GULAT na nakatingin siya sa amin at panay ang pag sinok niya, ang kaniyang luha ay panay ang pag agos. “A-Amar–” “S-Sorry sa istorbo,” pilit siya na ngumiti pero nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang hindi makangiti. Bago ko pa siya malapitan ay tumakbo na siya papalayo sa akin. “Amara!” “Storm! Who is that girl b–” “Shut up!” bumakas ang takot sa kaniyang mata nang sigawan ko siya at mahigpit na hinawakan siya sa kaniyang braso. “Leave me alone! I don't want to see you fvcking breathing the same air with me, fvcking bitch!” galit kong binitawan siya dahilan para bumagsak siya sa puting buhanginan, iniwanan ko siya doon na umiiyak. “Tsk!” nasira ang gabi ko dahil sa malanding babae na 'yon. Hinanap ko si Amara pero hindi niya kasama ang mga kaibigan niya, babalik na sana ako sa unit dahil baka nandoon na siya at nagpapahinga na pero hinarangan pa ako ng dalawang ugok kong kaibigan. “Tol!” hinarangan ako ni Isaac at ipinakita sa akin ang hawak niyang bote ng alak. “Why do you have that? Mr. Collin forbid us to drink alcohol,” napatingin ako sa paligid, buti na lang walang tao sa paligid namin. “Who the fvck are you? Kailan ka pa nag alala sa rules? You're a devil bastard who's lawless,” dismayado na nag salita si Isaac. “Out of my way, Grayson.” “C'mon, dude! You're not fun,” sumama ang tingin ko sa kaniya. “Just let him go, Isaac! Looks like his fun is on his unit,” nag salubong ang kilay ko sa ngising panunukso ni Isaiah. “Fvck you, Phoenix!” sigaw ko kay Isaiah. Tinawanan lang niya ako pagkatapos ay pumasok na silang dalawa sa unit nila, rinig na rinig ko ang malakas na patugtog nila hanggang sa labas ng unit nila. Napailing-iling na lang ako at nag patuloy na sa paglalakad, nang makarating sa unit ko ay binuksan ko ang pinto at hinanap siya. I knocked on her door but she's not answering. “Amara? I know you're there.” Hinanap ko na siya sa kung saan kaya sigurado ako na nasa loob siya ng kuwarto niya. “Amara, let's talk.” Napabuntong hininga ako nang hindi pa rin siya sumasagot, naupo muna ako sa salas para hintayin siya na lumabas sa kuwarto niya pero dumaan na ang ilang oras ay naghihintay pa rin ako sa wala. Sa huli ay napag desisyonan ko na kausapin na lang siya bukas. Pumasok na ako sa kuwarto ko at nag shower muna bago natulog. KINABUKASAN ay late ako nagising dahil late rin ako nakatulog, nag shower muna ako bago lumabas ng aking kuwarto para kumain. Natigilan ako nang makita sa dining area si Amara na nag aalmusal habang nilalagyan ng yelo ang namumugto niyang mga mata, nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam ko na namumugto ang mata niya ngayon dahil sa akin. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. “B-Bagyo!” nagpapanic niyang tinago ang yelong hawak niya at agad na nag suot ng salamin, huli na siya dahil nakita ko na ang mugto niyang mga mata. “Good morning,” bati ko sa kaniya at pumunta sa courner para mag timpla ng coffee. “Mm,” tumango lang siya. Malamang, hindi good ang morning niya dahil sa akin. “Ano ang iniinom mo sa umaga? Do you like milk or coffee?” tanong ko. “Ayoko. Nakakasuka ang gatas at nakaka palpitate naman ang kape, mas prefer ko ang hot chocolate.” Kumuha ako ng chocolate powder at pinagtimpla siya. “Bakit?” tanong niya. Humarap na ako sa kaniya at pinatong sa kaniyang harapan ang hot chocolate. “P-Para sa akin?” gulat niyang tanong. “Yes,” sagot ko at naupo ako sa kaniyang harapan. “S-Salamat,” sa wakas ay nasilayan ko na rin ang kaniyang ngiti. Pinanood ko ang kilos niya, hinawakan niya ang handle ng mug at uminom doon. “What do you think?” “Hmmm, ang sarap!” abot tenga na ang kaniyang ngiti na nakapag pagaan ng koonti sa aking kalooban. “Bakit nasusuka ka sa gatas? Everybody loves it,” curious ko na tanong. “Ewan ko. Ayaw ko lang talaga sa amoy ng gatas at sa lasa niya, basta nasusuka ako.” Nag isip ako ng mga tanong pa pero blangko na ang aking utak, hindi ko mapigilan na matulala sa kaniya. Mugto pa rin ang kaniyang mata pero hindi na ganoon kamugto. “About last night–” naputol ang sasabihin ko nang mag salita siya. “You don't have to explain everything to me. Walang tayo kaya wala akong karapatan na mag selos,” nakatungo siya sa mug kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. I bit my lower lip to suppress my emotion. I hate myself for making her feel like hell. What did I do to have her heart? How could a heart like her, love a heart like mine? I don't deserve her heart. “Then why did you cry?” “W-Wala man akong karapatan na mag selos pero puwede naman ako na masaktan, 'di ba?” “That's why I told you to stop wherever feelings you have for me, right?!” napatalon siya sa gulat nang galit ko na hinampas ang table. “H-Huwag ka naman sa akin magalit,” she pouted. “No! I am not mad at you, sorry.” Galit ako sa sarili ko dahil nasasaktan kita. “Isa pa, ilang beses ko ba sa iyo sasabihing hindi ko kayang itigil ang nararamdaman ko para sa'yo? Hindi naman katulad ng red light at green light ang puso ko.” Hindi ko na alam kung paano siya patitigilin, bumuntong hininga na lang ako. “Okay lang ako, Bagyo.” She said it as if everything was under her control. “Gawin mo ang gusto mo, makipag halikan ka sa mga babae o makipag relasyon ka sa kanila. Hindi kita pipigilan kaya 'wag mo rin ako pipigilan sa gusto ko.” “Ha!” asar na tumawa ako. Hindi ko alam kung bakit nairita ako sa sinabi niya. “Magpapalit lang ako,” tumayo na siya. Nakapang tulog lang pala siya. “Baka naghihintay na rin ang dalawang bruha kong kaibigan sa baba,” umiwas siya sa aking ng tingin at pilit na ngumiti pagkatapos ay pumasok na sa kaniyang kuwarto. Buntong hininga na uminom ako sa mug ko, kasunod ng pag vibrate ng phone ko. From: Isaac Hey, asshole! Wakey, wakey! Did you enjoy your night with your roommate, bastard? Time to wake up! Sumama ang mukha ko, kagabi kasi nila nalaman kay Mr. Collin na mag kasama kami ni Amara sa iisang unit. Hindi ko pinansin ang message niya at tumayo na, aalis na sana ako pero bumukas ang pinto ng kuwarto ni Amara at niluwa siya no'n. “Oo na, potaena! Pababa na!” my brow creased in her profanity but I was stunned in shock when my eye gazed at her body. She's wearing a revealing red swimsuit for fvcking sake! Is she going outside with that?! Natigilan siya nang makita ang masamang tingin ko sa kaniya. “B-Bakit?” She's asking the obvious reasons. “Mag palit ka,” my jaw clenched. “P-Pero wala na ako ibang swimsuit,” simangot na sagot niya na mas lalo kong ikinaasar. “Then why the fvck did you pack that kind of swimsuit?!” “Kasalanan ito nila Irie, hindi ako.” Maglalakad na sana siya paalis pero agad ko siyang napigilan. “You'll change your clothes or else there will be something bad that is going to happen to you.” Nakita ko ang madiing pag lunok niya habang diretso ang kaniyang tingin sa aking mata, napangisi ako nang umepekto ang babala ko sa kaniya. “Bakit ba gusto mo ako mag palit? Gano'n na ba kapangit ang katawan ko kaya hindi mo matagalan tignan?” my mouth is almost half open because of what she said. Doesn't she have any idea how much alluring she is right now? Her bikini swimsuit is colored red, she has a curved body, she has fair skin, long legs, and I can almost see her cleavage. No way in hell that I will let anyone see her like this. “Pinagpapawisan ka,” napasinghap ako nang lumapit siya sa akin at gamit ang kaniyang kamay ay pinunasan niya ang pawis sa noo ko. Sobrang lapit niya sa mukha ko, nararamdaman ko na rin ang hininga niya. Pagkatapos niyang punasan ang noo ko ay didistansya na sana siya sa akin pero kusang kumilos ang katawan ko, her round eyes widened when my right hand encircled around her waist while pulling her closer to me. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat