BUMABA ang aking paningin sa labi niya, wala sa katinuan ko na sana siyang hahalikan nang marinig ko ang heartbeat monitor niya na panay ang pag tunog dahilan para mabalik ako sa ulirat. Mabibigat ang aking hininga na pinakawalan siya, nang tignan ko siya ay nagulat ako dahil nakapikit siya at naghihintay sa halik ko. “E-Ehem!” tumikhim ako kaya bumukas ang mata niya at namula ang kaniyang mukha nang mapansin niya na naka distansya na ako sa kaniya. “Waiting for my kiss?” ngumisi ako at umakto na parang wala lang ang nangyari kahit na ang totoo ay halos sumabog ang puso ko. “H-Hindi ah!” she strongly denied. “When I said that if you won't change your clothes, there's something bad going to happen to you. I mean it,” seryoso na ang mukha kong litanya. Kung ako nga ay nahirapan na kontrolin ang sarili ko, paano pa kaya ang ibang lalaki diyan sa labas?! I will go crazy if she doesn't change her clothes. “Wala nga ako ibang pamalit!” “Wait here,” iritadong pumasok ako sa aking kuwarto at kinuha ang jacket sa maleta ko, bumalik sa kaniya at binigay ang jacket ko. “Ano ito?” “Jacket.” “Oo nga, jacket, tanga ko naman. Pero anong gagawin ko sa jacket mo?” tumawa siya sa sarili niya habang ako naman ay sumama na ang mukha, malapit na ako mawalan ng pasensya sa kaniya. “Cover your body with that,” sagot ko. “Salamat!” ngiti niyang sinuot ang jacket ko at umabot iyon hanggang tuhod niya, tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag. Pinauna ko na siya bumaba dahil mag s-shower pa ulit ako, I feel hot because of her. Matapos ko mag shower ulit ay bumaba na ako ng unit namin, pagkababa ko ay nakita ko ang Section E at ang Section A na naglalaro ng volleyball. “Grumpy, spike!” “Sa amin ang puntos!” “Don't mind! Don't mind!” “Ano?! Puro talino lang pala kayo eh!” “MWAHAHAHA!” Malaki ang lamang na puntos ng Section E, sigurado ako na naisip na mag laro ni Mr. Collin ng volleyball para magkasundo ang section namin pero kabaliktaran naman ang nangyari. “Mr. Collin, gusto ko rin sumali,” bumaling ang paningin ko kay Amara na pinakikiusapan si Mr. Collin. “Hindi puwede, Amara. Sinabihan na ako ng mga Tita mo at nila Irie na hindi ka puwede mapagod,” salubong ang kilay ni Mr. Collin. “Pero gusto ko rin sumali,” simangot na tumango ang mukha niya sa buhanginan. “I'm sorry, Amara. But you know your condition, right? Just watch them play,” malungkot na tumango siya at naupo na lang sa may umbrella. “Enough class!” inis na bumaling si Mr. Collin sa mga section na hindi na naglalaro ng volleyball kun'di nagtatalo na, tumahimik sila nang sumigaw si Mr. Collin. “Section A and Section E, divide your section into two para mag halo ang section niyo at mag form into two groups!” Maganda ang strategy niya, kung maghahalo ang section namin ay may tiyansa na magkasundo ang section namin. Nag reklamo silang lahat pero wala na rin nagawa kung hindi sundin si Mr. Collin. Nag hati ang Section A at ang Section E sa dalawa, pagkatapos nila mag hati ay nag halo ang section namin at nag form into two groups. “Storm, you're late!” napansin ni Mr. Collin ang presensya ko. “Come over here and choose a group!” Tumingin ako sa dalawang grupo, nakita ko si Happy sa kaliwang side kaya pumunta ako sa kanan. “What the hell, tol?! Dito ka sa team namin,” nag reklamo si Isaac na kasama pala sa team ni Happy. Naramdaman ko ang kamay ni Isaiah sa aking balikat. “No, tol! You will be fine here. Let's take down that bastard,” ngumisi siya. I know he's talking about Isaac but I smirked thinking about Happy, that asshole who is always following Amara. “Taena mo! Mga gago, kahit mag sama pa kayong dalawa! Grumpy, ikaw ang MVP kanina! Ihanda mo ang sarili mo dahil lalampasuhin natin sila,” balik na sambit ni Isaac. “Wala akong pakialam kahit makakalaban ko pa ang mga tukmol, handa akong lampasuhin ang sino man na haharang sa akin!” ngising tugon ni Grumpy. “H-Huwag kayo matakot g-guys,” kumunot ang noo ko nang ibaling ko ang aking paningin kay Bashful na kateammate ko, sinabi niya iyon pero ang paa niya mismo ay nanginginig. “Taena mo, Grumpy! Humanda ka sa akin kapag nabangasan mo si Baby Bashful!” nag salubong ang kilay ko nang sumigaw sa isang tabi si Amara. “B-Boss, kilala mo ako. Hindi ko iyon gagawin sa bunso ng section natin,” malaki ang katawan ni Grumpy pero sa isang iglap ay bumahag ang kaniyang buntot kay Amara. “Hoy! Grumpy! Nasaan na ang salita mong lalampasuhin kahit tukmol pa ang kalaban mo?! Huwag mong kainin ang salita mo!” asar na nag salita si Isaac. “Manahimik ka nga!” iritadong sagot sa kaniya ni Grumpy. Ang mga kateammate ko ay si Bashful, Sneezy, Sleepy, Isaiah, Astrid, at ang tatlong babae sa section A. Ang makakalaban naman namin ay ang ugok na si Happy, Grumpy, Isaac, Doc, Dopey, Irie, at ang lima pa sa Section A. “Amara!” kumunot ang noo ko nang isigaw ng ugok na lalaking iyon ang pangalan niya. “Bakit?! Isasali niyo na ba ako?!” masaya at sabik na tanong niya. “Bawal! You stay there and behave!” iritableng sumigaw si Irie sa kabilang side dahilan para ngumuso si Amara. “After I win this game, have a date with me. I want that kind of reward,” kumuyom ang kamay ko sa galit. “Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman ako ang nagpapalaro, kay Mr. Collin ka humingi ng date.” Napangisi rin ako sa sagot ni Amara, I know she won't accept him. Dream on asshole. “Then give me your free time, I have something to tell you.” Just give up, she doesn't like yo- “Okay,” inis na lumipat ang aking paningin kay Amara pero wala ang paningin niya sa akin. “Yown! May namumuong ugnayan!” “Why am I kinikilig?” “Sana all!” “Walang forever hanggat hindi ako nagkakaroon ng jowa!” “Team! Don't you dare lose!” masama ang mukhang baling ko sa mga kataemmate ko. “Bakit ang seryoso niyo?” Sneezy. “We have to win!” galit nang sigaw ko. “Kalma!” ani Sleepy kaya sinamaan ko na siya nang tingin. “Mananalo tayo!” biglang bawi niya. “S-Seryoso kayo? Laro lang naman ito,” Bashful. “No, Storm was right! We have to win no matter what,” competitive na sumingit si Astrid. “Calm down, guys. And you,Storm. We will never win kung paiiralin mo 'yang galit mo,” litanya ni Isaiah. He's right, I have to relax! C'mon, Storm! Snap out of it, hindi matutuloy ang reward niya hanggat hindi siya nananalo sa laban. Pumito na si Mr. Collin kaya nag simula na ang laban, naging mainit ang laban namin. Sa umpisa ay pantay kami ng puntos at walang sino man sa amin ang may gustong magparaya, nang sa gitna na ay sa wakas lumamang rin kami sa puntos. “Sa wakas lamang na rin tayo!” maligayang salita ni Sleepy. “We're not yet done! Hanggat hindi tayo nananalo ay huwag muna kayo mag relax,” litanya ko. “Team! Babawiin natin ang puntos!” sigaw ni Happy. “Roger!” sigaw ng mga kateam niya kaya hinanda ko na ang sarili ko. Huling round na kami kaya naman lahat ay focus sa bola. Ang team ko ang unang nag serve ng bola na binalik naman ng team ni Happy. “Astrid!” sigaw ko. Pagkatapos iserve sa kaniya ang bola ay inispike niya iyon papunta sa kalaban pero dahil sa tangkad ni Dopey at Doc ay naharangan nila ang side nila dahilan para bumalik sa amin ang bola, kinabahan ako nang akalain ko na walang tao sa likuran ko pero agad na nasalo ni Sleepy ang bola papunta sa kalaban. Nag salubong ang kilay ko nang mag synchronize attack sila dahilan para hindi namin malaman kung sino ang magi-spike ng bola. “Defend!” sigaw ko. Agad naman na kumilos si Sneezy at Bashful papunta sa net para agapan ang bola. Apat sa kalaban ang tumalon kung kaya't hindi ko alam kung sino ang mag i-spike ng bola, nanlaki ang mata ko nang mag spike sa kaliwa si Grumpy pero walang tao sa side na iyon para mag bantay. Bumagal sa akin ang lahat, ang bola ay dahan-dahang nakalampas sa net namin at unti-unting nahulog sa white sand. Narinig ko ang pag pito ni Mr. Collin, senyales na tapos na ang laban. "Team one wins!” sigaw ni Mr. Collin dahilan para mag sigawan sa tuwa ang kabilang team. “WOOOHHHH!” “WE ARE THE CHAMPION MY FRIEND!” “WE ARE THE CHAMPIONS!” “WOOOHHH!” Sumama ang mukha ko sa nangyari, sa huli ay hindi kami nanalo. To be continued! A: Kung nanonood po kayo ng haikyuu, then alam niyo na po ang synchronize attack. Hello po sa mga fans ng haikyuuu, hehe.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat