Homepage/Silence in the Ocean Depth/
CHAPTER 3.2
ZAHARA ELLIS
Nagkuwentuhan pa sila ng kung ano-ano at minsan ay nakakasabay ako sa usapan nila. Ang sarap pala sa pakiramdam na makipag-usap sa ibang tao. Pansin kong parehas kami ni Greyson na tahimik lang sa gc at minsan lang mag-chat.
Natatawa rin ako sa asaran nila Ahrianne at Beau, para silang aso't pusa. Kung ano-anong bagay lang din ang pinag-aawayan nila. Habang sila Jhum at Zai naman ay nakikisali sa away ng dalawa.
Zai:
Para kayong mag-asawa
Jhumela:
Gagi, 'yan din naisip ko.🤯
Ahrianne:
Pinagsasabi niyo? Kadiri mga mare, ha.
Tigil niyo na pagsinghot sa katol.
Kung ano-ano na pinagsasabi niyo.
Beau:
Galit yarn?
FYI, ayaw ko sa 'yo, 'no. Dugyot kang babae ka, e.
Ahrianne:
Gago!
'Di ako dugyot! 'Wag mong ipasa sa akin 'yang ugali mo. Ikaw nga 'tong 'di naliligo ng isang buwan, e.
Sana pinutok ko na lang sa dingding.
Beau:
Hayst. Ba't ako ipuputok lang?
Mawawalan na ng gwapo sa mundo. At saka, tatlong beses kaya ako naliligo sa isang araw.
Ahrianne:
Gago?
Tatlo?
May lahi ka bang shokoy?
Zai:
Ang dami naman ng tatlong beses
Jhumela:
Agree😌
Beau:
Una kasi, basa lang katawan, walang shampoo at sabon. Do'n na 'yon sa pangalawa at
pangatlong ligo.
Ahrianne:
Aksaya ka lang sa tubig.
Panget ka na nga, gastador ka pa.
Beau:
Inaalagaan ko lang kagwapuhan ko.
Baka 'pag nakita mo ako, pakasalan mo na agad ako.
'Di naman ako tatanggi, pagtitiisan na lang kita.
Ahrianne:
Pota ./.
Jhumela:
D'yan nagsimula lovelife ng lolo't lola ko.
Zai:
Owsss. Same Hshs
Dahil sa katuwaan nila sa gc hindi ko na napansin ang paglalim ng gabi. Tumunog na kasi 'yong alarm clock ko, tanda na alas onse na ng gabi. Sa ganitong oras ay natutulog na ako pero hindi pa naman ako nakakaramdam ng antok.
Jhumela:
Gagi, 11 na pala. Mga puyaters talaga kayo, ha.
Beau:
Masama magpuyat, magsitulog na kayo.
Ahrianne:
Parang ikaw 'di nagpupuyat, ha.
Jhumela:
Puyat pa tayo para makita na natin ang mga taga-sundo.
Zai:
Gagi hshs
Ahrianne:
Demunyu HAHAHA
Beau:
Sinasabihan mo sarili mo, Ahri?
Ahrianne:
Manahimik ka nga riyan.
Zai:
Guys, tutulog na ako hshs.
Good night.
Jhumela:
Good night. Matutulog na rin ako.
Sleep well guys.
Ahrianne:
Tulog ka na rin @Zahara
Good night. Nice meeting you guys. Bukas ulit.
Me:
Good night.
Greyson:
Good night.
Huling basa ko sa gc bago ko pinatay ang phone ko. Naramdaman ko na rin ang pagbigat ng talukap ko nang mabitawan ko na 'yong cellphone ko.
It feels surreal.
Naka-usap ako ng ibang tao nang wala gaanong kaba at takot. Napangiti ako sa aking isipan. Sana magtuloy-tuloy na 'to. Ito na siguro ang magiging simula ng paggaling ko; ang pagiging normal ko. Ang walang takot na makihalubilo sa ibang tao.
Sana nga magtuloy-tuloy na ito.
KINABUKASAN ay nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko. Nakalimutan ko pa lang i-power off kagabi.
Papikit-pikit pa ang mga mata ko nang kapain ko ang cellphone sa gilid ko. Ang bigat pa ng talukap ko at parang gusto ko pang matulog. Bakit ba kasi ako nagpuyat? Hayst…
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tinignan agad ang phone ko. Unang bumungad sa akin ang messages sa gc namin.
Puyaters Squad
2:34 a.m.
Jhumela:
May gising pa ba rito?
Wala na?
Btw, good morning kahit wala pang araw.
6:34 a.m.
Ahrianne:
Jusqhin… @Jhumela
Akala ko ba matutulog ka na no'ng 11 p.m.?
Jhumela:
Good morning, Ahri.
Prankster ako, e. hahahaha
Scam lang 'yong matutulog na ako.
Ahrianne:
At gising ka pa ngayon, ha.
Sabihin mo nga sa akin, natulog ka ba?
Jhumela:
Hehe
Hende…
Ahrianne:
Abangan mo na lang kami kung sa'n ka mapupunta, ha.
Halatang nangunguna ka na sa listahan.
Zai:
GOOD MORNING, GUYS!
Ahrianne:
Good morning, Zai.
Jhumela:
Good morninggg
Zai:
Magbreakfast na kayo.
Ahrianne:
Milo at Fita lang sapat na.
Jhumela:
Hala! Nag-uumagahan kayo?
Ahrianne:
Sarap mong kurutin sa singit, Jhum.
Jhumela:
Buti na lang wala akong singit charot
hahahaha
Nagrereact na lang ako sa usapan nila. Inaantok pa talaga kasi ako. Akmang ibaba ko na sana ang cellphone ko para muling matulog nang biglang nagnotif ulit 'yon.
VISCOM 1-A
Sir Reyes:
Good morning, we will be asynchronous for today. Pakitapos na lang ang pinapagawa ko sa inyo. Have a great day.
Nag-heart react ako sa post ni sir at nakangiting pinatay ang phone ko. Sa wakas, pahinga day ko na ngayon. Just kidding, hindi ko pa kasi nagagawa 'yong activity ni sir. Ngayon pa naman ang pasahan n'on pero hanggang 11:59 p.m.
Online class kasi ako dahil sa sakit kong 'to. Hindi naman nagtaka 'yong mga kasama ko sa bahay dahil nakakuha ako ng scholarship at online learning ang pinalagay ko sa paper na narecieve ng parents ko. Kaya 'yon ang rason ba't 'di sila nagtaka.
Mahirap.
Mahirap para sa akin ang mag-aral ng gan'to. I'm currently taking a BS of Architecture at sa simula pa lang ng school year na 'to, parang sukong-suko na ako.
Kahit online lang ako nag-aaral, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot habang nasa klase. Takot na mali ang maisagot ko kapag tinawag ako. Lagi kong iniisip na baka mautal o ma-mental block ako kapag sumagot ako. Baka pagtawanan ako at asarin ng mga kaklase ko at ng professor ko. Iniisip ko pa lang, pinagpapawisan na ako at nagsisimulang manginig. Ayokong mangyari 'yon.
So, in class, I just sit quietly and don't say anything. I'm unable to speak despite knowing the answer. I feel like I'm losing my voice.
Marami na akong nasayang na mga opportunities. Nagsisi ako at alam kong kasalanan ko rin naman 'yon. I was against myself and I couldn’t even win over my fear.
Napapikit ako nang mariin habang dinadama ang init ng araw na tumatama sa balat ko. Ang mga huni ng ibon ang umalingawngaw sa kwarto kong ito. Gusto ng bumangon ng diwa ko pero ang katawan ko ay parang bigat na bigat pa.
Ganito na lang lagi ang senaryo ko tuwing umaga. Isa sa pinakamahirap gawin ang pagbangon mula sa kama. Napakalambot kasi nito… I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wala lang
15/11/2024
0wow
18/09/2024
0wow
03/07/2024
0Tingnan Lahat