LUMIPAS ang araw na 'yon at ngayon ay nasa harapan ko na silang dalawa, sumama ang mukha ko sa lantarang paghaharutan nilang dalawa sa aking harapan. “Puwede bang itigil niyo muna ang paglalandian niyo?” iritable na sambit ko. Kaming tatlo lang ang nandito sa classroom dahil kumakain pa sila sa cafeteria. “I just want to thank you boss!” “Nakapagpasalamat ka na ah? At isa pa, baka nakakalimutan mong hindi ito libre? Kailangan mo ako ilibri ng ice cream nang isang buwan,” ngiting sambit ko. “Ako na lang ang manlilibre sa iyo. Kung gusto mo ay gallon ang ibibigay ko sa iyo,” parang kuminang ang mga mata ko sa litanya ni Jaylyn. “Magandang ideya.” Wala pa man ay sobrang saya ko na, hindi na ako makapaghintay kumain ng pp ice cream. “No, honey. Ako nang bahala dito.” “No, marami ka nang ginawa.” Nawala ang ngiti ka nang mag simula na naman silang dalawa sa paglalandian. “May naaamoy akong Section A!” natigil lang sila sa paglalandian nang marinig namin si Sneezy at ang mga yabag ng mga tukmol na paparating. “Paano mo naman iyon naaamoy?” Astrid. “Oo nga, 'di ba may sipon ka?” ani Irie. Bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata nila nang makita kami. “Bakit may Section A dito?!” galit na salita ni Grumpy, masama ang tingin kay Jaylyn. “WARNING! WARNING! ONE OF THE STUDENTS OF SECTION A HAS INTRUDED OUR CLASSROOM!” mas lalo pa silang nag panic nang malakas na nag salita si Dopey na tila may microphone siya sa kaniyang bibig. “N-Nandito ka ba sa classroom namin para mag spy sa amin?!” nag tago si Bashful sa likuran ni Happy. “KUMALMA KAYO MGA TUKMOL! WALA SIYANG ARMAS NA HAWAK!” ani Happy. “MERON!” sigaw ni Doc, nagtatanong na tumingin sa kaniya ang mga tukmol. “UTAK ANG ARMAS NIYA!” napasinghap ang mga tukmol at sabay natakpan ang kanilang bibig, tila natakot sa narinig. “W-Wala tayong laban sa utak n-niya. P-Paano na iyan? Ito na ba ang ating katapusan?” naiiyak na litanya ni Bashful at madramang bumagsak sa sahig. “Mukhang may nakakalimutan ka, Bashful?! Huwag ka matakot dahil may tagapagtanggol tayo! Ilabas ang pambato ng Section E!” ani Doc pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay ni Happy at pinunta sa pinaka sentro nilang lahat. “Bitawan niyo nga si Ara! Huwag niyo siyang isali sa mga katangahan niy–” Astrid. “HUWAG KAYONG MAG ALALA, NANDITO AKO PARA IPAGTANGGOL ANG ATING SECTION!” sigaw ko rin at nilagay ang dalawang hintuturo ko sa aking sintido para ihanda ang aking utak sa pag atake ng Section A. “WOOOOHHHHHH!” “BOSS! BOSS! BOSS!” “ALL HAIL TO THE BOSS!” “Haahh...Nakalimutan kong isa rin palang tanga ang ating kaibigan,” hindi ko pinansin ang komento ni Irie. “Ano ba ang pinagsasabi niyo? Girl friend ko siya!” iritableng sambit ni Sleepy. “Shit! Naapektuhan na niya ang sistema ni Sleepy!” Sneezy. “Ano na ang gagawin natin, boss? Hostage niya si Sleepy,” naiiyak nang salita ni Dopey. “Huwag kang mag alala, Sleepy! Ililigtas ka namin sa kamandag ng babaeng iyan!” ani Doc. “Hindi, hayaan niyo siya! Sacrifice natin siya! Mwahahahaha!” Happy. “Paano mo iyan nasasabi Happy?! Comrade natin si Sleepy!” inis kong sigaw sa kaniya, sira ulo ba naman. “Tama na, girlfriend ko nga siya!” galit na sigaw ni Sleepy. “Ooowwsss?” hindi makapaniwalang asik ng mga tukmol, isama na rin natin sila Irie. “Yes. He's telling the truth,” ngiting sambit ni Jaylyn. “Owwwwsss?” “Itanong niyo pa kay boss!” sambit ni Sleepy kaya napatingin silang lahat sa akin. “Totoo ang sinasabi niya,” sagot ko dahilan para manlaki ang mata nila. Nag pulong-pulong ang mga tukmol sa isang gilid. “Mukhang malabo ang mata ng babaeng iyon,” mahinang salita ni Happy. “Ipatingin kaya natin ang mata niya?” Bashful. “Okay, magandang idey–” “ANO BA?!” galit na sigaw ni Sleepy. Magsisimula na naman sana ang pagtatalo nila nang mag salita si Jaylyn. “Good morning, Section E. My name is Jaylyn Veldad from Section A. I love Sleepy so much, so I hope you will all accept me not as a student of Section A but as his girlfriend.” Natihimik kaming lahat ng ilang saglit, hanggang sa sabay na manghang mag salita ang mga tukmol. “WOOAAAHHH! SUWERTE MO SLEEPY!” “Sana all,” Irie. “Wish all,” Astrid. Dumaan ang isang oras at natapos na rin ang breaktime namin kaya hinatid na ni Sleepy ang girlfriend niya, nasa meeting ang mga lecturer namin kaya may free time kami kahit tapos na ang breaktime. Sinabi ko kila Irie kung paano ko nakilala si Jaylyn at kung bakit Miss Cupid ang tawag niya sa akin. “Woah! Edi parang naging cupid ka nila,” manghang ani Irie. “Yes, kaya nga niya ako tinatawag na Miss Cupid.” “Now that you said it,” napatingin kami kay Astrid na malalim na nag iisip. “How about you make a matchmaker club? 'Di ba hindi mo pa nakakausap si Miss Florence about sa gagawin mong club?” nanlaki ang mata ko sa magandang ideya na sinabi niya. “Good idea, salamat!” napangiti ako, ilang araw na rin kasi ako nag iisip kung anong klaseng club ang gagawin ko. “We will help you. Idagdag mo na kami sa list ng member for matchmaker club,” ani Irie. “Sige, kausapin ko lang si Miss Florence.” Tumayo na ako at tumakbo papunta sa faculty ni Miss Florence, pag dating ko ay sinabi ko ang ideya ni Astrid na Matchmaker club at nasiyahan naman si Miss Florence sa magandang ideya niya. Binigyan niya kami ng sariling room namin para sa club na bubuuin namin, sinabi ko rin sa kaniya na may miyembro na ako para sa club. Siguradong bebenta ang club namin dahil karamihan ng mga estudyante ay may love problem. LUMIPAS ang dalawang taon at naging popular ang Matchmaker Club, ang tanging myembro ko ay si Irie at Astrid. 18 years old na rin kami sa wakas kaya nililimitahan na lang namin ang kabaliwan naming tatlo dahil puwede na kami makulong. Naging kilala rin ako bilang Miss Cupid. Kung itatanong niyo kung anong mga nangyari nitong nag daan na dalawang taon ay hindi ko sasabihin! 'Di, biro lang. Bagyo na ang tawag ko kay Storm, tinagalog ko ang pangalan niya. Iyon ang tawag ko sa kaniya dahil para siyang bagyo na dumaan at nanatili sa puso't isip ko. Puno ng sakit ang napagdaanan ko, bumagsak ako sa lahat ng subject dahilan para maging sikat ako bilang lowest student. Anong dahilan sa pagbagsak ko? Iyon ay dahil sa katangahan ng puso ko, dinamay pati ang isip ko. Puro si Bagyo ang nasa isip ko at hindi ko napapansin na paunti-unti na pala akong bumabagsak. Malamang, pinagalitan ako nila Tita dahil kaya natauhan ako. FLASHBACK “Anong pinaggagawa mo sa buhay mo, Amara dzej Finley?!” galit na bungad sa akin ni Tita Sannah nang makauwi ako, naghihintay silang dalawa sa akin entrance ng bahay ko. “B-Bakit po?” wala akong kaalam- alam sa dahilan ng galit nila. “Ano ito?! Bakit ganiyan ang grado mo?!” salubong ang kilay ni Tita Sannah samantalang bakas naman ang dismaya sa mukha ni Tita Helen, nilapag niya sa lamesa ang card ko. Kinuha ko iyon at nanlaki ang aking mata sa nakita, puro line of seven at puro pasang awa ang nakalagay doon. “Anong pinaggagawa mo sa school para maging ganiyan ang grado mo?!” hindi ako nakapagsalita. Hindi ko sa kanila masabi na inuna ko ang pag-ibig kaysa pag-aaral, sa tuwing masasaktan ako na makita si Bagyo kasama si Arah ay parang tumitigil ang aking mundo. Anong sasabihin ko? Napayuko ako, bumabagsak na pala ako nang walang kamalay-malay. “You told us that you want to find happiness and live like a normal teenage girl even if your heart is weak, but you didn't tell us that you want to be a rebel student! Is this how you want to live before you get your surgery?!” Sobra ang galit at pagkadismaya nila sa akin, kahit ako mismo ay nadismaya sa aking sarili. Pinangako ko sa kanila na hindi na mauulit ang nangyari sa nakaraan. Noong pumanaw si Mamay ay napabayaan ko ang aking pag aaral kaya bumaba ang aking grado pinagtransfer nila ako ng bagong school para mag simula ulit ng panibago pero ito ang nangyari. Puno ako ng determinasyon no'ng first day of school, pinataas ko pa ang loob ng mga tukmol para mag aral sila ng mabuti. Nag aral naman sila ng mabuti kaya matataas ang kanilang nakuha ngayon, ang ironic lang dahil kung sino pa ang nagmo-motivate sa kanila ay ako pa ang bumagsak. Shame on me. END OF FLASHBACK Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nag sikap ako na iwasang isipin si Bagyo at iwasan siya sa school, nag tagumpay naman ako kaya unti-unti akong nakabangon sa aking grado. Not until pumasok si Arah Montreal sa Matchmaker club namin nang may problemadong mukha. To be continued!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hhhhhhhhxhjcify
25/11/2024
0so good momen
23/09/2024
0nice
19/06/2024
0Tingnan Lahat