Chapter 35

“Boss?” nag salubong ang kilay ko nang makita na papalapit sa akin si Happy.
“Gusto ko mapag-isa,” malamig na sambit ko pero hindi siya nakinig, sa halip ay naupo siya sa aking tabi.
“Is it okay if I ask who's the guy you are with earlier?” nagtataka na tanong niya, nakatingin sa kung saan nag lakad paalis si Asul.
“Blue Park,” maikling sagot ko.
“Ahm...kaano-ano mo?”
“Ex-boyfriend at bestfriend ko.”
“So he's your ex-boyfriend,” tumango tango siya.
“Bakit mo na naman ako sinundan?”
“I want to check if you're fine.”
“Gago, huwag mong alamin ang obvious. Magiging okay ka ba kapag nangyari sa iyo ang nangyari sa akin?” asar na tanong ko.
“Nope, sorry.”
“Okay lang, may kailangan ka pa ba sa akin?”
“About earlier, I said na may sasabihin ako sa iyo kanina at pumayag ka.”
“Ahhh…” naalala ko ang nangyari kanina, ang sabi niya ay kapag nanalo sila sa volleyball ay may sasabihin siya sa akin.
“Sorry kung sinisingit ko pa ang sarili ko gayong marami kang iniisip ngayon.”
“Okay lang, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin.”
“Malandi ako.”
“Alam ko.”
“Kaya I tried to flirt with you sa unang pagkikita pa lang natin but you always draw a line and build a wall, so I got curious and you took my interest but I didn't regret to know about you. The more time I spend with you, the more I realize that It's not just an interest,” ang dami naman niyang emote ayaw na lang niya dumeretso.
“Tuloy mo. Nakikinig ako,” napangiti siya sa sinabi ko.
“One day, I just woke up and realized that It's not just an interest, it's love. As I realized my feelings I watched you fall for Storm, I watched you get rejected, I watched you hurt because of him but still love him.”
'Yong totoo, alam ko na kung anong sasabihin niya. Simula pa lang no'ng mag set siya ng reward niya kapag nanalo ang team niya. Pumayag ako dahil gusto ko na iacknowledge ang nararamdaman niya para sa akin, pero hindi ko sinasabi na tatanggapin ko siya.
Alam ko lang ang pakiramdam ng one-sided love, alam ko ang pakiramdam ng mareject, at nalaman ko lang iyon dahil kay Bagyo.
Kung dati ay walang habas at walang pag aalinlangan na nirereject ko ang mga lalaking nagtatapat sa akin, iba na ngayon.
Pumayag ako dahil alam ko na magtatapat siya, magtatapat siya kahit na alam niya rin ang kahihinatnan ng pag uusap namin, sa huli ay siya lang ang masasaktan pero at least ay makakahinga na siya ng maluwag at makakahakbang na ulit siya ng walang pagsisisi.
“I like you, Amara,” ngiting pagtatapat niya.
“Sasagutin ko pa ba ang pagtatapat mo? O hindi na?” tanong ko.
“Sagutin mo ako, sabihin mo ang tunay na nararamdaman mo. Handa na ako,” bumaba ang kaniyang paningin.
“I love someone else,” ngiting sagot ko. “Happy, you have a soulmate and that isn't me. I swear that you will be happy when you find your soulmate and realize that your true love is always by your side all along. When that time comes you will thank me because I rejected you. One day you will realize that your heart never beats for me because it was waiting for your soulmate, and someday you will no longer experience that one-sided love because that person will love you back.”
“Thank you for being honest,” umiwas siya ng tingin pero kahit anong pag iwas niya ay nakita ko pa rin ang tinatago niyang luha sa kaniyang mata.
“Magiging okay ka rin,” natatawang sambit ko.
“Iyong soulmate ba na sinasabi mo, kailan ba siya darating?” tumawa rin siya at pinunasan ang kaniyang luha.
“Dumating na siya, hindi mo lang alam kasi naka-focus ang paningin mo sa akin.”
“Sino ba ang soulmate ko?”
“Malalaman mo iyan kapag tumingin-
tingin ka sa tabi,” ngumisi ako pagkatapos ay tumayo na. “Alis na ako, nilalamig na rin ako ih.”
“Sige. Dito na lang muna ako,” sagot niya.
Tumango na lang ako at nag lakad na paalis, alam ko rin naman na magdadrama lang siya doon after niyang maheart broken.
Habang naglalakad ako papunta sa unit namin ni Bagyo ay nakasalubong ko si Astrid sa hallway.
“Ara! Where the hell have you been?! Hinanap ka namin kung saan-saan pero hindi ka namin makita.”
“Nagpahangin lang ako.”
“Okay ka lang ba? 'Yong puso mo?”
“Gumagana pa naman kahit papaano. Si Happy ang tanungin mo niyan, 'wag ako.”
Natigilan siya at mukhang nag iisip pa kung ano ang gagawin niya.
“Where is he?”
“Nandoon sa pinaka dulo nitong resort. Nagmumukmok,” tumawa ako.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at tumakbo na papunta kay Happy. Aandar na ba ang ship ko? Mwahaha.
Happy's POV
Hindi pa man ako nagtatapat sa kaniya ay tanggap ko na ang endgame namin dalawa pero mas pinili ko pa rin na mag tapat sa kaniya para makapag move on, alam ko kasi na hindi ako makakapag move on hanggat hindi ako nagtatapat sa kaniya.
May mahal siyang iba at hindi ako iyon, tanggap ko na.
“Hoy! Anong dinadrama mo diyan?” natigil ako sa pag iisip nang maramdaman sa gilid ko si Astrid. “Tabi diyan,” sinipa niya ako pausod para makaupo siya.
Akala ko ay uungkatin niya kung anong nangyari sa akin pero nakaupo lang siya sa aking tabi at tahimik na pinagmamasdan ang payapang dagat.
Sa huli ay ako ang bumasag sa katahimikan.
“Umamin na ako sa kaniya.”
“Saan ang masakit?”
'Di tulad sa iba ay hindi niya ako tinanong kung okay lang ba ako, imbis ay tinanong niya kung saan ang masakit.
“Bakit? May magagawa ka ba para matigil ang sakit na nararamdaman ko sa puso?”
“Hindi ko alam,” she shrugged. “Pero sabi ni Ara, magagamot lang daw ang sugatang puso gamit ang pagmamahal.”
“Nawasak nga ang puso ko dahil sa pagmamahal.”
“Iyan rin ang sinabi ko sa kaniya,” she laugh. “Pero ang sabi niya mawawasak ang puso dahil nag mahal ka pero mabubuo rin daw ulit ang puso gamit ang pag-ibig rin.”
“Are you telling me to love someone again?”
“Hindi, gagi! What I mean is if there is someone who will love you then maybe the empty space in your heart will fill up with another person.”
“Ayokong gawin rebound ang kahit na sino para lang mapunan ang puso ko.”
“You don't have to call it rebound. Gano'n naman lagi 'di ba? There's someone who will break your heart but there's always someone who will fix it, and maybe that someone rejected you because there's a right person for you.”
“Who is my right person?”
“Maybe that person is beside you,” nag salubong ang kilay ko at nabigla sa litanya niya.
The only person beside me right now is her.
“Can you let me fill the empty space in your heart? Please take a risk and see if I am the right person for you.”
“D-Do you like me?”
“I don't know, I just feel mad and insecure whenever you're with another girl.”
Then isn't that jealousy?
“Let's both find out if we really are soulmates.”
“Alam mo na ilang minuto lang bago ako nareject, right?”
Hindi ako makapaniwala, I'm in the state of shock and I can't process anything.
“You don't have to answer now, you can take your time.”
Is this really happening? What is this turn of events? Naging close lang kaming dalawa no'ng humingi ako sa kaniya ng tulong para mahulog sa akin si Amara, and she help me without a second of thought because she doesn't like Storm for her.
“Take your time, I am not in a rush. But don't assume that I confessed to you, this is only a suggestion of you and me taking the risk.”
Isaiah's POV
Hinihingal na tumigil ako sa paglalakad dahilan para matigilan rin si Irie, hanggang ngayon kasi ay magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa.
“Hoy! Bakit ka tumigil?! Bilisan mo't baka nag bigti na ang kaibigan ko,” nag aalala niyang sambit.
Kanina pa namin hinahanap si Amara pero hindi namin siya mahanap.
Tinatanong niyo siguro kung bakit hanggang ngayon ay magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa. It's because of that fvcking Isaac, matapos na mag walk out ni Amara ay maghihiwalay na sana kami ni Irie.
“Hoy! Hoy! Hoy! Hindi pa tapos ang game kaya bakit maghihiwalay na kayo?!” pansin ni Isaac na sinang-ayunan naman ng lahat.
“Amara walked out, so the game is ove–”
“Hindi umiikot ang mundo kay Amara, gago! Hanggat hindi dinedeklara ng lahat na tapos na ang game ay bawal kayo na mag hiwalay, kailangan natin malaman kay Amara kung tapos na ba ang game.”
“Pero tapos na ang game para sa inyo!” Irie.
“Kung kami ang tatanungin ay tapos na ang game pero wala dito si Amara para malaman ang sagot niya, kasali pa rin siya sa game kaya kailangan rin natin ang approval niya!” hindi nagpapatalo na litanya ni Isaac.
“Oo nga!” sinang ayunan na naman siya ng lahat.
If I know, he's only doing this to tease me. Heck! Irie is not my type, madaldal siya at nakakarindi. Mas lalo rin ako naturn off sa kaniya nang makita ko na marami siyang katext kaninang mga lalaki habang hawak niya ang aking kamay.
Don't get me wrong! I am definitely not jealous, I am just mad because she doesn't have any decency. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko ay siya ang pinaka matindi, may mga malalanding babae ako na kilala pero nagiging settled sila kapag ako na ang kanilang kaharap.
“Hoy! Saan tayo pupunta?! Hahanapin pa natin si Ara!”
“Shut up and let's rest for a while,” naupo ako sa white sand at hinila rin siya paupo.
“Sige na nga!” pilit niyang sagot.
“You are overreacting, your friend is probably somewhere out there and wants to be alone.”
“You don't know her, gusto ko lang na nasa tabi niya ako sa tuwing may nangyayari sa kaniyang ganito!”
Kahit na malandi siya ay mabuti naman pala siyang kaibigan, bakas ang sobrang pag aalala sa kaniyang mukha at rinig na rinig ang malakas na pag buntong hininga niya.
“Alam mo? Kasalanan ito ng kaibigan mo eh! Lagi na lang niya sinasaktan ang kaibigan ko, kaya ayoko sa lalaking iyon para sa kaibigan ko! Na'ko, nanggigigil talaga ako!” halata nga ang galit niya kay Storm.
“If you know what happened to him, you won't blame his actions towards her.”
“Ano ba ang nangyari sa kaniya? Nakipag break sa kaniya ang ex-girlfriend niya kaya hindi na niya kayang mag mahal ulit? Kaya natatakot na siya at bumabahag ang kaniyang buntot?”
Nagulat ako dahil alam niya ang lahat ng nangyari kay Storm, sikat naman si Storm kaya malamang ay kakalat rin ang mga nangyari sa kaniya.
“Kung alam mo lang ang nangyari kay Ara ay hindi mo iyan masasabi,” binalik niya sa akin ang sinabi ko kanina.
“What happened to her?”
“I am not in the position to tell you her past but I can tell you how broken her heart already is before she love your stupid friend."
Kumunot ang noo ko dahil nag simula na siyang umiyak na parang ang puso niya ang nawasak, gano'n niya kamahal ang kaibigan niya.
“Dahil ba sa ex-boyfriend niya?”
“Ang kupal na iyon? Imposibleng mawasak no'n ang puso ni Amara,” sa ilang saglit lang ay napalitan ang iyak niya ng pag tawa.
Ang bilis na mag bago ng emosyon niya, mukha tuloy siyang baliw.
“Sa tingin mo, anong mangyayari sa anak kapag nag hiwalay ang kanilang magulang? Sa tingin mo anong mangyayari sa walang muwang na bata kapag nakita niya ang gago niyang ama na may nilalanding ibang babae? Ang gago niya mismong ama ang siyang nag wasak sa puso niya,” natigilan ako sa nalaman ko.
So that's why she has philophobia. If she has that kind of phobia, how can she fall for him? How much is she scared when she realizes that she fell for Storm? I suddenly remember that he purposely showed Amara how she kissed a bunch of girls, and how he flirted with them. Now, I want to punch Storm for what he did to her.
“After her parents separated, her mother passed away from an illness. Take note, hindi nawasak ang puso niya sa love life kung hindi dahil sa ama niya na mas gago pa sa pinaka gago.”
“H-Here…” inabot ko sa kaniya ang panyo ko dahil parang ulan na umiiyak siya.
Sabi niya wala siya sa posisyon para sabihin sa akin ang nakaraan ni Amara pero sinabi pa rin niya, she's odd and stupid.
“Salamat,” napangiwi ako nang singahan pa niya iyon. “Oh,” at balak pang ibalik sa akin.
“S-Sa'yo na lang iyan,” nandidiri kong sagot.
“Okay,” naiiyak pa rin na sambit niya.
Isang oras pa bago siya kumalma, halos mangalay ang tumbong ko dahil sa tagal na pagkakaupo namin.
“Did you calm down?”
“Oo,” tumango-tango siya.
She's a soft hearted person. They say, a soft hearted person is a kind person.
Nag salubong ang kilay ko nang bumitaw na siya mula sa pagkakahawak sa kamay ko at tumayo na.
“Bakit ka bumitaw?”
“Gago, pinagtitripan na lang tayo ni Isaac. Tapos na ang game kaya bumalik na tayo sa unit natin at mag pahinga,” dirediretso niyang sagot at nag lakad na, kaya naman mabilis ako na tumayo at sinundan siya.
“Sabay na tayo,” sambit ko.
“Eh? Fall ka na agad sa akin? Easy to get ka naman, tol!”
“What the hell are you saying?” kunot noo na tanong ko.
I only said na sabay na kami pero iba ang pagkakarinig niya.
“Eh ano pa ang dahilan para sumabay ka sa akin?”
“Dahil iisa lang naman ang dadaanan natin!” asar kong sagot.
“Ah gano'n? Corny mo naman. akala ko pa naman ay pag-ibig na kaya, pareho ang nadarama ito ba ang simula.”
Kumanta pa siya dahilan para mapangiwi ako, basag ang kaniyang boses dahilan para marindi ako sa kanta niya.
To be continued!

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Hanz Cabarliza

    hhhhhhhhxhjcify

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Carla May Balondo

    so good momen

    23/09/2024

      0
  • avatar
    Precious Mare Benedicto

    nice

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata