Homepage/LET ME BORROW MY HUSBAND/
CHAPTER 28
CHAPTER 28
ELOISE CHANTRIA ALLINS's POV:
Kakagising ko lang, pero parang gusto ko nalang ulit matulog. Nang makaalis kase rito na condo sina Anastacia, kasama ang asawa at dalawang chikiting nila, ay napagdesisyonan kong matulog nalang, dahil wala naman akong gagawin ngayong araw.
Tinatamad rin akong kumilos ngayon, dahil nasanay akong pumupunta rito si Lucas, at siya mismo ang gumigising sa akin, at nagluluto ng almusal naming dalawa— aish! naka-move on ka na, Eloise! don't ever think of that man, who can't love you back.
Babangon na sana ako sa kinahihigaan, nang tumunog ang cellphone ko. Napatingin kaagad ako sa mesa, na nasa tabi nitong higaan, at kinuha ang bagay na tumunog.
"Can I have a date with you, Doctora Eloise Chantria Allins?"
'yan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ko ng cellphone. Galing kay William ang message.
"William, ang aga-aga, pinapakilig mo ako!" saad ko, at kinagat ang ibabang labi, para pigilan ang sariling wag tumili, dahil baka makaistorbo sa mga katabi nitong condo ko.
Mabilis akong nagtipa, pero binura ko rin, at tinawagan nalang siya. Gusto ko rin kaseng marinig ang boses niya, dahil gumagana ang kaharutan ko ngayon, HAHAHA.
"H-Hi?" bungad nito, na mukhang kakagising lang rin, dahil medyo paos pa ang boses niya.
Napalunok ako, at bahagyang kinagat ang unan na niyakap ko, bago tumikhim, at magsalita.
"Ano, s-seryoso ka ba sa message mo? y-you really want a date with m-me?" pilit kong kinakalma ang sarili, upang di mapahiyaw, sa sobrang kilig na nararamdaman ko.
Kase namannn, eh! yung isa ko pang crush, inaya akong makipag-date, ehee. Hindi ko tuloy alam kung anong isusuot ko mamaya, goshh!
"Yes, I'm serious about that. And I'm not accepting a NO answer from you, Doctora." sagot nito, na halatang nakangisi na ngayon, sa kabilang linya, kahit di ko siya nakikita.
Napahalakhak ako, "Nagtanong ka pa, eh noh? edi sana sinabi mo nalang na, na magdate tayo. Hindi yung sasabihin mo pang, can I have a date with you, Doctora achuchu? HAHAHAHA, ewan ko sayo, William." pabalang na saad ko, para naman di niya mahalatang mahihimatay na ako rito, sa sobrang kilig.
Eto pala ang pakiramdam na may taong gusto kang makasama? yung willing makipag-date sayo, yung feeling na hindi mo kailangan ipilit sa kanya ang sarili mo, kase siya mismo ang lalapit sayo? I'm shy to tell this, but this is the first time na naramdaman ko ang ganito.
Simula kase noong nasa highschool ako, si Lucas na talaga ang palaging hinahanap ng sistema ko. Hanggang sa tumungtong kami ng college, siya pa rin ang gusto ko— no, mahal ko na siya. Handa na nga sana akong umamin sa kanya noon, pero isang araw, nagtapat siya sa akin, na gusto niya si Anastacia. Gusto kong magwala noon, pero mas pinili kong maging masaya tungkol sa nararamdaman niya, at sa sobrang martir ko, sinuportahan ko pa siya. Palihim ko siyang minamahal, habang paunti-unti akong nadudurog, nang hindi niya alam. Gusto ko nang layuan siya noon, pero di ko magawa. Dahil sa pagkakatanda ko, ako lang ang natatakbuhan niya, kapag may problema siya. Kaya kahit nasasakal na ako, pinili kong manatili, at makuntento sa kaunting atensyon na ibinibigay niya sa akin.
Hanggang sa mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya—
"Doctora, are you still there?" narinig kong saad ni William sa kabilang linya, na parang kanina pa nagsasalita, ngunit okupado ang aking isipan, kaya di ko siya narinig.
Bigla naman akong nakunsensya, "Y-Yes, William. M-May ginawa lang ako, hehe. Sigee naaa, mag-re-ready lang ako." saad ko na pilit pinapasigla ang aking boses, dahil napansin kong umiiyak na pala ako ng tahimik.
"Okay, susunduin kita diyan. Wait for me, Doctora." saad nito, bago patayin ang tawag.
Napangiti nalang ako, habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi. Akala ko pa naman, okay na ako. Hindi pa pala. Masakit pa rin. Sobrang sakit.
"Hayyy nako, Eloise!" saad ko, at malakas na bumuntong hininga, bago ginawa ang mga ritwal na ginagawa ko, kapag aalis ng bahay.
MATAPOS ang ilang minuto, natapos na rin akong mag-ayos ng sarili, para sa dinner date namin ni William. Sakto naman, kase narinig ko na ang busina ng sasakyan niya, sa tapat ng condo ko.
Lumabas na ako ng condo, at tiniyak na locked na ang lahat ng pinto at bintana nito, bago nakangiting lumapit kay William, na ngayon ay napakagwapo sa suot niyang tuxedo.
Ang ganda ko na ba sa lagay na ito? ka-date ko lang naman ang isang fafa, mga dzaiii!
Nakangiting pinagmasdan naman ako nito, mula paa, hanggang ulo, bago ilahad ang kamay niya, na tinanggap ko naman kaagad.
"You're beautiful as always, Doctora." pambobola nito, kaya biglang uminit ang aking pisngi.
Nahihiyang ngumiti ako, "You're handsome as always, Engineer." balik na saad ko sa kanya, na totoo naman talaga.
Hindi ako plastik mga beh, ah? ang gwapo talaga ni William, walang halong kaechosan.
Nakita kong namula rin ang pisngi ni William, kaya napaiwas siya ng tingin, "So, let's go?" saad niya, nang nakabawi.
Natatawang tumango ako, kaya pinagbuksan na niya ako ng pintuan, at inalalayang umupo sa passenger seat, bago siya umikot papuntang driver's seat.
"How are you? I heared you sobbing, a while ago." malumanay na pagbubukas nito ng usapan, habang nagmamaneho siya.
Napayuko ako, "N-Narinig mo pala ang pag-iyak ko? kahiya!" saad ko at pinilit na tumawa.
Pero tumigil rin ako sa pagtawa, dahil di mas lalong sumeryoso ang mukha niya. Nakakatakot siya kapag ganito, kase di ko alam kung galit ba siya o ano. Baka magulat nalang ako, may nakatutok nang baril sa sintido ko, HAHAHA. Ngayon ko lang na-realize na, mas nakakaintimida pa siyang kausap, kesa kay Ezekiel, na asawa ng best friend ko.
"Si Lucas ba ang dahilan? did he make you cry, again?" nag-aalalang saad niya, pero seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
Umiling kaagad ako at ngumiti, "H-Hindi....hindi niya ako pinaiyak. But to be honest, he's the reason why I cried. Naalala ko kase kung paano niya ako balewalain, simula noong highschool kami, hanggang sa akala ko, nakuha ko na siya. Yun pala, hindi pa. He still love that someone, who can't love him back." paglalabas ko ng sama ng loob, kaya imbes na magpatuloy siya sa pagmamaneho, iginilid niya ang sasakyan sa daan, at pinatay ang sasakyan.
Tinignan niya ako, na parang napakahalaga ko. Yung tingin na, nakikita ko kay Lucas, kapag tinititigan niya si Anastacia. Yung tingin na di magawang ibigay sa akin ng taong minahal ko, ng ilang taon.
"W-William," pagtawag ko sa pangalan niya, habang malakas na kumakabog ang aking dibdib.
Wala akong naririnig na ingay, maliban sa paghinga at malakas na tibok ng puso ko— namin.
Maingat na hinaplos niya ang aking pisngi, "Eloise, palihim ko ring minamahal ang isang tao, na di kayang pahalagahan ng taong mahal niya." saad niya, habang nakatitig pa rin sa mga mata ko.
Nanlaki ang mata ko, dahil sa sinabi niya. Di muna ako nagsalita, dahil alam kong may sasabihin pa siya.
"Siya ang babaeng, nakilala ko ng biglaan and I love her, unexpectedly. Nahulog na ako, bago ko pa man maamin sa sariling kong mahal ko nga siya. At alam mo bang masakit para sa akin na nakikita siyang umiiyak, nang dahil sa gagong lalake na yun? na sinasayang niya ang mga luha niya, para sa taong di naman siya mahal? at sa oras na ito, parehas kami ng sitwasyon. Minamahal namin ang taong di kami kayang mahalin. Habang umiiyak siya sa taong gusto niya, palihim naman akong nasasaktan." mahabang dagdag nito, kaya napatulala nalang ako sa kanya.
Dahan-dahan akong napangiti ng matamis, "Isa lang ang masasabi ko, napaka-swerte niya—
"Ako yung ma-swerte, dahil nasa harap ko siya ngayon, at nakangiti siya ng matamis." saad nito na mayroong naglalarong ngiti sa kanyang labi.
Naitikom ko kaagad ang aking bibig nang marinig ko ang sinabi niya. Malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko.
"A-Ako b-ba—
Hinawakan niya ang kamay dalawang kamay ko, na nakalagay sa aking hita, at seryoso akong tinignan.
"Yes, Eloise. Ikaw ang babaeng— kauna-unahang babae —to be specific— na minahal ko ng ganito. Usually kase, ang babae ang kusang lumalapit sa akin, pero ngayon, ako yung naghahabol sa isang babae. Never akong nagkaroon ng girlfriend, dahil sinabi ko sa sariling kong, kung meron man darating na babae sa akin, gusto ko, siya na rin ang makakasama ko sa pagtanda. And there you are, dumating ka sa buhay ko, unexpectedly. And do you have an idea kung ilang beses kitang nakita, bago ka ipakilala sa akin ni Vrake?" pagsasalita nito at parang nagtatanong, sa huling sinabi niya.
Napaisip tuloy ako, "Hmm, I guess, I met you, two times. Noong sinamahan ko si Anastacia sa Bar, nakita kita, dahil inaawat natin si Ezekiel, right? then, nagkita ulit tayo noong ikinasal na ang kaibigan ko, sa best friend mo. Doon ko na rin nalaman ang name mo. Muntik na nga kitang iuwi, kase ang gwapo moooo, HAHAHAHA" nakangiting saad ko namay kasamang biro, habang inaalala ang mga pagkikita namin.
Nakangiting tumango siya, "To be honest, I met you, five times, kung hindi ako nagkakamali." saad nito, at bahagyang tumingala, na animo'y may iniisip.
Napanganga ulit ako, sa sinabi niya. We met each other, five times?! wow! bakit di ko maalala?
"The first time I met you, is when I visit, Zambales. May medical mission roon, kung saan malapit lang sa ginagawang hospital, which is, ako yung engineer. Nakita kita, habang nagbibigay ng lunas sa isang bata, na walang tigil sa pag-iyak. Napahanga mo ako, kase nagawa mong pakalmahin ang bata. Para ka tuloy anghel sa paningin ko noong mga oras na 'yon, hahaha," nangingiting panimula nito.
Napangiti rin ako sa sinabi niya, at napatango-tango.
"The second time I met you, ay noong bumili ako sa mall na malapit sa pinagtatrabahuan ko. I think, pang-limang araw na nang medical mission niyo non. Hindi na rin ako umasang makikita ulit kita, dahil parang napaka-imposible. Pero tadhana nga naman, nakita ulit kita. Pero di gaya noong una, nakita mo rin ako—
"Teka, sa mall yan sa Zambales? so, ikaw yung lalakeng amoy baby powder, na nakabanggaan ko sa may counter?" di makapaniwalang saad ko, habang nanlalaki ang mata.
Natatawang tumango si William, at niyakap ako sa bewang. Napaismid tuloy ako, dahil naalala ko kung ano ang ginawa niya noon.
"Sorry for what I did that time. Sobrang occupied lang talaga ang isipan ko nang mga oras na yon, kaya kita nasungitan." paghingi nito ng tawad, kaya napangisi ako.
Nagkunwaring nagtatampo ako, "Ang sungit mo talaga that time, hmmp! tapos sinabihan mo pa ako ng mind your own business, kahit tinanong lang naman kita kung ano ang problema mo, at naninigaw ka kaagad, eh di ko naman sinasadyang banggain ka." nakangusong saad ko, kahit sa totoo lang ay natatawa na ako.
Nakooo, Eloise! baka kung ano ang gawin sayo ni William, kapag nalaman niyang nagbibiro ka lang, huhu.
Mas hinigpitan ni William ang pagkakayakap sa bewang ko, at pinaghahalikan ang aking buong mukha. Nakikiliti tuloy ako sa ginagawa niya.
"Sorry na, Eloise." ilang ulit niyang sinabi yan, habang pinapatakan ng halik ang mukha ko.
Natatawang itinulak ko siya ng mahina, sapat na, upang matitigan ko ang mukha niya.
"Ang cute mo, William." di ko napigilang sabihin, kaya napangisi siya.
Inilapit niyang muli ang kanyang mukha, sa akin, "Now, can I ask you?" tanong nito, kaya napahalakhak ako.
"Magtatanong ka pa, as if naman, tatanggap ka ng no answer from me?" pamimilosopo ko, kaya napahalakhak rin siya, pero sumeryoso rin kaagad, at pinagdikit ang ilong namin.
Buti nalang, matangos ang ilong ko, dahil kung hindi, nakakahiya sa ilong niya. Ang tangos kase ng sa kanya, halos perpekto ang pagkakagawa, na bagay na bagay sa gwapo niyang mukha.
"So, it's a yes, then? I can court you, starting today." nakangiti at halatang excited na saad niya, at niyakap ulit ako nang mahigpit, bago magsimulang magmaneho.
Buong byahe ay tahimik ako, at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha, dahil ramdam ko ang pamumula nito. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ni William sa akin, kahit crush ko lang naman siya.
Siguro panahon na rin para ituon sa iba ang atensyon ko, na tanging kay Lucas ko lang naibibigay, simula noon. Pagod na rin akong umasang mamahalin rin ako ni Lucas, o makikita niya ang halaga ko, pagkatapos niya akong iwan.
Alam niyo ba? sobrang saya ko, 2 years ago, bago umalis si Anastacia, dahil naging kami na ni Lucas. Yung pakiramdam na nakuha mo na yung ipinagdarasal mo sa araw-araw, at hinintay mo ng ilang taon? ganon ang naramdaman ko. Pero sabi nga nila, reality is different from fantasy. Walang happy ending, ayon sa mga bitter. Kaya naghiwalay rin kami, dahil nalaman kong mahal niya pa rin si Anastacia.
Halos wala na akong pake noon kung ibinababa ko na ang pagkatao ko, para lang magmakaawa kay Lucas, na ako nalang. Na ako nalang ang mahalin niya. Na kahit saktan niya ako nang paulit-ulit, ayos lang, tatanggapin ko. Sa kagustuhan kong wag siyang mawala sa akin, muntik ko nang baguhin ang sarili ko. Umalis ako sa hospital nila Anastacia, at palagi na akong pumupunta sa mga bar na pinupuntahan ni Lucas, para lang mabantayan siya. Kahit ang pag-iyak nalang ang parati kong ginagawa, habang nakatingin sa kanya, na nakikipaghalikan sa iba't ibang babae.
I keep questioning my worth, halos gabi-gabi. Tinatanong ko rin kung ano pa bang kulang sa akin, ano pa ba ang mga bagay na hindi ko nagagawa, o ano pa ba ang meron sa sarili ko, na ayaw niya. Yung tipong, willing akong sundin ang lahat ng ipapagawa niya, piliin niya lang ako, haha. I'm so pathetic, right?
"Earth to my Doctora,"
Pero isang araw, William shows up. May dala siyang ilaw, na nagbigay ng liwanag sa akin. Doon ko narealize na, sobra na. Sobra na ang lahat ng ginawa ko, para sa taong mahal ko, at sapat na yun. Parang ipinamukha niya sa akin, na tama na, na hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko, sa taong di nakikita ang halaga ko. Ginabayan niya ako, hanggang sa makalabas ako sa part ng buhay ko, na sobrang dilim.
May pumitik sa aking kamay na nakatakip sa aking mukha, kaya napakurap-kurap ako. Inalis ko ang dalawang kamay ko, sa aking mukha, at humarap kay William.
"Earth to my Doctora?" saad ni William, kaya napatitig ako sa kanya.
Napangiti ako, "William, no need to court me." desididong saad ko, kaya kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"Y-You mean?—
"Girlfriend mo na ako, William. Sinasagot na kita." nakangiting saad ko, pero may itinatagong hiya, sa loob-loob ko.
Naisip ko kaseng, pwede niya naman akong ligawan, kahit kami na. Ang panliligaw kase for me, wala naman pinipiling okasyon. Kahit kailan mo gustong ligawan ang isang tao, magagawa mo.
Tulala pa rin si William, kaya natatawang ninakawan ko siya ng isang halik sa labi. Balak ko pa sanang nakawan pa siya ng isang halik, pero mabilis niya akong niyakap.
Mukhang nakabawi na siya sa pagkagulat, "I love you, my Doctora. Hindi ako mangangako, pero ipaparamdam ko sayo araw-araw na tama ang desisyon mong sagutin ako." masayang saad nito, bago kumalas sa pagkakayakap.
Nakangiti kami sa isa't isa, hanggang sa lumapat ang labi niya, sa akin. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata, nang palalimin niya ang halikan namin.
Ramdam ko ang pagmamahal niya, na hindi ko naramdaman sa kahit sinong lalake. And right now, alam kong wala akong pagsisisihan sa huli.
"William, I'm starting to love you," saad ko sa aking isipan, bago ipulupot ang aking mga kamay, sa kanyang leeg.
I'm letting you go, Lucas. Lahat ng nararamdaman ko sayo, ay kakalimutan ko na. Hindi na ako aasa ng happy ending with you, but a reality ending with my Engineer.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (113)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
season 2 pleaseeeee!!!
10/04/2022
0thank you for this reading i am love this reading ty
10/02
0nice story
26/06/2025
0Tingnan Lahat