Three Coins

“OSPITAL? Bakit nandiyan ka nandiyan sa ospital? Akala ko ba ay nasa airport lang kayo?” Natatarantang bigkas ni Jeany mula sa kabilang linya. “Si Jam ba iyan?” Nagbabakasakali ako na baka, sana ay magkasama sila nina Mommy at Daddy. Saktong sakto naman dahil biglaan kong narinig ang boses ni Mommy. Magkasama nga silang dalawa pero si Daddy kaya?
“Relax! Walang nangyari sa akin. Buhay na buhay ako!” saad ko sa kanya. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. “Nandiyan ba sina Mommy at Daddy?” untag ko.
“Oo. Nasa labas kami ng airport. Hinihintay ka. Nagkakape lang kami. Sobrang lamig kasi tapos bumabaha pa sa mga karatig lugar. Sobrang lakas ng buhos ng ulan e,” pagsasaad niya. “Kung nandiyan ka pala sa ospital ay mas mabuti na sigurong puntahan ka na namin diyaan.”
“Huwag!”
“Bakit naman? Teka nga, nagkita at nagkausap na ba kayo ni Chalmer?” untag niya.
“Oo!”
“Congrats! Kailangan nating magdiwang!”
“Hindi!” malungkot ko usal.
“Bakit hindi? Tapos na naman hindi ba?” Huminga siya ng malalim. Kilalang kilala ko na rin yata si Jeany. Mukhang nakabusangot na naman iyon ngayon. “Huwag mong sabihing kaya ka nandiyan sa ospital kasi wala na siya? Nahuli ka ba? HIndi mo siya nailigtas?”
“Hindi! Jeany, Huwag mong hayaang makatakbo ang sasakyan. Huwag na huwag kang aalis diyan sa kinaroroonan mo!” pagbabanta ko.
“Bakit ba? Natatakot naman ako sa pinagsasabi mo?” Biglang tumunog ang tubig mula sa kabilang linya. “Sorry! Mukhang narinig mo yata. Nagpapalabas ako sa banyo.”
“Sina Mommy at Daddy? Maawa ka.”
“Ha? Ano bang meroon kina Tito at Tita?” naguguluhan niyang usal sa kabilang linya.
“Hindi pa ako tapos kasi sina Daddy, Mommy at Kuya ang tatlong barya!”
“Teka lang! Sige! Lalabas na ako sa banyo.” Naririnig ko ang bawat hakbang niya. Hinihingal siyang tumatakbo. “Bestie!”
“Ano?”
“Bestie! Nakasakay na sila!” bumuntong hininga siya. “Iniwan nila ako rito.”
“Bakit mo hinayaan? Bestie naman e!” Biglaan akong nanghina buhat sa sinabi ni Jeany. Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari kina Mommy at Daddy.
“Sorry! Hindi ko alam. Kanina lang ay magkasama kami ni Tita sa banyo. Baka narinig niya na nasa ospital ka.”
“Ang ingay mo kasi!” sigaw ko at binabaan ko nang tawag.
“Salubungin na lang natin sina Mommy at Daddy! Papunta na sila rito sa ospital!” bigkas ko kay JM.
“Baka naman pwedeng hintayin na lamang natin sila dito sa ospital,” suhisyon ni JM,
“Tapos ano? Tutunganga na lang tayo rito habang naghihintay sa wala? Paano kung nasiraan sila? Paano kung na-stranded sila sa may baha? Paano kung kailangan nila ng tulong! JM! Tumatakbo ang oras. Habang tumatakbo ang oras ay nauubusan ako ng sandaling makausap sina Mommy at Daddy.”
“Jam! Hindi naman sa ganoon.” Papalapit sa akin si JM pero iniwasan ko naman siya. “Sorry, gusto ko lang naman makatulong!” Naiinis ako sa kanyang suhisyon. Maghihintay? Nakakapagod maghintay lalo na at maraming peligrong nakikisabay sa panahon.
“Kung gusto mong makatulong tumahimik ka.” Iniwasan ko ang mga tingin niya. Nag aalala na ako kina Mommy at Daddy. Hindi ako mapakaling nakatingin sa hagupit ng hanging kay lakas na nakikisabay sa buhos ng ulan. “Ang mabuti pa ay maghanap ka na ng masasakyan natin.” Sobrang nakakatakot lang. Ang bilis lamang nagbago ang mga nangyayari sa panahon. Kanina lamanga ay sobrang init ng panahon. ngayon naman ay kabaliktaran, sobrang lamig.
“Jam! Nakausap ko na si Chalmer. Pwede na raw nating hiramin ang sasakyan niya.” Sa isang iglap ay dumating si Kael at nagbigay ng isang magandang balita.
“Ganoon naman pala e. Tara na!” Mabilis silang dalawa na sumunod sa akin. Kahit na sobrang lamig ay nagpatimpasaw ako sa ulan upang marating lang ang sasakyan ni Chalmer.
“Sino ang magmamaneho?” untag ko. Hindi sila nagsasalita. Mukhang takot sila.
“Jam! Malakas ang buhos ng ulan. Baka mapaano tayo,” wika ni Kael.
“Ikaw?” tingin ko kay JM. “Pwes! Kung ayaw ninyong magmaneho. Ako na lang!” Itinulak ko si Kael at pinaandar ang sasakyan. Biglaan na lamang akong napahinto ng may isang malaking puno na naputol dahil sa lakas ng hangin sa harapan ko.
“Ako na ang magmamaneho!” Itinulak ako ni Kael at inilipat sa tabi niya. Si JM naman ay nasa aming likuran. “Muntikan na tuloy tayong bumungo.”
“Sa hindi naman talaga ako marunong e.” Naiinis akong tumingin sa may labas.
“Jam!’ biglaang nagsalita si JM mula sa likuran ko.
“Ano na naman? Magsusuhisyon ka na naman ng walang kabuluhan!” wika ko. Iwan ko sa sarilii ko pero naiinis ako sa lahat ng bagay. Naiisip kong baka mas maiging mag-inis inisan ako kaysa dibdibin itong mga nangyayari. Baka atakihin ako sa puso kong muli na naman akong magmumukmok at iiyak na lamang sa isang tabi. Patawarin sana nila ako. Babawi rin ako sa kanila kapag matapos na ang walang awang araw na ito. Nakakapanghina.
“Jam! Iyong kilay mo, tumataas.” Ngumisi siya pero sinamaan ko lamang siya ng tingin.”Gusto ko lang naman sabihin na. Tawagan mo kaya ang mommy mo?” Hays! Oo nga no? Bakit ba nawala sa isip ko? Sa kakaisip ko sa kanilang dalawa ni Daddy ay hindi ko naisip na tawagan sila. Halos makalimutan kong may cellphone din pala silang dala.
“Subcriber cannot be reached…” Naitapon ko ang aking cellphone ng marinig ko na naman ang isang boses. Hays! Wala na namang signal. Baka naubusan na sila ng baterya? Kasi maging ang cellphone na gamit ko ay paubos na rin ang batterya. Sa sobrang pagkainis ko ay muli ko na namang hinanap ang cellphone ko na nasa paa ko na ngayon.
“Jam! Please naman. Kumalma ka naman o!” wika ni JM. Paano nga ba kakalma kung kaunting oras na lamang ang mga nalalabi. May mga sagabal pang nangyayari.
“Paano kakalma? Nasa peligro ang Daddy at Mommy ko!” Mariin kong kinuha ang cellphone ngunit isang bagay ang biglaan ko na lamang nahawakan mula sa malapitan ng cellphone. Isang barya. Nanikip ang dibdib ko habang binabasa ang pangalan ng taong tumatawag sa akin.
“Kuya Ricxian si Calling!” Hay! Meroon pa pala si Kuya. Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Sasagutin ko siya tapos…
“Sino ba iyang tumatawag?” untag ni Kael sa akin.
“Si Kuya!” Sa pagbigkas ko nito ay biglaan na lamang sumardo ang aking hawak na cellphone. Tuluyan na ngang naubos ang batterya ng cellphone na ginagamit ko. “Naubusan pa ako ng batterya! Nakaka…”
“Gamitin mo muna ang cellphone ko.” Ibinigay sa akin ni Kael ang hawak niyang cellphonr. Paubos na rin ang batterya pero sapat na siguro ito. “Tawagan mo siya at kung maaari ikwento muna ang iyong panaginip!” Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko man lamang ito naisip na gawin. OO nga. Baka sakaling umepekto kung matawagan ko siya at masabihan.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Judy-ann Sasis

    Highly recommend guys, the title caught my attention and the writing style is very unique. I love the way how you enhanced the characters development. Keep up the good work. Good luck to your writing journey. More stories to come! 😊😊😊

    03/06/2022

      2
  • avatar
    d******b@yahoo.com

    such a nice story, Highly recommended....

    19/05/2022

      3
  • avatar
    MabansagSopronio

    beautiful

    19/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata