Chapter 4

[ Jai's PoV ]
*guitar strumming*
*pens clicking*
"Coz' this is what I'm made of~" pag-uumpisa ko habang nakapikit at dama ang daloy ng musika sa sistema ko.
"I have been made of...lost things, diamond rings, and the way that I've been fixed~"
"Jai!" Napatigil ako sa pagtugtog at pagkanta ng biglang pumasok ang seniors namin, ang RUM team. Hindi ko alam kung bakit naging rum team ang name nila eh pero ewan ko, mukang matagal na din daw kasi nag-eexist yan eh!
"Oh, George! Anong meron?" Tanong ko sakanya. He's also one of my seniors at sya ang leader ng RUM.
"Meron kaming ipapagawa sayo at sa grupo mo," sabi niya.
"May competition kasi ang music and arts department and I want you to join since marunong naman kayo tumugtog." Napalingon ako kila Asni dahil sa sinabi ni George like asking for their permission kung papayag sila.
"I see no reason not to." Sabi ni Kein. Ngumiti ako kay George at tumango at pinat ang balikat nya.
"Kung mananalo kayo, gagamitin natin ang premyo sa pagre-rebuild ng isa sa mga faculty rooms ng department natin. Kaya galingan nyo." nagpasalamat muna sya sa akin bago umalis.
"Guys, bibili muna akong meryenda ha? Nagugutom na ako eh!" sabi ni Nice bago tumayo, kanina pa kasi sya nakaupo wala namang ginagawang may kwenta.
"Anong gusto nyo? Juice? Milktea? Or me?" natawa na lang kami sa kakulitan niya at sinabi ang gusto namin.
"Samahan na kita, dude." sabi ni Kein.
"Milktea sakin." sabi ko. Milktea din daw kay Leo at Asni. Tumango lang si Nice tsaka na umalis.
"Okay lang ba na pakawalan yung aso?" biglang tanong ni Asni.
"Hahahahaha!" di na namin siya sinagot at pinagpatuloy na lang ang ginagawa namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[ Web's PoV ]
"Tabi!" asar na sigaw ko sa mga nadadaanan ko, ano namang pakialam nila? Eh sa nabubwisit ako eh!
"Chill ka lang bro, makakaganti ka din. Easy ka lang." Tumingin ako ng masama kay Makko pero nakangiti lang ang mokong.
Ako? Magchi-chill? Easy? Sa tingin ba niya ganun kadali yon? Eh buong pagkatao ko yung tinapakan?
"Ako? Magchi-chill? Eh kung basagin ko yang mukha mo?" pagbabanta ko sakanya. Tumawa lang siya sakin at umiling kaya di ko na lang siya pinatulan pa, madadagdagan lang init ng ulo ko.
‘Kung sino ka mang hayop ka, may araw ka din sakin!’
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[ Makko's PoV ]
Natatawa na lang ako kay Web dahil sa inaasal niya. Sino ba namang hindi matawa kung makikita mo yung kaibigan mong apaka-siga pero tiklop dahil sa lalaking mas malala pa ang saltik kesa sakanya.
Flashback:
Andito kami ngaun sa cafeteria, bumibili ng snacks para sa mga senior namin na bumisita sa club namin, ang Arthe Guild.
"Pre, bakit kaya bumisita ang AG sa club natin? Ano kaya pag-uusapan nila?" tanong ni Web sakin na nag-iintay sa mga inorder namin.
Sumandal ako sa may counter at tumingin sa mga babaeng nakalinya sa harap ko, kinindatan ko lang etong chix na nasa harap ko at si ate, kilig na kilig!
Ano magagawa ko? Kahit sinong babae, mahuhulog at mahuhulog sa akin. Sa gwapo kong 'to? Hah!
"Aray!"
"Ang landi mo talaga, tumino ka nga!" ansaket naman ng pagkakasapak ni Web sakin. Sumimangot ako pero ngumisi lang sya. Loko talaga!
"Babe naman, ba't ka naman ganyan sakin? Di mo na ba ako mahal?" pag-iinarte ko sabay haplos sa balikat nya. Rinig ko namang tumili ang mga babae sa likod namin habang pinapatay naman ako ni Web sa tingin.
"Wahahahahaha bakla! Hahahahaha!" Napalingon kami ni Web sa lalaking tumatawa sa likod namin. Kung makatawa naman, kala mo mauubusan ng hininga eh!
"Anong sabi mo?" patay na, away 'to! "Sinong sinasabihan mong bakla?"
"Yang kaibigan mo? Bakit, hindi ba?" pinigilan ko na si Web dahil yung tingin niya mukang may bangkay nanaman kaming ililibing ngayon.
"Web..."
"Eh g*go to eh!" asik ni Web sabay wisik sa kamay ko tsaka sinapak sa mukha yung nang-asar sakanya na sya namang nanapak din kay Web.
"WEB!!" sigaw ko tsaka sya hinila papalayo. Bigla namang nagbago ang expresyon ng lalaking sinuntok ni Web, mukang palaban 'to! Ayoko ng away, baka matakot ang girls sakin!
"Tara na, Web! Ano ba!" pigil ko sakanya tsaka mabilis na kinuha ang mga order namin.
"Pinigilan mong lumandi sa babae yang kaibigan mo dahil may gusto ka sakanya, tama ba?" pang-aasar nung lalaki, kaya humakbang nanaman si Web papalapit sakanya. Ako naman, todo pigil.
"Di pa tayo tapos, humanda ka sakin!" gigil na asik ni Web tumingin ng masama sakin at nauna nang maglakad papalayo. Tumingin muna ako dun sa lalaking nakangiti sa akin tsaka naglakad papalayo.
End of Flashback
Nang makarating kami sa club room namin, nilapag ko na ang mga meryendang binili namin tsaka umupo. Asar namang pumunta si Web sa punching bag sa gilid ng room at don nilabas ang inis niya.
"Anong nangyare kay Web?" tanong ni Kavin sa akin. Nginitian ko sya at tumingin kay Web tsaka nagsalita, "may nakaaway sa canteen kanina, inasar kasi sya kaya ayan. Alam mo naman si Web, mas malala yang timpla nyan pag pikon."
"Nga pala, ba't wala na mga seniors dito? Umalis na sila, di man lang inantay ang meryenda?"
"May gagawin pa daw sila eh! Sinabi lang nila na tayo mag o-organize ng event ng Music and Arts Fest within three weeks." sagot ni Kav sakin kaya tumango na lang ako. Kinuha ko yung juice sa plastic tsaka inabot sakanya.
"Hmm, inumin mo 'to!" sabi ko.
"Salamat pre!"
"Pag nakita ko yung g*gong yun ulit, sisiguraduhin kong wala na syang mukang maihaharap sa buong school!" rinig kong mura ni Web habang kausap si Nic na ginagamot ang sugat ni Web. Lakas din kasi ng suntok nung lalaking yon eh! Palibhhasa, malaki katawan.
"Web, ba't ba asar na asar ka don?" tanong ni Kav na ikinabigla ko, alam ko na mangyayare dito...
"Wait, Web...wag—"
"Sinabihan ba namang bakla si Makko!" naloko na! napasapo na lang ako ng ulo ng makita ko ang reaksyon ng iba.
Gyera 'to, panigurado!

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Karylle Mae Escobar

    nice

    19/07/2024

      0
  • avatar

    wow

    16/03/2024

      0
  • avatar
    Manioba A. Amid

    500

    20/12/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata