Homepage/Insane Asylum: Escape/
Kabanata III
Acadia Medical School ; Kasalukuyang Panahon
Pagtapak na pagtapak pa lamang ng paa ko sa hallway ng Acadia Medical School ay sinalubong na ako ng mga ngiti ng mga estudyanteng nakakalat sa paligid. Nakakalungkot mang isipin pero ito na yata ang huling taon na tatapak ako sa unibersidad na ito pero masaya rin dahil sa wakas ay abot kamay ko na ang aking pangarap. Kaunting panahon na lamang ay magiging isang ganap na akong psychiatrist. Hindi ko pa rin lubos maisip na nakarating ako hanggang dito. Wala pala talagang imposible basta mag-sikap ka lang.
Tinahak ko ang daan papunta sa hospital sa loob ng university. Sadyang napakalawak at napaka-ganda ng unibersidad na ito. Maraming matataas na buildings at may dormitories para sa mga estudyante na malalayo ang bahay at mas nanaisin nalang na mag-dorm kaysa ang mag-uwian. Meron din ditong mini-mall at siyempre dahil isa itong medical school mawawala ba naman ang hospital? Isa sa napakaraming rason kung bakit dito ako nag-aral ay dahil mayroon sila ng lahat ng equipments na kakailanganin ng isang medical student. Kung balak mong kumuha ng kahit na anong kurso na may kinalaman sa medisina ay natitiyak ko sa iyo na ito na ang pinaka-perpektong paaralan para sa'yo.
Naglakad ako papasok sa loob ng hospital, at itinipa ang I.D number ko sa monitoring device sa bungad ng salamin na pinto. Hindi ko pa man nararating ang information desk ay may sumalubong na kagaad sa aking isang nurse. Mukhang bago lang siya dito dahil hindi ko siya mamukhaan.
"Are you Doktora Kaoru?" tanong niya at bahagyang ibinaba ang medical mask na suot niya. Importanteng may suot kang ganiyan sa loob ng hospital para protekta sa'yo at pati na rin sa pasyente mo.
"Yes," tugon ko. Saglit niyang tiningnan ang papel na hawak hawak niya bago niya ako binalikan ng tingin.
"Room 103, Doktora Hisa is expecting you," ani niya. Tinanguan ko siya at saka sumakay na sa elevator dahil sa pag-kakaalala ko ang room 103 ay nasa ikalawang palapag.
Doktora Hisa is my head doctor. Siya ang naga-assist at nage-evaluate sa akin buhat ng magsimula ako sa aking residency.
I studied doctorate. Isa 'yon sa mga requirements para maging isang licenesed psychiatrist at magkakaroon lang ako ng license once na natapos ko ang four years residency ko at ngayon na ang first year ko then kapag nabuno ko ang four years ay pwede na akong mag-apply bilang maging isang licensed psychiatrist.
I have so many reasons why I pursued psychiatry but the main reason is that my older sister killed herself because of depression, she was also diagnosed of having schizophrenia which became the fuel to her burning desire to kill herself.
Nagsimula ang lahat ng 'yon nang namatay ang dad namin. Of all people kay dad siya sobrang close. Hiwalay na ang parents namin, si ate ay na kay dad at ako naman ay nakatira kay mom. Si ate ang naging saksi sa lahat ng pag-aaway ng parents namin dahil nasa tyan pa lang ako ni mom ng mga panahong iyon. Laging silang nagsisigawan at nagsasakitan hanggang sa tuluyan na silang maghiwalay.
Nang mamatay si dad ay sobrang nalungkot si ate halos hindi na siya nakain lagi lang siyang nasa kwarto niya, and then one day... one day, natagpuan nalang namin siya sa loob ng cr, naliligo sa sarili niyang dugo. May hiwa siya sa kaniyang leeg at pulso. Doon ko lang nalaman na sobra siyang nadepressed. If only I knew, sana natulungan ko siya. I'm so useless.
I didn't save her so I'm trying to save other people.
Bumalik ako sa relayidad nang mapansin kong nasa tapat na pala ako ng kwarto na sinabi sa'kin ng nurse. Agad naman akong kumatok sa pinto.
"Come in!" rinig kong sigaw ni Doktora Hisa mula sa loob. Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto. Nadatnan kong abala si Doktora Hisa sa mga papel na inaayos niya pero agad rin naman niya itong itinigil nang matuon ang tingin niya sa akin.
"Doktora Kaoru Miyazaki," pagbanggit niya sa pangalan ko. Itinuro niya ang upuan sa harap ng kaniyang lamesa. Nakuha ko naman ang nais niyang sabihin kaya naupo ako roon. Iginala ko ang paningin ko sa opisina niya. Halos mapuno na ang dingding niya ng mga certificates. Tunay ngang isa siya sa pinaka-magaling na doktor dito. Mapalad ako at siya ang nagsilbing mentor ko.
"Sa lahat ng doktor na nakagraduate sa eskwelahan na ito, sa iyo lang ako bumilib," bungad na pahayag niya pagkaupong-pagkaupo ko dahilan para matuon ang pansin ko sa kaniya. Halos pamulahan ako sa sinabi niya.
"Thank you po," pagpapasalamat ko at ginawaran siya ng ngiti.
"You're doing great on your residency as well but—" Inilagay niya ang kaniyang siko sa lamesa, habang ang kamay niya ay nakalagay sa kaniyang baba. Nagtatakang napatitig ako sa kaniya. Kailangan ko na bang mamaalam sa residency ko? Hindi pwede 'yon.
"But...?"
"But.. I need to let you go," pagpapatuloy niya. Kusang bumagsak ang balikat ko sa narinig. Ibig bang sabihin nito ay hindi na ako magiging psychiatrist? Hindi talaga pwede.
"What do you mean, Doktora Hisa?" Gusto kong makasigurado. Sinimulan na akong kabahan nang matagal siyang nanahimik. Baka mawala pa ang inaasahan kong license. Ang sabi niya I'm doing great kaya bakit ganito?
"We'll send you on field," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan.
Hindi ko alam kung matutuwa o kakabahan ba ako o dapat ba akong mabahala. They'll send me on field. Meaning sasabak na ako sa totoong buhay ng isang psychiatrist, 'yong hindi puro consultation lang ang ginagawa. Parang ojt kung tawagin sa iba. Alam kong parte ito ng training at kailangan ko talaga itong gawin.
"I..It's fine with me Doktora Hisa. Saan po pala?"
"Insane Asylum."
Literal na napanganga ako dahil sa narinig ko. Insane Asylum? Marami na akong naririnig na kwento tungkol sa lugar na iyon at kung inaakala niyong masasama 'yon—nagkakamali kayo. Ang Insane Asylum ang isa sa pinakasikat na Asylum sa buong bansa at mundo. Hindi lang sa matagal na ito kung hindi dahil na rin sa paraan ng paggagamot nila sa kanilang mga pasyente. Kilala sila dahil sa mga makabagong teknolohiya na ginagamit nila at halos lahat ng magagaling at tanyag na doktor at psychiatrist ay nanduduon. Hindi lang ako makapaniwala na doon gaganapin ang residency ko.
"Insane Asylum? Sigurado po kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. I donʼt feel qualified enough. Nais kong makasigurado na tama 'yong narinig ko bago ako magdiwang. Baka mamaya ay bunga lang pala 'yon ng imahinasyon ko.
"Yes. In fact, you'll start tomorrow. I suggest na ayusin mo na ang mga gamit mo. May susundo sayo 10 o'clock in the morning." Lutang ang isip na tumango ako sa kaniya.
Masyado na naging occupied ang isip ko. I hope maging maayos ako sa Insane Asylum. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Hindi ako sigurado kung sapat na ba ang kaalaman ko para bumagay sa Insane Asylum. Pero syempre gagawin ko ang lahat para maipasa ang residency ko kahit lumusot pa ako sa butas ng karayom ay gagawin ko at tiyak ako na mahihirapan akong makapasa kung sa Insane Asylum ako mag re-residency.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-ayos ng gamit. Excited ako but at the same time ay kabado. Hindi pa ako sanay sa environment sa loob ng isang psychiatric hospital, sanay akong nasa loob lang ng hospital at gumagawa ng mga consultation pero kailangan kong masanay agad kung ayaw kong bumagsak sa residency ko.
Nandito ako ngayon sa loob ng apartment na aking tinutuluyan at kasalukuyang inaayos ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon pero sa tingin ko ay baka abutin ako ng taon kaya dinamihan ko na rin ang mga dala kong damit.
Napatigil ako sa pag-aayos nang mag-ring ang phone ko, inabot ko ito mula sa study table malapit sa kama ko.
Mommy calling...
Pinindot ko agad ang answer button nang makitang si mom ang natawag.
"Hello mom," bati ko. It's been a while since noong huli kaming nagkausap at nagkita and namiss ko siya. Sobra.
"Hi, sweetie. Hindi ba ngayon na ang alis mo?" tanong niya mula sa kabilang linya. Nababakas ko ang lungkot sa kaniyang boses. Siya ang ka-una-unahang tinawagan ko matapos kong malaman na sa Insane Asylum na isasagawa ang residency ko. Siya nalang din kasi ang pamilya ko.
"Yes mom! And I'm excited!" I tried my best na maging lively ang tono ko para hindi na siya mag-alala. Knowing her, nag-a-alala siya kahit wala naman dapat ipag-alala.
"You know sweetie.. you can back out anytime. Puro baliw ang makakasalamuha mo doon at baka may gawin silang hindi maganda sa'yo." And there she goes and her vast imagination. She tend to think of the worst things that could happen. Expect the worst—that's her motto.
"Mom.. You know hindi ko pipiliin ang ganitong trabaho if hindi ako nakahanda right?" Saglit akong tumigil at tumawa ng mahina.
"And mom hindi naman baliw ang makakasama ko roon.. Remember? May kasama akong doctors, nurse, psychiatrist, psychologist and personnels. See? Don't worry about me. Nothing bad will happen to me." Narinig ko namang nagpakawala siya ng isang mahabang buntong hininga.
"At hindi naman baliw ang mga pasyente kung hindi ay mentally challenged," dagdag ko pa. Ayoko talagang marinig na may gumagamit ng salitang iyon sa pagtukoy sa mga mentally challenged na tao. Hindi maganda. It's derogatory.
Batid ko gaano niya ka-ayaw ang magtrabaho ako sa ganoong klaseng lugar. Pumayag siya na mag-aral ako ng doctorate not knowing na may plano akong maging psychiatrist. Noong sinabi ko iyon sa kaniya ay nagalit siya but later on noong pinaliwanag ko 'yong reason ko ay naintindihan naman niya ako. I'm really lucky to have a mother like her.
"I'm not gonna win this, am I? Alright. Basta magiingat ka doon and call me everyday. May sasabihin ako pero sa pagbalik mo nalang. I love you sweetie." Napangiti naman ako. Ako nalang ang meron siya ngayon kaya naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito.
"I'll surely call you every single day if possible. I need to go now mom. I love you. Take care." And I ended the call.
Pinagpatuloy ko na ulit ang pag-aayos ng mga gamit ko. Saktong natapos ako ng nine o'clock at agad naman akong bumiyahe papuntang Acadia dahil doon ako susunduin.
Nang makarating ako sa Acadia ay sumalubong sa akin Doktora Hisa.
"Are you ready?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Aalis na ako and it means hindi na siya ang hahawak sa akin. Nakakalungkot mang isipin na hindi na siya ang magiging mentor ko pero kailangan ko siyang sundin. Siya na rin ang tumayong pangalawang ina ko sa loob ng Acadia. Siya ang nag-guide at tumulong sa akin para marating ko kung saan man ako ngayon. Malaki ang utang na loob ko sakan'ya.
"Yes, Doktora Hisa."
May isang katanungan lang sa isip ko na hanggang ngayon ay wala pang sagot. Maiging itanong ko na kay Doktora Hisa habang nandito pa ako.
"Uh.. Doktora Hisa? Bakit pala ako pinalipat sa Insane Asylum.. I mean parang masyado pang maaga?" Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya at nakangiti pa rin siya. Ang tagal bago niya sagutin ang tanong ko dahil nakatingin siya sa malayo at parang malalim ang iniisip.
"Dahil magaling ka." Iyon lamang ang sinagot niya.
Ang strange lang dahil ang alam ko ang last year ng residency pa ang pagpunta ng field eh second year ko pa lang ito. Nakakapagtaka lang—ayoko namang maniwala na dahil lang sa magaling ako. Maraming iba d'yan na mas magaling bakit sila hindi pinasabak agad sa field?
"Eh kase Doktora Hisa—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.
"Nandyan na ang susundo sa iyo. Mag-iingat ka." Pagkasabi niya nito ay tinalikuran na niya ako at naglakad na papalayo.
Napatingin ako sa sinasabi niyang sundo ko raw. May isang itim na kotse ang ngayo'y nakaparada sa harap ko. Maya-maya lang ay may lumabas na roong lalaki na sa tantsa ko ay mga nasa forty years old na at base sa suot niya ay masasabi kong isa siyang driver.
"Doktora Kaoru?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin ng tuluyan.
"Yes po," tugon ko. Agad naman niyang kinuha ang iba kong gamit at inilagay iyon sa likurang bahagi ng kotse. Tinulungan ko siyang buhatin ang ilan sa mga 'yon at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kotse. Ilang sandali lang ay pumasok na rin 'yong driver sa loob at pinaandar na ang kotse.
"Doktora Kaoru, kung gusto po ninyo ay umidlip muna kayo dahil matagal pa ang byahe natin."
Napatingin ako sa driver habang siya naman ay naka-focus pa rin ang tingin sa kalsada. "Hindi na po," tugon ko. Kahit naman gustuhin kong umidlip ay hindi ko magawa dahil sa kaba na bumabalot sa akin.
Malayo-layo na rin ang nabyahe namin at puro puno nalang ang makikita sa paligid, wala ring masyadong sasakyan na nadaan dito maliban sa amin.
At dahil naiinip na rin ako at pakiramdam ko ay matutuyuan ako ng laway ay nagpagpasyahan kong kausapin nalang si manong.
"Manong, matagal na ho ba kayong driver sa Insane Asylum?" tanong ko. Nakita ko namang saglit niya akong tinapunan ng tingin.
"Mga sampung taon na rin doktora," sagot niya. Ang tagal na pala niyang nagt-trabaho dun.
"Magkwento naman ho kayo tungkol sa Insane Asylum," pag-udyok ko sa kaniya. Gusto ko sana na bago ako makatuntong doon ay may alam naman ako tungkol do'n kahit papaano. Sinubukan ko namang magresearch pero limitado lang ang mga impormasyon na nakalap ko.
"Naku doktora, pinagbabawalan po kaming magkwento ng kahit anong nangyayare sa loob," parang may halong kaba ang pagkakasabi niyang 'yon na siya namang ipinagtaka ko.
Hindi bale na lang. Baka masyado lang talagang pribado ang Insane Asylum.
Tumingin na lang akong muli sa labas ng bintana at nahagip ng mata ko ang isang street sign na gawa sa kahoy at nakasulat doon ang mga salitang 'Insane Asylum'. Isa lang ang ibig sabigin nito. Malapit na kami sa Insane Asylum. Muli nanamang umusbong ang kaba sa dibdib ko. Maging ang mga palad ko ay namamawis kahit hindi naman ako pasmado.
Katulad nga ng inaasahan ko ay ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng isang malaking gate at nakapaligid dito ang nagtataasang bakod at sa pinakatuktok nito ay may nakalagay na 'Insane Asylum'. Kinakalawang na ang gate pero mukhang matibay pa naman ito.
This is it. Wala ng atrasan nandito na talaga kami. Lalabas na sana ako ng kotse nang biglang mag-lock ulit ang pinto ng kotse. What the? Kinakabahang napalingon ako kay manong na diretso pa ring nakatingin sa may gate. "Ipapasok ko ho ang sasakyan sa loob," sambit niya dahilan para makahinga ako ng maluwag. Akala ko ay hindi na niya ako pabababain ng kotse.
Unti-unting bumukas ang malaking gate at ipinaandar na ulit ni manong ang sasakyan papasok. Ang akala ko'y pagpasok namin ay ang mismong building na ang makikita kaya nga bababa na dapat ako kanina pero nagkamali ako. Dahil sa nakikita ko ay mukhang malayo pa ang building mula sa kinalalagyan namin. Ang liit nito habang tinatanaw ko mula sa kotse. Puro puno lang ang nandidito sa paligid at sa kaliwa ko ay may isang maliit na bahay na sa palagay ko ay ang tinutuluyan ng mga guards dahil may iilang security na naka-tayo sa harap nito bitbit-bitbit ang kani-kanilang mga baril.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng isang mataas na building. Hindi hamak na mas malaki ito kaysa ng matanaw ko ito kanina. Pero hindi siya katulad ng mga building na makikita mo sa mga syudad. Mas mukha siyang isang malawak at malaking mansyon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, kung gaano kalaki ang lugar na ito.
Pagbaba ko ng kotse ay may sumalubong sa akin na batay sa pananamit niya ay nasisigurado kong isa syang doktor at ang kasama naman niya ay isang nurse.
"Doktora Kaoru, welcome to Insane Asylum. I'm Doktora Kane," bati niya sa akin ng nakangiti. May kakaiba sa ngiti niyang 'yon pero hindi ko na lang pinansin. Baka dala lang ng istriktang mukha niya.
Sinipat ko naman ng tingin si Doktora Kane at ang masasabi ko lang ay ang ganda niya kahit mukha siyang masungit at may mga bakas na ng katandaan sa mukha niya. Sa tingin ko mga nasa late forty's na ang kaniyang edad.
"Thankyou, and nice to meet you Doktora Kane," bati ko rin sa kaniya at saka siya nginitian.
"Anyway, she's Nurse Nami and she'll tour you inside the Insane Asylum. If you have any concerns and questions, you can find me at my office." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nauna na siyang lumakad sa loob ng asylum. Napatingin naman ako kay Nurse Nami, mukhang bata pa siya kumpara kay Doktora Kane.
"Let's go, Doktora Kaoru," aya niya at iginiya ako papasok ng asylum.
Pagpasok namin sa loob ng Asylum ay namangha ako sa nakita ko. Alam kong malaki ang lugar na ito pero hindi ko inaasahang ganito kalawak sa loob.
"Doktora Kaoru, doon ang information desk. Diyan inaasikaso ang mga papeles ng mga patients. Ang pag check in and check out. Diyan din kukunin ang mga schedule and lahat ng information ng mga patients."
Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. May mga personnel at nurse na nakaupo doon at may kani-kaniyang ginagawa. Ang iba ay may kausap sa telepono at ang iba naman ay may mga hawak na papel.
Tumango naman ako as a sign na naintindihan ko ang mga sinasabi niya.
Dumeretso naman kami sa loob ng first floor.
"Dito naman ang mga rooms ng patient," ani niya na nakaturo sa mga silid sa magkabilang gilid namin. Far from what I expected. Para lang siyang room sa mga normal na hospital.
"Ang mga patient na hindi severe ang lagay ang pwedeng i-admit dito sa floor na ito or iyong for consultation lang," pagpapatuloy niya.
Now I know. Hindi naman kasi pwedeng ganito ang style ng room kung severe ang lagay ng pasyente. Makakawala sila or masaktan nila ang sarili nila or worse, may masaktan silang ibang tao.
May elevator dito at hagdan pero mas pinili kong maghagdan nalang. May ilan-ilan kaming nakakasalubong na pasyente na nakasakay sa wheel chair.
Sa aming paglalakad ay may nakasalubong kaming isang doktor at tatlong nurse na nakahawak sa isang pasyenteng nakasuot ng straitjacket, kulay abo ang buhok nito at nagwawala ito. Parang kulang pa ang tatlong nurse para awatin siya dahil malakas ito.
Kinabahan naman ako nang tumingin siya sa akin at nginisian ako. Nawala lang ang kaba ko ng hatakin na siya palayo sa amin.
"Saan dadalhin yung pasyente?" tanong ko kay Nurse Nami.
"Sa fourth floor. Doon dinadala ang mga patients na severe na ang lagay at kung minsan ay nagwawala," sagot niya. Tumango naman ako sa kaniya.
Nakarating na kami ngayon sa second floor.
"Eto ang floor para sa mga padded cell," sabi niya habang naglalakad kami sa hallway.
Ang padded cell ay isang klase ng silid kung saan ang kabubuan nito ay nababalutan ng foams. Dito nilalagay ang mga patients na suicidal o 'yong mga pasyente na madalas na sinasaktan ang sarili nila by means of—minsan iniuuntog nila ang ulo nila sa pader sa padded cell ay walang ano mang bagay ang pwede nilang gamitin para saktan ang sarili nila.
Lumapit ako sa isa sa mga pinto. Gawa sa steel ang pinto pero foam ito sa likod nito. Walang visible na doorknob, tanging maliit lang na butas sa bandang taas nito. Sumilip naman ako doon.
Nakita ko ang lalaki na nakasuot ng patient's uniform na kulay blue. Nandodoon lang siya sa isang sulok at nakatingin sa kawalan.
"Siya si Akihiro Yamada. May Munchausen Syndrome siya kaya nalagay sya diyan." Napatingin naman ako kay Nurse Nami at binalik ang tingin ko kay Akihiro.
Wala naman talaga siyang sakit—pero dahil may Munchausen syndrome siya ay nandito siya. Pinapalabas nila na may sakit sila kahit wala naman. Gagawa sila ng mga paraan para mag positive sa mga symptoms para lang masabing may sakit sila. Kadalasan ay nagkakaroon sila ng gan'to dahil sa dark past nila. Siguro ay may nangyareng hindi maganda noong bata pa lamang siya.
Nagpatuloy na kami sa third floor.
"Dito naman ang rooms ng mga doctor, nurses at iba pang nagtatrabaho dito. Ang room number mo ay 13A." Tumango lang ako at naglakad papunta sa kwarto na may 13A. Mukha siyang dorm, may isang higaan, cabinet, cr at isang table. Hindi na masama. Nakita ko namang nandoon na sa loob ang mga gamit ko.
Lumabas na rin ako bago ekspeksyunin ang loob.
"And Doktora Kaoru. Huwag na 'wag po kayong papasok sa kwarto sa dulo ng hallway." Tinignan ko ang sinasabi niyang kwarto. Kumpara sa ibang kwarto dito, ang kwarto na tinutukoy niya ay may mas malaking pinto.
Dahil na-curious ako ay hindi ko na napigilang mag tanong.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam. Basta mahigpit ang utos ni Headmaster at Headmistress na bawal ang pumasok doon," tugon niya. Tumango naman ako.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang isang cylinder type building pero ang pinagtataka ko ay walang kahit ano mang pwedeng daanan papasok doon.
"Nurse Nami, ano'ng meron sa building na 'yon?" tanong ko at saka itinuro ang hiwalay na building.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na parang natatakot na siya namang ikinabahala ko pero bumalik na naman ito sa dati.
"Uhm... Doktora Kaoru, sa tingin ko po ay dapat na kayong magpahinga," sabi niya at akma ng aalis nang hawakan ko ang braso niya.
"Sandali lang—hindi pa natin napupuntahan ang iba pang floors," agap ko sa kaniya.
Muli naman siyang humarap sa akin at nginitian ako.
"Sa fourth floor po ay nandoon ang cell para sa mga severe patients. Sa fifth floor po ang mga office ng doctors, psychiatrist at psychologist. Sa sixth floor po ang operation room—, para na rin siyang mini medical hospital nandoon rin ang emergency room at sa seventh floor ay ang floor kung saan isinasagawa ang mga therapy at ang last floor, ang eight floor. It's restricted, bawal pumunta doon," sabi niya ng tuloy tuloy, parang hindi na siya humihinga kaya hinihingal siya pagtapos niyang magsalita.
Bakit ba siya namamadali?
"Mauuna na po ako, Doktora Kaoru. Kung may kailangan kayo alam niyo na po kung saan pupuntahan si Doktora Kane." Hinayaan ko na lang siyang umalis at sinimulan ko na lang ayusin ang gamit ko at para makapag pahinga na rin ako.
Pero nahihiwagaan talaga ako sa building na 'yon. Hindi rin sinagot ni Nurse Nami 'yong tanong ko at sa eight floor na restricted daw.
Hindi bale, baka kapag nagtagal ako dito ay malaman ko rin. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
it is a very memorable story where we can get a lot of lessons about life in terms of relationships with friends. families and loveones
31/07/2022
1nice. i miss this kind of psychological horror
23/05
0sana may kasunod na ang ganda sobra lalo yung dulo nakaka excite 😊
27/04/2024
0Tingnan Lahat