The Coins

“TRAIDOR ang mga panaginip. Kung inaakala mo ay tapos na. Hindi mo alam, magsisimula pa pala!” Natahimik ako sa tono ng pananalita ni Cliff. Biglaan akong natakot sa kanyang isinawika. Bakit parang imbis na masaya na ako ay muling bumalik ang takot sa dibdib ko?
“Noong una, kay bilis ko lang naman nareresolba ang aking mga panaginip. Ngunit, dumating ako sa puntong hindi ko na alam kung sino ang ililigtas ko dahil wala na ang mga mukha. Wala na iyong mga presensiya ng mga taong magsisilbing gabay ko upang iligtas. Naka-fucos na ako sa mga makabuluhang bagay, mula sa itim na pusa, itim na paru-paro, itim na anino at ang pinakamasakit sa lahat ang barya at puno.”
“Barya?” untag ko.
“Masaya ako noon habang kausap si Crysna. Sobrang saya ko habang hawak ang kanyang kamay. Tapos ko na ang aking mga panaginip. Kampante na akong wala ng taong nangnganib. Nailigtas ko na ang itim na paru paro, itim na pusa, at anino. Naglakad muna ako upang bilhan siya ng makakain namin. Tapos, pagbalik ko. Tumalon na siya!” pagkwekwento niya. “Doon ko lang nalaman na siya pala ang nag-iisang barya sa panaginip ko. Habang ang dinadala niyang anak ang kahoy.” Ibig sabihin hindi pa pala tapos ang lahat? Sino naman ang ililigtas ko? Siguro, si Mommy. Kailangan kong iligtas si Mommy kasi ang presinsiya ng kahoy ay ang sangol na nasa sinapupunan ni Mommy. “Hindi ko pwedeng sisihin ang sarili ko sa pagkawala ni Crysna. Kaya naghanap ako ng masisi. Kaya si Kael ang unang pumasok sa isip ko. Si Kael ang nagpasakit sa kanya kaya dapat sana si Kael ang nawala!” Kaya pala ganoon na lang ang nangyari sa kanya. Sobrang mahal niya si Crysna kaya ganito ang nangyari sa kanya. Nakakapanghina na isang pag-ibig ang nawala dahil sa sumpang dala sa panaginip na ito.
“Cliff.”
“Jam! Ayaw kong humantong ka rin sa puntong maghahanap ka ng masisi dahil may taong hindi ka nailigtas. Ayaw kong magaya ka sa akin na naghahanap ng hustisya sa isang bagay na nagmula lang naman sa sumpang nakabalot sa isang panaginip.” Huminga siya ng malalim. “Kaya hanggat hindi pa huli ang lahat. Gumalaw ka na dahil tumatakbo ang oras.”
Napahilamos ako ng tuluyang nawala ang tawag. Kailangan ko ng magmadali.
“Ano iyon?” untag ni Kael na kakapasok lang kasama si JM.
“May problema!”
“Ano?” magkasabay silang tatlong nagsalita.
“Hindi pa tapos ang lahat. Kailangan ko pang malaman kung sino ang punong kahoy at ang tatlong barya!”
“Iyan na nga ang sinasabi ko kanina e!” Napatingin ako kay Chalmer. “Bago mo pa sagutin ang tawag ay iyan na nga ang dapat kung sabihin. Kung paano naman ang barya?”
“Sino sa tingin mo?” untag ni JM.
“According sa sinabi ni Cliff ay isang sanggol o nasa sinapupunan ang ibig sabihin ng kahoy.”
“Ibig sabihin ang Mommy mo ang sinasabi sa panaginip na iyan!” wika ni Kael.
“Mismo!” pag aapruba naman ni Chalmer. Napapangiti na lamang ako. Nandito silang tatlo ngayon sa aking harapan. Nagtutulungan para sa akin.
“Ngunit, sino naman ang dalawa pang barya?” naguguluhang tanong ni Kael.
“Hindi ko alam!” wika ko.
“Hindi ba ang sabi mo ay may mga sinyales? Tulad ng itim na paru paro.” Pinagmasdan ni Chalmer ang buong silid. “Teka, nawala na nga ang kanina napapansin kong itim na paru paro.”
“Oo. Once na masabi ko na sa tao ang nangyari sa aking panaginip ay tuluyan ng maglalahong parang bula ang mga bagay na sumasalamin sa kanila.” Ganoon din naman ang nangyari sa mga paru parong nasilayan ko noon kina Kael at JM. Maging kay JEany.
“Alalahanin mo lahat. Baka may mga signs na pala kanina pa lamang!” suhisyon ni Chalmer sa akin.
“Naalala ko na. Iyong barya. Iyong barya na itinapon sa iyo kanina ng babaeng kasintahan ng artista,” pagsasalita bigla ni Chalmer. “Iyong artistang pinagkamalan mong ako.”
Biglaan na lamang nanumbalik sa akin ang mga pangyayari kanina. Noong biglaan ko na lang tinawag si Chalmer dahil`inakala kong siya iyong may suot ng kapareho ng tshirt namin. Tapos biglaan na lamang dumating ang isang babaeng galit na galit. Inaakusahan akong mang aagaw ng kasintahan. Ahas daw ako. Hindi ko man lamang naipagtangol ang sarili ko. Hanggang sa tinapunan niya ako ng barya.
“Ito, barya. Pakikiramay sa sinira mong relasyon!” Biglaan ko na lamang naibulalas. Nakita kong naguluhan sila habang nakatingin sa akin. Sino ba namang mag-aakalang may simbolismo pa lang dala ang baryang itinapon sa akin ng babaeng iyon. AKala ko ay walang kabuluhan lang iyon.
“Ano na?” untag nilang tatlo sa akin.
“Si Daddy ang isa. Naalala ko. Noong tinapunan ako ng barya ng babaeng iyon. Tinawag ako ni Daddy kaya siya ang agaran kong nasilayan!”
“Okey iyan! Si Tito lang pala. Pupunta naman tayo sa bahay ninyo ngayon din.”
“Paano ako?” wika ni Chalmer.
“Ipagbabalot na lang kita. Sasakay na lang kami sa sasakyan mo! Para iyong driver ang magdala,” suhisyon ni JM.
“Gusto niyo lang yata maka-libre ng sakay e.”
“Parang ganoon na nga!” humalakhak silang tatlo.
“Sino pa ang mga napansin mong may sinyales na dala?” untag naman ni Chalmer.
Muli akong pumikit at inalala ang mga nangyari. Noong hinahabol ko si Chalmer dahil papalabas na siya ng gym. May biglaang bumundol sa akin. Tumawa at tinapunan ulit ako ng barya. Galit na galit pa nga si Jeany noong mga sandaling iyon e. Hindi lang barya ang sinyales noon dahil may punong naputol. Sa pagtingin ko sa cellphone ko ay naroon at tumatawag si Mommy.
“Tama nga kayo. Si Mommy ang isa sa tatlong barya. Naalala mo ba JM? Iyong kinaladkad mo ako papasok ng taxi? Si Mommy ang tumatawag noon at hindi lang barya kundi pati kahoy ay naroon!” pagkwekwento ko habang nakatingin kay JM. Tumatango naman siya.
“Sina Tito at Tita lang pala. Kayang kaya mo na iyon. SIguro naman naroon lang sila sa inyong bahay at nag-aabang sa iyong muling pagdating,” pagsasalaysay ni JM.
“Ang sabihin mo. Gusto mong sumama dahil may pakain doon. Simpleng celebration!” nang iinis na wika ni Kael.
“Bakit ikaw ba hindi?” humalakhak na wika ni JM.
“Gusto!”
“Umayos nga kayong dalawa!” masungit na bigkas ni Chalmer. “Isa na lang. Isipin mong mabuti kung sino ang isa pa, Jam! Kayang kaya mo iyan!”
Napahid ko ang aking mukha.
“Uminom ka muna!” Pagbibigay ni JM sa akin ng tubig. Saktong sakto kanina pa ako nauuhaw. Nauubusan na ako ng tubig sa bibig at luha sa mga mata. Sobra sobra na ang mga pangyayaring naganap ngayong araw. Sana man lang ay matapos na ito. Matapos itong matiwasay.
“Nagugutom ako. JM, pabilhan naman ako ng Fried Chicken sa may labas o,” utos ni Kael.
“Kita muna. Gutom ka lang pala tapos kukontrahin mo pa ako.” Itinulak niya ang kamay ni Kael. “Bumili kang mag-isa mo!” sigaw niya. Biglaan na lamang nahulog ang baryang hawak ni Kael dahil sa nangyari. Gumulong ang barya papunta sa aking sapatos. Biglaan na lamang tumunog ang aking cellphone at biglaan na lamang nanlaki ang aking mga mata dahil may tumatawag.
“Hello!” untag ko.
“Jam!” Si Kuya pala. Ibig sabihin si Kuya ang isa sa tatlong barya. Kumpleto na ang lahat. Kailangan ko na lamang umuwi upang pagsabihan silang tatlo. Siguro, sabay sabay na lang para hindi na ako magsasayang pa ng oras.
“Kuya! Huwag na huwag kang aalis ng bahay. Hintayin mo ako ha! Kailangan na kailangan nating mag-usap.”
“Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?” wika ni Kuya. “Kanina pa nakaalis sina Mommy at Daddy, kukuhanin ka sa airport.”
“Ano?” Nabitiwan ko ang hawak kong baso na may laman ng tubig.
“Hindi pa ba kayo nagkikita?”
“Nasa ospital ako, ngayon.”
“Bakit ka nandiyan? Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa iyo? May masakit ba sa iyo? Bunso naman e. Ano ba?” ang daming tanong naman nitong si Kuya.
“Ayos na ayos ako. Papunta na ako diyan!” Ibababa ko na sana ang tawag ng biglaang kumulog ng malakas. “Congratulations, Kuya. Proud na proud ako sa iyo!”

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Judy-ann Sasis

    Highly recommend guys, the title caught my attention and the writing style is very unique. I love the way how you enhanced the characters development. Keep up the good work. Good luck to your writing journey. More stories to come! 😊😊😊

    03/06/2022

      2
  • avatar
    d******b@yahoo.com

    such a nice story, Highly recommended....

    19/05/2022

      3
  • avatar
    MabansagSopronio

    beautiful

    19/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata