NAKARAMDAM ako ng inis sa hindi malaman na dahilan nang makita ang posisyon nilang dalawa. “You should go. I will wake her up,” sambit ko kaya umangat ang paningin sa akin ni Happy, bumaba na ang lahat sa bus. “Why would I?” mapang asar na salita niya. “Because I said so.” “Eh hindi ba't ayaw mo sa kaniya? You told her to stay away from you, right?” “Quit following her around and leave us alone,” I glared at him but he didn't give a fvck. “Why are you acting like a jealous boyfriend, huh? Amara is forcing herself not to act jealous whenever you are with a bunch of girls,” tumiim ang bagang ko sa galit. “What do you know? Don't interfere with us, bastard.” “No! If you're not going to catch her then expect me to catch her, If you're not going to reciprocate her love then I will love her.” “Shut up, dumbass! You don't know anything!” “Yes, I don't know anything about your crap but I know how much she's hurting from loving a bastard like you!” Hindi ko na macontrol ang galit ko at handa na sana siyang suntukin pero may nag salita sa gilid namin. “Stop fighting, morons,” saway sa aming dalawa ni Astrid. “Wala kang karapatan para mag selos kung patuloy mo lang rin naman siya tinataboy, kaya umalis ka na dahil kayang-kaya ko siyang saluhin.” “But her heart doesn't belong to you. You should know your place,” sambit ko. Napangisi ako nang hindi siya nakapagsalita at sumama lang ang tingin sa akin. “Happy, hayaan mo muna siya,” sumingit ulit sa amin si Astrid at hinila siya patayo. “What the hell Astrid? You're going to leave Ara with him?!” galit na nag salita si Irie, hindi ako umimik. Alam ko kung gaano kagalit sa akin ang mga kaibigan niya at naiintindihan ko iyon, hindi ko ipinagkakaila na gago ako pero mas mabuti na iyon dahil mas lalong masasaktan sa akin si Amara kapag binigyan ko siya ng pag-asa. “For now. But if he did anything bad then I won't stay silent,” nakangiti siya sa akin pero delikado ang kaniyang litanya, sa tingin niya pa lang ay parang pinag iisipan na niya kung paano ako papatayin. “I can see how unhappy she is when you're keeping your distance from her, so I am doing this just for one time.” Pagkatapos iyon sabihin ni Astrid ay hinila na niya ang dalawa paalis kaya naiwan na lang kaming dalawa ni Amara dito sa bus. Bumaling ang aking paningin kay Amara nang makaalis sila. At first I waited thirty minutes before waking her up but my plan got destroyed when I stared at her face. She's peacefully sleeping, the strand of her hair is falling so I put it at the back of her ears. Her red tempting lips is half open. Without knowing, my body is unconsciously moving on its own and coming closer to her. Muntik ko na siyang mahalikan. “Haahh...” napabuntong hininga ako. “May problema ba?” nag aalala na tanong ni Amara dahilan para mabalik ako sa reyalidad. “Can you tell me what happened to your parents?” hindi ko napigilan itanong, I am really curious about her. “Oo naman,” ngiting sagot niya. Nakalimutan ko na may dala nga pala akong coffee, I take a sip. “Ang gago kong ama ay–” magsisimula na sana siyang mag kuwento pero nasamid ako dahil sa tinawag niya sa kaniyang ama. “Oh?! O-Okay ka lang?!” “Y-Yes, continue.” “So 'yon nga! Babaero ang gago kong ama pero natiis siya ni Mamay, kahit na gano'n ay mahal niya pa rin ang gago kong ama.” Hindi ako masanay-sanay sa tawag niya sa kaniyang ama. But her mother is a martir, siguro kung si Mommy iyon ay baka nakipag divorce na siya kay Daddy. Tho that won't happen because my father love her so much. “Isang araw nag hinala si Mamay na may babae na naman siya pero nalaman na lang niya na may asawa pala ang gago kong ama at siya ang kabet.” Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. “Dahil doon ay hiniwalayan siya ni Mamay at isinama niya ako, the end," ngiting pagtatapos pa niya. How can she still smile after what happened to her? This is ridiculous! I want to punch him! Tama nga ang tawag niya sa kaniya, gago siya. “Bakit natahimik ka?” hindi ko maproseso ang nalaman ko tungkol sa kaniya. I admire her, she's so strong. “Is it okay for you to tell me this?” “Oo naman, nagtitiwala ako sa iyo.” Damn, I don't deserve her. “How about your mother? What happened to her?” sa pagkakaalala ko ay sinabi niya sa aking wala na siya. “Dahil sa gago kong ama napabayaan ni Mamay ang kaniyang sarili at nag kaheart illness siya, huli na nang malaman ko na may sakit pala siya.” Ang daming masasamang nangyari sa kaniya! This is too much, hindi ko pa man nakikita at nakikilala ang gago niyang ama ay sigurado ako na he's a scumbag. “Salubong ang kilay mo bagyo,” natatawang puna niya sa kilay ko. “Tsk! How can you still laugh? Didn't you resent him? If you are not angry for what happened to you, then I will be angry for you” “I resent him, of course! Pero walang mangyayari sa galit ko, hindi naman no'n mababalik si Mamay at ang masayang pamilya na meroon ako noon.” Hindi ako nakaimik, she's right. “Salamat. Pero mag ingat ka sa mga sinasabi mo dahil baka lalo ako mahulog sa iyo at hindi mo ako mapanindigan,” natigilan ako sa sunod niyang sinabi. What the hell am I saying? I forced myself to control my emotion and limit my words when she's with me, pero nag padala ako sa emosyon ko. Hanggat maaari ay ayokong umasa siya sa akin, hindi ko kayang panindigan ang nararamdaman niya para sa akin. Tumikhim ako at tinalikuran na siya. “Mauna na ako sa iyo, baka nasa baba na silang lahat.” Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad na umalis sa unit, bago siya dumating ay nakapag half bath na ako at nakapag palit na sa puting polo at short ko. Bumaba na ako at nakita ang lahat ng Section E at Section A sa lobby habang nagsasalita sa harap si Mr. Collin, tumabi ako kila Isaac. “Irie, Astrid, and Amara! You can now go to the kitchen and take your punishment, make sure that the food will taste delicious.” “Ayay, Captain!” sagot ni Irie at nag lakad na sila paalis. “I already texted Ara and she said na dederetso siya sa kitchen,” narinig ko pa na nag salita si Astrid hanggang sa makaalis na sila. “So everyone! We have rules here,” tumahimik ang lahat. “First, Alcohol isn't allowed! Second, you are all not allowed to go outside except I permitted it! And third, if I saw you fight each other expect that you will recieve a punishment!” Umingay dahil sa pag reklamo ng lahat pero bigla ulit natahimik nang sumama ang tingin ni Mr. Collin sa kanila. “I will add one more rule; anyone who disobeys me will receive the most embarrassing punishment. Do you understand me? Answer me if you understand!” “Yes!” walang nagawa ang lahat kun'di sumagot. “While waiting for the food you can take a stroll around or take a picture.” ONE hour later, we are now sitting in front of the table while waiting to serve the food. Nakaupo na rin sa harapan ko si Amara, kumunot ang noo ko dahil sunod-sunod ang pag hinga niya. Nag aalala na nakatingin sa kaniya ang dalawa niyang kaibigan, siya ang nasa gitna nilang dalawa. “Tubig,” nagpapanic na inabot ni Irie ang tubig sa kaniya at agad naman niya iyon ininom. “Sabi ko naman kasi sa'yo na mag pahinga ka na lang, kaya naman namin ni Astrid mag luto.” “Kapag hindi ako nag luto ibig sabihin hindi ako tumanggap ng parusa,” ngumuso si Amara habang iritableng sinesermonan siya ni Irie. “Okay ka lang ba?” Astrid asked while patting her back. “Pahinga na lang muna ako. Mamaya na lang ako kakain,” nakita ko sa peripheral view ko ang pag tayo niya. “Sige. Dadalhan ka na lang namin ng pagkain,” ani Irie. “Huwag na. Kaya ko ang sarili ko,” huling salita niya bago na nag lakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin. What's happening to her? Napagod na kaagad siya sa pagluluto lang? Nope, Storm! Don't follow her. “Oh? Saan ka pupunta, tol?” tanong ni Isaiah. “H-Huh?” hindi ko namalayan na tumayo na pala ako. “Ang dami mo pa dalang food. Ganito ka na ba kapagat?” Isaac. “Pakyu ka Grayson,” asar kong tugon sa kaniya. “I will find a place where there's no dumbshit like you,” tumawa lang siya sa dugtong ko kaya nag lakad na ako paalis kung saan ang dinaanan ni Amara. Kunot ang noo na tumingin ako sa paligid habang naglalakad at dala-dala sa dalawang kamay ang mga pagkain, habang hinahanap siya ay may nakita akong maliit na kubo malapit sa baybayin ng dagat. Nag lakad ako palapit doon at nakita siya na nakaupo sa kawayan na upuan, pinagmamasdan ang maliwanag na buwan na nagre-reflect sa dagat. Payapa siyang nakaupo ngayon sa kubo, hindi tulad kanina na hinahabol niya ang kaniyang hininga. Ang buhok niya ay nililipad ng hangin, ang isang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib, at ang ngiti niya ay abot tainga na akala mo'y may magandang inaalala. She's beautiful. I could stare at her like this for a whole day, but I know my view will be more beautiful if I walk closer to her. The scene will be her, watching the moon. While me, staring at her. Nag simula na ako mag lakad palapit sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi, ang mga pagkain ay nilagay ko sa lamesa. Gulat na bumaling ang kaniyang paningin sa akin. “B-Bagyo?” lumipat ang kaniyang paningin sa pagkain na dinala ko, pagkatapos ay babalik ang paningin sa akin. “Eat, you are malnourished and you're skipping your dinner?” “Salamat,” ngumiti siya. Ang mukha niya ay namumula habang kumakain. “B-Bakit ka nakatitig sa akin? May amos ba ako?” nahihiya na tanong niya. “Yeah” Lies. “Saan?” “Beside your lips.” Lies. “Ito?” tumango ako. “Wala na?” nahihiya niyang tanong. “It's still there.” Lies. She flinched when I came closer to her and cleaned the so-called dirt beside her lips using my thumb. I bit my lower lips when I felt her soft and wet lips on my thumb. “S-Sa-Salamat,” utal-utal niyang salita at namumulang napaiwas ng tingin sa akin. I can't help but smile, she's cute. Ilang minuto bago siya natapos kumain. I almost laughed when I heard her burp, she pouted in so much embarrassment. “Hindi ako 'yon.” Nag sinungaling pa siya eh kaming dalawa lang naman ang nandito. “Then who?” “P-Palaka? May nakita ako kaninang palaka diyan sa tabi-tabi,” tinuro pa niya ang paligid namin. “I see,” tumango-tango na lang ako at nakisama sa kaniya. Magsasalita na sana siya pero may tumawag sa akin. “Storm! There you are.” Lumapit sa amin ang hindi ko nakikilalang babae, ang alam ko lang ay classmate ko siya. “What?” tanong ko. “Isaac and Isaiah were looking all over for you, let's go!” Tumayo na ako at napatingin kay Amara. “Mauna ka na, m-may hinahanap rin kasi ako dito.” Alam ko na nagsisinungaling lang siya, magsasalita na sana ako para ayain siya na sumabay na sa amin pero hinila ako paalis ng kung sino mang babae na ito. “Why are you still standing here? C'mon, let's go!” lumingkis ang kaniyang kamay sa aking braso at hinila na ako paalis dahilan ng pag salubong ng aking kilay. “Wait–” Napatingin ako sa aking likuran kung saan ko naiwan si Amara, pinapanood niya lang ako hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis. “What the hell, bitch?!” iritable ko nang iwinasiwas ang aking kamay kaya napabitaw siya sa akin. “Why?” she flirtatiously asked and was about to kiss me but I immidiately pushed her. “What the hell, Storm?! Why are you acting like this after you flirt with me on the bus?! Don't you like me?” Kumunot ang noo ko at ngayon pa lang naalala kung sino siya, siya 'yong babaeng pinaupo ko sa aking tabi no'ng mag tangka na tumabi sa akin si Amara. “Fvck! I never like a disgusting flirt,” nandidiri kong sagot. “Disgusting flirt? What the hell?! How dare you!” hindi ko na siya pinansin. “And for your information, my name is Madonna not Eve! Who the hell is Eve?! Fvck you!” “The hell I care about your name? I don't like you,” maglalakad na sana ako pabalik kay Amara pero napigilan niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay at nilapit ako sa kaniya pagkatapos ay pilit na hinalikan ako. “You don't like me? But I like you.” Magsasalita na sana ako nang may marinig ako sa aking likuran na pag sinok, lumingon ako sa aking likuran at nagulat ako nang makita si Amara na nanlalaki ang mata habang ang nanginginig niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang bibig. “S-Sorry...*hic!*...” napaatras siya, parang gumunaw ang mundo ko nang makita ang luha niya na umaagos mula sa kaniyang mata. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat