BALAK niya ba ako halikan? Pero hindi niya ako gusto 'di ba? Hindi naman ako si Sleeping beauty, wala naman ako sa fairytale. “B-Bagyo, a-anong ginagawa mo?” ulit na tanong ko nang walang makuha na sagot. “Tulo ang laway mo, pupunasan ko sana.” Nanlaki ang mata ko sa pagkapahiya at agad na pinunasan ang gilid ng labi ko. Totoo nga, tulo ang laway ko! Nakakahiya! Nakita niya iyon, mas lalo yata siyang naturned-off sa akin dahil hindi siya makatingin sa mata ko. Nag assume pa ako na hahalikan niya ako, 'yon pala ay may panis na laway sa gilid ng labi ko. Gusto ko na lang bumukas ang lupa at lamunin ako no'n. Ang init ng aking mukha sa sobrang pamumula. Natigilan ako nang mapansin na wala na ang mga tukmol, sila Irie at ang mga Section A, kami na lang dalawa ang nandito sa bus. “Nasaan sila?” nagtataka ko na tanong. “Nasa resort na tayo. Tulog ka pa kaya inutusan ako ni Mr. Collin na gisingin ka,” sagot niya. Binaba niya ang bag ko sa aking tabi, habang dala-dala na niya ang kaniyang maleta. “Nasaan si Happy?” tanong ko. Katabi ko lang 'yon eh, sana siya na lang ang gumising sa akin. Naabala ko pa tuloy si Bagyo at nakita pa niya ang nakakahiyang pag tulog ko. “Happy?” sumalubong ang perpektong kilay niya. “Iyong katabi ko kanina.” “Ahh...that bastard,” napanguso ako sa tinawag niya kay Happy. “He already left, If you want to stay here then I am going no–” Tatalikuran na sana niya ako pero agad akong tumayo. “T-Teka lang! Sabay na tayo, hehe.” Hindi siya sumagot at nag lakad na pababa ng bus, nakasunod lang ako sa kaniya papunta sa lobby nitong resort. Pula ang carpet ng lobby at siguradong mga mayayaman lang ang makaka afford para makapasok dito. Dumeretso kaming dalawa sa receptionist. “Good morning, Mister and Misis. How can I help you? Are you here for your honeymoon?” parehas na nanlaki ang mata naming dalawa sa tanong niya, napatungo ako para itago ang pamumula ng aking mukha at hindi nakasagot. “N-No. We're not,” iritableng sagot ni Bagyo. Napanguso ako sa tono ng kaniyang boses, hindi naman ako panget para maging gano'n ang reaksyon niya. “Estudyante po kami sa Yomiyama North University,” sagot ko sa babaeng receptionist. “Oh, I'm sorry Miss.” “Storm! Amara! There you are,” tuma-takbong lumapit sa amin si Mr. Collin. “We have a problem,” kumunot ang noo ko. “What?” tanong ni Bagyo. “Isang unit na lang ang bakante sa resort, I didn't know that this will going to happen. Nahirapan ako na iassign sila ng room dahil mag kaaway ang section niyo. before I knew it, I already assigned everyone their unit except for you two.” “A-Anong ibig mo pong sabihin?” kinakabahan na tanong ko. Mukhang alam ko na kung saan ito paparating. “If it's okay with you two, can you share a unit? Don't worry, it has two rooms and two comfort rooms. I know you two won't do bad things, I trust you.” Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa aking narinig. “What? / Ano?” sabay namin dalawa na bulaslas. “W-With her?” kunot ang noo na napatingin siya sa akin. “P-Pero Mr. Collin! B-Babae ako at lalaki siy–” “As if I will do anything to you,” mapang-asar niyang litanya. Nag salubong ang kilay ko sa pagkapikon, kung makatingin rin siya ay kala mong nandidiri siya sa akin. “Then that's great. You two will share one unit,” binigay niya kay Bagyo ang susi sa unit namin at ang number ng unit. “P-Pero Mr. Collin!” umangal ako pero hindi niya ako pinansin. Hindi naman sa ayaw ko na makasama si Bagyo pero natural lang na umangal ako dahil hindi niya puwedeng pagsamahin sa iisang unit ang isang babae at isang lalaki, lalo na't estudyante lang kami at walang namamagitan sa aming dalawa. “Fine. There's no other option,” ngiwing sambit ni Bagyo. Nag paalam na sa amin si Mr. Collin dahil may kailangan pa siyang asikasuhin, parang wala ako sa sarili habang naglalakad kami papunta sa unit naming dalawa. ‘H-Hindi puwede ito, isa akong dalagang pilipina eh.’ Nag message sa akin kanina sa Astrid at sinabi nilang nasa iisang unit silang dalawa, makikisiksik na lang ako sa kanila. “W-Wait lang,” tumigil sa paglalakad si Bagyo at humarap sa akin. “Kila Astrid na lang ak–” “There's only two bed there, mung makikisiksik ka sa mga kaibigan mo ay wala ka nang higaan doon na matutulugan.” Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nag salita na siya. “O-Okay lang, minsan nga ay sumisiksik sa higaan ko si Irie. Umangal ba ako?” “Tsk! Do what you want.” Galit na nag martsa siya papasok ng elevator at iniwan ako. Hinanap ko ang unit number nila Astrid at nang mahanap iyon ay kumatok ako sa kanila, bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Irie. “Kung mangheheram ka ay 'wag mo nang gawin, kasalanan mong wala kang magamit dahil hindi ka nag dala ng malet–” “Can I share the unit with you guys?” ngiting tanong ko kay Irie, nag puppy eyes pa ako pero poker face lang siya. “Bawal! FO tayong dalawa ngayo–” “Sumusobra ka na! Lagi mo na lang ako sinesermonan! isip bata ka! Iharap mo sa akin si Astrid, siya ang kakausapin ko!” “Astrid! Nandito si Ara, gusto niyang makishare ng unit!” sigaw niya pero walang sumagot. “You heard that? She said no. So, alis ka na.” “Impokrita ka talaga! Hindi naman sumagot si Astrid!” “Hmp! Basta bawal! Ayoko!” pagkatapos niyang isigaw iyon ay malakas na pinag sarahan niya ako ng pinto. “Augh!” sumigaw ako sa sobrang frustration at walang nagawa kung hindi pumunta sa unit namin ni Bagyo. Alam ko naman na nagagalit lang siya dahil patuloy pa rin ako sa nararamdaman ko para kay Bagyo, sinesermonan niya ako dahil ayaw niya magpakatanga ako sa kaniya pero hindi niya ako puwede patigilan. Hindi ko nga kaya patigilin, tapos uutusan niya ako tumigil. Pumasok ako sa elevator pagkatapos ay hinanap ang unit number namin. Nang mahanap iyon ay kumatok ako, wala pa man ang dalawang segundo ay bumukas ang pinto at niluwa no'n si Bagyo na salubong ang kilay. “Why are you here? Akala ko ba makikisiksik ka ng unit sa mga kaibigan mo?” taas ang isang kilay niya. “N-Nag bago na ang isip ko,” ngusong sagot ko at tinulak siya paalis sa entrance. “Did you just pushed me?” hindi siya makapaniwala. “Nakaharang ka sa daraanan ko ih.” Sinarado na niya ang pinto at bumalik sa dining area para mag timpla ng kape niya, habang ako naman ay nililibot ang aking paningin sa paligid. Sosyalin talaga ang resort na ito, yayamanin. “Woah!” napanganga ako nang makita ang labas ng veranda. Kitang-kita ang papalubog na araw, ang mga tao na nasa beach, ang asul na asul na dagat, at ang kulay puti na buhangin. Binuksan ko ang glass door papunta sa veranda para mas lalong matanaw ang buong paligid. “Woah! Ang ganda!” tuwang-tuwa at manghang sambit ko. Kita ko ang kasunod na isla at ang ilang bangka sa kinatatayuan ko. Storm's POV “Woah! Ang ganda!” pinigilan ko ang matawa habang pinapanood siya. Maganda nga, pero mas maganda siya sa view Bumuntong hininga ako at nag lakad palapit sa kaniya dala-dala ang kape na tinimpla ko. “Tss! You sound like you've never gone to a beach.” Huminto ako sa gilid niya pero may koonting distansya na pumapagitan sa aming dalawa. “Ito nga ang unang punta ko sa beach,” natatawa niyang sagot. Natigilan ako at hindi maka paniwalang napatingin sa kaniya. “Why? Hindi ba kayo nagbabakasyon ng pamilya mo sa beach?” Samantalang kami bawat taon ay nagbobonding kami ng pamilya ko sa resort na pag aari namin. “Never,” sagot niya kasabay ng pag ihip ng sariwang hangin. “Bata pa lang ako no'ng mag hiwalay ang magulang ko, isa pa ay mahirap lang si Mamay kaya never niya ako nadala sa beach.” Nabigla ako sa sagot niya, I shouldn't have asked her. “Sorry.” “Bakit naman?” “Dahil nag tanong ako kaya naalala mo iyon.” “Lagi ko naman naaalala iyon kahit hindi mo banggitin o itanong,” my heart thump when I saw her laughs so hard but her eyes looks so sad. This is the first time I saw her so sad. It makes me want to protect her, but I don't have the right because I am one of the reasons why she's hurting inside. “A-Are you okay?” umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko matagalan na makita siyang makungkot. “Hindi ako okay noon pero dahil sa iyo naging okay ang lahat kahit wala sa ayos ang iba,” hindi ko siya naintindihan. All I know is that my heart melted when she said those sweet words. I am glad that I am still able to help her. “Keep fighting, a warrior woman shines the most than a princess.” “Salamat,” tumingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakatunaw na ngiti. This girl doesn't know how much she's seducing me right now, her smile is the prettiest I've ever seen. Bigla ko na naman naalala ang nangyari sa bus. Mahimbing ang tulog niya at wala siyang kamalay-malay sa paligid. I saw her head is on Happy's shoulder, and he is staring at her while she's sleeping. I don't know what came to me that made me act unconsciously and go towards them with a bitterness on my face. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat