NARINIG ko ang malakas at nag aalang pag tawag nila sa akin pero hindi iyon ngayon importante, ang importante ay ang puso ko na durog na durog dahil sa kagagawan ni Bagyo. Taena, ang sakit mag expect. Ilang beses niya ako pinaasa na hahalikan niya ako pero wala naman nangyayari, hindi ko alam kung anong wala sa akin at meron sa mga babaeng hinahalikan niya. Alam ko na hindi ako maganda pero hindi rin naman ako panget, hindi naman ako bad breath, hindi man ako kasing sexy ng mga babaeng modelo na nakakadate niya ay may hubog naman kahit papaano ang aking katawan, may sapat na boobs ako panlaban sa mga babae niya. Taena! Ang mas malala pa doon ay pinagkukumpara ko ngayon ang aking sarili sa mga babae niya na kahit kailan ay hindi ko ginawa noong mga panahong hindi ko pa siya nakikilala. Ilang beses rin ako napapahiya sa tuwing aakalain ko na hahalikan niya ako, tingin ko tuloy sa sarili ko ay napaka despirada kong babae. Ngayon lang ako na-insecure ng ganito. Tama naman siguro na magalit ako dahil pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kaliit, ang dali niyang nahahalikan ang mga babaeng lalapit sa kaniya samantalang hirap na hirap siya na halikan ako. Isang oras na ako naglalakad, dinala ako ng aking paa sa walang katao-tao. Kumpara sa mga nadaanan ko ay ang side na ito ang pinaka maganda. May mga malalaking bato sa paligid at malapit sa baybayin, bilog na bilog ang buwan, kitang-kita rin ang mga bituin sa langit na pinapaligiran ang buwan. Naupo ako sa pinaka malaking bato habang pinagmamasdan ang view sa aking harapan. Napagdesisyonan ko na dito na lang magpagabi. Sa ngayon ay hindi ko kayang harapin si Bagyo at ang lahat, hindi ko alam kung paano sila haharapin dahil sa kahihiyan na nangyari kanina. Ayoko na makikita ng iba na umiiyak ako, si Bagyo lang ang pinahintulutan ko na makakita sa aking lumuluha. As much as possible gusto ko na makita nilang lahat na malakas ako at walang kahinaan, kay Bagyo lang ako komportable na ipakita ang kahinaan ko. Bakit ko pa ba ito iniisip? Eh paulit-ulit naman niyang dinudurog ang puso ko, nakakapagod. Nakakapagod pero hindi ko alam kung bakit hindi kayang sumuko ng aking puso kahit anong sakit ang naiiwan sa kaniya. Gano'n na ba kamasochist ang puso ko para magpatuloy kahit paulit-ulit na siyang nasasaktan? My father destroyed and break my heart but even if my heart is broken, it is still beating and loving the person it can't have. “Foolish heart,” ngiwing sambit ko. “Dzej? Dzej, is that you?” nag salubong ang kilay ko nang makarinig na pamilyar na boses, nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang pamilyar na lalaki. “Sino ka?” pilit ko na inaalala ang lalaki, pamilyar kasi talaga ang mukha niya. “Hey, that's mean! You already forgotten me after you left and break my heart?” natatawang litanya niya. Umakyat siya mula sa malaking bato na kinauupuan ko at naupo rin sa aking tabi. “Sabihin mo na lang ang pangalan mo, baka makilala kita sa pangalan.” “So you really forgot me, huh?” tila nasasaktan niyang sambit. “Ang dami mo namang chitchat, sabihin mo na lang sa akin ang pangalan mo nang masistensyahan ka na.” “My name is Blue Park, your ex-boyfriend.” Nag salubong ang kilay ko at nanlaki ang aking mata sa pagkabigla nang maalala siya. “Asul! Ikaw ba talaga iyan?! Ang laki na ng pinagbago mo ah?!” hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kaniya. Half pinoy and half korean siya, 20 years old and college student na siya. 6'1 tall siya, dark black ang kulay ng kaniyang mata at chinito, matangos ang kaniyang ilong, mapula ang labi, light blue ang kulay ng kaniyang buhok, at maputi. Sikat siya sa school na pinanggalingan ko dati at nakilala ko siya noong nag plano ng blind date sila Irie para sa akin, sa blind date namin ay agad na naging magkaibigan kaming dalawa. One year rin at alam namin ang kahit katiting na sikreto sa isa't-isa, you could say na he's my boy best friend. Pero isang araw sinabi niya sa akin na manliligaw siya, gusto namin ma-experience kung ano ang pakiramdam na in a relationship pero hindi namin gusto ang isa't-isa. In a relationship kami no'n nang makita ko siya na may kasamang babae na may gusto sa kaniya, hindi ako nag selos no'n pero ayaw ko lang na maranasan ang naranasan ni Mamay noong malaman niya na niloloko siya ng gago kong ama kaya agad na nakipag break ako sa kaniya. Umiyak siya that time at nag tapat sa akin na may nararamdaman na siya sa akin pero humindi ako sa kaniya, isang linggo lang yata kami tumagal. Syempre hindi siya sumuko at gusto pa rin bumalik ako sa kaniya, hanggang sa nalaman ko na may philophobia ako at sinabi ko sa kaniya. Nang malaman niya iyon ay sa wakas tumigil rin siya, nalaman ko na lang na lumipad siya papuntang korean. “Magaling ka na ba?” tanong niya, pinagmamasdan rin ang buwan. “Anong ibig mong sabihin?” “You have philophobia, right?” “Hindi ko alam,” bumuntong hininga ako. “You know what? When you said that you have philophobia before, I thought that you were only lying and making excuses to break up with me,” tumawa siya. “But then when I remember your painful past back when your father cheated on your mother, I suddenly believed in you. Who would be normal when your parents separated? It is only natural that you will develop that kind of phobia.” “Alam mo? Para kang kabute. Bigla- bigla na lang sumulpot,” iniba ko ang usapan. “I should say that to you, pagkadating na pagkadating ko dito sa pilipinas ay ikaw kaagad ang nakita ko.” “Buti naman bumalik ka pa dito sa pinas.” “Wala eh, I miss it or should I say I miss you?” natigilan ako. “Asul, gusto mo ba malaman kung anong nangyari sa akin nitong mga taon?” “Y-Yes,” awkward na sagot niya, hindi ko kasi sinagot ang paramdam niya sa akin. “Hindi ba sabi ko sa iyo na nakakakita ako ng red thread?” seryosong tumango-tango siya. Hindi man naniwala ang lahat sa mga pinagsasabi ko pero si Asul ang kaisa- isang naniwala sa akin at hindi ako sinabihan na nababaliw. “What happened? “I found my soulmate,” natigilan siya sa sagot ko at hindi nakaimik. “Guwapo siya, hot, matalino, mayaman. In short, perfect. Sa una gusto ko siyang layuan dahil takot ako na magkagusto sa kaniya, alam ko mangyayari ang lahat ng gusto ni fate pero pilit ko na hindi siya sinusunod.” “Kung guwapo, hot, matalino, at mayaman rin naman pala ay meron ako ng lahat nang iyon.” “Oo nga,” natatawang pag sang-ayon ko sa kaniya. Nagkakatapatan lang naman kasi silang dalawa ng popularity at kung tatanungin ang mga kababaihan ay baka mag hati ang kanilang sagot. “Pero iba siya para sa akin, kahit anong gawin na pag iwas ko ay mas lalo ako na nahuhulog sa kaniya at mas lalong gumagawa ang fate para pag lapitin kaming dalawa. One time, my life was so dark. I was about to kill myself when he stop me from doing it, the moment he stopped me is the moment my life lighten up.” “Wait! You were about to kill yourself before?!” gulat niyang tanong at namutla. “Oo,” ngiting sagot ko. “I feel lonely that time at no'ng oras na iyon ay nalaman ko na may sakit ako.” “What is it?” “Asul, I have cardiomegaly. Paunti- unting lumalaki ang puso ko, kapag sumabog ito at hindi naoperahan ay susunod na ako kay Mamay,” bumaba ang aking paningin. “W-What?! You're kidding, right?” “Buhay ko ang pinag uusapan natin dito, hindi ko puwedeng biruin ang sakit ko.” Parang naestatwa siya at hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman. “No, that can't be true! Ngayon lang ulit tayo nag kita at ito ang sasabihin mo sa akin?!” “Asul, huwag kang ganiyan. Hindi pa naman ako mamamatay, magpapa- surgery ako.” “How can you easily say that?!” pinigilan niya ang maluha at huminga ng malalim. “Alam na ba ito nila Irie?” “Oo. Sila tita, sila Irie, ang half brother ko, at ikaw pa lang ang nakakaalam nito.” “What about the guy you said that you love?” “It's a one-sided love,” malungkot na sagot ko. “Parusa ko yata ito dahil nasaktan kita,” may tumulo na naman na luha sa mata ko kaya mabilis ko na inalis iyon. “No, you don't deserve to be hurt just because you hurt me. That's just how love works,” bumuntong hininga siya. “Kailan ka magpapa surgery?” tanong niya. “When I am ready,” sagot ko. “Tell me when you are ready, I will be there for you.” “Mm. Salamat," tumango ako. Ngayong nakausap ko siya ay gumaan kahit papaano ang dalahin ko. “Tell me your number.” Binigay ko sa kaniya ang cellphone ko. Kinuha niya ang number ko at sinave sa phone niya, pagkatapos ay sinave niya naman sa phone ko ang number niya. “Let's meet when you're free.” “Aalis ka na?” tumayo na kasi siya. “Yup, sorry. I am here because of my family business, nasa korea kasi si Daddy kaya ako lang ang puwedeng mag asikaso ng business namin dito sa pinas.” Kaya pala naka black suit siya kahit na nasa beach siya dahil sa business, ang matured niya tignan. “Okay, ingat!” “It's cold here. You should go back to your unit before you catch a cold,” nilagay niya ang suot niyang black suit sa balikat ko dahilan para mapangiti ako. “Salamat." “Mm. Goodnight, Dzej,” ngiti niyang paalam sa akin at umalis na. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat