Chapter 32

Amara's POV
Natapos ang palaro ni Mr. Collin, pumunta kami sa restaurant nitong resort. Ang mga nanalo sa palaro ay nilibre ni Mr. Collin samantalang ang mga natalo naman ay um-order sa sarili nila, pati na rin ako ay nilibri niya kahit hindi ako sumali sa laro.
Dahil may libreng pagkain ay tuwang-tuwa si Irie, pero walang makakapantay sa tuwa ni Happy dahil abot hanggang tainga ang kaniyang ngiti.
Totoong masaya ako sa pagkapanalo nila Happy pero hindi ko magawang matuwa dahil buong oras na wala sa mood si Bagyo, si Astrid naman ay tahimik na kumakain. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang inaasta nila, gayong laro lang naman ang ginawa nila. Ganito ba ang pakiramdam kapag natatalo? Hindi ko al, never pa kasi ako natalo eh. Oa naman nila, nadaig pa nila si Irie na best in kaartehan.
Nag pahinga kami saglit matapos kumain, pagkatapos ay tsaka namin inenjoy ang buong oras sa pag swimming at pag sakay ng banana boat.
Akala ko ay makakamove on rin si Bagyo sa pagkatalo niya pero palubog na ang araw ay naka-poker face pa rin siya, hindi siya makausap nang matino ng mga kaibigan niya, saglit lang siya nag swimming.
Pero kahit wala siya sa mood ay pinagbigyan niya ang mga babae na makipag picture sa kanila, naalala ko na sa buong pagsasama namin ay wala man lang kami dalawa picture.
Napanguso ako, gusto ko rin makipag picture sa kaniya.
Umabot pa ng isang oras bago siya tigilan ng mga babae na makipag picture sa kaniya, may iba pang foreigner na gusto rin makipag picture sa kaniya kaya aakalain mo na isa siya sa mga celebrity.
Wala nang babae sa paligid niya kaya ngiting lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya para kunin ang kaniyang attention.
“What?” napanguso ako dahil nang nasa akin na ang paningin niya ay biglang sumama ang kaniyang mukha.
Naiirita ba siya sa mukha ko?
Bumuga ako ng hininga at iniwasan na ngumuso para hindi ma-spoil ang mood, pinakita ko sa kaniya ang cellphone ko.
“Anong gagawin ko diyan?” iritado na tanong niya, napanguso ako.
“Picture,” sagot ko.
“Bakit hindi ka mag picture mag isa mo? Hindi ako photographer.”
“Picture tayong dalawa. Kasama ka,” natigilan siya at matagal bago nakasagot.
“Bakit hindi ka makipag picture kay Happy?” iritable niyang salita.
“Nakapag picture na kami.”
Isa pa ay siya ang gusto ko na makasama sa picture.
“Eh 'di mag picture ulit kayong dalawa.”
“Madami na kaming picture,” hindi ko alam kung bakit pero mas lalo yata siya nagagalit sa tugon ko.
Lagi kasi sa akin nakikipag picture si Happy, 'yong iba nga niyang picture ay binubura ko sa gallery ko dahil nakakasawa na ang kaniyang mukha.
“You know what? Don't talk to me and just go with him, mag sama kayong dalawa.”
Hahawakan ko na sana ang kamay niya para pigilan siya umalis pero iwinasiwas niya ang kaniyang kamay at iniwan ako, bumaba ang aking paningin sa puting buhanginan at pinigilan ang maiyak.
Bakit ayaw niya ba makipag picture sa akin? Gano'n ba kahirap ako pag bigyan? Bakit 'yong ibang babae pinapayagan niya pero ako hindi puwede? Ang sama niya, porket guwapo siya ay ginaganito na niya ako.
“Kung iiwasan at ginaganito niya ako ay hindi ko na rin siya kakausapin, mag sama sila ng mga babae niy-” natigilan ako sa huling litanya ko nang may marealize.
“You know what? Don't talk to me and just go with him, mag sama kayong dalawa.”
Pareho kaming dalawa ng sinabi! Nagseselos rin ba siya? Imposible, ayoko mag assume na naman. Amara, itigil mo 'yang pinag iisip mo baka masaktan ka na naman.
“Amara, tara dito!” bumaling ang paningin ko kila Irie nang malakas na tawagin nila ako.
Lahat ng section ay naka-form ng circle at sa gitna ay may malaking bote, nandoon na rin si Bagyo na kausap ko lang kanina.
Buntong hininga na tumakbo ako palapit sa kanila at naupo sa tabi nila Irie, sobrang ingay nila at mukhang nagkakasundo na ang lahat.
“Okay, let's start our second game! The truth and dare,” natahimik silang lahat nang mag salita si Mr. Collin.
Natigilan ako.
Truth or dare?! Ang lame naman ng game. Wala na bang ibang game? Parang sa napapanood at nababasa ko lang na may game na gano'n at magkakatapatan ng mga nararamdaman, pati na rin ang pagkakaaminan ng mga sikreto.
“Are you ready?”
“Iikot mo na iyan, Mr. Collin!” sagot nila.
Ngiti na pinaikot niya ang bote at makailang segundo ay tumama iyon kay Sneezy.
“Truth or dare?” tanong ni Mr. Collin.
“Dare!”
“I dare you to tell us your embarrassing moments,” ngising sambit ng taga Section A.
“Noong nasa public ako at nag send sa akin ang siraulo kong kaibigan ng umuungol na babae. Gago! Naka speaker ako no'n dahil nagpapa-tugtog ako kaya rinig na rinig ng lahat at napatingin sila sa akin,” nag tawanan ang lahat sa kuwento ni Sneezy.
“Gago! Nandiyan si Mr. Collin!” tumatawa pa rin na nag salita si Isaac.
“No. It's okay,” saglit na natawa rin si Mr. Collin.
Hindi ko alam kung anong nakakatawa, pati rin kasi sila Irie ay tumatawa.
Ano ba ang meron sa pag ungol? Nakakahiya ba talaga iyon? Malay mo tumama lang sa edge ng pader ang maliit na finger niya sa paa? Nakakahiya ba talaga iyon? Ma-try nga sa susunod, hehe.
Pinaikot na ulit ni Mr. Collin ang bote at tumama naman iyon kay Dopey.
“Truth or Dare?”
“Truth!”
“Bakit kulay green ang puregold?” si Happy ang nag tanong.
“Dapat ba kulay pink?” nagtataka nitong tanong. “Siguro dahil akala nila gold ang green, baka colorblind sila. Gusto mo ba tanongin ko ang may ari ng puregold?” seryoso niyang sagot at may tinitipa sa kaniyang cellphone.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Mr. Collin.
“Tatawagan ko si Tito para tanungin siya kung bakit green ang puregold niya,” seryosong sagot niya dahilan para manlaki ang mata naming lahat.
“Hala! Tito mo may ari no'n?” gulat na tanong ni Sleepy, tumango lang si Dopey.
“Hello, Tito?” nakinig kaming lahat sa usapan nila.
“Bakit, pamangks?”
“Pinapatanong po kasi ni Happy kung bakit kulay green ang puregold.”
“Baka dahil colorblind ang may ari no'n?” kumunot ang noo namin.
“Pero Tito, 'di ba po kayo ang may ari no'n?”
“Nakashabu ka ba pamangks? Poorgold karinderya ang meroon tayo hindi Puregold, tanga mo naman!” pagkasabi no'n ng Tito niya ay binabaan na siya nito ng linya.
“Gago! Tanga!” pinagmumura tuloy si Dopey ng lahat.
Pinaikot ulit ni Mr. Collin ang bote at tumutok iyon sa isa sa mga Section A.
“Truth or Dare?”
“Dare.”
“I dare you to load me,” masayang nag salita si Irie.
“Eh? Kapal naman ng mukha mo!” Section A.
“Anong?! Mr. Collin, hindi sumusunod sa dare oh! KJ!”
Lumayo-layo ako ng koonti kay Irie. Minsan ay nahihiya rin ako na naging kaibigan ko siya, hindi ko naman kasi alam na namumulubi na pala siya.
“Ito na! Ito na!” asar na sagot ng taga Section A at binigyan ng pasa load si Irie kaya naman tuwang-tuwa ang gaga.
Pinaikot ulit ni Mr. Collin ang bote at tumama naman iyon kay Grumpy Carter.
“Truth,” agad na nag salita si Grumpy.
“Bakit ang hot ko?” tanong ni Isaac dahilan para mapangiwi ang mga kaibigan niya pati na rin si Grumpy.
“Dahil ikaw ang anak ni Satanas at kakalabas mo lang galing sa impyerno,” sagot ni Grumpy.
“Oh men! Mali ang sagot mo. Mr. Collin, mali ang sagot niya! Parusahan mo nga!” Isaac.
“Okay lang naman mag adik ka pero 'wag naman sosobrahan, tol,” panggagatong ni Isaiah.
“Siguro may sakit siya sa pag iisip kaya nag iilusyon na siya,” bulong ko at biglang naawa kay Isaac, napabuntong hininga ako at napailing-iling na lang.
“Truth or Dare?” kay Astrid naman tumapat ang bote.
“Truth!”
“Bakit ang sarap ko?” maloko na tanong ni Happy dahilan para mag salubong ang kilay ni Astrid.
“Aba! Paano ko iyon malalaman? Tsaka isa pa, ano bang lasa mo?”
“WOOHH! ANO DAW LASA!”
“IPATIKIM NA IYAN!”
Napangiti ako nang mag simula na ang mga tukso, mukhang umaandar na ang ship ko ah.
“Lasa ko? Gusto mo ba ako matikman?” tinaas at baba pa niya ang kaniyang kilay, inaasar si Astrid.
“Ayaw ko! Kadiri ka!”
“Ayaw mo? Paano mo malalaman kung masarap nga ako kung hindi mo ako titikman?”
“Huwag na, sigurado naman ako na hindi ka masarap.”
“Tama na ang landian, walang forever hanggat wala akong jowa! Next!” sigaw ni Grumpy tsaka na pinaikot ang bote at tumapat iyon kay Mr. Collin.
“Truh,” agad na nag salita si Mr. Collin.
“Bakit masarap matulog?” walang sense na tanong ni Sleepy.
“Because that's the best way to rest,” humikab si Mr. Collin matapos siyang sagutin. “Now that you asked that. I have to go back to my unit and sleep,” tumayo na siya.
“Good night po, Mr. Collin!”
“And you students, sleep when you're done with that game! Don't cause any ruckus while I'm gone.”
“Yes, Mr. Collin!”
Pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Collin ay nagpatuloy ang pag ikot ng bote at ang mga katarantaduhan na mga tanong na pinangungunahan mismo ng mga tukmol.
Busy sa pagtitipa saaniyang cellphone si Irie nang tumapat sa kaniya ang bote.
“Truth or Dare?”
“Dare,” mapanghamon na sagot ni Irie.
Nanatili ang kaniyang paningin sa cellphone niya habang ngumingiti na parang kinikilig, siguro nakikipag landian na naman siya sa rp.
Walang nagsasalita dahil mukhang inaantok na ang lahat kaya napangisi ako at nag salita.
“I dare you to hold hands with Isaiah until this game is over,” wala sa oras na nagising ang lahat dahil sa dare ko at nawala ang attention ni Irie sa kaniyang cellphone.
“What? / A-Ano?” gulat at sabay na tanong nilang dalawa.
“I dare you to hold hands with Isaiah until this game is over,” pag uulit ko.
Mga bingi, amp.
“That's bullshit! Bakit kasama ako sa dare? Dapat wala akong kinalaman diyan!” iritadong litanya ni Isaiah.
“Hoy! Ang arte mo naman, hindi naman pasmado ang kamay ko!” asar na salita ni Irie, pagkatapos ay tumayo at pinausod ang katabi ni Isaiah at naupo doon. “Kamay mo, huwag mo ako aartehan. Para saan pa't casanova ka? Kamay.”
Napipilitan na humawak si Isaiah sa kamay niya, ngumisi lang si Irie at bumalik na ang attention sa kaniyang cellphone. Ang isang kamay niya ay busy sa pag tipa sa kaniyang cellphone habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ni Isaiah.
Wala talagang hiya ang babaeng ito, ako ang nahihiya sa kaniya ih. Kaya ko ginawa ang dare na ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang ship nila, samantalang sila Astrid ay umuusad na.
Sumunod naman na tumapat ang bote kay Astrid, muntik na ako matawa dahil wala naman ako sa matchmaker club pero nagbabalak ako na gampanan ang role ko bilang Ms. Cupid.
“Dare,” agad na nag salita ni Astrid.
“I dare you to hug your crush,” ngising sambit ko.
“Wala akong crush,” sumama ang mukha ko sa sagot niya.
“Then I dare you to hug the most attractive men for you in Section E,” wala na siyang kawala.
Napansin ko ang pag tingin niya kay Happy at ang pag salubong ng kilay niya na ikinatawa ko. Tumayo na siya para lumapit kay Happy at yayakapin na siya-pero sa katabi ni Happy siya yumakap, kay Baby Bashful.
“Ayyiiieee! Astrid, Bashful sitting on a tree! K-I-S-S-I-N-G!”
Mapanukso na kumanta ang mga tukmol kasama na si Happy na tumatawa, inosente at naguguluhan na binalik ni Bashful ang yakap ni Astrid.
Sumama ang mukha ko, hindi ito ang gusto ko na mangyari.
Iritable na pinaikot ko ang bote, tumapat ulit iyon kay Astrid kaya napangisi na ako ng malademonyo.
“Truth,” masama na ang tingin niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
“Who is your crush? Be honest, Truth or Dare ang nilalaro natin dito.”
“Fvck you, Amara.”
“Sagot,” mapang asar ako na tumawa.
“He have H on his first name,” bumuga siya ng hininga.
“BasHful!”
“Huwag mong sirain ang kainosentehan ng bunso ng section natin!”
Dalawa ang may H sa first name ng sections pero dahil sa naunang dare ko ay si Bashful kaagad ang naisip nila na crush niya, hindi na naman ako nag tagumpay sa plano ko.
“Bakit letter ng first name?” asar ko na tanong, she play safe.
“Ang sabi mo lang kung sino ang crush ko. Hindi mo sinabi kung ano ang pangalan ng crush ko,” ngumisi siya, inirapan ko na lang siya.
Umikot ang bote pero this time sa akin naman iyon tumapat.
“Truth,” ngiting salit ko.
Magsasalita na sana si Astrid para bawian ako sa ginawa ko kanina pero naunahan siya ni Happy.
“Did you had a boyfriend?”
“Yes,” sagot ko.
To be continued!

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    Hanz Cabarliza

    hhhhhhhhxhjcify

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Carla May Balondo

    so good momen

    23/09/2024

      0
  • avatar
    Precious Mare Benedicto

    nice

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata