress siya dahil patuloy pa rin ang pagpapasaway ng mga tukmol. Matapos namin kumain ni Bagyo sa rooftop ay nag paalam ako sa kaniya na magc-cr muna ako bago bumalik sa classroom namin, kaya naghihintay siya doon sa labas. “Hmmm….maayos naman ang mukha ko 'no?” pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nilagyan ko ng lip balm ang labi ko para hindi ako mukhang namumutla, inayos ko rin ang aking buhok. “Storm, please come back to me!” “Don't touch me!” Kumunot ang noo ko sa ingay na nanggagaling sa labas, boses ng babae iyon at boses ni Bagyo. “I swear, I will hurt that bitch if you won't come back to me!” Kumuyom ang kamay ko sa aking naririnig at binuksan ang pinto ng comfort room, nakita ko si Hailey na pilit lumilingkis kay Bagyo pero nandidiri nitong tinutulak ang babae. Si Hailey ang isa sa mga kalandian dati ni Bagyo, siya ang queen bee ng school namin. “Bagyo?” napatingin silang dalawa sa akin, si Bagyo ay nagulat sa pag sulpot ko at malakas nang tinulak si Hailey dahilan para bumagsak ito sa sahig. “You! This is all because of you,” masama ang tingin sa akin ni Hailey. “Amara, don't listen to her! Let's go,” mahigpit na hinawakan ni Bagyo ang kamay ko pero bago kami umalis ay masama muna niyang binalik ang paningin kay Hailey. “Don't you dare do stupid things if you don't want me to ruin your life,” pagbabanta niya sa babae bago na niya ako hinila paalis. Ramdam ko pa rin ang tila kutsilyo na sumasaksak sa aking likuran dahil sa sobrang sama ng tingin sa akin ni Hailey. “Bagyo, anong nangyayari? Bakit gano'n ang inaakto ng babaeng 'yon?” nagagalit ako pero pinili kong kumalma. “She's Hailey Maddeson, one of my fling before. But don't mind her, I already kicked her out of my life.” Alam ko kung sino siya at kung ano siya sa'yo, ang tinatanong ko ay kung anong nangyayari sa inyo kanina. Alam ko na isa sa mga fling niya ang babaeng iyon and he already kicked her out of his life, pero hindi ko magawang matuwa dahil i know that I am one of his fling too. Can he kick me out of his life too if he gets bored at me? No, what am I thinking? Hindi niya gagawin sa akin iyon. Bumuntong hininga na lang ako at inalis sa aking isipan ang mga nangyari, hindi na ako nag tanong pa hanggang sa makabalik na kami sa classroom namin. MABILIS na lumipas ang oras at uwian na, napatingin ako sa labas ng bintana nang mapansin na madilim ang kalangitan. “Sabi sa balita kagabi magkakaroon daw ng bagyo mamaya,” sambit ni Astrid, nakatingin rin sa labas. “Bilisan na natin. Wala pa naman din tayo dalang payong,” ani Irie habang busy sa pag salpak sa kaniyang bag ng mga gamit na pinaggamitan niya sa klase namin kanina. “Eh bakit hindi ka nag dala ng payong, Astrid?! Alam mo naman pala na may bagyo mamaya,” iritadong salita ko. “Tinatamad ako eh! Tsaka ihahatid naman yata tayo ni Storm sa bahay,” sagot niya. Hindi ko napigilan na mapangiti. Nga pala, sinabihan ako kanina ni Bagyo na ihahatid niya ako pauwi sa bahay. Narinig nila Irie ang usapan namin at dahil makakapal ang mukha nila ay nakisama sila sa amin. Saman- talang noon ay kung sermonan nila ako dahil against daw silang dalawa sa amin ni Bagyo, ngayon naman ay makikisabay pa sila sa amin pauwi. “Eh nasaan na ba kasi ang Storm na 'yon?” naiinip na tanong ni Irie. “Sumama lang saglit kay Mr. Collin sa faculty niya. May ibibigay kasi siya na ppt kay Storm,” sagot ni Isaiah. Nandito pa rin pala sila ni Isaac sa classroom, bale kaming lima na lang ang natitira dito dahil nakaalis na ang iba. “Let's go, Isaiah! Marami nang chickababes sa club!” sigaw ni Isaac, nagmamadali. “Club? May bagyo na, club pa rin?” nawi-weirdohan na nag salita si Irie. “May bagyo ba?” nag salubong ang kilay namin sa walang malay na tanong ni Isaac. “Dzuh! Hindi mo ba nakikita ang langit?! Madilim oh, tsaka hindi ka ba nanonood ng balita?!” Irie. “Let's go, Isaac!” hindi nila pinansin si Irie at umalis na. “Aba! Deadma ang beauty ko!” napairap sa kawalan si Irie. Natigil lang kami nang may lalaki from Section C ang pumasok sa classroom namin, may suot siya na salamin. “P-Pinapabigay ni S-Storm,” utal-utal niya na sambit at may binigay sa akin na maliit na papel. From: Storm Meet me at room 207, Ara. Kumunot ang noo ko. Hindi ganito mag sulat si Bagyo, maganda ang sulat niya hindi 'yong parang kinahig ng manok. Iba rin ang nakasulat na pangalan ko sa papel, ang tawag niya sa akin ay Amara, hindi Ara. Isa pa ay nasa faculty room siya at sinabihan niya kami na mag hintay sa parking lot. Hindi maganda ang kutob ko dito. “Sigurado ka?” tanong ko. “Y-Yes! It's from S-Storm!” “Bakit niya daw ako pinapapunta?” “I-I don't know. Basta pumunta ka daw,” magtatanong pa sana ako pero pagkasabi niya no'n ay nagmamadali na siyang umalis. “Ay bongga! Baka may pasurpresa siya,” natatawang salita ni Irie pagkatapos mabasa ang nakasulat sa papel. “Surpresa sa ganitong panahon?” ngiwing saad ni Astrid. “I have a bad feeling about this, 'wag ka na kaya pumun–” “Mauna na kayo umuwi.” “Sigurado ka?” nag aalala na tanong ni Astrid. “Oo. Kaya ko ito,” ngumisi ako. “Okay, alis na kami.” Pagkatapos nila mag paalam ay umalis na sila kaya nag lakad na rin ako papunta sa room 207. Hindi ko alam kung ano ang pakana ng kung sino man ang nag sulat ng papel na ito at kung ano ang kailangan niya sa akin, pero malalaman ko iyon kapag nakarating na ako doon. Tumigil ako sa paglalakad nang makarating sa room 207, nasa harapan ako ngayon ng pinto no'n. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto, pumasok na ako sa loob pero wala naman tao ako na nakikita. Naging alerto ako nang marinig ang malakas na pag sarado ng pinto, agad ako lumingon sa likuran ko at nakita ko doon si Hailey at ang tatlong babae na alipores niya yata. “You are finally here,” parang baliw na napangiti siya at naupo sa aking harapan tsaka tumingin sa tatlong babae. “Girls! Simulan na ang pagpapahirap sa kaniya,” agad na tumango sa kaniya ang tatlong babae. Hinawakan ako sa magkabilang kamay ng dalawang babae habang ang isang babae naman ay may ngisi sa labi na nakatayo sa aking harapan. “Slap her hard until she promises to me that she will stay away from my Storm.” Tumango ang babae sa aking harapan at tinaas ang kaniyang kamay para bumwelo, pagkatapos ay buong puwersa na sinampal niya ako sa kaliwang pisngi ko at sinundan ng isang sampal pa sa kanang pisngi ko. Um-echo sa silid ang tawa nila. Ngayon ay sigurado na ako na alipores niya ang tatlong babae na ito. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat