Chapter 36

Amara's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, dahan-dahan ko na minulat ang aking mata kasabay ng panlalaki ng mata dahil sa magandang bungad sa akin ng umaga.
Gulat na napabalikwas ako ng bangon.
“WAAHHH!” sumigaw ako ng walang sound dahil ayoko na magising ang aking katabi, my internal organs is almost screaming because of shock.
Ang isang Storm Lawrence lang naman ay nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.
“Kalma self,” huminga ako ng malalim.
Inalala ko kung paano ito nangyari, sa pagkakatanda ko ay nag walked out ako sa game namin. Unexpectedly ay nakita ko ulit si Asul at nagkausap kami tungkol sa mga nangyari sa akin nitong mga nag daang taon.
A-At pag balik ko sa unit ay….
FLASHBACK
Bumuga muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob, kumunot ang noo ko dahil hindi nakabukas ang ilaw kaya naman wala akong makita.
“Siguro wala pa rin si Bagyo,” pagkausap ko sa aking sarili.
Naglalakad na ako at hinahanap ang switch ng ilaw. “Palaka!” nang mapasigaw ako sa gulat dahil may biglang yumakap mula sa aking likuran, napasinghap ako at kinabahan dahil baka pinasok kami ng magnanakaw.
“Amara….” napalitan ng kilig ang kinakabahan kong puso nang marinig ang kilalang-kilala ko na boses, ang puso ko ay halos tumalon na naman dahil sa kaniya.
“B-Bakit gising ka pa? Anong oras na ah,” kanda utal ko na tanong.
“Because I am worried about you,” nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking katawan nang isiksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg habang nakayakap ng mahigpit sa akin.
“S-Storm? L-Lasing ka ba?”
“No,” he chuckled. “Ang nakakapag palasing lang sa akin ay ikaw,” gusto ko sumigaw at umirit sa kilig dahil sa mga pinagsasabi niya.
“S-So lasing ka nga?”
“Oo, sayo.”
Bakit ang sweet niya ngayon? Anong nangyayari? Nawala lang ako saglit ay parang glue na hindi mawalay sa akin si Bagyo. Hindi naman niya sinabi sa akin na kailangan ko lang pala mawala ng saglit, eh 'di sana no'ng una pa lang ay ginawa ko na.
“Amara, I'm sorry…” kumalas ang pagkakayakap niya sa akin at dumulas ang kaniyang mga kamay papunta sa mga kamay ko, magkahawak kaming dalawa.
“O-Okay lang.”
“No, It's not okay!” bumaba ang aking paningin sa lapag dahil tama siya, hindi ako okay at hindi okay ang ginawa niya kanina.
Gamit ang magkahawak naming kamay ay hinarap niya ako sa kaniya, dahil sa maliwanag na buwan na nagmumula sa veranda ay nakita ko ang mukha niya, ang luntian niyang mga mata ay masuyo na nakatingin sa akin.
“Do you know why I didn't kiss you back there?”
“D-Dahil hindi mo ako gusto," simangot na sagot ko at nanatili sa baba ang paningin.
He held my chin and made me look him in the eyes, his forehead resting into my forehead. He's so close to me that's making my heart pound.
“It's because I respect you, I don't want to kiss you in public.”
Tumulo na naman ang luha ko pero this time hindi na dahil sa nasasaktan ako kun'di dahil nasisiyahan ang puso ko.
So puwede niya ako halikan kapag nasa private area kami?
“P-Puwede mo na ba ako halikan ngayong tayo na lang dalawa?”
I know my question is embarrassing and ridiculous but my heart and mind is asking for his kisses.
“Can I kiss you?” he sweetly asked.
“Mm,” I nodded.
Parang sasabog na ang puso ko nang bumaba ang kaniyang paningin sa aking labi. May kaba at excitement ako na nararamdaman ngayong sigurado ako na totoo na ito, totoong hahalikan na niya ako.
“Close your eyes,” he whispered.
I immediately closed my eyes, his words are like a spell that makes me obey him.
I felt him leaning closer to me until I finally felt his lips towards mine while his hands were encircled on my waist and gently pulling me closer to him. His kisses are sweeter than candys and chocolates, his lips are gently and passionately kissing me that's making my heart melt.
Bumitaw na ako sa kaniya pero naramdaman ko na sumusunod siya sa akin. When I opened my eyes, I saw his eyes asking for more.
“Okay n–mm…” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hawakan niya ang aking pisngi at hinalikan na naman ako, but this time it's french kiss.
I can feel his tongue inside of my mouth and wanting for more. Mahinang pinalo ko ang dibdib niya nang maramdaman ko na mauubusan na ako nang hininga, hanggang sa napipilitan niya akong pinakawalan dahilan para habulin ko ang aking hininga.
“Sorry. Your lips is tempting me,” hindi ako nakasagot dahil wala na ako maintindihan sa mga nangyayari.
Tuluyan na yata ako nawala sa katinuan nang dahil sa kaniya, parang may nagkakarera rin na mga kabayo sa dibdib ko at natatakot ako na baka marinig iyon ni Bagyo kaya dumistansya ako ng koonti sa kaniya.
“M-May sumapi ba sa'yo?”
“Wala,” natatawa niyang sagot.
Naninibago ako sa kaniya. Baka naman nananaginip lang ako? Sinubukan ko na kurutin ang aking sarili dahilan para mapadaing ako sa sakin, ibig sabihin totoo na nangyayari ito. Ipinapakita niya ba sa akin ang tunay na siya o pinaglalaruan niya lang ako? Huwag sana.
“B-Bakit ganito ang inaankto mo?”
“W-When you walked out earlier and left, I thought you give up on me and will never come back to me. Nang pumasok iyon sa isip ko ay kinabahan ako, I felt anxious and scared.”
“Napagod ako. Napapagod rin ako, Bagyo.”
Hindi ko madescribe ang bumakas sa kaniyang mukha nang sabihin ko iyon.
“You don't like me anymore? Nagsawa ka na ba sa akin?”
“Napapagod ako pero hindi ibig sabihin no'n ay susukuan na kita at parang magic na bigla na lang mawawala ang nararamdaman ko sa'yo, napagod ako kaya nag pahinga ako.”
Nakita ko na nakahinga siya ng maluwag.
“You still love me, right?”
“Mahal pa rin kita,” ngumiti ako.
Ngumiti rin siya at niyakap ako ng mahigpit.
“B-Bagyo? Uwah! Ilapag mo ako!” nagulat ako nang bigla niya ako buhatin ng pabridal style at nag lakad papunta sa kuwarto niya.
Tumibok na naman ng kay bilis ang aking puso nang maingat niya ako na inihiga sa king side bed niya, napalunok ako ng mariin nang titigan niya ako.
“B-Bagyo, a-anong binabalak mong ggawin?” hindi niya ako sinagot at patuloy lang na nakatitig sa akin. “K-Kung ano man ang binabalak mo ay huwag mo ituloy, b-bata pa tayo at hindi pa ako nakakapag tapos ng pag aaral. I-Isa pa ay gusto ko muna na masuklian sila Tita, b-bawal pa.”
“Stop imagining things,” tumawa na naman siya at nahiga na sa aking tabi. “We're just sleeping together, that's all.”
“Eh? 'Yon lang?”
“Why do you look disappointed?” kunot ang noo niyang tanong, nakatagilid sa akin habang nakahiga habang ako ay nakaharap lamang sa ceiling.
“H-Hindi ah!” ngusong sagot ko.
“Then let's sleep. Inaantok na ako,” humikab siya at pinikit ang kaniyang mata.
Pinikit ko na rin ang mata ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog, dumaan na ang ilang minuto pero gising pa rin ako dahil sa dami ng bumabagabag sa isip ko. Hindi ako makakatulog kung hindi ko masasagot ang mga tanong ko.
“Bagyo? Gising ka pa ba?”
Akala ko ay tulog na siya dahil ilang segundo bago siya makasagot.
“Yes.”
“Puwede ba ako mag tanong?”
“Yes.”
“Hinalikan mo ako, ibig bang sabihin no'n ay may nararamdaman ka na rin para sa akin?” hindi siya nakasagot kaya nakagat ko ang aking ibabang labi. “P-Pasensya na sa tanong ko, gusto ko lang malaman ang sagot sa tanong ko dahil hindi ako pinapatulog no'n. Ayoko na mag assume kaya gusto ko malaman ang katotohanan, masaktan man ako o masiyahan sa isasagot mo ay huwag kang mag alala.”
“I don't know, Amara,” mahinang sagot niya. “Honestly, I don't want to answer that question because I don't want to give you hope and make you expect anything from me.”
“Hindi mo alam kung ano ako sa iyo?”
“I'm sorry,” tanging nasagot niya.
“Okay lang, ang importante ay ang ngayon. Wala na akong pakialam sa magiging resulta ng mga mangyayari, ang gusto ko lang ay sulitin ang ngayon.”
“I'm a coward and selfish, so if you're going to give up someday then it will be my loss.”
“Buti naman at alam mo,” natatawang tugon ko, tumawa rin siya. “Ano man ang mangyari sa future, I am always hoping for your happiness, nandoon man ako o wala.”
Hindi siya nakaimik na tila pinag isipan ang aking litanya.
“Goodnight.”
“Goodnight, Amara.”
FLASHBACK END
Nga pala natulog kami together pero wala kaming label. Mu na ba kami? It's complicated na ba ang status namin dalawa? Hyst! Pag-ibig nga naman ginagawa ka nitong tanga.
Pinagmasdan ko ang mukha niya, susulitin ko ang pag tingin sa kaniya hanggat tulog pa siya.
Mukha siyang greek god na natutulog, ang haba ng eyelashes niya, perpekto ang kaniyang kilay, ang tangos ng kaniyang ilong, kahit walang lipstick ay pula ang kaniyang labi, ang puti niya, at may mga muscle siya. Hindi ako magsasawa na titigan siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pag gising ko ay siya agad ang bungad. Hindi ko napigilan ang mapangiti, nakatabi ko matulog ang lalaking pinagpapantasyahan at kinababaliwan ng lahat. Kung malalaman ng mga babae sa school namin ang nangyari ngayon ay baka mamatay sila dahil sa inggit sa akin, pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa.
Matapos ko siya titigan ng mahigit isang oras ay tatayo na sana ako para mag shower, ayoko na makita niya akong pangit dahil sa mga muta ko. Patayo pa lang ako nang maramdaman ko na gumalaw sa tabi ko si Bagyo at hinuli niya ako sa pamamagitan nang pag yakap niya sa aking bewang, parang kinikiliti na naman ako sa posisyon namin dalawa.
Na'ko! Umagang-umaga pinapakilig mo ako, Bagyo.
“Where are you going?” halos umirit na ako sa loob-loob ko nang marinig ang bedroom voice niya, ang sexy ng boses niya.
“S-Shower,” utal na sagot ko.
“Let's sleep a bit more,” ang higpit ng pagkakayakap niya sa waist ko kaya hindi ako makawala.
“P-Pero tirik na ang araw, gumising ka na rin at mag shower.”
Inaantok na nag mulat siya ng mata at nag stretch ng katawan dahilan para makita ko kung gaano siya ka-hot, walk up like this siya.
“You want to shower with me?” may mapaglaro na sa kaniyang labi dahilan para mamula na naman ako na parang kamatis.
“A-Ano ba ang mga pinagsasabi mo? K-Kagabi ka pa!”
Humagalpak siya ng tawa kaya mas lalo ako napanguso at namula.
“I'm just teasing you.”
“Gustong-gusto mo na asarin ako eh 'no?!” pikon ko na salita.
“Yes, sorry.”
Sumama ang mukha ko dahil patuloy pa rin siya na tumatawa.
Asar talo na tumayo na ako at nag lakad paalis, binuksan ko na ang kuwarto niya at paalis na nang mag salita siya.
“Amara! Good morning,” sobrang tamis ng ngiti niya sa akin kaya hindi ko na napigilan na mapangiti rin.
“Magandang umaga rin sa'yo Bagyo.”
Real talk, naging maganda talaga ang umaga ko dahil sa kaniya.
Sinarado ko na ang pinto at kinikilig na pumasok sa kuwarto ko, hindi ko pa rin magawa na umirit dahil nasa kabilang kuwarto ko lang siya.
To be continued!

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Hanz Cabarliza

    hhhhhhhhxhjcify

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Carla May Balondo

    so good momen

    23/09/2024

      0
  • avatar
    Precious Mare Benedicto

    nice

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata