Chapter 33

RINIG ko ang pag singhap ng mga tukmol dahil sa gulat.
“Boss! Akala ko ba NBSB ka?” naiiyak na tanong ni Grumpey.
“Kailan ko iyan sinabi?” nagtataka kong tanong.
Nagkaroon ako ng boy friend pero natapos rin agad iyon dahil nga sa phobia ko, meroon akong philophobia.
“Next,” napanguso ako nang marinig ang galit na boses ni Bagyo.
Samantalang kanina pa siya tahimik, ngayong nag salita siya ay galit naman ang kaniyang boses.
Umikot ang bote at tumapat naman iyon kay Ashley.
“Truth or Dare?”
“Hmm...truth.”
“Kailan ka nagkagusto sa akin?” ngumingisi na tanong ni Sleepy dahilan para mamula at mahiya si Ashley.
“E-Ewan ko. Hindi ko na tanda,” nahihiyang sagot niya at umiiwas ng tingin kay Sleepy.
“Bawal ang ganiyang sagot! Dapat sabihin mo ang totoo,” nguso na reklamo ni Sleepy.
“Kailan ba? N-No'ng first meeting natin pero hindi ko pa narerealize iyon sa sarili ko.”
Kinantyawan ng lahat silang dalawa dahilan para mas lalong mamula si Ashley habang si Sleepy naman ay tumatawa ngunit pula rin ang pisngi, mukhang masaya silang dalawa.
Sumama ang mukha ko, ganiyan dapat kami ni Bagyo since konektado naman ang red string namin dalawa pero hindi niya ako gusto. Gusto niya pa rin ang ex niya na kapangalan ko, one-sided love ang akin kumpara kila Ashley.
Pinaikot ni Sleepy ang bote matapos ang paglalandian nilang dalawa ni Ashley at tumapat iyon kay Bagyo, bigla naging attentive ang mga cell ko sa katawan.
Ngumisi si Astrid.
"Truth or Dare?” Kumunot ang noo ko nang si Astrid ang mag tanong.
Hindi niya naman ako babawian, 'no?
“Truth,” walang gana na sagot ni Bagyo.
“What is your biggest fear?”
“I am scared of being hurt, physically and emotionally.”
Bumaba ang paningin ko sa buhangin.
Gagk ka talaga Astrid.
Alam ko na naman ang sagot niya pero nasasaktan pa rin ako, isa sa mga dahilan niya kung bakit hindi niya ako magawang mahalin ay dahil ayaw niyang masaktan.
Umikot ang bote at tumapat naman sa akin iyon, pagkatapos na sumagot ni Bagyo ay sa akin naman iyon tumapat.
“Truth or Dare?" tanong ni Astrid.
Nakagat ko ang ibabang labi ko, kung dare ang sasagutin ko ay baka pagawin niya ako ng delikadong gawain para lang makabawi sa akin pero kung truth ang sasagutin ko ay puwede pa ako mag play safe tulad ng ginawa niya kanina.
“Truth.”
“Pinag isipan mo ng mabuti ah,” natatawang puna niya pero hindi ako sumagot.
“What is your phobia?” kumunot ang noo ko.
Alam naman niya kung ano ang phobia ko kaya bakit tinatanong niya pa iyon? Anong pinaplano niya? Hyst.
“Philophobia,” bumuntong hininga ako.
“What?” gulat na nag salita si Bagyo, natigilan ako at tsaka ko lang narealize ang binabalak niya.
“Eh? Boss?! Paano ka nagkaroon ng philophobia?” naiiyak na tanong ni Dopey. “Teka! Ano ba ang philophobia? Nakakamatay ba iyon?” umiiyak pero naguguluhan niya na tanong.
“Philophobia is the fear of falling in love,” sagot ni Happy tulala rin sa akin, hindi makapaniwala sa nalaman.
“Paano ka nagkaroon ng philophobia, Boss?” tanong ni Sleepy.
“Hindi ako makapaniwala na ang leader ng matchmaker club ay may philophobia,” ani Ashley.
“Bawal na kayo mag tanong, Isang tanong lang dapat. Iikot niyo na ulit ang bote,” ngusong litanya ko.
Nag open man ako kay Bagyo ay hindi ko pa rin kaya na mag open o i-share sa kanila ang aking nakaraan, maaaring ijudge nila ang Mamay ko at hindi ko kaya na mag bahagi tungkol sa nakaraan ko.
Pinaikot ulit ni Astrid ang bote pero tumapat na naman sa akin iyon.
Naiiyak na ako, huwag naman nila sana iyon itanong.
“D-Dare,” sagot ko.
Kung truth ang isasagot ko ay baka itanong nila iyon.
“I dare you to tell us why did you have that phobia, boss."
Napapikit ako ng mariin. Wala pa rin ako lusot. Nakagat ko ang ibabang labi ko at bumaba ang paningin.
“No, instead of answering that question. Answer mine,” sambit ni Astrid na tinanguan ko. “I dare you to tell us the most loathed person in your life,” mas maigi na siguro ito.
“Ang gago kong ama,” natatawa kong sagot dahilan para matahimik sila.
“Okay! Next!” nag salita si Irie kaya nabasag ang katahimikan, pinaikot niya ang bote at tumapat ulit iyon sa akin.
Sumama na ang mukha ko.
“May daya ba ang boteng ito? Bakit sa akin na lang lagi tumatapat?” asar ko nang tanong.
“Truth or Dare?” tanong nila habang natatawa.
“Tsk! Truth!” inis kong sagot.
“Who is your first kiss?” tanong ni Ashley.
“Wala akong first kiss 'no! Anong akala mo sa akin? Kaladkaring babae?” wala nang pasensyang sigaw ko, mahahigh blood yata ako.
“Anong wala?!” asar na tanong ni Irie dahilan para mabato ako sa aking kinauupuan. “Meron kaya!” galit niyang sigaw.
“What?! / What the hell?!” nag salubong ang kilay ko nang sabay na mag salita si Happy at si Bagyo.
“W-Wala ah!” sinamaan ko ng tingin si Irie.
Kinalimutan ko na nga ang insidente na iyon tapos ipapaalala pa sa akin ng malandi na babaeng ito.
“Meron! Sasabihin mo o tutusukin ko 'yang mata mo,” mapanakot na salita ni Irie at may hawak na stick.
Saan niya nakuha iyon? Amp.
“Oo na! Meron!” naiiyak na pag amin ko. “Pero hindi ko ginusto ang pangyayaring iyon, pinilit lang niya ako! Huhu!”
“What the hell?! Did your ex-boyfriend force to kiss you?!” galit na tanong ni Bagyo.
“Huh? Anong ex-boyfriend?” naguguluhan na tanong ko.
“It's not your ex-boyfriend?! Who the fvck?!”
Napansin ko na biglang nag tago si Irie sa likuran ni Isaiah dahil sa nakakatakot na boses ni Bagyo.
“Tsk! Ano ba?! Huwag ka nga dumikit sa akin!” tinulak siya ni Isaiah palayo sa kaniya.
“Si Irie!” naiiyak na sagot ko kaya lahat sila ay napatingin kay Irie na pilit nagtatago sa likuran ni Isaiah.
“What the hell?! Tomboy ka?!” gulat na tanong ni Isaiah.
“Ano?! Hindi ako tomboy 'no!”
“Then what the hell happened?!” tanong ni Happy.
“K-Kasi nananaginip ako na hahalikan na ako ng prince charming ko sa panaginip, eh si Amara ang katabi ko matulog kaya hindi ko namalayan na pinipilit ko na pala siyang halikan. Hanggang sa nagising ako at bumungad sa akin ang umiiyak na mukha ni Amara.”
Umiiyak na tumango-tango ako.
Iyon yata ang pinaka masalimuot kong nakaraan dahilan para pilit ko na kinalimutan at nag tagumpay naman ako, pero ang gaga na ito ay pinaalala pa sa akin.
Nang magising siya noon ay tumakbo ako sa cr namin nang umiiyak, nagmumog ako ng alcohol no'n at ilang beses ako na nag toothbrush para maalis ang saliva ni Irie. Simula no'n ay hindi ko na hinahayaan na makatulog si Irie sa aking tabi, nagkatrauma yata ako pagkatapos ng nangyari.
Nagsitawanan ang mga tukmol sa kuwento ni Irie, asar na pinaikot ni Irie ang bote at tumapat naman iyon kay Bagyo. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay umayos na rin ang bote, may sumapi yata dito kaya lagi sa akin tumatapat kanina.
“Dare,” sagot ni Bagyo.
“I dare you to kiss number eight,” ani Irie.
Kumunot ang noo ko at binilang ang lahat hanggang sa huminto ang pagbibilang ko sa akin.
It's me! I am the number eight. Akala ko naman ligtas na ako pero sangkot pa rin ako sa dare ng iba. Pero okay rin 'yong dare ah, nabitin ako no'ng umaga kaya. Akala ko hahalikan ako ni Bagyo, 'yon pala hindi.
“What?!" gulat na tanong ni Bagyo habang nakatingin sa akin.
“Ibahin mo nga ang dare mo!” sigaw ni Happy.
Muntik ko na siyang masamaan ng tingin, sisirain niya ang aking fantasy.
“No! I give you this dare because I know that you want to forget our first kiss by kissing Storm,” ngising litanya ni Irie.
Gusto ko n si Irie, may pakinabang talaga siya kaysa kay Astrid na puro paghihigante lang ang nalalaman. At least marunong lumandi si Irie kaysa kay Astrid, hmp.
Pinigilan ko ang mapangiti at nag kunwari na hindi rin sang-ayon kay Irie.
"B-Bakit naman kasali ako sa dare niya?! W-Wala akong kinalaman diya-”
“You don't have the right to say no! That's what I said before when you made a dare to Irie, so now you have to do the dare with Storm!” nag salita rin si Isaiah.
“S-Sige na nga,” kunwaring napipilitan na sambit ko kahit ang totoo ay gusto ko nang bigyan ng trophy si Isaiah.
“Tsk!” napasinghap ako nang makita na tumayo si Bagyo at nag lakad palapit sa akin, nahirapan ako makahinga dahil sa puso ko na kumakabog dahil sa presensya ng lalaking ito.
Nang makalapit sa akin ay lumuhod siya para mag pantay kaming dalawa, hindi ko na namamalayan na pigil ko na pala ang aking pag hinga. Lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang matangos niyang ilong sa akin at ang amoy mint na hininga niya, amoy ko rin ang kaniyang pabango.
Naramdaman ko na naman ang butterfly in my stomach na sinasabi nila, parang kinikiliti ako.
Pumikit ako ng mariin para ihanda ang aking sarili, ilang inch na lang at lalanding na ang kaniyang labi sa akin pero dumaan na ang isang minuto ay wala pa rin labi ako na nararamdaman.
“S-Sorry….” bumukas ang aking mata nang marinig ko ang kaniyang litanya, dumistansya siya sa akin.
Hindi ko na makita ang expression sa kaniyang mukha dahil sa mata ko na natatabunan na ng aking luha, nag simula na naman ako na humikbi.
“B-Boss! U-Umiiyak si boss!” nagkagulo ang mga tukmol nang makita nila ang aking luha.
“A-Amara…” nag aalala na nakatingin sa akin sila Irie pero ang aking paningin ay nakay Bagyo.
“Gano'n ba kahirap ako halikan gayong nahalikan mo na yata ang lahat ng babae sa school natin?” mahina pero nahihirapan ko na salita dahil sa aking pag hikbi, tanging siya lamang ang nakarinig ng aking sinabi.
“A-Amar–”
Agad na tinulak ko siya paalis sa akin at tumayo, pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo paalis.
“Amara!”
To be continued!

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Hanz Cabarliza

    hhhhhhhhxhjcify

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Carla May Balondo

    so good momen

    23/09/2024

      0
  • avatar
    Precious Mare Benedicto

    nice

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata