CHAPTER 17

CHAPTER 17
RICHIELLE ANASTACIA GREY'S POV:
Tulad nga nang napagkasunduan namin ni Vrake, ay nandito kami sa dalampasigan habang nakatingin sa papalubog na araw. Juat like what he said, today is our first date as husband and wife.
"Hindi pala tayo nakapag-honeymoon?" wala sa sariling saad ko, kaya naramdaman kong napatingin siya sa akin.
Babawiin ko na sana ang sinabi ko, pero pumunta siya sa aking likuran, at masuyo akong niyakap sa bewang, habang ang baba niya ay nakapatong sa pagitan ng aking leeg at balikat.
"V-Vrake...." naiilang na saad ko, at hindi magalaw ang aking katawan palayo sa kanya.
"You're right, we didn't even do honeymoon. Hmm, do you want to do it in this resort?" mapang-akit na saad nito gamit ang paos na boses, habang sinisimulang amuyin ang aking leeg.
Napapaigtad nalang ako kapag dumadampi ang kanyang labi, sa aking balat. Pero di ko maipagkakaila na gusto ko ang ginagawa niya— gustong-gusto.
Kung pwede lang talaga kami manatili ng ganito, siguro ako na ang pinakamasayang asawa sa buong kababaihan. Kung pwede lang.
"P-Pwede n-naman— VRAKE!" bigla akong napatili, dahil bahagya niyang kinagat ang aking leeg.
Inis na humarap ako sa kanya, at pinalo ko siya sa kanyang balikat. Ang loko naman, ay tumawa lang at hinawakan ng marahan ang kamay na itinampal ko sa kanya.
He looked at me, like I was his everything.
Biglang sumeryoso ang mukha niya, "But I guess, before we do our honeymoon, it's better if you share your problems, first." saad nito na mayroong pag-iingat.
Napatango naman ako sa sinabi niya, at kahit may pag-aalangan akong nararamdaman ngayon, ay inaya ko siyang maupo sa buhanginan.
Siguro naman ay di niya agad ako huhusgahan, hindi ba?
"My problems started when my mother left me, for another m-man." huminga ako ng malalim, upang kumuha pa ng lakas. "Halos halikan ko na ang kinatatayuan ni Mommy noon, para lang hindi niya ako iwan. But guess what? she still left me." dagdag ko, at tumingala, upang pigilan ang mga luhang nagbabadya.
Napansin ko naman ang nag-aalalang tingin ni Vrake sa akin, kaya nginitian ko siya ng tipid.
"You can stop—
"N-no. You're my husband, k-kailangan may alam ka rin sa past ko..." saad ko, at tinapik ang balikat niya.
This is the right thing to do.
"And after my mother left me, I met Theron...y-your friend. We became friends into lovers. Sa una, parang perpekto ang lahat. Mahal niya ako, at mahal ko siya." mapait akong napangiti, "Pero katulad ng ibang relasyon, sinubok kami. N-nalaman kong.....niligawan niya lang ako, nang dahil sa p-pera.." dagdag ko, at di ko na napigilan ang mga luhang nagpapaunahan sa pagbagsak.
Kaagad pinahid iyon ni Vrake at marahang hinaplos ang aking pisngi. Katulad kanina ay binigyan ko lamang siya ng isang ngiti, bilang patunay na okay lang ako.
"Sino ba naman ang matutuwa, kung nalaman mong lahat ng ipinakita ng isang tao sayo, ay peke? So, minura at minura ko siya ng mga oras na iyon. Galit ako sa kanya, pero mas galit ako sa sarili ko, nang mga oras na iyon. Alam mo kung bakit? dahil mas pinaniwalaan ko si Theron, kesa kina Eloise at Lucas, na may kakaibang kutob, sa boyfriend ko." napatawa ako ng pagak, "Napakatanga ko noon, di ba?" saad ko, habang nakatingin sa mukha ni Vrake.
Umiling ito ng sunod-sunod, "You're not dumb. Nagmahal ka lang ng sobra noon, at yun ang naging mali mo." pagpapagaan nito ng loob ko.
Kung may makakarinig sa amin, siguro pagkakamalan kaming magkaibigan lang, na naglalabasan ng sama ng loob, haha.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, at naisipang magpatuloy nalang, sa pagkukwento, "Ang away namin ni Theron ay nasundan nang nasundan, hanggang sa dumating ang araw na pilit ko nang ibinabaon sa limot, hanggang ngayon. Yun ang araw kung saan, napagbuhatan niya ako ng kamay, sa sobrang inis o galit niya ata sa akin. Tumama ang ulo ko sa kanto ng mesa. At after kong magising mula sa sampung araw na pagtulog, walang araw na hindi ako umiyak, at mas pinipili kong mag-isa. Funny, because I even tried to kill myself that time. Dala na rin siguro ng depression ko." mahabang lintaya ko, habang inaalala ang mga nangyari noon na bumago sa akin ng husto.
Ganito pala ang pakiramdam na unti-unting nababawasan ang bigat sa dibdib mo, dahil may nasasabihan ka ng mga nasa isip mo.
"Kanina lang rin, nagkaroon kami ng argument ni Eloise kasama si Lucas....and I can't help but to feel bad about it." napabuntong-hininga ako.
"Argument? about what?" curious na tanong nito.
Chismoso rin pala ang asawa ko, haha.
"About Theron. Actually, this is the second time na pinag-awayan namin si Theron, at....." saad ko, at nag-aalangan nang ituloy ang sasabihin, dahil baka mabigyan niya ito ng maling kahulugan.
Itinaas nito ang isang kilay, like he was asking me, kung bakit ako huminto.
"Then?" di niya na napigilan at napatanong na.
"Uhm, wag mo sanang bigyan ng ibang kahulugan ito. Kase, mas kinampihan ko na naman si Theron, over Eloise and Lucas." di makatingin sa mga mata niya, na saad ko.
Kahit di ako nakatingin sa kanya, ramdam kong titig na titig siya sa aking mukha, na parang inaalam kung anong dapat niyang sabihin.
Bumuntong-hininga siya, "Sometimes, we need to be unfair...lalo na kung alam nating tama naman ang ginagawa natin. But the question is, do you think, you're in the right side a while ago?" kaswal na saad nito, at dahan-dahang humiga sa buhangin.
Ako naman ay sinundan lang siya ng tingin, bago magkibit-balikat.
"I'm not sure either. May isang bahagi kase ng utak ko, na nagsasabing tama naman ako. At sa kabila naman, sinasabing mali ako." natatawang saad ko, at napailing-iling nalang.
Ininguso niya naman ang tabi ng hinihigaan niya, na parang sinasabing humiga rin ako, so I did. Ayaw kong palampasin ang pagkakataon na ito, sa di ko malamang dahilan.
"Hmm?" patanong na saad ko, habang magkaharapan kami.
"Kung hindi mo makuhanan ng sagot ang isip mo, why not ask your heart? at kung sa palagay mo, naging magaan ang loob mo, dahil sa ginawa mo kanina, then you're in the right side of the argument. Pero kung hindi—
"Then I'm on the wrong side again, just like what happened years ago?" patanong na putol ko, sa sasabihin niya.
Ngumiti siya, at marahang tumango, "And you better talk to Eloise and that attorney friend of yours, when we came back to the city." suggestion nito, na sa tingin ko, ay dapat ko talagang gawin.
I don't want to lose Eloise, same with Lucas. They're my friends for how many years already, so I treasured them.
Lumipas ang katahimikan sa pagitan namin, bago ako ngumiti sa kanya nang matamis.
"Thank you for listening, h-hubby..." nahihiyang saad ko at iniiwas kaagad ang tingin, nang makita kong dahan-dahan siyang ngumisi.
Akala ko ay wala siyang gagawin, pero bigla nalang siya nagsalita, habang ang bibig niya ay nakatapat mismo sa aking tenga.
"Call me like that, again." utos nito sa mapang-akit na boses, pero mabilis akong umiling at tinulak siya palayo sa akin, bago ako magsimulang tumakbo, papalayo sa kinahihigaan namin.
Natatawang inilabas ko ang aking dila, upang inisin siya. I know, it's childish...pero hahayaan ko ang sarili ko na makawala sa pagiging matured.
"If I catch you, starting today, you'll call me like that." pagbabanta nito at nagsimula na sa paghabol sa akin.
Muntik pa akong matisod sa isang batod na nasa dalampasigan, buti nalang ay hindi ako lampa. At kung napapatanong kayo sa inyong isipan, kung meron bang ibang tao rito, bukod sa amin ni Vrake, ang sagot ko ay wala. This is one of the Hendrix's properties, kaya dito kami pumunta ni Vrake. Hindi ko lang alam kung sinadya niyang kaming dalawa lang ang narito, o sadyang wala lang turista ang pumunta rito.
Pero imposible naman, di ba? aish.
Nang dahil sa pag-iisip nang kung ano-ano, di ko namalayang naabutan na pala ako ni Vrake, dahil bumagal ang pagtakbo ko.
"Got you, my wife." masayang saad nito, habang nakayakap sa aking bewang.
Napatawa nalang ako, at nakangiting tinitigan ang mukha niya.
"Hubby, then." nakangiting saad ko kasabay ng paggulo ko sa kanyang buhok.
—
KINAGABIHAN, masaya kaming kumain ng dinner ni Vrake, na siya rin ang nagluto, rito sa loob ng penthouse, na ipinatayo niya raw rito sa resort, noong makaramdam siya ng boredness.
Sana lahat, hindi ba? ako kase, kapag bored ako, gumagawa ako ng mga bagay na ginagawa ng isang baliw— biro lang, haha.
May bigla namang pumasok sa isip ko, kaya tumingin ako kay Vrake habang nakanguso.
"Ang unfair mo," biglang saad ko, habang nakatingin sa kalangitan, na kitang-kita rito sa veranda.
Dito kase namin naisipang magpatunaw ng mga kinain namin, na masasarap talaga, dahil gawa yun ng asawa ko.
Napakunot ang noo ni Vrake, "Why? did I do, something wrong?" pagtatanong niya, at tumingala pa na animo'y iniisip kung may nagawa nga siyang mali.
I chuckled, "No, that's not what I meant. Uhm, ang unfair mo lang kase nagkwento ako about my past, and you're not.” saad ko, at alanganing tumingin sa kanya.
Bahagya na naman itong natigilan at umiwas ng tingin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na, wala siyang tiwala sa akin. Alam kong mahirap naman talaga magkwento sa isang tao, but I'm his wife. Kung nag-aalala man siya, na baka husgahan ko siya, then he's wrong. I won't judge him right away. Instead, I would listen to his story carefully.
He cleared his throat, before speaking, "If you're asking about my past with Brielle, we've been in good and not toxic relationship." saad nito na may ngiti sa labi.
This is the first time na nakita ko siyang ngumiti ng ganyan. Yung ngiti na magkahalo ang saya at lungkot.
"But, everything went wrong, when you entered the scene." tumingin siya sa akin, na para bang sinasabing hayaan ko siyang magpatuloy, kaya tumango ako.
"You came into my life, unexpectedly. Brielle is my fiancé, when your grandpa and my parents asked me a favor, to marry you. At first meeting with them, I declined the offer. I love Brielle....I really do. Iniisip ko palang na masasaktan ko siya, sa oras na malaman niyang, ikakasal ako sa iba, at hindi sa kanya. But my parents said, I need to see you, before deciding. So, even I'm so busy that time, I went to the hospital just to see what my fiancé looks like. Nakakatawa lang, kase bubuksan ko palang ang pinto ng kwarto ng lolo mo, palabas ka rin pala." napapailing na saad nito.
Kahit ako ay natatawang napakamot sa ulo. Naalala ko kaseng, hiniling kong siya sana ang maging fiancé ko. Pero di ko pa rin maiwasang masaktan, para kay Brielle. It should be them, walking in the front of aisle, making vows, treating each other as husband and wife. Di ko tuloy maiwasang makaramdam ng guilt.
"You seemed so beautiful on my eyes...you really do. You're so simple, not wearing make up that time. And an awkward thing, came up to my mind that time. Saying, how I wish, she's the woman that I'll marry, not even thinking about Brielle."
"So—
"I think, you have magic that time, hahaha. You're so attractive, that I even said yes to your grandpa, when he asked me again, to marry you. Nawala sa isip ko, na may fiancé na ako nang mga oras na yun. Na may inaya na akong magpakasal, bago pa man kita makita. I'm an asshole, I can say that. But one thing I knew, hindi ko pinagsisisihan na ikaw ang pinili kong pakasalan, over the woman I loved for about three years." mahabang pagpapatuloy nito.
Nakatitig lamang ako sa mga mata niya, hanggang sa unti-unti nang naglalapit ang mga mukha namin, hanggang sa maramdaman ko ang malambot niyang labi, sa labi ko.
Mood for tonigth is different. The atmosphere was too hot, between us. Ang malambot niyang labi ay nagumpisang gumalaw. Lahat ng mga nasa isip ko, tila naglalaho ng unti-unti, habang tumutugon sa mga halik niya.
Pero kahit nadadala na ako, pinilit kong huminto at itinulak siya ng marahan.
"D-do you still love her?" I asked with hesitation.
Takot lang siguro ako na malaman na mahal niya pa ang ex fiancée niya. At sinira ko lang talaga ang pagsasama nila, dahil sa arranged marriage na ito.
"Honestly, I still have feelings for her....pero hindi na kagaya ng dati. It starting to fade away, just like our memories together in my mind." saad niya habang nakatitig sa mata ko.
Ngumiti ako, "Thank you for being honest with me, this time. I appreaciated it." malumanay na saad ko, at ako na mismo ang humalik sa kanya, at ipinulupot ang aking kamay sa kanyang leeg.
Naramdaman kong niyakap niya ako sa bewang, habang tumutugon sa halik ko.
Forgive me Brielle, for ruining your future with him. This time, I'll be selfish for my happiness. I love Vrake....iyan ang alam ko. I may be look bad, for being happy, knowing that Vrake starting to lose his feelings for her.
And if borrowing my husband from Brielle, is a crime, handa kong kunin si Lucas as my attorney in the court.

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    Ashieee

    season 2 pleaseeeee!!!

    10/04/2022

      0
  • avatar
    MallillinEmily

    thank you for this reading i am love this reading ty

    10/02

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story

    26/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata