Chapter 11: Two years of relationship Jack's Perspective Two years na kami ni Angel, biruin mo matapos ang dalawang taon na paghihintay, umabot din kami ng dalawang taon na pagsasama but...yes there's a but... She is in the abroad na kase, 1 year in a relationship kami at naisipan ni Angel na mag-aral doon with his Dad, tanging sa screen lang kami nagkikita, log-distance kung tawagin. Tutol ako noong umpisa, kase hindi niya sinabi sa akin agad na may plano pala siyang mag-aral doon, pero sino ba naman ako para pigilan siya sa pangarap niya? Kaya naman in the end, I just let her go, kahit alam kong hindi magiging madali. Nasanay kase ako na kasama siya tapos bigla na lang siyang lalayo! Well, napakahirap, kase araw-araw mong namimiss ang mga yakap niya, no kisses na mamimiss kase we never been kissed. Oo, I respect her kaya hanggang yakap lang ako sa kanya, at halik sa noo at sa pisngi. Ilang beses na awayan na din at tampuhan ang namagitan sa amin, ang hirap kase, magkaiba kami ng free schedule, minsan nga halos two days in a week lang kami kung mag-usap. Minsan buong week walang communication. Haiist, napakahirap! "Mahal?" Sabi ni Angel sa screen, she's too thin yet sexy. "Yes, mahal?" Sagot ko habang nakangiti akong pinagmamasdan ang kagandahan niya. "Do you like to study here?" Tanong niya sa akin, I've never seen that coming, halos matahimik ako sa sinabi niya. Well, sa totoo lang gusto ko naman eh, pero si Zio, he's in the stage of coughing up blood and his rate of survival is too low. Most patient with Lung Cancer have this 5 years survival rate, but only 19 percent of them survived. Lung cancer is no cure but it can undergo treatment to prolong their lives, pero si Zio, hindi ko alam, hindi namin masabi if kaya niya bang magsurvive, well, isa ako sa naghahanap ng research about the cure, gusto ko kaseng tulungan si Zio, alam kong marami pa siyang gustong gawin sa buhay, kaya my eagerness to find cure let me stay here, marami namang contact si Dad sa ibang bansa and they support his materials and machines for our research, at isa pa ayaw kong lumayo kay Zio habang naghahanap ng gamot sa Amerika, the fact na bata parin ako, I'm still studying. "Mahal, okay ka lang?" Rinig kong sabi ni Angel, and I came back to my senses immediately. I nodded my head. "Oo naman," mahinang sagot ko. "Well, ano gusto mo ba?" Tanong niya ulit sa akin. "Mahal, alam mo aman ang sitwasyon ni Zio di ba? He needs me," pagpapaliwanag ko and she frowned. "But you can do your research and study here. Tutulungan naman kita, Jack," pagtatampong sabi niya. "Naiintindihan naman kita Angel, pero alam mo namang hindi ko kayang iwan si Zio." "But his parents are there now, you couldn't leaved him before dahil sa parents niya, kase walang mag-aalalay sa kaniya, but now that they are there, hindi ba pwedeng ako naman ang pagbigyan mo? Hindi ba pwedeng yung relasyon naman nating dalawa?" She said in a monotone. I sighed, naiintindihan ko siya but I felt like she's being selfish, hindi ko alam pero napakasama ko na atang boyfriend to think like that. "Mahal, please naman, huwag nnaman nating itong pag-awayan," malungkot na sabi ko habang tinititigan siya sa screen ng computer ko, nang bigla siyang umiyak, hindi ko alam pero nasasaktan ako sa tuwing umiiyak siya ng dahil sa akin. "Mahal, huwag ka nang umiyak, oh! You know that I won't forgive myself kung napaiyak kita, hindi ba?" I pleaded at tumingin siya sa akin ng seryoso as she wiped her tears. "Jack, who will you choose, me or your best friend, Zio? Mamili ka..." "Angel, ano ba? Huwag mo naman akong papipiliin, you know that both of you are important to me," agad na sabi ko, dahil hindi talaga ako makapaniwala na hahantong sa ganito ang usapan namin. "Jack, I need you," She exclaimed. "Andito naman ako sa tuwing kailangan mo ako,ah?" "Oo, pero I need you here with me, dito sa tabi ko, hirap na akong hanggang screen na lang kita nakikita! Kaya nga I'm begging you na dito ka na lang din mag-aral." Ramdam ko sa mga mata ni Angel ang pagkaseryoso niya, at napakasakit sa akin ito. "Mahal naman," bulong ko and she cried. "You know what Jack, huwag na muna tayong mag-usap, wala rin naman patutunguhan 'to eh! Because even if I kneel down before you right now and begged you na ako naman ang piliin mo, na ako naman ang unahin mo! Alam kong si Zio pa rin! Mahal, he is just your best friend! At ako? Jack, girlfriend mo ako!" She cried out loud. "Yes, he is just my best friend, Angel! Eh ikaw ano ba kita? You are just my girlfriend!" I shouted at the screen. Hindi ko ineexpect na masasabi ko iyon, I didn't mean it, I swear. Nadala lang ako sa emotion ko, pero nanikip ang dibdib ko ng nagsimula na siyang humagulhol sa iyak. "Angel, mahal, hindi ko sinasadya. I'm sorry, I didn't mean it, maniwala ka man o hindi," sabi ko and I wanted to hug her pero hindi ko magawa and I hate it! "You know what, Jack! Huwag na muna tayong mag-usap..." "Mahal naman, huwag naman ganito, I'm sorry! Please," I begged. "I'm sorry, Jack. Please huwag na muna tayong mag-usap, ayaw kong magbitaw ng salita, baka may masabi lang akong hindi maganda!" She cried! "But.." Hindi ko pa man natapos iyong gusto kong sabihin ay bigla nang nag log-out si Angel. I tried to call her back too many times pero wala ni isang sagot. I couldn't reach her. I shouted here in my room habang sinusuntok ang pader. Hindi ko na kase alam ang gagawin ko. "Why do I have to choose between her and Zio?!" I screamed, at hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak. Naiintindihan ko naman na napakahirap ng sitwasyon namin ni Angel. I miss her, oo, pero kaya ko naman magtiis at maghintay, bakit siya hindi? Why? Paulit-ulit kong tanong. I tried to call her again, but still no answer. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman I left her a message. "Mahal, let's talk! Alam mo naman kung gaano kita kamahal, but choosing between you and Zio ay parang sobra na. Hindi ko kayang mamili, hindi ba pwedeng maghintay tayong dalawa ng para sa atin? Darating din naman tayo doon. Please kausapin mo ako!"-Message sent. Ilang oras akong naghintay pero wala parin paramdam si Angel. Halos iuntog ko na sa pader ang ulo ko. "Ang tanga-tanga mo Jack! Bakit mo iyon sinabi sa kaniya?!" I kept on saying. Pero kahit pa ilang beses kong pagalitan ang sarili ko, at ilang beses man akong magmukmok, ako pa din ang talo. Wala na akong magawa kundi ang sisihin ang sarili ko at maiyak na lamang ng tahimik dito sa kwarto ko, making sure my Dad won't know about what happened to us, ayaw ko din naman na sabihin sa kaniya na she's letting me to choose. "What should I do now?" Yan na lamang ang tanging bagay na masasabi ko, ano nga ba ang dapat kong gawin?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (47)
BautistaJohn lloyd
jgikvmkkjjjjjgoijvjucnhogc and then I can go to my house for a while and then it was a while ago you were going you too baby girl you 😽 you 💓 you 😚💕 you too 😘 hjhdjdhgdhdhdjhdhhd you too baby love you too baby love you too baby love you too baby love you too baby love you too baby love you too baby girl I love it and then it was a while and I will send you the link when I love it I go back and forth to the office by libcjyh and get you a link to the past you too baby girl I hope it was a go
jgikvmkkjjjjjgoijvjucnhogc and then I can go to my house for a while and then it was a while ago you were going you too baby girl you 😽 you 💓 you 😚💕 you too 😘 hjhdjdhgdhdhdjhdhhd you too baby love you too baby love you too baby love you too baby love you too baby love you too baby love you too baby girl I love it and then it was a while and I will send you the link when I love it I go back and forth to the office by libcjyh and get you a link to the past you too baby girl I hope it was a go
11/11/2025
0you love it when the time is good movie
19/01/2025
0good
02/01/2025
0Tingnan Lahat